Olympus Academy (Published un...

Oleh mahriyumm

20.7M 761K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... Lebih Banyak

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

LXIV | New Reality

191K 8.7K 3.7K
Oleh mahriyumm

Cesia's POV

Habang tumatakbo patungo sa field kasama yung iba, wala sa sarili akong napahawak sa harapan ng aking leeg. Nakaramdam kasi ako ng mahinang panghahatak ng balat ko rito at nalamang ang sugat ko ito na unti-unting sumasara.

Gumaan ang pakiramdam ko nang malamang gumagaling ang katawan ko pero hindi pa rin ako makahinga nang maluwag, at mas lalong humihigpit ang aking paghinga sa bawat sandaling nasusulyapan ko ang mga mata ng Alphas, at ang kakaiba nilang kakayahan na ngayon ko lang nakita.

Pinalibutan nila ako, habang pinalibutan sila ng mga kalaban. Maraming giants, pero mas maraming daemons at 'yong mga taong pula na tila mga sinaunang mandirigma sa kasuotan at sandata nila.

Nahagilap ko ang pagkinang ng damo sa paanan ko dahil sa tubig na dumadaloy dito. Sinundan ko ito ng tingin patungo kay Dio, na iniikutan ng malinaw at gintong tubig.

Kahit gabi ngayon, umagang-umagang ang langit sa kanyang mga mata dahil taglay nito ang maaliwalas na asul ng himpapawid tuwing araw.

Sa kabila ay si Kara na umikot sa ere at malakas na hinagis ang kanyang shield sa direksyon ng nakahilerang daemons.

Palihim akong suminghap nang sunggaban siya ng isang higante pero madali niyang naitulak pabukas ang palad nito at habang nakakapit sa daliri nito, hinatak niya pababa ang higante na para bang mas mabigat siya rito, dahil nagawa nga niyang hilahin ito, at nang mapayuko ang higante, sumalubong sa panga nito ang paa ni Kara.

Nakakamangha dahil nagawa niyang ipihit ang malaking ulo ng higante, pero mas nakakamangha nang talunan niya lang ang batok nito at bumaon na ang mukha nito sa lupa.

Pagkababa niya, mabilis na bumalik ang shield sa kanyang braso at ginamit niya ito upang pigilan ang nakakuyom na kamay ng isa pang giant. Napayuko siya nang kaunti dahil sa bigla pero agad din niyang naituwid ang kanyang mga tuhod.

Habang nilalabanan ang bigat ng giant, lumingon siya, tila may hinahanap sa lupa, kaya ginamit ko ang bracelet ko at pinalipad sa kanya ang pinakamalapit na spear.

Sinulyapan niya ako nang makuha ito at dali-daling binaba ang shield niya sabay saksak ng spear sa kamay nito na napaurong.

Noong una hindi ko maaninag kung anong kulay ng kanyang mga mata, ngunit sa kaunting sandali na sinalubong niya ang aking tingin, ay saka ko nalamang berde ito, na tumitingkad sa tuwing may dumadaang liwanag malapit sa kanya.

Lumiliwanag ang kanyang mga mata, sa tuwing kumikinang 'yong shield niya.

Pero kung liwanag talaga ang pag-uusapan, naroon si Chase sa unahan na nagliliyab ang mga mata dahil kasingkulay nito ang maputlang apoy.

Mabilis siya, kasingbilis ng iba pang mga Chase na lumalaban kasama siya.

Oo, marami sila.

Lumipat-lipat ang aking tingin sa bawat Chase na nasa field, nakikipagtagisan sa mga taong pula.

Kasunod kong narinig ang naiiritang sigaw ni Ria, dahilan na mapalingon ako sa kanya at nakita siyang kakahatak lang ng kanyang gintong espada mula sa sikmura ng isang daemon.

Sa aming lahat, siya ang balot na balot sa dugo, at di maipagkakailang sinadya niya ito, ayon sa paraan niya ng pagpatay ng mga kalaban.

Matulin nga ang pagbaon ng kanyang espada, pero padaskol naman ang paghatak niya rito kaya't natatalsikan siya ng dugo.

Napaatras ako nang tumuon sa'kin ang determinado niyang mga mata.

Taglay nito ang kulay ng mapanganib na pula.

Napangisi si Ria sa reakyon ko saka ibinaling ang kanyang atensyon sa cyclops na sumugod sa kanya.

Sa pinakadilim na bahagi ng field, nakita ko si Cal na mag-isang nilalabanan ang dalawang giants at halos isang dosenang daemons.

Umatras siya bago takpan ng makapal na aninong inilipat siya sa likod ng isang daemon. Marahas niyang ipinalipot ang braso niya sa leeg nito at tinulak pababa ang buong katawan nito sa maitim na pudlang namuo sa likod niya.

Walang liwanag na nakakaabot sa mga mata ni Cal dahil sa sobrang dilim nito, at mas lalo itong dumilim dahil sa makulimlim niyang ekspresyon.

Ramdam ko hanggang dito ang lamig sa likod ng bawat sulyap niyang walang ibang pinapakita kundi ang purong itim lang nitong kulay.

Napahawak siya sa sariwang hiwa malapit sa sulok ng kanyang bibig at saka blangkong tinignan ang daemon na gumasgas nito.

Ilang sandali silang nagtitigan hanggang sa ibaba ni Cal ang kamay niya at nagtangkang umalis ang daemon pero hindi ito nangyari dahil gumapang paikot sa paa nito ang anino at hinatak ito papasok sa ilalim ng lupa.

Nang mapaluhod ang daemon sa harapan niya ay malakas na sinipa ni Cal ang ulo nito dahilan na humiwalay ito mula sa katawan nitong tuluyang pumailalim sa lupa.

Isang katawan ang dumausdos sa likod ko kaya napatingin ako rito at nakita si Ria na naglalaho-laho ang kulay ng mga mata.

Inabot niya ang kanyang kamay na agad kong hinawakan. Tinulungan ko siyang makatayo.

"Yung mga mata mo..." puna ko.

"It's still new to me, too," aniya. "Just learned how to change it last school year."

"Hindi ka ba nahihirapan?"

"How about you?" tanong niya pabalik sa'kin. "Aren't you scared?"

Gumuhit ang isang kabadong ngiti sa aking labi.

"Don't be," tugon niya.

Itinago ko ang kamay kong nagsimulang manginig.

Panandalian niya itong sinulyapan. "Do you need a weapon?"

"Meron na ako," sagot ko.

"Good," sambit niya. "Because you're standing in the middle of a battleground, Cesia, and we need you alive by the end of this fight."

"And you're not on your own, okay?" dagdag pa niya. "Even though it looks like we're all occupied..." Inilibot niya ang kanyang paningin bago ito ibalik sa'kin. "The Alphas are only one call away."

Nginitian niya ako. "I know I am."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, dahil ngayon lang nag-sink in sa utak ko na buhay ang pinag-uusapan namin.

Nagsimulang manumbalik sa'kin ang takot nang matagpuan ko ang aking sarili sa bingit ng kamatayan. Sa mga sandaling ito, pakiramdam ko nakatayo ako sa napakataas na pangpang at hindi ko kayang maialis ang aking mga mata sa huhulugan ko.

Lumalim ang aking paghinga nang lumakas ang pagpintig ng dibdib ko, hanggang sa umalingawngaw sa'king pandinig ang tibok ng sarili kong puso.

Dagliang nanlabo ang aking kapaligiran.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla kong nakita ang katawan ni Ria na nakahandasay sa harapan ko.

"R-Ria-" Nanginginig ang labi ko nang banggitin ang pangalan niya.

Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Your friends aren't your pawns..." Narinig ko ang di-pamilyar na boses ng babae. "How come you're only standing there while the others are risking their lives around you?"

Luminga-linga ako upang tuntunin ito, ngunit agad din akong napatigil pagkatapos makitang nakapalibot sa'kin ang duguang katawan ng mga Alphas.

"Who do you think you are, demigod?"

Napangiwi ako sa masangsang na amoy na dala ng mahinang ihip ng hangin na dumaan malapit sa'kin. Galing ito sa bangkay ng mga estudyanteng isa-isang lumitaw sa field.

"Letting the others fight for you while you only stand," nanunuya ang tinig. "Has it not crossed your mind that they might not last unless you move?"

Dumako ang aking mga mata sa babaeng nakatayo sa gitna ng mga patay na katawan.

Nakasuot siya ng puting chiton na abot-talampakan ang haba at nakatukod sa kanyang tabi ang isang gintong spear.

Namamagot ang kanyang mga mata nang itaas niya ang kanyang noo.

"You..."

Pinalibutan ako ng boses niya, dahil 'yong kapaligiran ang nagsalita para sa kanya.

"You are weak."

Nakakapanghinayang ang bawat salitang binitawan niya, at kung iisipin ngayon pa lang kami nagkita. Ni hindi ko nga siya kilala.

"Are you not?" Nanliit ang kulay-abo niyang mga mata. "Cesia."

"Are you not but a coward?" tanong niya.

Nanghihinang kumisap-kisap ang mga mata kong unti-unting napatuon sa lupa.

"For a demigod, you are."

Mahigpit na tumikom ang aking bibig. Umunat pagilid ang magkabilang sulok ng aking labi, habang nakasayad pa rin ang aking paningin.

"Where you are now, is who you are."

Yumuko nang kaunti ang aking ulo.

"And I cannot let my daughter fight alongside a coward like you."

Napalunok ako.

"No fragile thing can survive the grasp of the violent hands of war."

Nahihiya kong inilihis ang aking tingin.

"You should be ashamed, for being the most delicate."

Dahan-dahang namuo ang isang malungkot na ngiti sa aking labi nang sa wakas ay makilala ko na siya.

"Where do you really belong, demigod?"

Inangat ko ang aking tingin kay Athena.

"In the face of danger, where are you going to put yourself?"

Nakapagtataka man, naintindihan ko naman ang ibig niyang iparating.

At saka lang bumukas ang kanyang bibig upang magpaalam.

"Alpha," huli niyang sambit, bago naglaho ang kanyang anyo sa katawan ni Kara na tumatakbo papunta sa'kin.

"Cesia!" nagbabala niyang sigaw.

Sa isang iglap, natagpuan ko ang aking sarili sa kamay ng isang higante. Sumabog bigla ang pulsuhan nito dahilan na mapaangat ang braso ng higante. Pinakawalan ako nito sa pamamagitan ng pagtapon sa'kin paangat.

Nagdulot ng kaginhawaan ang lamig na dumapo sa aking balat habang nasa ere pero saglit lang, dahil natagpuan ko agad ang aking sarili na nahuhulog.

Akala ko magiging mabilis lang ang mangyayari, kaya laking taka ko nang mamalayang nahulog nga ako, pero hindi naman ako bumagsak sa lupa.

Kundi sa bisig na maingat akong sinalo.

"Nakakalipad ka?" tanong ko kay Trev na nakatingin sa'kin mula sa sulok ng kanyang mga mata.

Hindi siya sumagot at sa halip ay madahang ipiniling ang kanyang ulo paharap sa'kin.

Kagaya ng ginawa niya sa'kin nong harap-harapan kami sa dorm, malaya niyang pinatakbo ang kanyang tingin sa bawat sulok ng aking mukha. Ang pinagkaiba lang ay kumunot ang kanyang noo, na para bang nanunuri.

Nang salubungin ang aking tingin, sandali siyang napatigil, at dahan-dahang lumambot ang seryoso niyang ekspresyon.

Napansin ko ang pag anga't baba ng kanyang lalamunan, bago niya ako iniwasan na parang galit pa nga.

Samantalang, napakurap-kurap lang ako.

At dahil sa inasta niya, hindi na ako nagsalita pa hanggang sa ibaba niya ako sa lupa.

Tumikhim ako sa harapan niya. "S-Sorry," sabi ko nang hindi siya tinitignan, kasi kinutuban akong labag sa loob niya ang pagligtas sa'kin.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Why are you apologizing?"

'You should be ashamed, for being the most delicate.'

Ginantihan ko siya ng isang nagpapakumbabang ngiti.

"Wala," mahina kong sagot.

Panandaliang humigpit ang kanyang panga bago siya muling nagsalita.

"Don't do that," seryoso niyang tugon.

Tumikhim ulit ako. "E-Eh di..." Umiwas ako ng tingin. "Thank you..."

Tinignan niya lang ako bilang sagot at paalam, saka lumipad paalis sa aking harapan.

Nang makalayo na siya, binuga ko ang kanina ko pa pinipigilang hininga.

Ano nga bang dapat kong maramdaman pagkatapos magpakita si Athena sa'kin... Nilingon ko si Kara. ...Para lang sabihin na ako ang pinakamahina?

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

41.1K 281 19
In the enchanting province of La Union, five Medical Laboratory Science classmates set foot on a journey that will shape their destinies and friendsh...
371K 27.6K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
50.4K 355 74
Bored? Nothing to do or read? WELL YOU BETTER CHECK THIS OUT!
116K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...