Marco’s POV
“Lets say good bye to each other while we still can...”
GadDammet. Hindi ito si Genie. Hindi ako naniniwalang gusto ni Genie na lumayo ako sa kanya.
Nakikita ko yung mga lungkot ng mga luha niya na nangingilid na sa mga mata niya.
“Genie, you know I cant say that.”
“Stage 1: Denial”
Hindi ko alam kung anung nangyayari kay Genie. Hindi ko rin maiintindihan ang lahat ng mga lumalabas sa mga bibig niya.
“What?!”
“I Said Stage 1: Denial. You are already on the stage 1 Marco. You deny the fact na malapit na ako mawawala. Sa susunod ay Stage 2, Anger. Magagalit ka sa akin dahil hindi mo parin matanggap tapos next Stage ay Bargaining. Makikiusap ka sa Dios, sa lahat ng saints at doktor para lang makaligtas ako sa sakit ko. Tapos stage 4, madedepress ka kasi hindi ko na talaga kakayanin, ang stage 5, is i dont know kung yun ay magagawa mo pa. Tsk.”
“then what’s stage 5?”
“Malalaman mo pag nakarating ka na sa stage na yun. Pero hindi mo yun mararating hanggat hindi mo ako nakakalimutan Marco, so lets say goodbye while we still can...”
Seryoso yung mukha ni Genie. Wala akong magawa kundi ang mag panic sa lahat ng mga mangyayari.
“Anu ba Genie!! Please!!” sumigaw ako baka sakaling matauhan siya.
“Genie This is too much for me! Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi mo. Nawawalan ka na ba ng pag-asa?”
Nakita kong papalapit na si Jicks sa aming dalawa.
“Guys,~~”
“Jicks, mauuna na ako..” sinasabi niya yun kay Jicks pero sa mga mata ko siya nakatingin.
Hanggang sa tinitigan ko lang siyang unti unting papalayo sa amin.
Ang sakit.
Anu bang nagawa ko para lumayo siya sa akin ng ganito.
“Pre, tama na yan, mauubusan ka na ng tubig sa katawan.”
Hindi ako tumingin sa kanya at dumiretso ako sa swing na inupuan kanina ni Genie. Naramdaman ko ring sumunod si Jicks at umupo din sa katabi nitong swing.
“Tol, ayaw ng babae eh. Sundin mo nalang siguro kung saan talaga siya sasaya.”
Jicks’ POV
Hindi parin siya tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung anung nasa isip niya ngayon pero napakalungkot talaga ng mata niya.
Makikita mo talagang napaka halaga ni Genie para sa kanya.
“Tol, ang pag ibig para kasi yang isang test sa exam eh.”
Biglang lumingon si Marco sa akin.
“Anu naman yan pre?”
“seryoso to pre.” Tinapik ko yung balikat ni Marco at tumungo siya ulit.
Parehong pareho sila ni Genie kung paano malungkot.
“Anung ginagawa mo pare kapag may subject ka na delikado tapos yung final test nalang ang pag asa mo, pagkatapos ay kahit anung effort na sa pag aaral at pagrereview ay hindi mo parin masyado magets, anung ginagawa mo?”
Lumingon siya sa akin at confused yung tingin niya pero sumagot naman siya.
“Nagdadasal ako? Bahala na si God?” sabay kamot ng ulo ni Marco.
STAI LEGGENDO
Strings Attached
Storie d'amoreGaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghihintay sa kaibigang may naiwan kaya kailangang bumalik sa school Sa paghihintay ng pinaka espesyal na araw mo sa buhay mo o miski paghihintay...
