Olympus Academy (Published un...

By mahriyumm

20.7M 761K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... More

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

LXVI | Taken

201K 8.5K 2.8K
By mahriyumm

Cesia's POV

Huminto ako sa dulo ng nagbabagang lupa, at minasdan kung paano iangat ni Art ang katawan ni Cal, at hinarap ito sa kanya.

"Art..." tawag ko, pero hindi niya ito narinig, o hindi niya pinakinggan.

Nakabuhos ang buong atensyon niya sa lalaking nasa bisig niya. Marahang dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito at nahagilap ko ang natirang kaunting pag-asa sa kanyang mga mata.

Malungkot akong napangiti.

Tama. Ikaw pa rin 'yong Art na kilala ko.

"Art!" sigaw ko, na hindi niya pa rin napansin.

Walang ibang magawa, napagdesisyunan kong humakbang sa nasunog na lupa at bago pa tuluyang matunaw ang talampakan ng aking sapatos, nagmamadali akong lumapit sa kanya.

Kung anong gagawin ko pagkarating ko, iniisip ko pa.

Napatigil ako nang lingunin ako ni Art.

Bahagyang bumukas ang aking bibig pero walang salitang lumabas, dahil bigla akong binalot ng nagluluksang damdamin nang mag-abot ang aming tingin, at mas malubha pa ang dalang sakit nito kesa sa matinding init na nagbabantang sunugin ang balat ko.

"Art..." nag-aalala kong sambit.

Tinignan niya ang lupang pinagpatungan ko. Maingat niyang ibinaba si Cal at dahan-dahang tumayo.

Nakakunot ang aking noo nang ngitian siya.

"Naririnig mo'ko?" tanong ko.

Walang ipinagbago ang kanyang mukha. Natutulala pa rin ito.

Samantalang, huminto sa paglalakad 'yong alaga niya, at minasdan ako mula sa kanyang likod.

"Kung hindi..." Mariin kong binitawan ang sumunod na mga kataga. "Pakinggan mo ako."

Napansin ko ang paglalim ng kanyang hininga, pilit nilalabanan ang boses ko.

"Masasaktan ka lang," sabi ko. "Pero hindi mo sasaktan yung iba."

Lalapitan ko pa sana siya kaso humakbang siya paatras.

"Art." Nagsimula na akong mangapos sa hangin. "Alam mo kung anong nangyayari sa'yo ngayon, diba?"

"Kailangan kitang tumingin hindi lang sa'kin," tugon ko. "Kundi pati na rin sa mga taong nasasaktan mo, at hindi lang mga kalaban natin ang nahihirapan, kabilang na 'yong mga taong lumaban para sa'tin."

"P-Para..." Nanliit ang kanyang boses. "Para sa'kin?"

Tumango ako.

"Pero wala na siya..." Isa-isang bumuhos ang kanyang mga luha. "Y-Yung..." Humugot siya ng hangin, ng lakas, upang makapagpatuloy sa pagsasalita. "Yung taong lumaban para sa'kin."

Pinigilan ko ang sarili ko na maluha. "Art, alam kong-"

"Paano ako?" mangiyak-ngiyak niyang tanong. "Anong mangyayari sa'kin kapag wala siya?"

Umiling ako. "H-Hindi ko alam, Art," naiiyak kong sagot. "Hindi ko rin alam."

Sa huli, nagawang makatakas ng isang luha mula sa mata ko. "Ang alam ko lang, marami kaming nandito para sa'yo... at hindi ka namin iiwan."

Biglang dumaplis ang isang palaso sa aking braso. Nagawa itong iwasan ni Art, na napatingin sa likod ko kaya napalingon na rin ako.

Umangat ang aking tingin kay Mei na lumundag sa kinaroroonan ko at tuluyan na nga akong napaiyak nang manghapdi ang aking likod na naunang bumagsak sa lupa.

Habang nakaipit ang aking mga braso sa ilalim ng kanyang mga tuhod, malakas niya akong sinuntok sa mukha.

Kung gaano kabilis ang pagdating niya, gano'n din kabilis ang kanyang pagkawala pagkatapos siyang sipain ni Art na nilaktawan ako at tumungo sa kung saan gumulong si Mei.

Napatayo ako.

Mabigat na bumagsak ang tuhod ni Art sa dibdib nito. Hinawakan niya ang leeg ni Mei at lumabas ang makapal na usok mula sa ilalim ng batok nito nang idiin niya ito sa lupa.

Walang kabuhay-buhay na inangat ni Art ang kabila niyang palad kung saan nagtipon ang liwanag, at itinulak ito sa dibdib ni Mei na napasigaw sa sakit.

Bayolenteng nanginig ang buong katawan nito habang unti-unting bumaon ang kamay ni Art pailalim sa natutunaw nitong balat, at pagkatapos, 'yong kalamnan.

Mula sa kanila, nabaling ang aking atensyon kay West na may dalang espada.

Gamit ang bracelet ko, pinigilan ko itong humilig sa likod ni Art. Marahas kong hinatak ang aking kamay at tinanggal ang espada mula sa mahigpit na pagkakahawak ni West.

Nanlilisik ang kanyang mga mata nang tignan ako at sa muli niyang paglingon sa gawi ni Art, sumalubong sa kanya ang sarili niyang espada na sumaksak sa kanyang sikmura at lumabas sa kanyang likuran.

Napakapit si West sa balikat ni Art nang pihitin nito ang espadang nakabaon sa kanya.

Bumagsak si West, ngunit tila hindi pa kuntento, hinatak ni Art ang puluhan ng espada at akmang isasaksak ito sa gitna ng lalamunan nito nang malakas ko siyang itinulak dahilan na mapaupo siya sa lupa.

"Art!" sigaw ko. "Tumigil ka na nga!"

Mas lalo lang kaming magdurusa kung hayaan niya ang sarili niyang mabulag sa galit. At hindi ko gustong umabot sa puntong magpapakalunod siya rito, dahil hindi lang buhay namin ang nakasalalay dito, pati na rin yung kanya.

Itinukod niya ang espada sa lupa at ginamit ito upang makatayo. Mabigat ang bawat hakbang niya papalapit sa'kin, at sa hindi inaasahan, pinahilig niya ang espada sa kinatatayuan ko.

Isa pang espada ang humadlang nito at itinulak ang dulo nito pababa.

Nilingon ko si Auntie na siniko ang balikat ko upang paatrasin ako at sunod-sunod na sinalubong ang bawat patama ng espada na nasa kamay ni Art.

"Abby!" tawag sa'kin ni Auntie. "Sa likod mo!"

Yumuko ako sa ilalim ng pana na akmang tumama sa'kin at nang makaangat ay pinigilan ang braso ni Kaye na siyang may hawak nito.

"Abby?" namamangha niyang sambit, bago ako saksakin sa tagiliran.

Pero sa aming dalawa, siya ang unang natumba, pagkatapos humaltak ang kanyang noo nang tamaan ang gitna nito ng isang palaso.

Napaupo ako sa lupa hawak-hawak ang puluhan ng kutsilyong nakabaon sa'kin.

Hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na magdalawang-isip at malakas itong hinatak sabay pakawala ng isang nagpipigil na iyak.

Itatapon ko na sana yung dagger nang biglang hawakan ni Kaye ang kamay ko pero agad ding napabitaw nang kumalat ang liwanag mula sa palaso at unang tinakpan ang kanyang mukha. Huli ko siyang nakitang napahawak dito at marahas na napakalmot ng magkabila niyang pisngi bago ako napaiwas ng tingin.

Itinukod ko ang isa kong palad sa lupa at nagpipigil-hiningang tumayo.

Natagpuan ko si Art na kabababa lang ng kanyang pana.

Pero higit sa lahat...

Nag-aalinlangang dumako ang aking mga mata sa katawan ng babaeng nakahandusay sa likod niya.

Napatitig lang ako rito, hanggang sa lagpasan ako ni Art na siyang gumising ng diwa ko.

At sa kauna-unahang pagkakataon, hiniling ko na sana...

Wala sa sarili akong napalapit sa kanya.

Sana panaginip lang lahat ng nangyari sa'kin simula nang makapasok ako sa Academy.

Patuloy na kumakalat ang dugo mula sa ilalim ng katawan niya. Nakaunat ang braso niyang may hawak ng espada habang nakatagilid ang kanyang ulo, paharap sa'kin, at bahagyang nakaawang ang kanyang bibig kung saan lumabas ang dugong inuunanan niya.

"Auntie?"

Sunod-sunod kong naalala ang ilang beses na hindi ko sinadyang lumayo sa kanya, no'ng bata pa ako, at akala ko iniwan niya ako, dahil buong buhay ko, siya lang din ang nag-iisang inuuwian ko.

Marahan akong lumuhod sa tabi niya, at napapiling ng ulo nang silipin ko ang mga mata niyang nakatuon sa kawalan.

Nanggigilid ang aking mga luha nang maingat kong hinawakan ang kanyang ulo at inayos ito, nang hindi kumapal ang dugong bumalot sa kalahati nito.

Umusog ako papalapit sa kanya at nagsimulang pinunasan ang dugo sa kanyang mukha.

Nanginginig ang aking hininga nang hawiin ang hibla ng buhok na dumikit sa mata niya, at patuloy kong nilinis ang hitsura niya, dahil ito nalang ang naiisip kong pwedeng gawin para mapangalagaan siya.

Napatakip ako ng bibig pagkatapos mapagtantong kulang pa ang ginagawa ko, at tuluyan na ngang naluha.

Taimtim akong umiyak, at hindi napigilang humikbi, nang ipikit ko ang kanyang mga mata.

"C-Cesia?"

Nilingon ko si Art na napaatras.

At sa halip ng matinding pamimigat ng buong katawan ko, nagawa ko pa ring tumayo.

Umiling-iling siya, at kasabay ng paglubha ng damdamin niya ay ang paglala ng init, sa puntong naramdaman ko ang pagbukas ng namuong mga paltos sa aking balat. Pero hindi ako nagpatinag nito, dahil may misyon pa rin akong kailangang tapusin.

Magaan kong nginitian si Art. "Akala ko di mo na'ko makikilala..."

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 581 24
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
41.8K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
112K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
HIDDEN FILES 3 By avy

Mystery / Thriller

1.7K 172 29
[03/03] complete | unedited In the end of the tunnel filled with only darkness there shall be light and new beginning. Jade Cesaire and Bryce Valeron...