Chapter27.2: Love Lessons

5K 46 4
                                    

Ang tatay ni Genie? Sinundan ako nila dito?

Umupo ung dad ni Genie sa gitna naming dalawa ni Jicks.

“Ganyan talaga ang pag ibig mga anak, Para yang pagkanta eh, kadalasan kaya nahihirapan ang tao na makisabay sa tono ng musika, ay dahil hindi nila hinahayang madama ng puso ang tunay na himig ng musika. Kaya ayan, pag kumanta sila, sintonado.”

Napatingin ako sa dad ni Genie.

“Ngunit tito~”

“Paps  nalang ang itawag niyo sa akin. Parang mga anak ko na rin kayo since kayo ang isa sa mga mahalagang tao sa buhay ni Genie.”

Napatigil ako sa sinabi ng tatay ni Genie. Paps? Parang gusto kong maiyak. Ngayon lang ako makakapag tawag sa isang tao ng isang tatay.

“Nagets niyu ba ang sinabi ko mga anak?”

Si Jicks parang hindi siya nagrereact, naka titig lang siya kay Paps at ako bigla nalang tumungo kasi hindi ko talaga nagets yung sinabi niya.

“Sa tingin ko ay hindi talaga, pero paglipas ng mga araw at panahon, maaring maintindihan niyo rin yan.”

“Paps, anu ba talaga ang nangyari sainyo ng Mommy ko? Bakit ganyan nalang siya ka-galit na galit saiyo?” yan ang resulta ng pagka-curious ko.

At ayun, nagkwento na nga siya.Nalaman kong mag bestfriend pala ang tunay na tatay ko at siya. Tapos nagkagalit sila ng tatay ko dahil nga nahulin sila na hinalikan ni Paps yung mommy ko. Pero by that time, under alchohol siya at napaka babaw isipin na meron talaga silang relasyon.

Pero yung dad ko ay nilayasan kame nung bata pa ako nun at hindi ko na siya nakita. Hindi ko rin alam kung baket hindi hinanap ni Mommy at pinauwi si Daddy hanggang sa magkaroon talaga siya ng malubhang sakit.

“kaya kayo, pag dumating na sayo ang mga the one niyo, never let her go, kasi anytime, pedeng pede magbago ang destiny. Si Zacko, hindi ko alam na may lihim pala siyang gusto sa Mommy ni Genie, but then, naging tulay pa siya sa pagmamahalan namin. Kaya ayon, kahit na nauna si Zacko na magmahal kay Geline (yung mommy ni Genie) ayan, ako parin ang nakatuluyan niya.”

Ang galing noh, kaso lang sa love story na naririnig ko eh tatay ko ang kawawa dun. Pero that serve’s as a lesson for me. Pero paano kung si Genie ang unang bumitaw?

“Paps, mukhang magbabago na ata ang destiny namen ni Genie... Pinagtanggol ko naman siya eh.”

“matutunan niyo rin kung paano gawin ang sarili niyong destiny. Minsan nag ccollide ang mga pangarap at paniniwala eh. Kapag pinaniwalaan mo na makakamit mo ang mga pangarap mo ay talagang mangyayari yun.”

Parang mejo nagegets ko na. Pero sana maintindihan ko na talaga at makagawa na ako ng paraan upang maging ok na rin ang lahat.

Nakatungo parin ako ng sabihin ni Paps.

“Sa sitwasyon mo Marco, you have to fight by letting her go. Until your mom realizes everything. Don’t go against her, mas hindi magugustuhan ni Genie yun. Mahal na mahal ka ng anak ko pero nalulungkot yun kapag naaalala niya na wala siyang nanay. Sige mga anak,”

Umalis na si Paps at naiwan kame ni Jicks dito na tulala.

“Anu pre, ang lalim noh? Ganyan talaga si Paps, kaya sobrang inaalagaan ko si Genie kasi napaka bait ng tatay niya sa akin, marami akong natutunan sa kanya.”

“Pero tol, wala talaga akong maintindihan eh.”

“Pre kasi, ganito yan.. wag mo na isipin yun, ang pag ibig kasi, hindi yan iniisip, dinadama yan. Tara na hindi pa ako nag aalmusal, kain tayo sa bahay..”

Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon