Jeepney Overdrive

By CreepyCree

160K 1.3K 663

-- ON GOING --- “LOVE comes from the most UNEXPECTED places...” Sa pagsakay sa isang jeep, puwede, isang ar... More

PROLOGUE
Meet the Characters
J.O Chapter 1
J.O Chapter 2
J.O Chapter 3 part 1
J.O Chapter 3 part 2
J. O Chapter 4
J.O Chapter 5 part 1
J.O. Chapter 5 part 2
J.O Chapter 6
J. O. Chapter 7
J. O. Chapter 8
J. O Chapter 9
J. O. Chapter 10
J. O. Chapter 11
J. O. Chapter 12
J. O. Chapter 13
J. O. Chapter 14
J. O. Chapter 15
J. O. Chapter 16
J. O. Chapter 17
J. O. Chapter 18
J. O. Chapter 19
J. O. CHAPTER 20
Jeepney Overdrive FAQ's
J. O. Chapter 21
J. O. Chapter 22
J. O. Chapter 23 part 1
J. O. Chapter 23 part 2
J. O. Chapter 24 part 1
J. O. Chapter 24 part 2
J. O. Chapter 25
J. O. Chapter 26
J. O. Chapter 27
J. O. Chapter 28
J. O. Chapter 29 Part 1
J. O. Chapter 29 Part 2
J. O. Chapter 29 Part 3
J. O. Chapter 31
J. O. Chapter 32
J. O. Chapter 33
J. O. Chapter 34
J. O. Chapter 35
J. O. Chapter 36
J. O. Chapter 37
J. O. Chapter 38
J. O. Chapter 39
J. O. Chapter 40 (CORRECTED)
J. O. Chapter 41
J. O. CHAPTER 42
J. O. CHAPTER 43
J. O. Chapter 44
J. O. Chapter 45
J. O. Chapter 46
An apology
J.O. Chapter 47
J. O. Chapter 48
J. O. Chapter 49
J. O. Chapter 50

J. O. Chapter 30

2.2K 22 2
By CreepyCree

AU-THORS NOTE:

            Hehe, Happy 2 years anniversary sa account ko at sa una kong istorya na inupload na ‘Miserable at Best’ na dadaan sa isang matinding revision! Binasa ko kasi ulit, medyo maraming kulang at mukhang may problema sa alak ang nagsulat kaya babaguhin ko ^_^

            About this chapter well, mahaba ulit siya at nalate ng isang araw. But! Ganun talaga, hindi ko namalayan hehe 2 chapters naman ‘yung nilabas ko last week eh! Bawi naman ako.

            Thanks sa 20k reads! Hehe.

            I’ll keep the thoughts running... so keep the reads coming! Yeay!

            Basahin mo na!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER 30

Ligawan Moves!

‘Loving someone is a great rensponsibility... parang si Spiderman lang ‘yan. Kung sure ka na sa nararamdaman mo para sa kanya, puwede ka ng mag-tapat.’

‘Baka kasi isipin niya sinasamantala ko ‘yung nangyari sa kanila ni Nico.’

‘Hindi pa ba? Haha.’

‘I know, I know. Masyado akong naging mabilis... but her lips is too tempting and lalaki lang naman ako. Lalaki ka rin naman diba? Ang hirap pigilan kaya.’

‘Hahaha, hindi rin naman kasi naangal ‘yung isa. So anong balak mo?’

‘I’m enjoying what we have right now dahil I feel different when I’m with her. I love her, ‘yun ang nasa utak at puso at ugat ko. Alam ko na pag-sinabi kong mahal ko siya, pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya, mahirap ‘din ‘yun. Lintik! Naman kasi eh’ ngayon ko lang ‘to nararamdaman hindi ko tuloy alam kung paano i-hahandle.’

‘Totoo talaga na pag first love ng lalaki nakakatuwang tignan haha.’

‘Natatakot lang kasi talaga ako pag-nagtapat ako sa kanya ng bigla lang, matakot siya at isipin niya na baka gawin ko rin sa kanya ‘yung ginawa ni Nico. But I’m not like that. I just want to make it formal as much as possible.’

‘In short, gusto mo siyang ligawan?’

‘Huh? S-siguro, ganun na nga.’

‘Haha, o siya dito na ako. Mag-isip ka ngayong gabi hanggang madaling araw kung anong balak mo, dahil naman puwedeng naghahalikan kayo pero wala kayong relasyon! ‘Wag mong hayaan na manyakin ka ni Jessie haha. Kung ang desisyon mo ay ligawan siya, bukas ang aking pintuan para bigyan ka ng payo kung paano ang tamang attack!’

‘Pero sabi ni Jessie, wala ka pa raw nagiging girlfriend.’

‘EHHH? Hindi porke wala pa nagiging gf hindi na marunong manligaw! Sus! Diyan ka na nga! Mag-isip ka na lang kung wala kang tiwala sakin, bahala ka!’

...

Hindi ko alam kung paano napunta doon ang usapan namin ni Ace, pero tang-ina hindi ako nakatulog!

Paulit-ulit na nagbabalik sa utak ni Justin ang naging pag-uusap nila ni Ace kagabi habang naglalakad silang dalawa. Wala siyang naitulog dahil hanggang madaling araw ay boses ni Ace ang tumutugtog sa utak niya.

“Justin.” Dumungaw si Doc Mhel sa kurtinang nakaharang sa higaan ng patient bed na hinihigaan ni Justin. “Makakapasa ka pa ba sa sem na ‘to? ‘eh dito ka na lang lagi nagkaklase eh!”

“Wala naman kwenta ‘yung subject ko pag umaga.” Tumagilid ng higa si Justin patalikod kay Doc Mhel. “Papasa ako doon.”

“Sandali.” Umikot sa kabilang side ng kurtina si Doc Mhel kung saan nakaharap si Justin. “Wala ka atang tulog ah’ kitang kita sa mga nabuhay mong eyebags.”

“May tulog po ako, konti nga lang.” Tumagilid nanaman si Justin para matalikuran ang Doctor.

Natawa na lang si Doc Mhel sa kanya kaya hindi na ito nagpumilit na tignan ang mukha ng inaanak. Umupo ulit siya sa tapat ng table niya at doon na lang nagsalita. “Galing dito kanina si Denver pero wala ka pa kaya sakin na lang niya sinabi, saan daw ba kayo nagpunta magkapatid? Una ka raw nawala tapos ‘nung lumabas si Jem hindi na rin bumalik. Ayun, ‘di niyo raw tuloy napanood ‘yung nangyari dun sa limang ‘mean girls’ ng school.”

Wala naman ako paki sa mga babaeng ‘yun pero teka... umuwi rin agad si Jem? Wala pa siya sa bahay ‘nung umuwi ako eh hmm... ARGGGH! Ayoko ng dagdagan ang mga iniisip ko! Hindi pa nga ako makapagdecide kung anong gagawin ko!

“May pinuntahan lang ako.” Humikab si Justin. Yaaash. “Mamaya niyo na po ako kausapin, matutulog muna ako.”

“Pumunta ka lang sa girlfriend mo kagabi no?”

“Tulog na po ako.”

“Hahaha.”

.

.

.

“Umagang- umaga, tambay na tayo hahaha.” Nakatambay sa room na dapat sana ay may laman na guro at mga istudyante, sina Kevin at Jerome. Nakaupo ang dalawa malapit sa tabi ng bintana, nakapatong ang paa ni Kevin sa arm chair ng upuan niya, si Jerome naman ay nakapatong ang paa sa nakatapat na upuan. “Oi! Tahimik mo Jerky...”

“May iniisip ako.”

“Ginagawa mo pala ‘yun?”

“Igagaya mo ako sayo?” Inirapan ni Jerome si Kevin saka tumanaw sa tanawin sa labas ng bintana na puro puno ang makikita.

“Ano naman iniisip mo?” Ginaya ni Kevin ang pag-tingin sa sumasayaw na dahon ng puno sa labas.

Nangalumbaba si Jerome. “I saw my sister kissing another guy last night, tinakpan pa ni Ace eh’ kasing taba lang naman niya ang palito... paano niya matatago ‘yung ginagawa nung dalawa. Tss.” Inalis niya ang pagkakapatong ng paa sa upuan dahil nangalay na. Kitang-kita sa mukha ni Jerome ang pagkabalisa at pagkadismaya.

“Ehhh? Nakahalik na agad ‘yung Justin na ‘yun kay Jessie! Ayos ah! Hahaha!”

“UNGAS!” Binatukan ni Jerome sa Kevin.

“Aray naman!”

“Hindi ko alam kung bakit ako naiinis eh.” Yumuko na si Jerome sa desk. “Ayoko pa siyang makita sa piling ng iba eeeeh! Kaso pag nakikita kong masaya si Jessie sa kanya, ayokong maging ‘K.J’ na older brother dahil baka mag-away kami pag pinalayo ko sila sa isa’t isa.”

“Pero diba lagi ka rin naman pinapalayo ni Jessie sa mga babaeng nagugustuhan mo?”

“Oo, pero madalas nakakatulong ‘yung ginagawa niya dahil malalaman ko na lang tinu-two timer pala ako ‘nung babae. Hays... BUWISSSSIIIT!” Nag-inat ng braso si Jerome at sinipa ang pader. “May tiwala ako kay Justin kaya lang... baka mamaya maging katulad siya ni Nico eh! Pinagkatiwalaan ko ‘yung mokong na ‘yun pero tignan mo!? Ginago pa rin niya ang kapatid ko.”

“Bakit kasi hindi mo muna subukan hayaan na lang muna ang kapatid mo? Malalaman mo rin naman kasi kung seryoso talaga ‘yung lalaki sa kanya.” Galing sa boses ng isang babae.

“WAAH!?” Binaba bigla ni Kevin ang paa.

“HOY!” Naurong naman ni Jerome ang upuan paatras, parehas silang nagulat sa boses ng babae na biglang lumitaw sa likod ng tenga nila.

“Huh? Seryoso nagulat talaga kayo?” Tinaas ni Hazel ang kilay at namewang. “Hindi naman ako mukhang multo ah!” Hinila niya ang isang upuan, nilagay sa pagitan ng upuan nina Kevin at Jerome, saka umupo.

“Sanay kasi kami na boses ni Bogart ang bigla-biglang lumilitaw, hindi boses ng isang magandang dalaga na tulad mo. Hehehe.” Bola ni Kevin.

Nginitian lang ni Hazel si Kevin, bumaling ito kay Jerome na mabilis inalis ang tingin niya sa babae. Fresh pa kasi sa utak niya ang mga sinabi ni Kevin tungkol sa naudlot niyang pagkakataon. Awkwaaaard... huhu.

“Oi! Jerky, pansinin mo naman si Hazel! Hehe.” Sisimulan na uli ni Kevin ang pang-aasar.

Fuck you, Kevin.

“Hindi ko alam kung paano ko malalaman.” Liningon niya ng saglit si Hazel, mga 2 seconds.

“Lalaki ka... pero hindi mo alam? Paano ka ba manligaw pag seryoso ka sa babae? Ha!?” Inilapit ni Hazel ang mukha nito kay Jerome.

Umatras naman si Jerome. “W-wala pa ako sineseryoso.” Nakakahiya ‘man pero ‘yun ang totoo, hehe.

“Tignan mo na, kaya pala hindi mo magawang magtiwala sa iba. Ikaw? Kevin? May sineryoso ka na bang ligawan?”

“Hmm ako? Meron, lagi naman akong seryoso pag nanliligaw... talagang... ‘yung mga girls lang ang ‘di ako sineseryoso huhu.” Kunwariang kinuyumos ni Kevin ang mata, tumaas lang ang kilay ni Hazel sa kanya. “Hehe, unang-unang ginagawa ko pag-trip ko ‘yung girl... inuuna kong ligawan kahit sino sa kapamilya niya.”

Bumaling si Jerome kay Kevin. “Sinong niloloko mo, ulol. Wala ka pa ngang naliligawan eh.”

“Meron! Dapat ba lahat kinukwento ko sayo! Hayaan na nga natin ‘yang abnormal na ‘yan.” Tumayo si Kevin. “Sa canteen na lang tayo Hazel, kailangan nating mag beauty diet! Malapit na ang ating laban.”

“Hahaha. Wait.” Hinila ni Hazel si Kevin para umupo uli, tumingin siya pagkatapos kay Jerome na hindi sila pinapansin. “Don’t worry too much, let your sister have some fun... it’s for your own happiness too. Think of it, kung magkakaboyfriend na siya... mababawasan na ‘yung attention niya sayo and that means you can have or look for your girlfriend na.”

“Oo nga naman, may point si Hazel pareng Jerky... bawas-bawasan mo na ‘yang ‘sister complex’ mo kay Jessie at baka mamaya makasuhan ka pa ng child abuse o kaya incest haha.”

“Tarantado.”

“Aba malay mo!”

“Ewan.” Wala naman akong nakuhang matinong payo sa mga ‘to, mabuti pa kay Bogart kahit gaganun-ganun, may laman minsan ang mga sinasabi. Hayaan ko siyang mag-BF para makapag-GF ako!? Tse! Mas maiinis lang ako pag nagkaroon pa ako ng kahati sa attensyon ni Jessie! Pero... may point nga rin ‘yun, matagal na akong tigang sa buhay at... Naramdaman niya ang pag-galaw ng mga upuan sa tabi niya.

“Bye! Jerky, kain lang kami sa canteen!” Kumaway si Kevin na palabas na ng pinto, iniwan na pala siya ng dalawa habang nag-iisip siya ng malalim. “Sunod ka na lang! hehe.” Nakalabas na ng pinto si Hazel at kumaway na lang din sa kanya pag-labas ni Kevin.

Buwisit. Diet ako, bahala kayo sa buhay niyo. Matutulog na lang ako.

Binagsak niya ang ulo sa desk. Tulala sa upuan ng dalawa niyang kasama kanina, nag-iisip, nag-hihikab, naalala ang eksena nina Jessie at Justin. It’s unfaiiiir! Huhu.

...

Kinagabihan.

Magkaharap na kumakain ang magkapatid na Jessie at Jerome, maganang pinag-sasaluhan ang nilutong ‘Nilagang Tilapya’ ni Jerome na namana niya ang timpla sa kanilang namayapang Lola. Tatlong malalaking tilapya ang niluto niya, tig-isang buo ang dalawang matakaw, binigay naman nila ang isang piraso kina Ralph bilang rasyon.

“Kuya, kuhang-kuha mo ‘yung timpla ni Lola hihi. Ang sarap!” Ubos na ang kabilang pisngi ng isda ni Jessie, saka lang niya naisip purihin ang luto ng kapatid.

“Hehe, naman. Sana nga nag-chef na lang ako eh no?” Hehehe, the best way to her heart is thru her stomach.

“Bakit nga ba hindi ‘yun ang kinuha mong course Kuya?”

“Ha?”

Noong mag-eenroll na si Jerome sa school niya ngayon, dumating sa kanya ang isang scholarship para mag-aral ng Culinary sa Singapore, nanalo kasi siya sa isang cooking contest na aksidente lang niyang nasalihan. Aksidente, means si Jessie ang may kasalanan. Mahabang pag-iisip ang ginawa ni Jerome, ‘ni hindi niya shinare kahit kanino ang nilalaman ng sulat.

Kung tatanggapin niya ang scholarship, automatic after niyang makagraduate ay magkakaroon na siya ng stable na trabaho sa Singapore. Kapag tinanggap niya ang scholarship, bukod sa apat na taon, baka hindi na siya makauwi sa Pilipinas, ibig sabihin ‘nun hinding-hindi na niya makakasama ang kapatid niya na mapipilitang matuto mabuhay mag-isa.

Tinanggihan niya ang scholarship, hindi dahil ayaw niya talaga niyang malayo kay Jessie pero dahil noong gabi na nakapagdecide na siyang sasabihin sa kapatid ang pag-tanggap niya sa scholarship... umuwi itong umiiyak, inaway ng isa sa mga chiks niyang 4th year high school at sinabihang hindi na siya mahala ng Kuya niya.

“Sabi ko bakit hindi culinary ang kinuha mong course! Bingi.” Sinubo ni Jessie ang kutsara niya na hindi agad inalis sa bibig habang nag-iintay ng sagot ng kapatid.

“Wala tayong pera, sabi ni Papa.”

“Eh!? Mahal ba ‘yun?”

“Oo... bakit?”

“Yun pa naman sana gusto kong kunin na course sa college.” Inalis na niya ang kutsara sa bibig, binaliktad ang isda at pinapak na lang kasama ang sabawa.

“Huh? Itlog nga lang ang kaya mong lutuin eh!”

“Hindi naman ako magluluto doon, magiging taga-tikim lang sana ako. Hehe, diba need rin naman nila ‘yun? Proof taster?”

Nadagdagan nanaman ang takot ko sa maaaring maging future niya.

Umiling si Jerome, nakasimangot, dismayadong nakatingin sa ngiti ni Jessie. “Kumain ka na lang.”

“Hmmft.” Naubos agad ni Jessie ang kabilang pisngi ng tilapya niya, hinigop ang sabaw na ginawang tubig na panulak. “Weee... sarap talaga.”

“Oi, uminom ka rin ng tubig.”

“Opo.” Uminom nga si Jessie, pinunas ang panyo na gamit niya sa school kanina sa bibig. “Toothbrush na me!” Bumalik siya sa lamesa at umupo ulit pagkatapos niyang mag-toothbrush para istorbohin ang kapatid na busy mag-alis ng tinik sa ulo.

“Bakit ba? Pinapanood mo ba ako?”

“Hihi, masama!? Tinatamad pa ako umakyat eeh.”

“Hindi kita bibigyan ‘wag ka ng umasa.”

“Matakaw.”

“Nagsabi ang hindi.”

Una nilang narinig ang doorbell, wapakels, baka mga batang naglalaro lang. Tuloy pa rin sa pagsimot sa ulo ng tilapya si Jerome, tuloy pa rin si Jessie sa pag-babalat niya ng kinakain niyang ‘flat tops’. “Nag-sipilyo ka pa?” puna ni Jerome.

“Inalis ko lang ‘yung lansa kaya ako nag-sipiliyo, gusto mo?” Inabutan ni Jessie si Jerome ng bukas na.

“Ah...” Ngumanga si Jerome para isubo sa kanya ni Jessie ang chocolate.

“Hindi kaya maging weird ang lasa niyan? Kuya?”

“Mash weird pa rin shutak mo sa lasa nito hehe.”

“Geez.”

*tok-tok-tok* Naging katok na ang doorbell. Titigan muna sila, mga mata ang hinayaang mag-usap. Tinaas ni Jerome ang baba, niliitan ni Jessie ang mata at ngumuso, nilakihan ni Jerome ang mata, dumila si Jessie at tumayo. “Ako na nga lang, baka si Justin na ‘yun hihi.”

Kaya pala nakinig... piste.

Nalukot ang nguso ni Jerome at pasimple siyang nag-alis ng tinga sa unahang ngipin.

Marahan na tumakbo si Jessie habang ineembay-embay ang mga kamay na parang bata. “Sino ‘yan?~” Nag-tanong pa rin siya kahit may ideya na siya kung sino ang puwedeng dumating.

“Si Justin hehe.” Narinig niya ang malaki pero hindi nakakatakot na boses ng bisita.

Hihi, sabi na eeh!

Binuksan na niya ang pinto, sinalubong ng ngiting wagas si Justin. “Hihi, akala ko mas gabi ka pa pupunta?”

“Hehe, walang trapik eh.” Himala mas una niya akong napansin keysa sa mga dala ko, hehe ibig sabihin mas mahalaga na ako keysa sa pagkain! “Donut nga pala, para sa inyo ni Jerome.” Inangat niya ang dala sakto sa mukha ni Jessie.

“Oh? Hihi, sakto patapos ng kumain si Kuya... pasok ka, dalhin natin sa kanya.”

Sumunod si Justin kay Jessie, siya na ang nag-sara at lock ng pinto. Pagdating nila sa kusina, naabutan nila si Jerome na nakataas ang isang tuhod, nagtitinga gamit ang tinidor sa mga singit-singit ng ngipin. Matagal pa silang nag-titigan tatlo, bago narealize ni Jerome ang itsura niya, diretso ang mukha niya, pilit na hindi nilagyan ng reaksyon habang binababa niya ang tinidor sa plato at ang tuhod sa sahig. Medyo nagtago naman si Jessie sa likod ni Justin para ngumisi.

“I-ikaw pala... Justin.” Ngumiti siya na hindi nagbabago ang reaksyon ng mata.

Ano-ano pa kayang ka-weirdohan ang madidiskubre ko sa mag-kapatid na ‘to.

“Oo, hehe. May dala nga pala akong donut, two box ‘to tig-isa kayo.”

Sinipat ni Jerome si Jessie sa likod ni Justin, naka-thumbs up ito at naka-ngiti. “Salamat, baba mo na sa lamesa... hehe.”

“Ok.”

Nag-thumbs up din si Jerome kay Jessie at ngumiti nang yumuko si Justin dahil sa pag-patong nito ng box sa lamesa. Kinuha nina Jessie ang isang box para dalhin sa kwarto, pumayag ulit si Jerome na doon sila mag-tigil. Gusto kasi niyang masolo ang TV, maganda kasi ang palabas sa HBO sakto pa sa dala ng donut ni Justin, ‘eh para lang siyang nasa sinehan. This is lifeee~ hehehe. Pinatay pa niya ang ilaw para mas feel ang feeling, sabay tinaas ang paa sa coffee table at hiniga ang likod sa sofa. ‘Toy Story 1’ nga pala ang labas sa HBO. All time favorite niya.

...

“Hehe, para lang talaga akong nasa tindahan ng manga pag nandito sa kwarto mo.” Binabasa isa-isa ni Justin ang mga title ng nakadisplay na manga ni Jessie sa bookshelfs. Nakahiga naman si Jessie at tinatapos ang manga na binigay sa kanya ni Ace noon na ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon para mabasa.

“Ahehe, marami pa ko diyan... nasa loob ng box kahalo ng mga echii mangas hihi.”

“Haha, ganun ba.” Kinuha ni Justin ang tatlong volumes ng manga ng ‘Get Backers’, umupo siya sa kama ni Jessie. “Puwede ko ba ‘to hiramin?”

Inalis naman ni Jessie ang libro sa harap ng mukha. “Hmm?” Pinakita ni Justin ang kinuha niya. “Sige, hihi ok lang. Natapos ko na ‘yan.”

“Lahat ba ng nakadisplay doon nabasa mo na?”

“Oo, hehe. ‘Yung iba diyan namana ko lang kay Kuya, pag-hindi ko pa kasi nababasa ayun! Tinatambak ko lahat sa study table ko... gaya ‘nung mga ‘yun.”

Tumingin si Justin sa study table niya, puno pa nga ito ng manga books na may plastic pa at hindi nabubuksan. “Haha, astig. Buti hindi nanlalabo mata mo, hilig mo pa magbasa ng nakahiga.”

“Hihi, matakaw naman kasi ako sa kalabasa at carrots.” Binaba ni Jessie ang binabasa sa kama, pumikit at inunat ang mga braso habang nakahiga. Nakalimot ata si Jessie na nakahanging blouse lang siya at low waist short, at nasa paanan lang niya nakaupo si Justin.

Natulala si Justin sa nakita, pag-angat kasi ng kamay ni Jessie kasabay nitong tumaas ang blouse at bumaba ng kaunti ang shorts, lumabas ang nakakapagtakang flat tummy nito. Dibdib na lang ni Jessie ang natakpan ng blouse niya dahil nakahiga siya. Ulk, lumunok si Justin ng sarili niyang laway. Paano ba ako hindi makikinig sa isa kong ulo kung ganito ang itsura niya sa harapan ko! Siya na lang ang umiiwas at tumingin na lamang sa mga donut na nasa lamesa. “Gusto mong donut?” Tama, tama. Pigil muna Justin, pigil lang.

“Hmm?” Tapos nang mag-unat si Jessie at biglang bumangon. “Paabot ‘nung color pink hihi.”

Kung kanina ay dibdib ang nakaligtas sa mata ni Justin, ngayon ay hindi na ito nag-tago sa pag-bangon ni Jessie. Mas matangkad kasi si Justin at maluwag ang neckline ng suot ni Jessie, kitang-kita niya ang gitna ng dibdib ni Jessie at ang light blue nitong polka dots na bra. Mag nonose bleed na ata ako. “Ah... Sige.” Abot niya naman niya ang table kahit nakaupo kaya naabot niya agad kay Jessie ang pink donut.

“Justin...” Kagat-kagat na ni Jessie ang donut.

Balisang lumingon si Justin kay Jessie. “B-bakit?”

“Namumutla ka...” Pinunas muna ni Jessie ang kamay bago hinawak sa mukha ni Justin. “May problema ba?”

Oo, masyado kang kumikinang sa mata ko.

“W-wala.”

“Pero...” Hinimas-himas pa ni Jessie ang pisngi ni Justin. Namumutla talaga siya... bakit kaya? hmm?

Jessie, tamaaaaa na.

Nag-iinit na ang buong katawan ni Justin. Tumunog ang sounds ng notification ng facebook, Save! “Jessie, may nag-pm ata sayo sa facebook.”

“Oo nga narinig ko hehe wait lang ah.”

Bumitaw sa mukha niya si Jessie, nakahinga siya ng maluwag. Hindi umupo si Jessie sa upuan pag-tingin niya ng notification, medyo tumawad lang siya at ginalaw ang mouse. “Sinong nag---” Pak! Ang maputing ‘behind’ ni Jessie ang nakita niya pag-lingon dito. Sinasadya ba niya akong akitin... kumuha siya ng donut at dinaan sa kain ang init. “Pm.”

“Hihi si Trixie, nakalimutan ko kasing kopyahin ‘yung assignment kanina pina-pm ko sa kanya.” Umupo na ulit si Jessie sa kama niya at kinain ang hawak na donut.

“Jessie...”

“Yes?” Ang sarap naman ng filling nito hihi. Pinunasan niya ang labi, paubos na siya sa kinakain. “Bakit?”

“Ganito ka rin ba pag... kasama mo si Nico?”

“Huh?” Bakit niya tinatanong?

Bakit ko nga ba tinatanong ‘yun!

“Haha, wala-wala.”

“Medyo, hihi. Ganito lang din naman ang itsura ko kapag kasama ko dito siya sa kwarto... hehe. Pero hindi nakasara ‘yung door ayaw ni Kuya. Bakit?” Ubos na ang donut niya at sa mukha na ni Justin natatakam.

Mabuti naman at hindi nakasara ang pinto, harhar, swerte pa rin ako. Eh? Ano bang iniisip ko!?

Kinakamot ng chibi Justin sa utak niya ang sariling ulo. “Wala naman hehe.” Ubos na rin ang donut ni Justin.

Parehas silang napayuko, nanahimik, sabay biglang napatingin sa isa’t isa. Unang ngumiti si Jessie, hinilig pa niya ang ulo niya sa kaliwa na nagpalaglag ng mga buhok niyang nakapatong sa balikat. Natitigan ni Justin ang babaeng nasa harapan niya.

...Her soft hair, her pink cheeks, her pink soft lips, her cute smile, her sweet rose petal scent. I’m too high right now, I’m lusting over her.

Nasentro ang tingin ni Justin sa lips ni Jessie. I want her. Hinawakan niya sa kamay si Jessie at hinila palapit sa kanya.

“B-bakit Justin?” Pagkatapos niya akong titigan! Waah! Ano iteeetch!

Nilagay ni Justin ang kaliwa niyang kamay sa may balakang ni Jessie, ginamit naman niya ang kanan niyang kamay para hawakan ito sa mukha. Gusto kita! Pagkatapos niyang titigan mata sa mata si Jessie at wala naman siyang nakitang takot, tinuloy niya ang pag-halik.

Kyaaa~ wait-wait!

Pero hindi naatras si Jessie, pinatong lang niya ang isang kamay sa balikat ni Justin at pumikit. There’s something new with his kiss... it makes me feel hot... hottter inside. He is kissing me sweetly but it’s sexy at the same time. Waaah~ ‘wag sana pumasok bigla si Kuya!!!

What’s wrong with me...

inalis niya ang kamay sa mukha ni Jessie. Why am I so addicted now in kissing her? Inilayo niya saglit ang mukha, tumitig ulit sa mga mata ni Jessie, pero mas napansin niya ang pag-kagat nito sa sariling labi. Her reaction to my kiss is too cute... Hinalikan niya ulit si Jessie at unti-unti niya itong naihiga nang hindi niya namamalayan.

Ramdam na ramdam ni Jessie ang bilis ng tibok ng sarili niyang puso na puwede na sigurong lumabas mula sa dibdib niya, mas tumindi pa ito nang dumampi ang likod niya sa higaan niya. I... I am new to this feelings, umaakyat na ata ang dugo ko sa utak. Dahan-dahang bumaba ang halik ni Justin sa may leeg niya, dama niya ang malalim at mainit nitong pag-hinga na tumatagos sa balat na mas nagpapataas ng dugo ni Jessie.

“Justin...” Hindi naka-lock ‘yung pinto~ Dinilat niya ang mata, minasdan niya ang matangos na ilong at nakapikit na mata ni Justin. Hindi niya ata ako naririnig... kyaaa! Naramdaman niya ang kamay ni Justin paakyat sa may bewang niya, tila kuryenteng dumaloy ang init ng palad nito sa katawan niya. Uhmmm... napikit siya.

I can smell her hair from here... wait.

Minulat ni Justin ang diwa, leeg, buhok at tenga ni Jessie ang nakita niya. Paano... wah! Nagising lalo siya sa ulirat dahil nakita niya ang kamay niya sa loob ng blouse nito at nakakapa na niya ang design na lace ng panloob ni Jessie. Paano napunta ang kamay ko dito!? Dali-dali niyang inalis ang kamay, lumayo at umupo ng maayos. Bakit siya nakahiga!?

“Justin?” Bakit siya tumigil? Bumangon si Jessie ng kaunti.

“Ah!... I-I... lalabas lang ako.” Hindi niya matignan sa mata si Jessie, nahihiya siya nang hindi niya alam kung bakit. Ibang utak ang gumana sakin kanina... naman, muntik na! pero bakit hindi ‘man lang niya ako pinigilan!

Gaaah~ his blushing!

“Bakit?”

“Mama-may bibilhin lang ako sa labas.” Tumayo si Justin ng diretso. “S-saglit lang ako.” Kailangan ko munang makaalis dito! Tumalikod siya, lumakad at hindi na muling lumingon kay Jessie hanggang sa maisara niya ang pinto.

“Ehhh?” Pabagsak ang pag-higa ni Jessie sa kama. BAKIIIIT!? BAKIT SIYA TUMIGIIIILLLL~ Inangat niya ang damit at inamoy ang sarili, huminga rin siya sa palad para maamoy ang hininga. Mabango naman ako, amoy donut naman ang hininga ko? Hmm... BAKIIIT! Humarap siya sa kanan. Sabi niya may bibilhin siya labas? Hindi kaya... KIYAAAAH! Umikot siya at sa kaliwa naman humarap. Hindi naman siguro ‘yun pero... nilagay niya ang kamay sa tapat ng dibdib na halos mahawakan na ni Justin. He touched my boob... he touched... he touched... WAAAAH!

Muli nanaman siyang bumaling sa kabilang side. Para siyang aso na naglalaro sa semento or nangangati ang likod sa pagbaling-baling niya sa kama. Masakit... Bumaluktot siya ng higa. Masakit pala talaga sa puson ang nabibitin... akala ko joke lang ‘yun. WAAAH! JUSTIN! COMEEEE BAAAACK!!!!

.

.

.

“Bakit ba dito mo ‘yan ginagawa?” Sa sofa nakaupo si Ralph, medyo pahiga, may hawak siyang bowl ng pop corn na mukhang binili sa ‘Kettle Korn’. “Ang kalat tuloy ng sala.”

“Eeeeh! Nanonood ako TV eh! Wala naman kasi akong TV sa kwarto! Gusto ko ‘yung palabas oh’ hehe Toy Story!” Sa sahig naman nakasalagmak si Ace, puno ng mga papers, books at index cards ang coffee table na ginagawa niyang office table.

“Tanda-tanda mo na, nanood ka pa nito.”

“BAKIT! Matanda ka na rin naman para diyan ah!” Kumuyumos ng isang yellowpad si Ace. “Bad Student!” Binato niya ang papel kay Ralph, pero nakaiwas ito. Tumalbog ang papel sa tuhod nito kaya sa ulo ni Ace tumama ang kinuyumos niyang papel.

“HAHAHA, KARMA.”

“ANOONG---” Narinig ni Ace ang tunog ng gate na parang may nagbukas. “May nagbukas ata ng gate.”

“O?, baka si Jerome isosoli na si Moymoy.”

“Ah, baka nga. Penge naman!” Tinaas ni Ace ang palad, naglagay naman si Ralph ng isang piraso. “Isa?! Mabubusog ba ako dito”

“Wala ka naman sinabi kung---”

“ACEEEEE!” Nauna ang malakas na tawag sa pangalan ni Ace bago ang biglang pagbukas ng pinto. Malakas ang nilikhang tuhog ng pagtama ng pinto sa cabinet na nasa gilid lang nito. “ACCCE!”

“Waah!” Ginulat naman ng taong pumasok si Ace, tumayo siya at nagtago sa likod ng sofa na inuupuan ni Ralph.

Nakilala naman ni Ralph na relax na relax pa rin sa pagkakaupo ang lalaking pumasok. “Justin? Bakit?”

“Si Ace? Nasaan si Ace?”

Umangat ang ulo ni Ace. “Justin? Oi! Justin hehe!” Lumabas siya mula sa tinataguan at inakbayan ang bisita. “Bakit mo ako hanap!? Hehehe.”

Tinitigan muna siya ni Justin.

Eh? Anong meron sa tingin nitong batang ‘to... nakakita ba siya ng multo sa bahay nina Jessie?

“ACE! I’VE DECIDED!”

“Ha?”

Lumuhod si Justin sa harap ni Ace. “PLEASE! TULUNGAN MO AKO! HINDI KO NA KAYA! KUNG HINDI KO SIGURO NAGISING ANG SARILI KO BAKA KUNG SAAN NA NAPUNTA ‘YUNG GINAGAWA KO SA KANYA! GUSTO KO NANG LIGAWAN SI JESSIE! PLEAAAASE! HELP ME!”

“Ligawan?” Ang tono ng tanong ni Ralph ay pagtataka hindi pagtatanong. Kailangan pa ba niyang gawin ‘yun? Pinatong niya ang hawak na bowl ng popcorn sa lamesa. “Ano-ano ba kasi pinapayo mo kay Justin, Sir Ace?”

“PLEASE! ACE!” Binaba pa lalo ni Justin ang ulo sa sahig.

“Ehhh, Oi! Justin!” Lumuhod si Ace, hinawakan niya sa balikat si Justin. “Tumayo ka na nga muna at ipaliwanag mo samin kung bakit ka ba nagkaka-ganyan?” Tinulungan niyang tumayo si Justin, dinala niya ito sa sofa at pinagitnaan nila ni Ralph ng upo. “Ano ba nangyari?”

“A-ano kasi...” Medyo nahihiya magkuwento si Justin, nauuhaw pa siya dahil sa ginawang pag-sigaw. “Penge munang tubig hehe.”

“Sir Ace kuha mo siya.” Utos ni Ralph.

“EH!? BAKIT AKO!?”

“Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit siya sumigaw.”

“Tss, wait lang.” Kumuha ng tubig si Ace sa kusina, ininom agad ni Justin ang tubig pagkaabot niya. “Oh? ano na? kuwento na.”

“Kasi... kanina, nasa kuwarto niya kami.” Inusod ng dalawa ang upo nang marinig ang salitang ‘kwarto’. Magkukuwento nanaman ako. “Ok pa naman ‘nung una, pinagsaluhan namin ‘yung donut na dinala ko sa kanya tapos humiga siya sa bed niya at nagbasa ako naman, tumayo at naghanap ng babasahin sa mga nakadisplay niyang manga. Tapos ano...”

“Ano?” Nilapit lalu ni Ace ang mukha kay Justin.

Umatras ng kaunti si Justin sa side ni Ralph. “Eeh, nagpaalam ako na hihiram ‘nung manga niya... umupo ako sa kama niya, hindi ko naman kasi alam na mag-uunat siya ng katawan... pag-unat niya halos makita ko na ang lahat sa kanya.”

“UWAAAT!?”

Binato ni Ralph ng pillow ang sumigaw na si Ace, bago bumaling kay Justin. “Tapos?”

“Ayun... marami pang nangyari pero simula ‘nung nag-unat siya iba na ‘yung sinisigaw ng utak ko.” Lumunok si Justin ng laway. “Nung nginitian niya ako at natitigan ko siya, hinila ko na lang siya bigla palapit sakin at...”

“At?” Si Ralph na lang ang nakakapagtanong, umaakyat na kasi sa ulo ni Ace ang dugo.

“Hinalikan ko siya...”

“Hanggang saan narating niyo?”

“Ha? Ah... I kissed her neck and I almost squeez her chest.”

“Almost?” Tumaas ang kilay ni Ralph.

“OO, I just touched it. Naamoy ko kasi ‘yung pabango niya sa leeg kaya narealize ko na... kung saan-saan na pala ako napunta.”

“I see...” Kumain ng popcorn si Ralph.

“Ah... Justin, matanong ko lang?” Nagsalita na muli si Ace.

“Ano ‘yun?”

“Anong color ng undies niya?”

“Huh? Ah... terno ‘yung suot niya eeh’. Light blue na polka dots.”

“WAAAAH!” Sumirit na ang dugo sa ilong ni Ace, naimagine niya kasi ang itsura ni Jessie. “Uwaah!” Binato ulit siya ni Ralph pero hindi na ng pillow, tissue na ang binato ni Ralph. Kumuha siya ng isa at nirolyo, saka pinasok sa ilong. “Hehe, pasensya na.”

Sa isip ni Justin. Perv...

“Eh, sandali... kung inabot niyo na ‘yung ganun? Bakit gusto mo pa siyang ligawan?” Inagaw n Ralph ang atensyon ni Justin.

“D-dahil pakiramdam ko pinagsasamantalahan ko siya eh... ayoko namang mag-mukhang manyak eh. Kaya lang lalaki lang ako, ang hirap magpigil. Bakit kasi ganun siyang magkikilos sa harapan ko! Lahat na lang ng gawin niya parang gusto ko siyang yakapin, halikan, tignan.. tapos ganun pa ‘yung suot niya, sino ba naman hindi tatamaan diba? But I want to make it formal as much as possible, baka matakot lang siya, magulat, pag bigla kong sabihin sa kanya na... mahal ko siya. Gusto ko rin makilala na muna niya ako... hindi ko pa rin naman kilala gaano ang sarili ko, ngayon ko lang ‘to naramdaman.”

“Hmm, you’re a very good boy.” Tinap ni Ralph ang balikat ni Justin.

“At ‘yun ang pinayo ko sa kanya, nakikinita ko na kasi na hindi niya mapipigil ang sarili na makinig sa pervert side ng utak niya ‘yung isa naman, hindi naman ‘yun aangal, isa’t kalahating manyak din ‘yun eeh’ kaya ang sabi ko mas maganda kung formal ‘yung gawin niyang panliligaw.” Nakabawi na si Ace pero nakapasok pa rin ang tissue sa ilong niya.

“Ah... ganun ba ‘yun?”

Parang bata na tumango si Justin, nakapout pa.

“Kaya ganito kung gusto mo siya ligawan dapat---”

“Ligawan mo muna si Jerome.” Inunahan ni Ralph si Ace.

“Si Jerome?”

“Oo.” Naunahan ulit ni Ralph si Ace sa pagsagot sa tanong ni Justin.

“Pero paano? At bakit?”

“Kasi kung gusto mo ng formal ligaw dapat ang gagamitin natin is ‘yung sinaunang pan-liligaw!” Nakabawi na si Ace kay Ralph.

“Oo tama, pag sinaunang uri ng panliligaw kay Ace ka dapat lalapit.”

“Oi!” Inabot ni Ace ang balikat ni Ralph at tinapik, tumama naman ito. “Noon kasi, bago maligawan ng lalaki ang babae dumadaan muna siya sa magulang ng babae since, wala naman dito sa pilipins ang tatay ni Jessie ang pinakamalapit niyang pamilay ay si Jerome.”

“I see.” Tumango-tango si Justin. “Eh... saglit paano ko siya liligawan?”

“Siyempre sa paraan ‘din kung paano mo nililigawan ang isang babae!” Kumuha ng popcorn si Ace pero tinapik ni Ralph ang kamay niya kaya wala rin siyang nakain.

“Huh? Paano nga?”

“Una!---”

“Dalhan mo siya ng pagkain sa school niya bukas.” Si Ralph ulit ang nagtapos ng sasabihin ni Ace.

Palagi na laaaang!

Pinandilatan ni Ace si Ralph, dumila lang ito sa kanya. “Gamitin ang week na ‘to para gawin ang lahat ng sasabihin namin, ok ba ‘yun?”

Tumango si Justin, kumuha ng papel at ballpen. Nagready para isulat ang mga lessons niya.

“Ready ka na ba?” Nag-thumbs up si Ace habang nagtatanong.

“Yup!” Sumagot rin ng thumbs up si Justin.

.

.

.

First day. Tuesday. “Madalas mo nang dalhan ng pagkain ‘yung magkapatid pero this time, si Jerome lang dapat ang bibigyan mo kaya ang payo namin, sa school mo siya dalhan para hindi ito malaman ni Jessie.” Bilin ni Ace.

...

Bumaba ang magbabarkadang Bogart, Kevin at Jerome sa canteen ng kanilang school, nagbabakasakali na baka may makuha silang puwesto para makainan. Bumalik na ang ilang nagtitinda ng lutong ulam dito, pero hindi na sila ‘yung dating mga nagluluto, ang chismis nga ay hindi na pinabalik ‘yung mga hindi kaalyado ng bagong administrasyon at kasama dito ang may-ari ng ‘Noodle House’ na madalas pag-tiyagaan ni Jerome kainin.

“Pre, jam-packed nanaman ang canteen malabo tayo makakain dito.” Inakbayan ni Kevin si Jerome, tumigil sila sa baba ng hagdan na binabaan nila.

“Sa canteen niyo Bogart? May makakainan ba doon?” Umakbay naman si Jerome kay Bogart.

“Wala, malaki pa nga CR sa canteen namin eh.”

“Mga kuya... excuse po.” May boses ng babae silang narinig.

Lumingon si Kevin at si Boagrt sa barkada ng limang babae na nasa likod nila, totoong istorbo sa daan ang tatlo pero ang barkada lang na ito na kung titignan sa kulay ng uniform ay taga-educ at kung titignan sa mukha ay mga regular 3rd year students.

“Ah... sorry hehe.” Si Kevin ang unang umalis at pumuwesto sa gilid, ngumiti pa, nagpeace sign at nagpacute pa siya sa lima. Yumuko lang si Bogart at ngumiti. Pero ang talagang target ng mga chiks na tumingin at ngumiti sa kanila na si Jerome ay...

“Saan ba tayo kakain?” Hindi sila pinansin. Kina Kevin at Bogart siya tumingin, dumaan na lang tuloy ang lima na mukhang mas lalung nagutom sa pag-deadma sa kanila. “Hoy, tinatanong ko kayo?” Wala talaga ni-hindi ata nag-register kay Jerome na may nagpapaalis na sa kanya sa gitna ng daan.

“Ang tarush mo Jerky...” Tinulak na lang ni Kevin si Jerome palabas ng canteen, kasunod nila si Bogart na mukhang pinagtsagaan na lang ngitian ng lima. “Hindi mo ba narinig ‘yung mga chiks?”

“Chiks ba ‘yun?” Naglinis ng ilong si Jerome.

“Tss, Oo kaya!”

“Parang hindi naman.” Mas makapal pa ang powder nila sa espasol eh, nag-contact lense pa at nagkulot ng buhok mga nagmukha lang namang clown. Mga kabataan ngayon hindi marunong tumingin sa salamin kung anong bagay sa kanila. Pinunas niya ang hinililiit na galing sa kuweba sa bag ni Kevin. “Nagugutom na ako, wala ba tayong kainan?”

“Ano ba Jerky!” Pinunasan ni Kevin ang bag gamit ang kamay, laughtrip naman ang dalawa.

Bopols ‘din nito, edi sa kamay naman niya napunta ‘yung pinahid ko kung meron haha.

“Bogsie, may naiisip ka ba?”

“Sa gubat gusto mo?”

Napaliwanag ko na ba kung ano ‘yung kainan sa gubat? Hindi naman siya cannival house o kung ano man dahil sa gubat siya nakapuwesto, pero mga bahay ito sa tabi ng school na nagtayo ng business sa gilid ng pader, mga carinderya ito. Madalas din tumambay dito ang mga istudyanteng nagyoyosi dahil hindi sila maabot ng mata ng guard sa loob ng gubat.

“Hayoko dun! Mukhang madumi!” Bumaba sa hagdan si Jerome, nag-unat at naghikab, nilingon siya ng mga babaeng napapadaan at nakatambay rin sa labas. Medyo low waist ang jeans niya kaya kumaway ang maputi, makinis at kagaya ng kay Jessie ay nakakapagtakang flat tummy niya pag-angat ng mga braso niya.

“Oi, maraming chiks ang nadapa sa ginawa mo.” Tinulak ulit siya ni Kevin na ginaya ang ginawa niya pero walang tumingin kahit mas may abs siya keysa kay Jerome.

“Haha, Jerome... nag-cucultured ba kayo ng kapatid mo ng bulati sa tiyan? Haha.” Biro ni Bogart na nakapansin ng flat niyang tiyan kahit matakaw.

“Meron, malaki na nga eh.” Nag-vibrate ang bulsa ni Jerome. “Tawag ba ‘to o text?” Binunot niya ang cellphone. “Aba tawag...” Sinagot niya ang tawag habang naglalakad.

“Hello? Who’s this?”

“Jerome! Justin ‘to hehe.”

“Justin?”

Tumigil siya sa paglalakad, tumigil din ang mga kasabay niya.

“Bakit? Anong kailangan mo?”

“Hehe, nasa school ka ngayon diba?”

“Oo, bakit? Anong kailangan mo?” Inulit ko lang ‘yung sinabi ko kanina.

“Lunch time mo ngayon diba?”

“Oo, bakit nga? At ano ngang kailangan mo?” Dagdagan ko ng ‘nga’ baka sagutin na, tss.

“Nandito ako sa tapat ng main building niyo, may dala akong pag-kain para sayo hehe.”

“Pagkain?”

“OO, hehe... inorder ko lang ‘to pero masarap ‘to.”

“Sandali.”

Tinakpan niya ang mouthpiece ng phone. “Huwag niyo kong susundan.” Bilin niya sa dalawa na bigla niyang iniwan para pumunta sa unahan ng main building. Malayo pa siya nang matanaw niya si Justin na may bitbit na paper bag ng pamilyar na restaurant, nakasilip sa pintuan ng building, mukhang iniintay siyang lumabas.

“Oi.” Tawag niya dito habang papalapit.

Lumingon sa kanya si Justin nung una ay walang reaksyon ang mukha nito pero nang makalapit siya ngumiti ito ng sobra.

Eeh?

Hindi sigurado si Jerome kung hindi ba siya nagblush sa nakita. “Para ba kay Jessie ‘yan? Bakit dito mo pa dinala?”

“Ha? Hindi, para sayo ‘to hehe.” Sapilitang inabot ni Justin, buti nasalo niya at hindi nalaglag ang paper bag.

“Sigurado ka?” Anong kalokohan ‘to! Nahagip ng gilid ng mata niya ang pag-bubulungan ng mga nakakita sa kanila, nagmukha kasi siyang nirarasyunan ng pagkaen ng boyfriend niya. Anak ng! I’m not into that kind of relationship! I’m straight!

“Oo hehe. Ramen ‘yan saka may california maki, sabi kasi ni Jessie ‘yun daw ang paborito mo hehe. Saan ba canteen niyo? Puwede bang pumasok outsider dito? Hehe.” Ginala ni Justin ang mata sa buong campus.

Favorite ko nga ‘yun hmm.

“Nagpapasok naman, bakit pala hindi ka nakauniform?”

“Huh? Heheh.” Kumamot sa ulo si Justin. “Wala ako balak pumasok eh! Haha.” Patuloy ito sa pag-tawa at pagkamot sa ulo.

Pak.

Na-cutan si Jerome sa ginagawa ni Justin. Putang Ina, nahahawa na ako kay Jessie! No waaaay!!! Sinipat ulit niya ng tingin ang mga chismosong studyante sa paligid, iba-iba ang nababasa niyang tingin, may parang nagtataka, nagugulat, nagtatanong. Ang mga bading ay parang kinikilig, may ilang babae rin na ganito ang reaksyon, pero mas lamang ang babae na parang nadidismaya. Sikat nanaman ako. “Sumama ka nga sakin!” Gamit ang kamay na walang dala, kinuha niya sa braso si Justin at hinila papunta sa pinanggalingan niya.

“Jerky! Sinong---” Naiwang nakanganga at nakaturo si Kevin, gulat na gulat ding tumigil sa paglalakad si Jerome dahil sa nakasalubong.

“Sumunod na lang kayo!” Nilagpasan ni Jerome ang mga kaibigan hila-hila si Justin na nag-nod at ngumiti kina Bogart.

“Ouch!” Naglagay ng isang kamay niya sa dibdib si Kevin, kinagat ang labi at umiling-iling. “Pinagpalit na niya ako, huhuhu.”

“Yaan mo na, marami pa diyang iba.” Tinap ni Bogart ang balikat ni Kevin.

...

Nakaupo na nakataas ang tuhod, nakapatong ang ulo sa tuhod, nasa taas ng lamesang galing sa faculty. Ganyan ang itsura nina Jessie at DJ, tinatanaw ang mga bubong, pader, building na view ng rooftop.

“Bakit parang badtrip ka?” Mahinang dinunggol ni Jessie si DJ sa balikat.

“Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng eksena.”

“Saan? Sa bago mong show?”

“Oo. Nakakabuwist... ang sabi ako ang papalit doon sa dating ka-love triangle na lumipat sa kabilang istasyon pero nasulot sakin ‘nung isang nag-audition, buwisit para lang ako nag-espesyal episode!”

“Eh... diba may eksena ka na ulit?” Tumingin si Jessie kay DJ.

“Oo nga! Short appearance lang naman! Hindi pa alam kung kailan ulit ako lilitaw!” Tumingin din si Dj sa kanya. “Bakit?”

“Bagay sayo ‘yung hairtsyle mo ngayon, hihi.”

“Oh?” Hinawakan niya ang bangs.

“Uu, hihi.”

Natitigan ni DJ ang ngiti ni Jessie sa kanya, nawala nanaman ito ng mata sa pag-ngiti. Hehe, cute. “May tinga ka pa.”

“Ha? Tinga? Saan?” Nagsalamin si Jessie sa hawak niyang cellphone. “Nasaan!?” Dinama niya ng dila ang mga ngipin sa unahan. “Wala naman eh!”

“Hahaha, wala naman talaga eh. Gusto ko lang makita ‘yung mukha mo, mukha ka kasing tanga pag-nagtitinga haha.”

“EEEH! BUWIIISIT!” Tinulak niya si DJ.

“Hoy! Malaglag ako, haha.”

“Buwisit, buwisit, buwisit!” Pinalo palo niya si DJ sa balikat.

“Hahaha, gawin mo siguro ‘yan sa harapan ni Justin matuturn-off bigla sayo ‘yun! Hahaha.”

“Ewaaaaan!” Kinurot siya ni Jessie sa bewang. “Chubby boy!”

“Kung ako chubby, ano ka pa? obese? Hahaha.” Binaba ni DJ ang paa, humawak sa tiyan na masakit na sa kakatawa.

OBESEEE!?

“Hindi kaya!” Naging mahina ang palo niya sa balikat ni DJ, kinagat niya ang labi at pumalo uli kay DJ. “Hindi kaya ako tumataba.”

“Hindi ba?” Nilingon niya si Jessie. Mas lalo siyang nacutan sa tingin nito sa kanya, napangiti si DJ, hahawakan niya dapat ang mukha ni Jessie ang kaso...

“JESSSIE~” Bumukas ang pinto ng rooftop.

“ACE-CHAAAN~” Biglang nawala sa harapan niya ang mukha na dapat hahawakan, lumapit kasi ito sa taong umentra sa rooftop.

Bakit ko nga ba hahawakan ang mukha niya?

Tulalang bumagsak si DJ sa lamesa. Grrrr!

“Ace-chaan, nasan na ‘yung pinabibili ko!?” Hinatak-hatak ni Jessie ang dulo ng polo ni Ace.

“Meron ba?” May laman pang piatos ang bibig ni Ace pag-sagot niya.

“Meron kaya!?” Tinulak ni Jessie si Ace.

“Meron? ‘di nga!?” Lumakad palapit si Ace kay Jessie.

“NAGBIGAY KAYA AKO SAYO NG 50 PESOS!” Pinisil niya ang pisngi ni Ace. “Akin na pagkain ko!!!”

“A-aray! Ano ba! Wala sakin, nakay Ralph... ayun oh kunin mo!”

Kasunod lang pala ni Ace si Ralph na pumasok sa rooftop. “Oh.” Inabot niya kay Jessie ang pinabili kay Ace. “Ako na nagdala, balak niya kasing kagatan kanina. Hehe.”

“Thank you! Ralph-kun~” Pagkakuha ng pagkaen inirapan niya si Ace, pero hindi ito nakatingin sa kanya. “Hmm? Anong tinitignan mo Ace-chan?”

“Ano nangyari doon?” Tinuro ni Ace si DJ na nakahiga sa lamesa.

“Gutom na siguro.” Hula ni Ralph.

“Nagpapraktis siguro, kasi nasulot ‘yung role niya sa bago niyang show.” Kinagatan ni Jessie ang hotdog sandwich, tumulo ang ketsup sa may labi niya kaya inabutan siya ni Ralph ng tissue. “Hehe, thanks!”

“Anong act ‘yan? Playdead?” Binaba ni Ace ang salamin niya sa may ilong, kay DJ pa rin sila nakatingin.

“Haha, Dj! Rollover nga diyan!” Namiss ata ni Ralph si Moymoy at kay DJ pinapagawa ang paborito niyang tricks ng aso niya.

“Hihi, Dj! Sit!” Sinakyan ni Jessie ang pang-aasar ng dalawa.

Buwisit kayo, buwisit ka Jessie!

Sandyang bad dog talaga si DJ, hindi siya sumunod sa mga sinisigaw sa kanya.

...

“Nahatiran ko na siya ng pag-kain sa school kanina!” Imbis na sa bahay nina Jessie dumiretso si Justin, kina Ralph siya unang pumunta para sa kanyang second lesson.

“Yown! Magaling. Clap. Clap. Hehe.” Kunyariang pumalakpak si Ace.

“Ano na ang susunod?”

.

.

.

Second day. Wednesday. “Ihatid mo si Jerome papasok sa school niya.” – Ralph.

“Hatid lang?” – Si Justin na nagtatanong.

“Oo, bukas na ‘yung hatid-sundo... ‘wag atat my men!” – Ace.

“Kaso kasabay niya lagi si Jessie pag papasok diba?” – Si Justin uli na nagtatanong.

“Kami ng bahala doon my boy’ do not worry!” – Si Ace uli.

...

Alas-kwatro pa lang ng umaga ay kinatok na ni Ace ang bahay nina Jessie, si Jerome ang nagbukas para sa kanya pero pinatulog niya ulit ito pagkaluto. Siya ang gumising kay Jessie at pinagmadali niya itong kumilos para makaalis sila ng pasado ala-siyete. Masyado niyang inagahan dahil matagal na ulit maligo si Jessie, ligong-tao na ulit, dapat daw nagtatagal na ‘yung freshness niya para kay Justin.

“Ace-chaaan naman! kasisikat pa lang ng araw o! ‘di pa nga natilaok ‘yung mga manok ni Mang Kanor oh... mamaya na tayo pumasoooook.” Mabagal pa sa hayop na ‘sloth’ ang lakad ni Jessie palabas ng village, maayos naman ang itsura niya, mahaba ang oras kaya nagawa niyang ikulot ng maayos ang buhok niya at mag make-up, hinihila siya ni Ace para lumakad.

“Mang Kanor ka diyan!? Napanood mo ‘yun no!?” Kahit mabigat pa sa kanya ang hinihila hindi nagpapatalo si Ace.

“Hindi naman lahat! Ace-chaaan~ mamaya na tayo pumasok! Hindi naman ako cleaners ngayon eeeh! Puwede akong malate!” Inaatras ni Jessie ang lakad pabalik sa kanila.

“NO! IS A NO! NO-NO-NOOOO!” Ang bigat naman nito! Hindi lang halata! Lumaban si Ace ng lakad paabante para ‘di siya madala.

“Huhuhu!” Hinayaan na lang ni Jessie na hilahin siya ni Ace na parang stroller bag.

Tawa at iling na lang si Ralph na napilitan ring gumising ng mas maaga at sumabay sa pagpasok sa kanila.

...

Saktong alas-nuebe nagising si Jerome para maligo at kumain bago pumasok sa school. Ako ang nagluto pero ako ang walang nakain, buwisit! Nag-kape na lang siya, pampainit ng tiyan bago maligo. Bakit nga ba ang aga umalis ‘nung tatlo? Maaga ba silang umalis o pumasok lang sa tamang oras si Jessie? Hays... nakalam pa rin ang tiyan ko lagot sakin ‘yung tatlong ‘yun!

Tinamad na siya maghanap ng damit kaya kung ano na lang ang una niyang nadukot ‘yun na lang ang sinuot niya. Nasan na ba ‘yung sapatos ko? Sumilip siya sa ilalim ng kama, isang kapares lang ang nakita niya, sumilip siya sa ilalim ng computer table, nakita na niya ang kapartner ng sneakers niya. Naglalakad ata mag-isa mga sapatos ko.

Umiinom siya ng tubig sa kusina nang biglang may kumatok. Sino naman ‘to?

Binuksan niya ang pinto.

“Jerome!” Bati ng kumatok.

“Justin?” Ikaw nanaman? “Kung balak mong isabay si Jessie sa pagpasok kanina pa siya nakaalis kasabay niya sina Ace.”

Umiling ng nakangiti si Justin. “Hehe ikaw talaga pakay ko, papasok ka na diba?”

Ako?

“Oo.”

“Sabay na kita, hehe.”

“Ha?”

“Dala ko ‘yung car ko, hehe iisa lang naman ‘yung way natin... tera na!” Umakbay si Justin pero iniwas ni Jerome ang balikat.

“Sandali, i-lolock ko muna ‘yung pinto.” Aakbay pa eh! Awkward na nga!

“Ok hehe.”

Sa tapat na ng kotse inintay ni Justin si Jerome, na conscious pa rin sa iisipin ng mga kapit bahay niya pag nakita siya. Ano bang problema nitong lalaking ‘to! Kunot noo siyang nakatingin kay Justin na may kinukutkot sa may pasenger seats. “Ok, na nakasarado na.”

“Ok hehe!” Humarap ito sa kanya na may bitbit na paperbag ng ‘Mcdo’. “Binili nga pala kita ng pancake saka ng coffee baka kasi hindi ka pa nag-aalmusal hehe.”

Ayoko na sanang tanggapin, kaso nagkakainan na ang mga bulate ko sa tiyan sa gutom dahil ‘di ako tinirhan ‘nung tatlo ng pagkain. ASAR.

“Sayo na ‘yung kape, nagkape na ako baka naman hindi ako makatulog niyan pag uminom pa ulit ako.”

“Ha? Ok... hehe gusto mo doon ka na sa may back seat umupo para makain mo na?”

“Sige doon na lang ako.” Kapalan na tang-ina nagugutom na ako!

Sumakay nga sa backseat si Jerome at sinamantala na ang pagkakataon para mag-piling mayaman. Ganito pala ang feeling ng mayaman, ‘yung may kotse ka na, may driver ka na, on the way puwede ka pa kumain. Niyahahaha. I love this life. Hindi niya napapansin na napapangiti siya habang ingat na ingat na naghihiwa ng pancake.

Kitang-kita ni Justin mula sa rear view mirror ang pasimpleng ngiti at paminsan-minsang pagtango ni Jerome na akala mo ay may kausap. Ayos, enjoy ata si Jerome! Effective! Hehe. Mga gestures na madalas rin niyang makita pag si Jessie ang kasama niya.

Naubos ni Jerome ang kinakain bago sila makarating sa pamantasan. “Malapit na ako bumaba, ako na magtatapon nito.” Inilagay niya ang pinagkainan sa paper bag saka sinukbit ang bag at nag-ayos ng sarili dahil natatanaw na niya ang gate ng highschool na katabi ng school niya.

“Ako na, hehe. Iwan mo na lang diyan... papasok pa sa loob nitong highschool diba bago makarating sa inyo?” Medyo natrapik pa sila gawa ng mga tricycle na kung saan-saan na lang nagbaba ng mga istudyanteng nakasakay.

“Ipapasok mo ‘yung kotse mo hanggang loob?”

“Oo hehe, badtrip lang ‘tong mga trik eh nakabalandra.”

Seryoso siya.

“O-ok.”

Nawalis ang mga tricycle pagkatapos makapagsakay ulit ng mga pasahero pabalik naman ng bayan. Sa main gate sila dumaan at hindi sa shortcut na palaging dinadaanan ni Jerome, ayaw niya kasi talaga dito sa main gate gawa ng traffic na sa bayan minsan traffic din pag malapit na nasa school kagaya kanina. At medyo nakakapagod rin ang lalakarin mula sa gate ng highschool papunta sa pamantasan, kung wala kang extra limang piso para sumakay sa service na tricycle, matututo ang tuhod mo na maghiking habang naka-black shoes kung nakauniform ka.

Sakto ang pag-sundo ni Justin dahil natripan ni Jerome isuot ang uniform nila mga ilang weeks na rin siyang iba-iba ang pangalan na binibigay sa guard pag sinisita siya, naubusan na siya ng pangalan at ng maiimbentong student number kaya nag-uniform muna siya.

“Ang layo pala ng lalakarin dito nu?” Napuna ni Justin ang akyat-babang daan ng campus.

“Oo, kaya hindi ako dito dumadaan na simula nung buksan ulit ‘yung shortcut pero ‘nung sarado ‘yun parusa sa paa ang pumasok.” Nagsuklay ng buhok si Jerome, may mga chiks na pasado sa panlasa niya ang lumilingon sa kanila habang nasa sasakyan, Hindi ako puwede ma-outshine ng driver ko! Harhar.

“Hehe, aakyat tapos baba ang habang palusong nito ah.” Pagkalagpas sa mahabang daan na pababa ay makikita na ang main building ng pamantasan. Lumiko sa kanan si Justin, dito kasi ang parking ng mga sasakyan.

Damn!

Nakita ni Jerome si Kevin at Bogart kasama si Hazel na nakatambay sa may hagdan na nasa harapan ng main gate. “Oi, Justin dito mo na lang ako ibaba.”

“Ha? Ayaw mo sa unahan? Sa may pinaka main entrance?” Lumingon si Justin sa kanya.

“Oo! ‘wag na ‘dun!” Maiissuehan nanaman ako nito kagaya kahapon eh!

Pero sumenyas ang guard at sinasabi nitong nakaharang na sila sa daan. “Bawal daw magbaba dito sabi ‘nung guard nasenyas... ituloy na kita sa may entrance.” Dumiretso na lang si Justin sa may main building at doon ibinaba si Jerome.

Nakatakip pa ang bag ni Jerone sa mukha pagbaba kaso nakilala pa rin siya ni Kevin na tumayo sa pagkakaupo at nilapitan siya. “Jerkyyyyy~ Hinatid ka ni Justin!?”

“He!” Nilagpasan niya ang kaibigan, nakaalis na ang sasakyan ni Justin at hindi na ito matatanaw ng mata ni Kevin. Tumabi si Jerome kay Bogart na nagbabasa ng notes niya, masipag si Bogart mag-aral pag sinisipag. “Ayos ah’ bagong buhay ka na?” Nauna siyang magsalita para hindi na magtanong pa ang kaibigang nag-sisipag.

“Masipag talaga ako!” Sumagot ang mama na may kasamang taas ng kilay.

“Oi! Jerkyyyy! Kahapon pag-kain ang dala niya sayo! Ngayon hinatid ka na! mukhang seryoso si Justin ah!” Nakabalik na sa tabi ni Hazel si Kevin at muling binuksan ang iniiwasan na topic ni Jerome.

“Ayun ba si Justin? ‘yung nagdidrive?” Tanong ni Hazel kay Kevin.

“Oo hehe! Yaman no! nakauniform ng G.I.U.!”

Paghindi nanahimik ‘tong si Kevin ilalaglag ko na talaga ‘to.

Tumalikod ng unti si Jerome sa mga kasama. Lintik eh!

“Serious ata talaga sa kapatid mo si Justin.” Sinara ni Bogart ang notebook at umakbay kay Jerome. “Ikaw muna ang nililigawan eh! Haha.”

“Tigilan niyo ako.” Asar talo na si Jerome.

“Hmm... baka naman siya talaga ang type ni Justin! Hahaha.” Humagalpak ng tawa si Kevin pagkatapos bitiwan ang kanyang biro.

“Tarantado!” Inagawa ni Jerome ang notebook ni Bogart at binato kay Kevin.

“Muntik na ako ah!” Inirapan siya ni Hazel dahil muntik na talaga itong tamaan ng hinagis na notebook.

“Sorry... si Kevin kasi eh’.” Nag-nod si Jerome at tinaas ang palad. ‘Ba yan! Minus pogi points pa ako! Nakita niyang dumila sa kanya si Kevin kaya dumila rin siya kaso hindi si Kevin ang nakakita kung hindi si Hazel na muli nanamang siyang inirapan. Anak ng!

“Hahaha.” Laughtrip si Kevin na may kasama pang taas ng mga paa.

“Mamaya sana good for three na ‘yung dalhin sayo ni Justin, maduga ka eeh’ hindi ka namigay ng ramen!” Naalala ni Bogart ang pagdadamot ni Jerome sa kanila.

“Tss... maghanap ‘din kayo ng manliligaw ng kapatid niyo na kagaya ni Justin. *bleeeh*” Pagdating sa ramen! Walang kaibi-kaibigan!

.

.

.

To be continued.

Narerestrict kasi eh, nakakabadtrip hatiin natin baka sakaling effective!

Thursday. Third day. “Nahatid ko na siya kanina! Hehehe.” Tumambay muna ulit si Justin kina Ralph bago pumunta kina Jessie.

“Magaling-magaling... *yawn*”

Mapungay pa rin ang mata ni Ace kahit nakatatlong kape na.

“Salamat sa tip niyo kanina, nagustuhan niya ‘yung pancake. Hmm... teka nasan si Ralph?”

Wala sa sofa at wala rin naman sa kusina ang may ari ng bahay.

“Nasa kwarto tulog, ang aga kasi namin nagising kanina para lang mahatak si Jessie pumasok ng maaga. Grrr, buwisit na lesson plan ‘to! Gusto ko na rin matulog eh!”

Hinampas ni Ace ang kawawang lesson plan sa lamesa.

Gusto mo tulungan na kitang gumawa?” Sumalagmak na rin sa carpet si Justin at tumabi kay Ace.

“Puwede rin *yawn* basta bukas ‘wag mo kalimutan ... hatid, sundo at pagkain na. 3 way combo na ang gagawin mo kay Jerome! Haysss... kaantok!!!”

Iniabot ni Ace ang isang libro at index card kay Justin.

“Pasensya na, hehe gigising pa ulit kayo ng maaga bukas.”

“Ok lang!... maya-maya puntahan mo na si Piglet baka matulog na rin ‘yun ng maaga.”

Hehe, sabi niya maglalaro pa raw siya.”

“Buwisit ‘yun palibhasa sanay sa puyat...”

Bumagsak ang ulo ni Ace sa lamesa at napapikit. “Hindi ko na talaga kaya, idlip muna ako...”

“Haha, sige lang.”

Sinimulan na lang ni Justin ang pag-gawa ng cue cards ni Ace sa pagtuturo habang tinutulugan siya nito.

...

Sa ikalawang umaga na gumising sina Jessie nang pagkaaga-aga pare-parehas na silang tatlo na bangag maglakad papunta sa sakayan. Lumagpas ‘din sila sa tamabang babaan dahil puros tulog sila sa jeep habang nagbyabyahe. Wala nang ayos-ayos ng buhok si Jessie, pinabayaan na lang niya na patuyuin ng hangin ang buhok. Walang tigil sa pag-hikab si Ralph na mas nadagdagan ang pagiging tahimik dahil sa antok at wala ng nai-lesson na matino kanina sa school si Ace dahil miski siya ay hindi na maintindihan ang mga naisulat na lesson. Kaya nang dumating ang breaktime, pare-parehas din silang tulog sa rooftop at kanya-kanyang lamesa na yinuyukuan.

Naiwang gising si DJ bilang care taker ng mga bag nila. Saan ba nanggaling ‘tong tatlong ‘to... kahapon pumasok sila nang pagkaaga-aga tapos ngayon ang aaga ‘din puro naman tulog. Nakaupo siya sa tapat ng lamesa ni Jessie. Ganda babae, tulo laway! Amp.

.

.

.

Kagaya ng plano, sinundo ni Justin si Jerome, dinalhan ng almusal na muli nitong kinain papasok dahil muli nanamang itong inubusan ng tatlo ng almusal at this time pati 3 n 1 na sachet ng kape ay naubos. Mabuti na lamang at hindi nakatambay sina Kevin sa mag hagdan pagbaba ni Jerome kaya nakapasok siya ng matiwasay na walang dapat taguan.

Pagdating niya sa computer lab na walang gumaganang computer, sinalubong siya ni Kevin na may mapang-asar na ngiti. “Jerkyyyy~ hihihi, hinatid ka niya ulit! Nakita ko... yiheee!” Kikilitin siya dapat sa bewang pero nakaatras siya sa daliri ni Kevin.

“Tarantado... hindi!” Hinawi niya si Kevin na parang damit sa sampayan at umupo sa isang bakanteng monoblock.

“Leeeeeewl.” Nilapit ni Kevin ang mukha na may nanghahabang nguso kay Jerome. “Lokohin mo tete mo! Kitang-kita diyan sa bintana oh!”

“Huh!?” Tumingin si Jerome sa tinuturo ng kaibigan, bukas na nga ang bintana sa computer lab na walang aircon. Kaya pala hindi na masyadong mainit.

“Eeeh~ sana naman mamaya kasama na rin kami sa foods! Haha.” Niyakapn ni Kevin ang sarili at kumendeng-kendeng. “Ang gwapa ng manliligaw mo, Jerky hihi.”

“Sira ulo.” Bumibigay na si Kevin tsk!

Umupo sa tabi niya ang bumigay na kaibigan. “Paano kung tanungin ka na niya kung puwede na ba niyang ligawan ang kapatid mo? Ano isasagot mo? Papayag ka ba? Hahayaan mo bang mapunta si Justin sa little sister mo? Anong sagot mo?”

Sinapian nanaman ni Boy Abunda! At anong mapunta si Justin sa little sister ko!? Puta.

“Ewan ko sayo ‘Boy Abunda’ na may buhok.” Inusod niya ang upuan palapit sa computer table, yumuko siya at nag-isip. Liligawan lang naman eh’ bat’ naman ako aangal? Nahahalikan na nga niya si Jessie eh’ kailangan pa ba niya ‘yun gawin? Taliwas sa sinasabi ng utak niya ang tunay na iniisip ng puso niya. Ayaw niya, hindi niya gusto ang posibilidad na magbago si Jessie pag tuluyan na itong nain-love at magkaroon ng moral sa pag-ibig. Pero bakit? Bakit nga ba ayaw niya? Dala lang nga ba ito nang pagmamahal niya bilang kuya... or meron pang ibang dahilan at kung meron ‘man ibang dahilan? Isa lang itong malaking kalokohan sa part niya. Puro ako tanong, wala naman akong maisagot sa tanong ko.

“Ui... si Jerky may looove problemmms~” Umeecho sa tenga niya ang pang-aasar ni Kevin.

Meron pa akong kaibigang baliw. Buwisit.

Hindi dumating ang prof nila sa first subject kaya pinuntahan na lang muna nila si Bogart na nag-prapractice ng basketball sa gym. Sa ikalawang subject nina Jerome, hindi rin dumating ang prof kaya nakaramdam na siya ng pagsisi dahil nag-uniform pa siya wala naman klase.

Pagdating nila sa canteen, lunch time, wala nanaman silang makitang puwesto. This time mga taga 4th floor ang nauna sa kanila, ‘di hamak na mas marami ang mga taga 4th floor samahan pa ng mga taga 3rd floor at nang pailang-ilang taga 2nd floor, hindi na sila umasang maka-experience ulit na kumain sa canteen.

Nanalangin si Jerome na hindi sana dumating si Justin pero hindi siya pinakinggan ng mga dinasalan niyang santo, dumating pa rin ang taga rasyon niya ng lunch. Bitbit ni Justin ang pagkaing inorder niya sa isang restaurant pero this time, kasama na sa bilang ang dalawang buntot ni Jerome kaya abot langit ang ngiti ni Kevin pagkaabot sa kanya ng pagkain ni Justin.

Kasama siya sa order kaya sa office ng mga ‘basketball’ marshalls dinala ni Bogart ang mga kaibigan. Nakapasok din sa main building si Justin dahil tropa ni Bogart ang guard, aircon ang office ng mga marshalls, kalahati ito ng room na ginagamit naman ng mga taga ‘volleyball’. Swerte sila dahil wala si Coach at pag wala si Coach si Bogart ang boss. Hindi niya pinayagan makapasok ang mga kateam mates na amoy pawis, baka masira kasi ang appetite nila sa pagkain.

“Sa uulitin Justin! Hahaha.” Kumakaway nang paulit-ulit si Kevin kay Justin na pasakay na sa kanyang kotse. Katatapos lang nilang kumain at may klase na sila kaya uuwi na lang muna si Justin.

“Ulol.” Binatukan ni Jerome si Kevin.

“Aray nomon! Swapangers mo! Ano gusto mo ikaw lang lagi ang dalhan!?” Tinulak ni Kevin si Jerome na napaatras at tumama ang likod sa braso ni Bogart.

“Gago ka ah!” Gumanti ng tulak si Jerome.

“*bleeeh* Seselos ka lang eeh kasi baka agawin namin si Justin sayo... *bleeh* haha.” Inilagay pa ni Kevin ang dalawang palad sa tabi ng tenga para mas lalung maasar si Jerome.

“Pakyu.” Umamba ng sipa sa maselang parte ni Kevin si Jerome.

“Hoy! No hitting below the belt!” Tinakip ni Kevin ang back pack niya sa gitna ng hita.

“Ganyang-ganyang ang pagsisimula ng pagmamahalan ng mga Lola at Lolo ko haha.” Gumitna sa kanila si Bogart at tinuro ang mga mukha. “Huma-husband lover! Ahaha.”

“ULOL!” Parehas sina Kevin at Jerome na nag-amba ng sipa kay Bogart.

“Hahaha.” Na parehas din hindi tumama.

Pumasok ang dalawa sa apat na prof ni Jerome sa apat na subject, uwian na para sa kanila ni Kevin pero si Bogart may klase pa hanggang gabi. Tumambay muna ang dalawa sa may terminal ng tricycle sa tapat ng shortcut para mag-yosi.

“Jerky, si Justin ata ‘yung paparating oh?” Tumayo si Kevin sa pagkaka-skwat at tinanaw ang kotse na medyo malayo pa sa kanila.

“Huh?” Sumulyap si Jerome sa tinatanaw ng kaibigan, hindi niya makita, nakaharang kasi ang puwet ni Manong Driver... tumayo na rin siya at nakitanaw. Si Justin nga ata?

Dumaan sa katapat na kalsada ang kotse, tinted ang salamin kaya hindi nila masyadong naaninag kung siya Justin nga ang nag-didrive pero nakilala na ni Jerome ang kotse na naghahatid sa kanya sa iskulahan.

Nag ‘u-turn’ ang sasakyan at tumigil ito sa tapat nila. “Jerome!” Bumaba ang side mirror at sumilip ang mukha ni Justin sa kanila.

“Oi? Bakit ka nandito?” Initsa ni Jerome ang ubos na yosi at tinapakan.

“Sinusundo kita, hehe.”

Nasamid si Kevin dahil sa pagkabigla at paghithit sa yosi. Tinignan lang siya ng masama ni Jerome dahil alam nito na pang-aasar ang dahilan ng samid ni Kevin.

“Bakit pa? kaya ko naman umuwi mag-isa.”

“Traffic pauwi sa inyo ngayon, kakatext lang sakin ni Jessie, isang oras daw sila bago nakauwi. Kung magcocommute ka, mauuna pa ako makarating sayo sa inyo... gusto mo ako na lang magluto ng hapunan ni Jessie?”

“HUH!?” No! hindi puwede! Baka mas lalong mainlove sa kanya ang tiyan ng kapatid ko! “S-sabay na ako sayo. Hoy.” Tinapik ni Jerome si Kevin na kababawi lang sa samid. “Sasabay ka ba?”

“Hmm...” Nag-panggap na nag-iisip si Kevin.

“Bahala ka kung ayaw mo.” Binuksan na ni Jerome ang pinto sa passenger seat at sumakay. “Iwan mo na ‘yan.”

“Hoy! Wait!” Nagmamadaling binuksan ni Kevin ang pintuan sa backseat bago maiikot ni Justin ang susi at tuluyan na siyang maiwan. “Atat ka Jerky!”

“Utot mo.”

.

.

.

Friday. Fourth day. “Ayos! Nagawa mo na ang 3 way combo na sinasabi ko! Muhahaha.” – Si Ace, himalang hindi inaantok.

“Sa fourthday mo bukas, dapat makuha mo rin ang loob ng mga kaibigan niya. Ganun ‘din naman ang gagawin mo kay Jessie.”

– Si Ralph, gising na siya!

Dinalhan ko na sila ng foods kanina.” – Medyo ubos na ang allowance ni Justin dahil sa mahal ng gas.

“Iba ‘yun! Friday na bukas! Mas maganda kung mag-boboys night out kayo! Doon mo rin mapapatunayan sa kanya na kahit sa bar pa kayo pumunta na maraming chix! Sa mata mo, si Jessie pa rin ang pinakamaganda. It’s a challenge for you mah men!”

– Inakbayan ni Ace si Justin.

“O-ok.”

“Kami nang bahala mag-entertain kay Jessie habang wala pa kayo, basta agahan niyo na lang uwi.”

“Tss! Boys night out tapos maaga umuwi!? ‘wag kang KJ! Ralph! Justin dapat mga madaling ara---”

Binato ni Ralph ng pillow si Ace. “Basta maaga kayong umuwi.”

“Sige, hehe.”

...

“HA!? KARAOKE!?” Kasing tinis ng boses ni ‘Matotina’ ang tono ni Jerome nang ulitin niya ang sinabi ni Justin na pupuntahan nila. Nasa sasakyan na silang apat, pinasakay na rin kasi ni Justin sina Kevin at Bogart para maisagawa niya ang kanyang plano.

“Oo, hehe.” Pilit na iniwas ni Justin ang mukha kay Jerome dahil nahihiya rin siya sa sinabi. Sa lahat naman ng maiisip ni Ace na boys night out, karaoke!? Damn!

“Aba ayus ‘yan! Hehe, may alam ako na magandang karaoke house! Medyo malayo pero maganda doon! Sound proof! At may alak!” Sang-ayon agad si Kevin na hindi niyo naitatanong ay isang professional videoke singer.

“Alak?” Nilingon ni Jerome ang mga nasa backseat.

“Oo, sa Savory tayo! Hehe... kung ‘di mo alam Justin, gu-guide kita!” Humawak pa sa drive seat si Kevin na naeexcite na. “Hehe, liko ka diyan.” Bulong niya kay Justin na may kasamang pagturo ng daliri sa kabila, lumiko naman si Justin. “Hmm... ano kaya magandang kantahin haha.”

“Kevs, sa tingin mo alam nina Hazel ‘yung lugar?” May binabalak ang mamang si Bogart na humihimas ng baba.

“Hazel?” Sabay na tanong nina Justin at Jerome.

“Hehe, mas ok kung may chikx. Tang-ina kasi kung tayong apat lang mukha tayong mag-brobromansahan eh! Hahaha.” Hinugot ni Bogart ang cellphone at sinimulan na ang pagtetext sa kanyang girlfriend at kina Hazel.

Eto na nga ba ‘yung sinasabi ni Ralph, baka mag-sama sila ng babae pag doon ko sila niyakag pero sabi naman ni Ace isa rin ‘tong chance para mapatunayan ko kay Jerome na walang ibang babae sa mata kundi ang kapatid lang niya.

Hindi muna nagsalita si Justin at ngumiti na lang sa suggestion ni Bogart.

Karaoke, babae, alak. Tang-ina this!

Mix emotion si Jerome, gusto niya na parang ayaw niya na dagdagan ng babae ang kasama nila. Nilingon niya si Justin, diresto ang tingin nito sa kalsada habang nakikinig sa direksyon ni Kevin.

Makalipas ang ilang minuto, narating nila ang lugar na sinasabi ni Kevin. Isa itong commercial building kung titignan sa labas at may restaurant pa nga sa baba na under sa parehong pangalan. Umakyat sila sa second floor para mamili ng kwarto na gagamitin, lunok agad sa laway niya si Justin pagkakita sa mga presyo ng pagkain, alak at kwarto na nakapaskil sa dingding. Pero nag-ambag naman si Bogart na nag-invite ng apat na dagdag, kasunod lang nila halos dumating sina Ria, Hazel at Lyan kasama ang bagong dagdag na si Alexis.

Pangalawa sa pinaka malaki ang kinuha nilang kwarto, kasabay dumating ng alak ang pulutan na fried chicken, nachos at sisig. Pinakilala ni Bogart ang mga babae kay Justin, ngiting poker face lang siya, walang effect sa kanya ang mga nakashort-shorts na babae.

“Una na ako ah! Hehehe.” Si Kevin, nakapili na ng kakantahin sa videoke.

“Anduga! May napili na rin ako! Ako muna!” Tumabi sa kanya si Lyan na nakikiagaw ng pindutan.

As always, ever so loving sweet together sina Ria at Bogart. Out of this world nanaman sila, akbay dito, halik dito, himas doon, inom ng alak dito. Iniiwas ni Justin na tumingin sa dalawa, naiisip niya kasi si Jessie, naiimagine niya si Jessie, pero ayaw niya ng naiimagine niya. Inubos niya ang laman ng bote ng ‘red horse’ sa isang lagukan para mahugasan ang mga naiisip niya.

“Hoy.” Puna ni Jerome.

“Oh?” Kumuha muna siya ng chicken bago sumagot.

“Sisirain mo ba atay mo? Ginawa mong tubig ‘yan.” ‘Yung redhorse ang tinutukoy ni Jerome.

“Hehehe, hindi naman... nauhaw lang ako.”

Lumagok sa hawak niyang bote si Jerome habang nakatitig kay Justin. Pag nalasing ‘to at sa bahay ko inuwi, naku... rape ‘to kay Jessie.

“Ang gwapo naman nilang dalawa.” Katabi ni Alexis si Hazel, may pagitan na isang sofa ang upuan nina Jerome sa kanila dito nakaupo sina Kevin at Lyan na nagcoconcert na.

“Yup, but both are taken by one girl... haha.” Humithit si Hazel sa yosi niyang hawak.

“Huh? One girl?” Nagtaka si Alexis sa sinabi niya.

“Haha, nothing... anyways kung type mo si Jerome sorry but he is mine.” Straight to the point na si Hazel, hindi naman kasi niya tropa si Alexis at hindi rin niya trip ang tabas ng mukha nito.

“It’s ok... I like that Justin more, we are on the same age. Hihi.”

Silly girl... you’ll be wasting your time.

“Haha, good luck.” Tumayo at lumipat sa tabi ni Jerome si Hazel. Sumunod sa kanya si Alexis na kay Justin tumabi, pero tumayo si Justin at nakisiksik sa gitna nina Hazel at Jerome.

“Hui! ‘wag ka naman diyan.” Bulong ni Jerome.

“Eeeh, ayoko katabi ‘yung babae.” Bulong din ang sagot ni Justin.

Ang karaoke night ay naging concerto night para kina Kevin, Lyan at Bogart na nainggit sa ginagawang pag-concert ng dalawa kaya tumigil muna sa pakikipaglambingan sa kanyang girlfriend. “~Cut! Just like a knife and will I ever be! I’m so deeeeeplyyy wounded and I!~” Feel na feel ni Bogart ang bawat lyrics ng kanyang kinakanta.

Sumunod sa kanya si Kevin na hindi na nagsawa sa pagkanta ng ‘Pusong Bato’, pangatlong version niya na at hindi pa rin daw siya satisfied, sintunado daw siya, eh sintunado naman talaga siya. Kung kay Kevin ay ‘Pusong Bato’ kay Lyan naman ay ‘Hawak Kamay’ kagaya ng rason ni Kevin sintunado din daw ang una niyang version, pero kahit rin naman ‘yung pangatlo sintunado.

Kahit naman si Hazel na mismo ang lumalapit kay Jerome, hindi siya makaporma dahil inaagaw ni Justin ang lalaking type niya. Ginagamit kasi nito si Jerome para makaiwas kay Alexis na panay ang tabi. Pero hindi siya naiinis, mas natutuwa pa siya sa pagkairita ni Justin sa babaeng tabi ng tabi.

Nakakabadtrip naman eh’ ‘di makahalata na hindi ako interesado. Makalabas na nga lang muna.

Tumayo sa kinauupuan niya si Justin, kumuha ng tatlong bote ng rh at lumabas ng pinto. Napuno na siya, mas lalu lang kasi niyang gustong umuwi para si Jessie na lang ang nangungulit sa kanya hindi ibang babae. Sa balcony ng building siya pumunta na medyo malapit lang naman sa kwarto na gamit nila. Nakalanghap ‘din ng medyo sariwang hangin.

“Justin!” Pasunod na si Alexis at malapit na sa pinto pero hinarang siya ni Hazel.

“Don’t.”

“Gusto ko lang naman siya makausap, please Hazel.” Pinagdikit pa ni Alexis ang mga palad niya at nagmukhang nagdadasal kay Hazel.

“Huwag ka nang umasa, naiirita lang sayo ‘yung tao, makaramdam ka naman.”

“Nililigawan pa lang naman niya ‘yung girl ah... may pag-asa pa ako.” Humawak sa door knob si Alexis, pero tinuon ng malakas ni Hazel ang kamay niya sa pinto.

“Nandiyan naman si Kevin kung gusto mo lang ng lalaking katabi, puwedeng puwede ‘yan. Tigilan mo na si Justin.” I still don’t know Jessie that well... but just like Justin’s style, I have to be nice to her if I really want to be her brother. Tinitigan ni Hazel sa matang may liquid eyeliner si Alexis, gumalaw ang mata nito papunta kay Kevin, bago tumingin ulit kay Hazel.

“Fine.” Hinawi ni Alexis ang kamay niya at nakisali na lamang sa mga nagcoconcert.

Bumalik si Hazel sa tabi ni Jerome na tahimik lang nainom, hindi niya namalayan ang pag-labas ni Justin ng kwarto dahil sa lalim ng iniisip.

Nilapit ni Hazel ang bibig sa tenga ni Jerome. “Boo.”

“Hui!” Gulat itong tumingin sa kanya. “Hazel... bakit?”

“Ang tahimik mo ee haha, anong iniisip mo?”

Lumagok sa basong may lamang alak si Jerome, nahagip ng mata niya ang kaninang inuupuan ni Justin at narealize niya na nawawala ito. “Si Justin?” Hindi niya tuloy nasagot ang tanong ni Hazel.

“Si Justin ang iniisip mo? Haha.”

“H-hindi! Ang sabi ko nasan si Justin?”

“Lumabas, nairita kay Alexis. Hihi.” Nagsindi si Hazel ng sigarilyo. “He is loyal to your lil’ sis.”

“Takot lang talaga sa babae ‘yun.” Lumagok ulit si Jerome pero hindi na siya nagsalita. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

“Anong gagawin mo kung tanungin ka na ni Justin?” Si Hazel ang bumagsak ng katahimikan.

“Tanungin? Ano naman itatanong ‘nun?”

“Kung papayag ka ng ligawan ang kapatid mo?”

Hindi sumagot si Jerome, tumitig lang siya sa ashtray na puno ng upos ng sigarilyo.

“Bakit hindi ka na nakasagot? Haha.” Pinatay ni Hazel ang sigarilyo niya sa ashtray na tinititigan ni Jerome.

“Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko, desisyon ni Jessie kung magpapaligaw siya, pakiramdam ko nga hindi na ‘yun kailangan gawin ni Justin dahil bibigay rin naman agad sa kanya ang kapatid ko.”

Minasdan ni Hazel ang nalungkot na mata ni Jerome. “Eh, bakit badtrip ka?”

“Kasi, pakiramdam ko inaagaw niya sakin si Jessie. Hahaha.” Inubos ni Jerome ang laman ng baso niya. “Isip sira ulo lang no? hehe.” Sabay tingin sa katabing babae.

“Tingin ko, masyado kasi kayong lumaki na dependent sa isa’t isa, lalu na si Jessie, kaya ka nagkakaganyan. Masyado mo siyang na-ispoon feed habang nalaki, pero hindi naman habang buhay magkasama kayo, darating ang panahon na may lalayo at lalayo sa inyong dalawa. Natatakot ka sa magiging future niya kaya hindi mo siya mapakawalan, hindi mo rin mapakawalan ang sarili mo. I still don’t know how the two of you grew up, I don’t know your memories and past but you have to move on from that.” Sinagot ni Hazel ang tingin sa kanya ni Jerome. “I can bet my life, Justin loves your sister. It’s too obvious, hindi naman niya ‘to maiisipan, hindi ka niya susunduin at ihahatid, kung hindi niya love ang kapatid mo. Set your sister free for a while, para naman makalaya ka rin sa barriers na nilagay mo sa sarili mo.”

Tagos sa buto ang mga sinabi ni Hazel kay Jerome. Totoo ngang puro takot ang nararamdaman niya pag naiisip niya ang future nilang magkapatid. Takot siyang malayo kay Jessie, mas gugustuhin pa niya ang mag-tiis keysa ipagkatiwala sa iba ang kapatid niya. Pero may lalaking lumitaw sa buhay nila, at sa lahat ng lalaki na naging malapit kay Jessie... kay Justin lang siya nakaramdam ng tiwala but at the same time ng takot dahil pakiramdam niya kaya nitong higitan ang pagmamahal na binibigay niya para kay Jessie. Huminga siya ng malalim para makasagot kay Hazel.

“Hindi ko alam kung kaya ko siyang pagkatiwalaan.” Hindi inaalis ni Jerome ang tingin sa magandang mukha ni Hazel.

“May tiwala ka na sa kanya ngayon pa lang, ayaw mo lang aminin.” Pinoke ni Hazel sa dibdib si Jerome at ngumiti. “It’s time for you to talk to him, open up to him, tell him everything you want to tell him. Wait for his rensponse and give yourself a time to know him more, baka marealize mo ng kaya mong magtiwala sa kanya.”

I actually trust him... pero hindi ko pa rin magets ang sarili ko bakit ako natatakot.

Inalis niya ang mata sa mukha ni Hazel.Kumuha siya ng bote, binuksan, sabay inom. “Nasaan ba si Justin?”

“Nakita ko siyang lumiko papunta sa may balcony, baka nalanghap lang ng sariwang hangin siya lang kasi hindi nag-yoyosi satin hihi.” Ginaya ni Hazel ang ginawa niya.

“Salamat.” Tumayo si Jerome, ngumiti kay Hazel at pinisil ang pisngi nito. “Pakisabi lumabas lang ako.” Tumingin siya sa mga nagcoconcert. “Hehe, enjoy the concert.” Humawak siya sa balikat ni Hazel bago lumabas.

Why am I dissapointed na hindi niya ako hinalikan, hahaha. I’m putting my face too close already pero hindi nag-work. Oh’ well, there always be a next time. Hihi.

Pumunta si Hazel sa table na pinagpapatungan ng videoke book at naghanap ng kakantahin. “HOY! Pasingit naman diyan!” Inagaw ni Hazel ang mic kay Kevin at siya ang kumanta ng kinakanta nito.

.

.

.

“Haaaays!” Niyakap ng mahigpit ni Jessie ang pillow na may pundang color pink. Katabi niya sa sofa sa sala sina Ace at Ralph na nanonood ng Fairly Odd Parents sa Nickelodeon channel. “Wala pa si Kuya, wala pa si Justin. Nasaan kaya sila?” Tumingin siya kay Ralph na may hawak na cup, nagkibit balikat lang ito bilang sagot sa kanya.

“Hmm, baka may pinuntahan lang sila hehe.” Kahit ‘di siya nilingon ni Jessie, sumagot pa rin si Ace. Humarap sa kanya si Jessie nang nakasimangot. “Nanghahaba nanaman nguso mo.”

“Eeeh, magkasama kaya sila?”

Kumurap lang si Ace.

“Ui... sa tingin mo magkasama sila?” Pinoke ni Jessie ang braso ni Ace.

“Hiiiindi ‘yun! Bakit naman sila magsasama? Panigurado nang-chichix lang ‘yung Kuya mo at baka nakatulog lang si Justin, hehehehe.” Bawal kasi niyang malaman na magkamasa sina Justin at Jerome hehe kabilin-bilinan ni Justin ‘yun!

Bumalik sa panonood si Jessie pero hindi nawala ang pagsimangot niya. Nagsilipan ng tingin sina Ace at Ralph sa likuran ni Jessie. Kumindat si Ace tapos nagthumbs up, tinaasan siya ng kilay ni Ralph sabay higop sa chocolate drink niya.

“Ace-chan kanaw mo ko chocolate.”

Magsasalita para mag-utos.

“Nasaan ba chocolate powder niyo sa kusina?”

“Doon sa may pangalawang cabinet, kuha ka goya.” Tumuro pa si Jessie sa kusina pero wala naman direksyon ‘yung turo niya.

“Ok po Ma’am Piglet.”

.

.

.

Pumunta sa bacolny si Jerome para sundan si Justin, nakita niya itong nakatuon sa barandilya ng balcon, may hawak na isang bote ng red horse at malalim ang iniisip na nakatanaw sa mga katabing building.

“Hey...” Hindi alam ni Jerome kung paano babati kaya lumapit muna siya bago nagsalita. Gulat na humarap sa kanya si Justin, ngumiti siya at ginaya ang pagtuon nito sa barandilya.

“Jerome? Bakit ka lumabas?”

“Bigla ka kasing nawala.”

“Eh? Ah.” Tumawa na may hiya si Justin. “Nakakairita kasi ‘yung babae hehe.” Bumalik sa pag-tuon si Justin.

“Mas makulit pa si Jessie sa kanya ah’ buti hindi ka naiirita sa kapatid ko? Hehe.”

“Hehe, ‘di ko nga rin maintindihan kung bakit eh’ mas gusto kong kinukulit ako ni Jessie hehe, she’s annoying but she’s cute.”

Tinignan ni Jerome ang pag-ngiti ni Justin, wala pa siyang tama at nasa matinong pag-iisip pa kaya alam niyang hindi dala ng alak ang pag-liwanag ng mukha ni Justin nang isipin nito si Jessie. “Tell me Justin, bakit mo gustong ligawan ang kapatid ko?”

“Huh?” Tumingin sa kanya si Justin.

“I’m not numb, hindi rin ako pinanganak kahapon... for the past few days sakin mo finocus ang attention mo. Kung gusto mong maging malapit sakin para maligawan si Jessie sinabi mo na lang sana hindi ‘yung gumastos ka pa.” Humangin ng kaunti, sumabay ito sa ginawang pag-hawi ng buhok ni Jerome sa mukha.

“Hehe, gusto ko kasing gawin sa traditional way para mas maconvinced ka na I am respecting your sister.” Bumalik sa pagtanaw sa mga building si Justin. “Si Ace ang nakaisip nito eeh’ haha pasensya ka na kung naistorbo kita nitong mga nakaraang araw.”

“Tell me, paano mo nasabing mahal mo na si Jessie.” Nagintay ng takot at gulat na reaksyon si Jerome pero hindi ito ang lumabas sa mukha ni Justin. He smiled...

“Before I knew it, I already felt it. It’s like a sprung of feelings that spread and grew inside my body and took over my head and heart. I’m so new with this feelings, hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko. Everytime I’m with her I feel better, marining ko lang boses niya sa cellphone, instantly my heart will skip a beat, everytime I saw her smile, I’m having the urge to kiss her. Her smell, her soft skin, her bright eyes, I love everything about her.” Tumingin sa kanya si Justin ng nakangiti.

Hindi naman siya nagbigay ng reaksyon bago alisin ang tingin niya dito at uminom sa hawak na bote. Before I knew it, I already felt it. Tumatak sa isip niya ang unang salitang binitawan ni Justin, ano pa nga ba ang inaasahan niyang sagot? Wala naman talagang pagmamahal ang naeexplain ng mga salita, ang mga tanong na paano, bakit, at kung gaano ay ginagamit lang pag nagtatanong ka ng direksyon, bigat at nang hindi mo maintindihan pero sa pag-mamahal, wala pang naiimbentong salita ang puwedeng gamitin.

“Our mom died 11 years ago, she was 5 and I was 10 years old.” Napatitig si Justin kay Jerome na nakatingin ng diretso sa kawalan. “On that same year that our mom died, our dad decided to accept the work in Japan. Mas malaki kasi ang suweldo ni Mama noon sa office work niya kaya para mabuhay kami magkapatid na parang walang nagbabago nag-ofw si Papa. I’m too young to take good care of my little sister but thanks to our grandma we managed to grow up still with a mother figure.”

Uminom ulit si Jerome sa bote, uminom na rin si Justin sa baon niyang redhorse. Nakita niyang ngumiti si Jerome bago ulit ito nagsalita.

“One day, umuwi si Jessie. Umiiyak, may malaking gasgas sa tuhod at may black eye sa mata. Tinanong ko siya kung bakita siya umiiyak, sinuntok daw siya ‘nung isang bata sa mata at tinulak kaya siya may gasgas. Nagmadali ako ‘nun, gusto ko agad pumunta sa palaruan para maiganti ko siya pero pinigilan ako ni Lola. Imbis raw na lumabas ako para sa walang kapararakang bagay, bumili na lang daw ako ng miryenda namin at siya na ang bahala kay Jessie.

Nagdalawang isip ako ‘nun, pero nanaig ang takot ko sa lola ko kaya bumalik ako pagkabili ko ng bananaque at lutong spaghetti. Pagpasok ko sa bahay, wala sila sa sala, tinignan ko sa kusina pero wala rin, pero narinig ko ang boses ni Lola at nasa bakuran lang pala sila. Pag-silip ko, nagulat ako sa nakita ko. Tinutulak niya si Jessie, paulit-ulit, sa tuwing babagsak siya, tatayo ulit siya at makikipagbuno kay Lola pero agad rin siyang bumabagsak.

‘Wag kang susuko hanggang may lakas ka lumaban ka sakin, pag hindi mo ako napatumba hindi kita ipagluluto ng paborito mong fried chicken!’ ‘Yan ang narinig kong sinisigaw ng Lola ko sa kanya.

Hindi ko nakitang umiiyak si Jessie habang ginagawa nila ‘yun ni Lola, hehe nakakatuwa diba... bata pa lang pagkain na ang motivation niya. Palubog na ang araw ‘nun, malamig na ang mga nabili ko, sa wakas napaupo niya si Lola gamit ang lakas niya. Simula nung araw na ‘yun hindi ko na siya nakitang umiiyak, uuwi siya na may sugat pero kinabukasan may magulang na kakatok sa bahay at sasabihin sinuntok daw ni Jessie ‘yung anak niya. Hahaha, but she remained a crybaby pag pinapagalitan ko siya or ni Lola.”

“So that’s how she get that stamina hehe.” Nagkangitian sina Justin at Jerome.

“Yup, kaya lang habang lumalaki kami tumatanda na rin si Lola and after 5 years on a one faithful day pinapunta ako ng mga doctor sa hospital and they told me na ilang weeks na lang si Lola. Matagal na kasing may diabetes si Lola, kumpleto naman siya sa maintenance pero komplikasyon ang sumira sa katawan niya. It was like, history repeat itself dahil, sinabihan ako ni Lola na ‘wag kong ipaalam kay Jessie, kagaya ng pinakiusap sa akin noon ni Mama ‘nung malala na rin siya. Hindi ko alam kung bakit ganun sila pero nakinig na lang ako.

Iniwan ko si Jessie kina Nico ‘nung gabi na bigla akong pinagmadali ‘nung mga doctor. My grandma was still breathing, but it wasn’t a normal breathe, it’s too shallow and prequent. Pilit niyang tinaas ang mga palad niya para palapitin ang tenga ko sa may bibig niya. Binulungan niya ako na ‘wag na ‘wag kong pababayaan ang kapatid ko, na ‘wag na ‘wag ko siyang iiwan dahil sa ngayon kami na lang dalawa ang maiiwan habang wala pa si Papa.”

Pinigilan ni Jerome ang pagaralgal ng boses niya dahil sa nangingilid na luha, kaya lang ubos na ang laman ng iniinom niya. Inabot ni Justin ang reserba niyang inumin kay Jerome, kanina pa kasi niya nararamdaman na papaiyak na ang nagkukuwento.

“Salamat.”

“No prob.”

Lumagok ulit si Jerome bago nagsalita. “It was the same rainy and stormy night, just like the same time my mother died. Sinundo ko siya kina Nico, inuwi sa bahay at dinala sa kwarto niya. Nagsimula ng bumuhos ang ulan, natigilan ako hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya pero nakakuha ako ng lakas ng loob ng iangat niya ang mukha ko at ngumiti.

‘Patay na si Lola.’

Nawala ang ngiti niya, tumingin siya ibaba sa bedsheet niya ng hindi kumukurap. Nagsasalita ako, nagpapaliwanag, pero alam kong hindi siya nakikinig. Habang nagsasalita ako, kumukulog at kumikidlat, saka ko lang nakita na sa tuwing kukulog or kikilig napapapikit siya, nanginginig siya sa takot. Kagaya rin ‘nung gabi na sinabi ko na wala na si Mama. Isang malakas, napakalakas na kulog ang nagtulak sa kanya para yumakap sakin at biglang umiyak.

‘Kuya... ‘wag mo kong iiwan! Kuya! ‘wag na ‘wag mo akong iiwan! Kuya!!’ Paulit-ulit siya, hinahabol na niya ang hininga niya dahil sa hikbi pero hindi siya tumitigil.” Tinignan ni Jerome si Justin sa mata, mababasa dito ang pagtataka but at the same time pagkahabag. “You’re probably thinking why am I telling you this?”

Marahan na tumango si Justin.

“It’s because I want you to know some of her past, her painful past. And I want you to understand, why am I so clingy to her. Suntok sa puso ko pag nakikita ko siyang umiiyak lalo na pag dahil sa ibang tao, hindi naman kasi maiiwasan, tumatanda na siya hehe. Pero as much as possible ayokong makikita ‘yun nangyayari. Hindi ko siya mapakawalan dahil sa pangako ko sa dalawang taong mahalaga samin. But... sa tingin ko puwede ko pa rin naman gawin ‘yun kahit nandiyan ka sa tabi niya.”

“Huh?” Hindi nagets ni Justin ang huling sinabi ni Jerome.

“She’s everything to me Justin, kaya kung ngayon pa lang may binabalak ka ng kalokohan sa kanya sabihin mo na, para maipukpok ko na sayo ‘tong hawak kong bote.”

“She... she’s my everything too.” Nagegets na ni Justin ang pahiwatig ng mga salita ni Jerome na hindi pa siya magawang diretsahin. “She’s the only girl who made feel like this and I’m certain she’ll be the only one.”

“Good. Teka, sigurado ka pa ba na gusto mo siyang ligawan? ‘bat ‘di ka na lang magtapat sa kanya ngayon. Pagagastusin mo lang sarili mo sa binabalak mo eeh.” Nagpunas ng mata si Jerome, mas magaan na ang pakiramdam niya at tanggap na niya ang lalaking katabi niya.

“Ayoko siyang biglain eeh’ baka isipin niya katulad lang ‘din ako ni Nico, ayoko ‘nun. Gusto kong maparamdam sa kanya na nililigawan siya.” Tumalikod si Justin sa barindilya, sumandal sabay tingin sa langit.

“Mahirap kasi sa mga nanliligaw hanggang simula lang pag tapos na, pag nasagot na, wala ng sense, kung ako sayo don’t make it too obvious na nanliligaw ka just make her feel special, let her feel your love.” Sandali ‘bat ba ako na ngayon ang nag-eencourage sa kanya na mahalin ang kapatid ko! Eeeh! Wapak!

“Mas ok ba ‘yung ganun? Mas ok ba sayo ‘yung ganun?” Nilapit ng unti ni Justin ang mukha niya kay Jerome.

Eh?

Umiinom si Jerome sa bote kaya ng magtama ang mata niya muntik na siyang mabilaukan at mabuga sa mukha ni Justin ang laman ng bibig. *ubo* *ubo* Lintik!

“Ui, ok ka lang?” Hinimas ni Justin ang likod ni Jerome.

Tinaas ni Jerome ang palad para sabihin ok na siya, inalis na ni Justin ang kamay niya sa likod nito.

“Basta know your limitation! I know it and I saw it, you two already kissed.” Pinanghalik pa ni Jerome ang mga daliri niya.

“Hindi nga!?” Umatras ng bahagya si Justin, baka kasi kagaya rin ni Jessie si Jerome na bigla-biglang nanamampal.

“Oo, last Sunday, sa may pintuan, bago ka umuwi.” Palapit ng palapit ang hintuturo ni Jerome sa ilong ni Justin na paatras naman ng paatras. “Hehe, ok good ako doon hehehe. Ako naman kasi ang first kiss niya.” Tinuro ni Jerome ang sarili. “So ok lang, basta haggang doon lang ha!?”

Nakatawa si Jerome pero naninisik ang mga mata. Scary. “O-oo, oo.” Tumango ng tumango si Justin, sa pagkakaalog ng utak narealize niya ang sinabi ni Jerome. “Sandali!? Ikaw ang first kiss niya!?”

“Oo bakit? Angal? Bata pa kami ‘nun pero nitong kailan lang nakiss ko pa siya ulit sa lips badtrip nga eeh kung hindi ko lang sana siya kapatid, hehehe.” Tumawa si Jerome na namumula ang pisngi at kinakamot ang ulo.

May iba pa atang dahilan ang pagiging clingy niya kay Jessie.

Nag-matang garfield si Justin sa pagtitig niya sa tumatawang si Jerome.

“Uwi na tayo, anong oras na rin... tulog na si Ralph ng mga ganitong oras. Si Ace na lang ang kasama ni Jessie sa bahay, wala akong tiwala sa kamanyakan ‘nun. Isabay na nga pala natin si Hazel ah.” Naglakad si Jerome papunta sa may pintuan.

Matang garfield pa rin ang tingin ni Justin dito. Nagsalita ang hindi... pffft. Sumunod si Justin sa paglabas ni Jerome, hindi na siya pumunta sa kwarto at inintay na lang niya sa baba ang mga kasabay. Limitations... hehe ok, I know my limitation but a little touch and a kiss in the neck wasn’t that much right? Hmm, err, grr. What am I thinking! Binatukan ni Justin ang sarili. Totoo ata ang sinabi ni Jessie, nakakahawa ang pagkamanyak ng Kuya niya at ni Ace!

“Hahaha.” Tinawanan na lang ni Justin ang sarili at ngumiti. Mukhang ok na kay Jerome, mas gusto kong sundin ‘yung payo niya. Mas maganda nga na iparamdam ko kay Jessie na mahal ko siya sa araw-araw, ‘yung walang expiration, magtatapat ‘din ako sa kanya pero kukuha muna ako ng lakas ng loob at sapat na karakas para gawin ‘yun at sana by that time... she already feel the same.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ending Note:

            So alam niyo na?

            Sweet-sweetan na nga kaya silang dalawa sa mga susunod na chapters?

            Iiksi na kaya ang mga chapters ko?

            O

            Mas hahaba?

ABANGAN!! HEHE! 

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1M 81.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
583K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...