Chapter 22.1: Mga hadlang

5.7K 72 21
                                        

Genie’s POV

Hila hila ko si Marco ngayon papunta sa Auditorium dahil nandun na daw yung mga napatahing damit namin. Sobrang excited talaga ako kasi first time kong magsusuot nito.

Pagpasok namin sa Auditorium nandun ung CREAMS at si Jicks.

“Hi Angel ko!! dali halika dito, eto na yung costume mo oh! Bagay na bagay sa iyo,” sa sobra kong excited eh tumakbo ako kay Jicks dahil kitang kita ko yung costume ko na hawak hawak niya.

“WOOWWWWWWWWW!!!” tumingin ako kay Marco habang hawak hawak ko yung costume. Yung mukha niya eh parang batang inagawan ng kendi.

“Marco, tara na! Dali ang ganda rin ng Costume mo oh!”

“Tch!” Narinig kong sabi niya. Sama ng ugali! Tsk tsk. Sabay narinig ko si Rick na nagsalita.

“Amoy selos pre, haha tara na nga sa staee makapag prepare na sa rehearsal..” at bglang umalis na sila rick papuntang stage ng Auditorium.

“Pare tara na, little sister niya yan, haha”  dumaan si Rick sa harapan ni Marco, tinapik yung balikat at niyaya siya sa taas ng stage. Sumunod naman si Marco. Weird niya talaga.

Para siyang kisapmata, kanina sweetsweetan, ngayon naman bitter bitteran. Isang kisapmata lamang.

Ganda ko ah! Nagseselos pa siya. Hmff.

“Angel, ako na bahala dito, praktis na kayo sa taasm okie?”

Aion, masunurin nman akong umakyat din ng stage.

Inaayos ko na yung mike ko nun nang biglang bumulong sa akin,

“Anghel ka na pala ng ibang tao. Pero wag na wag kang magpapatwag ng prinsesa sa iba ah?”

“Pre!! Tigilan mo na yang ka-chessyhan mo! Tipahin mo na yung gitara!” sabay tawa ni Rick.

“Ulol!” ganti ni Marco tapos biglang bumanat na sa kanyang gitara.

-------------------------------------------

Naisukat na namen yung mga costume namin. Ang cute ji dun! :’) Kailangan ko nalang mag wig para maging kamukha ko talaga si Prinsesa Ana. Hihi

Ako si Prinsesa Ana. Siya yng Recca na tagapagtanggol ko.

Tinititigan ko siya ngayon dahil breaktime namin ngayon sa pagrerehearse. Nagtataka siguro kayo ngayon kung bakit wala kame sa klase nila Marco noh?

Batas kasi yung sponsor ng sinalihan namen na inter-school competition. Pinagppractice kame at take note, excuse kame sa lahat ng class namen buong week. Astig noh! Tapos may free tutorial pa kame sa lahat ng lessons na namiss namin. Yun nga lang, dapat daw eh manalo kame kasi regalo daw niya yun sa anak niya. Birthday daw kasi ng anak niya at mahilig siya sa Flame of Recca na anime kaya yun naisip niyang Flame of Recca ang  i-Cosplay namen.

Nakaupo ako ngayon sa may upuan sa auditorium dun at ayun sila sa taas ng stage, naglalaro ng mga tono sa gitara. Nagtatawanan.

Nakikita ko kung gaano kasaya si Marco. Ibang-iba sa hambog, masungit, suplado, masamang ugali at halimaw na Marco na nakilala ko dati.

Ayaw ko siyang nakikitang malungkot. Lalo akong nalulungkot at nanghihina. Sa ngayon, mukhang siya ang lakas ko upang maging masaya habang hinihintay ko yung oras ko.

Gusto ko ganyan lang siya. Tumutugtog at nag-eenjoy sa bawat rhythm. Sa bawat rhytym ng buhay para hindi siya ma out of tune at maligaw ng landas habang buhay, mapa soloista man siya o banda, or duet.

Kapag nawala na ako, mawawalan na rin siya ng ka-duet sa buhay. Ganito kaya yung feeling kapag namatay na ako? Yung tipong pagmamasdan ko nalang siya ng ganyan kasaya?

Strings AttachedWhere stories live. Discover now