Chapter 30: Jitters

4.5K 56 18
                                        

Marco’s POV

“What’s the problem Genie?” hinawakan ko siya sa braso niya dahil para siyang natutulala at namumutla nang banggitin ni Mommy yung kasal namin ni Genie.

“Ahh eh heheh... wala po..” tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Culture shocked?”

Umiling siya at bumulong, “Nope, jitters.”

 Jitters?! Kinakabahan ako, baket siya nagkakaroon ng jitters ngayon. Baback out ba si Genie sa kasal namin?

She just said Yes nung nasa Mt. Pulag kame eh.

Argh. Nakakakaba naman pala yung ganito. But I’m sure hindi ganung babae si Genie. She wont say anything na hindi niya kayang panindigan.

Nasabi ko kasi kay Mommy na gusto kong madaliin yung kasal namin kasi wala na kameng masyadong oras.

Although hindi pa naman bed ridden si Genie ay parang nararamdaman kong matamlay siya pag tinititigan ko siya sa malayo.

Unti unting natatakot ako at kinakabahan, kaya habang may oras pa, I wanna plan our future na, Agad agad! :’)

Nginitian ko siya at yung ngiti niya sa akin ay nakakakaba habang inaaalalayan ko sila papunta sa hapag kainan namin.

Umupo si Genie sa tabi ni Paps at naging katapat ko tuloy siya. Tapos ang katabi ko naman ay si Mommy. So si Mommy ay katapat ni Paps. Hehe ang cool noh?

“So Everyone, Enjoy your meal ah.. ako ang nagprepare ng lahat ng ito. So anu na nga pala, about sa wedding. Where do we start?”

Ang paunang salita ng Mommy ko. She’s always excited with regards with that. She even planned my wedding sa ibang girl dati. Remember Marie? But she never succeeded. I wount ever let that happen.

Mahal ko si Genie eh.

“Place first.” Ang seryosong sagot naman ni Paps.

“Calaruega? St. Augustine Church? Paco Church? But I think Calaruega will be the best for them. Peaceful, Clean Air, Solemn.. what do you think young ones?”

Si Genie ay parang tumango lang. Pero parang hindi parin siya komportable sa mga pinag uusapan namin ngayon.

“I agree with Calaruega Church. Ikaw Marco?” tumango naman ako to let them know my affirmation. Nakapunta na ako once dun at dream ko rin dun dati na dun ako ikasal. Napaka gandang church nga yun, at I want the best for Genie.

“Place settled. Wait, I’ll jut down the infos” si Mommy, para talaga siyang proffessional wedding planner. Habang nakain kasi eh may hawak siyang maliit na notebook at ballpen. Talagang nililista niya every detail ng kasal namin.

“Date?”

“Around April!” tumingin si Paps at Mommy sa akin. Nahiya naman ako kaya ngumiti ako at nag puppy eyes.

“Please?”

“Ok, April 16 will do, is it ok Genie?” ang sabi ni Mommy.

Tumango siya. There is something behind that look.

Worried talaga siya. Haay.

Nakita kong tapos na ang lahat kumain kaya nag presinta na ako na ako nalang ang magliligpit ng kinainan namin.

“Kuya, Mommie, Tito, Ate Genie, doon lang po ako sa kwarto ko ah! I;ll just do my school project,” nagpaalam si Seisha.

“Mom wait lang po ah, may gagawin lang ako sa labas, lahat po ng preferences ay si Genie na magdedecide,” lumabas na ako ng bahay namin at pumunta sa may garden namin.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now