Chapter 8: Bad Day turns Good

6.7K 58 8
                                        

Kinabukasan, malamang eh Friday na. Haha. I am so much ready for my Set mamaya sa Liang Tea House. Loaded na ang playlist ko. At ginaya ko ang CREAMS, *devil laugh*

“tenen!!”

“Anu naman yan Genie? May project ba tayo na deadline ngayon?”

Papunta na kame sa 1st class namin nun nang naisip kong ipakita sa kanya itong pinag hirapan ko kagabi.

“Baliw kang tunay bestfriend, Songlist ang tawag dito! Tingnan mo toh...” binuklat ko yung mga songlist na pinag compile compile ko kagabi sa clearbook.

Parang hindi sumakit ang ulo ko kagabi noh? Haha gusto ko kasi ma divert ung sama ng pakiramdam ko kaya busy-busyhan mode ako kagabi sa paggawa ngaun since walang assignments.

“Huwawww (a_a) andaming songs at mga favorite natin ang nandito!! MYMP songs, Kate Voegele’s, Paramore’s at marami pang iba!! Lahat ba ito ay kakantahin mo mamaya??” nakakatuwa naman ung mukha ni Elise, panu ba naman kasi, parang kumikinang kinang pa yung mukha nia sa pagtitig sa songlist ko eh!

“Relax bestfriend!... hindi lahat yan kakantahin ko, yung first 10 songs lang jan yung kakantahin ko, tapos kung may mga request sila, tas kaya ko, edi kakantahin ko. Hehe” ang pag eexplain ko naman sa kanya.

“Improving ah! Hehe Im so proud of you talaga!”

Habang pinupuri ako ng bestfriend ko, biglang nagring yung phone ko. Kinuha ko sa bulsa yung cellphone at tiningnan.

Prinsipeng halimaw calling...

Awts. Ke-aga aga tumatawag. Mukhang may ipag uutos na naman.

“Sinu yan?” biglang sinilip ni Elise.

“Yung halimaw ng CREAMS. Si Marco.”

“Sagutin mo na!”

O cge ako na ang utusan ng bayan! Sinagot ko nga yung cellphone ko.

“Hmm?”

“Pumunta ka sa clasroom ko at maki sit-in ka. Kailangan kong malaman kung may assignment sa English subject ko about sa technical writing.”

“Huh? Hindi ba pedeng itanong ko nalang sa mga classmates mo?”

“Iaattendance mo ako, Slave. Naintindihan mo ba concepcion? Hindi ko alam kung paano mo gagawin basta gawin mo, ok?”

*ting... ting.. ting..*

Binaba niya. Pakshet. Anu ba?? Nakakanginig ng laman talaga yang halimaw na yan!!! Ni kalahati ng pagkatao ko, hindi niya nirerecognize!

Robot ang tingin niya sa akin!

“Genie, mauna na ako sa taas ah, dadaan pa kasi akong CR eh, parang ang gulo ng buhok ko, see yah!” at ayun, naglaho na ang bestfriend ko. Kinain na ng CR ahaha.

OK. Mabalik sa problema ko. May klase kami ngaun eh!!! Bakit kailangan kong mag sit-in~~

Si Sir Makatol?!!? Ung teacher yata nila sa English! Patay na talaga ako! Anyways, mukhang wala na ako sa katinuan kaya dumiretso na ako sa room nila.

Pagka pasok ko sa room nila, bigla akong umupo sa bakanteng upuan.

“Del Rio...”

Nako, sasabihin ko bang present?? Waaa attendance eh! Yun ang utos ng prinsipeng halimaw! Hala nako!!

“Del Rio...” Nilakasan pa ni Sir Makatol yung boses niya.

“P-present..” sinabi ko na yung magic word. Feeling ko pulang pula na talaga ako.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now