My Vampire Girl

By RedLipsJem

8.1K 187 22

Ang tahimik na buhay ni Patrick ay magugulo sa isang iglap dahil sa pagdating ng babaeng itinuturing nyang ma... More

~
~ Arabella!! ~
~ Bitch Please ~
~ Ang Kawawang Bahay Ni Patrick Star ~
:D
~ Bad Patrick Star ~
~ First Victim ~
~ Pregnant ~
~ Blush ~
~ Hart Hart ~
~ One Day, Isang Araw ~
~ #BagongTV ~
~ Men In Black ~
Announcement XD

~ Mr.Froggy and Company ~

448 14 4
By RedLipsJem

Pumasok sya sa school nya at iniwan nya ko dito sa bahay.

Hindi naman ako magtataka kung hindi sya maniniwala. I'm just a total stranger to him after all.

Yung sinabi ko sa kanya, totoo yun. Nakakainis nga at huli na nang maalala ko yun. Goodluck nalang sa kanya ngayon. Since sya ang umiwan sakin, sya ang makaakaramdam ng consequence nun. Well mararamdaman ko rin naman yun pero... konti lang.

Sa totoo lang, nakalimutan ko na ang tawag sa law na yun. Kahit kaming mga vampires kasi ay may batas rin na sinusunod. Nakalagay lahat yun sa "Eternal Book". Ang librong yun ay nagsasaad ng mga batas na dapat sundin ng isang bampira. Nakasaad din dun yung vampire-human law na sinasabi ko kasama ng ibang pang vampire laws tulad ng pagkakaroon ng anak na dhampir o ang pagiging dhampir mismo, pagsasagawa ng "Ritual of Resurrection" kung saan gagawing tao muli ang isang bampira at iba pang mga batas na makatutulong sa tahimik na pageexist ng mga bampira sa mundo. Ang librong yun ay nasa kamay ng mga Vampire Council. Para sa mas madaling pagpapaliwanag, Ang Vampire Council ay parang Volturi sa Twilight. Mas marami nga lang silang members.

 Si Lord James ay isa sa mga myembro ng council. Isa rin sya sa pinakamatandang bampira na alive and kicking pa dito sa earth. At ito pa ha, gwapo sya! Crush ko nga yun dati eh. Hmm.. Bakit ko ba sya laging nababanggit lately?

 Natapos ang pagmumuni muni ko nang nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Sobrang sakit na parang dinudurog ang brains ko.

"Leche ka kasi Patrick! Kasalanan mo to. Argghh..." akala ko mas less ang mararamdaman kong sakit. Hindi pala. Matagal na panahon na kasi ang nakalipas nung naranasan ko to.

Si Patrick kaya? Okay lang kaya sya?

 -----

BHAG!

"Mr.Santos! What's happenning to you?!"

Sobrang sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok na di ko ma-eksplika. Nahihirapan akong huminga tapos nawalan pa ko ng balanse. Hello sahig tuloy ako ngayon.

"Pare okay ka lang?!" Jun

"Anong drama yan par?" bulong ni Lester

"Tropa anong trip mo?" Karl

'Mga gago di ako nag-da-drama dito!' gusto ko sanang isigaw kaya lang parang may nakabara sa lalamunan ko. Kung kaya ko lang silang hambalusin ng desk ngayon, ginawa ko na!

Shit lang kasi eh. Ito ba yung sinasabi ng cannibal na yun na 'Pwede mong ikamatay ang paglayo mo sakin' aacckk nakakasuka!

Nagkakagulo silang lahat ngayon. Lalo na si Prof. Morales. Siguradong pagtatawanan ako ng mga gago kong kaibigan mamaya pag okay na ko.

Arrrgggghhhh! Grabe ang sakit talaga. May presence of mind pa naman ako kaya lang... parang... ugghh... sobrang sakit talaga... Para kong sinasakal... Hindi ko na kaya....

**

Nasa langit na ba ako?

Syempre joke lang. Puting kisame palang alam ko nang nasa school clinic ako. Kung hindi ko sana nakita yung florescent bulb baka nga inisip ko nang nasa langit ako.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ms. Silvia sakin. Nurse dito sa school. Medyo matanda na sya. Nasa 40's na siguro.

"Ah opo. Okay na po ako." sagot ko.

"May babaeng nagbabantay sayo dito kanina. Sabi nya kaibigan mo daw sya. Hinihintay ka ng nyang magising eh" napangiti naman ako dun. Pumunta si Chelly! Sya lang naman ang magbabantay sakin di ba? Hindi kasi sya pumasok kanina. Siguro nag-alala yun kaya pumunta. " Kaso umalis na sya kani-kanina lang. Pupuntahan daw nya yung boyfriend nya." dugtong ni Ms. Silvia na nagpawala agad ng ngiti ko. Boyfriend boyfriend. Tss. Nagkabalikan na nga sila.

 -------

 5 pm na pero di pa lumalabas si Patrick.. Hayy

Sinundan ko ang amoy nya at dito ko napadpad. Kanina pa ako andito sa tapat ng school nya. Don't worry nasa malilim na side naman ako kaya di ako naaarawan. Nag-try akong maghanap ng part-time jobs sa paligid ng campus na to kaya lang wala na daw vacancy. Bumalik nalang ako dito sa bench at hinintay si Patrick Star. Hindi ko alam kung anong oras sya lalabas ng school.

"Hi Miss. Sinong hinihintay mo dyan?" may isang guy na lumapit sakin. Hindi gwapo pero mukha namang mabait. Nakasuot sya ng uniform na tulad sa uniform nung mga lumalabas sa school ni Patrick.

 Nakatingin lang ako sa kanya at nagdadalawang isip kung sasagot. Kilala nya kaya si Patrick?

Maya-maya may mga lumapit saming mga lalaki. Tingin ko magkakaibigan sila. Nasa anim siguro sila.

"Hi ako si Kyle. Anong pangalan mo Miss?" katulad kanina, nakatingin lang rin ako sa kanya. Mukha syang gangster. Ang hirap naman nito. Hindi kasi ako sanay sa pakikipag-socialized sa mga humans eh. Asan ka na ba kasi Patrick?

"Pare pipi ata to. Ayaw magsalita eh." sabi nung isang guy. Hindi ako pipi no!!

Napa-'tsk' sya "Sayang ang ganda pa naman." may isa pang guy na nagsalita. Leader nila yata? Lagi kasing nasa gitna eh. Sya yung pinaka-walang 'looks' sa kanila. Mukha kasi syang frog. Oops, my bad... Salamat nalang sa compliment nya.

Suddenly, group of girls naman ang papalapit samin. Ganito ba ako kaganda para pati girls nahatak ng charms ko?

"Babe sino yan?" tanong ng isang girl na straight ang buhok. Tinawag nyang 'Babe' si kuyang mukhang frog!! Goshyy

"Wala yan Babe. Nakita lang ni Kyle dito. Kanina pa raw kasi naghihintay dyan sa bench eh naawa naman sya kaya tinanong nya kung sino yung hinihintay. Alam mo na, baka kilala namin." paliwanag ni Keroppi--  err-- I must say Gamakichi. Masyado kasing cute si Keroppi.

"Ganun ba babe?" pinulupot ni Girl ang braso nya kay Gamakichi "Ang bait talaga ng baby ko! Tingin ko naman kaya na nyang mag-isa. Iwanan nalang natin sya. Tara na?" pasimple pang umirap sakin si Girl. Malditang babae! Bakit ba ganito ang humans? Don't tell me iniisip nyang aagawin ko sa kanya si Gamakichi. Just the thought of that makes me sick. Ni hindi ko nga kilala ang boylet nya.. My God! Why am i defending myself mentally?

Pumayag naman ang boyfriend nyang mukhang frog at akmang paalis na "W-Wait! San-Sandali lang!" uncertain ako kung tatawagin ko ba sila kaya medyo nautal pa ko. I need to push my luck. Malay mo kilala nila si Patrick right?

"Bakit Miss?" humarap yung Kyle uli sakin.

"May kilala ba kayong Patrick?"

"Patrick.....? Maraming Patrick dito. Ano bang full name nya?" full name? Oh my! Ano bang full name ni Patrick Star?

"Bingi ka ba? Full name daw!" singhal ni Miss Bangs sakin. Kasama sya nung girlfriend ni Gamakichi.

"AMARIE!!"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dedicated kay FearlessFierce. Eto na may update na ko ha!! Harhar <3

Si Gamakichi po yung frog sa Naruto :)

Continue Reading