Finding You

By IHIDEMYSELF

61.6K 1.7K 95

Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasaba... More

Finding You
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
IHIDEMYSELF

Thirty Four

854 30 0
By IHIDEMYSELF

Thirty Four



Hindi ko na namalayan kung ilang oras ba ang byinahe namin ni Raiden patungong Manila dahil sa pagkakaidlip ko. Namalayan ko na lamang na nakahinto na ang sasakyan at may isang mataas na gusali ang nasa harap ko.



"Are you fully awake" aniya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.



"Nasaan na tayo?"



"Obviously, you're in my condominium. You will be staying here for the mean time." Kaagad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. How come na nagiging kalmado siya kung sa iisang bahay lang kami titira? Niloloko niya ba ako?



"At pumayag ka?"



"Na alin?" binuksan niya na ang pintuan ng driver seat at nagtatangka ng lumabas.



"Na magsasama tayo sa iisang bahay?"



"Bakit naman hindi? Any problem with that" nag-igting ang panga ko dahil sa sinabi niya.


"No way hindi ako papayag, kung gayon mas gugustuhin ko pa na umuwi mag-isa sa community araw-araw kaysa makasama ka." Lumabas na rin ako ng front seat. Napansin kung kinuha niya ang maleta ko sa compartment.



"Then gawin mo. Hindi naman ako ang mahihirapan." Sinasabi ko na nga ba. At lumabas na talaga ang totoong kulay. Welcome back Raiden Montecalvo.



Padabog kung kinuha sakanya ang maleta at nagbabalak na sanang umalis doon ng bigla niya'ng hinawakan ang pala-pulsuhan ko. Kumabog na naman ang puso ko.



"Mother Theresa wants you to live with me." Napanga-nga ako sa sinabi niya.



"No. hindi yan totoo..." alma ko



"Listen first. Hindi yung pinapairal mo na naman ang pagka-green minded mo." Sinimaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Masyado naman kasing nakakagulat itong mga sinasabi niya kaya sinong hindi magiisip ng masama.



"She requested to me that you should live with me. Not literally, magkatabi sa kama or kung ano man ang iniisip mo. She told me that you have a trauma kapag mag-isa ka lang sa bahay. Don't worry, I have 5 rooms in my condo. It's up to you kung saan mo gustong matulog, kung ano ang mas safe sayo. Or if you want all the duplicate keys, sayo ko ipagkakatiwala para lang wala kang isipin saakin." Iginala niya pa ang tingin niya saakin mula ulo hanggang paa.



"Ano yang mga tingin na yan?"



"None. Lets go." Nagsimula na siyang humakbang at binawi saakin ang maletang dala ko. Siya na ang nagdala noon papasok sa elevator. May nakasakay kami na isang babae na kulang nalang mag bra at panty sa sobrang ikli ng suot. Isinisiksik niya rin ang sarili niya sa katawan ni Raiden.



Natawa ako sa nakikita kung pagkairita sa mukha niya.



"Can you move, there are only 3 person in this elevator including you, me and my girlfriend. You can have the space but not in our spot." Aniya at tsaka ako hinila papalapit sakanya.



Halata sa mukha ng babae ang pagkapahiya dahil sa sinabi ni Raiden. Napangiti ako palihim habang nararamdaman ko na nakahawak parin ang kamay niya saakin.



Naunang lumabas iyong babae kaya kami na lamang ni Raiden ang naiwan sa loob. Walang gustong umimik pero nahahalata ko ang pagkailang na namamagitan sa aming dalawa lalong-lalo na at magkahawak parin ang aming kamay.



Tiningnan ko si Raiden.



"R-Raiden y-yung kamay ko, wala na yung babae." Naiilang na sambit ko sakanya. Tiningnan niya lang ako saglit at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.



"Raiden!" tawag ko ulit sakanya.



"Just 1 minute, give me a minute." Nanahimik na lamang ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Bumabalik na naman sa ala-ala ko ang mga nalaman ko way back 7 years ago...



Why I left without a trace. Nagbalik sa ala-ala ko ang mga panahong nagkamali ako at pagsisisihan ko iyon. At hanggang ngayon hinahabol parin ako ng pagsisising iyon.



Kasabay ng pagbukas ng elevator ay ang pagbitiw niya sa kamay ko. Napatingin ako dito. I wish he will give me a minute to hold his hand again because I'm afraid that it will never happen.



Binuksan na niya ang kanyang condo. Sa pagpasok pa lamang ay amoy mo na kaagad ang lavender fragrance nito. Napaka-refreshing. Unang tumambad saakin ang Living room na may napakalaking TV, Set of color blue na sofa and a glass table. Nasa ilalim nito ang ibat-ibang magazine and books.



Sa bandang kanan naman ay ang room for the kitchen, ang nagiging harang lang nito sa living room ay ang pang disenyong Bar iyong may Counter. Apat na upuan lang ang nasa dining table. Ngunit kapansin-pansin na wala siyang gaanong gamit sa pagluluto. Sayang!



Sa kaliwang side ang door papunta sa mga kwarto niya. Magkakaharap ang bawat pinto, naiiba lang yung nasa gitna. I bet doon ang kwarto niya.



Binuksan ko ang unang pinto ng kwarto. Guest room. Ang katapat naman nito ay gayun din. Sa pangatlo at pang-apat ay guest room din. May balak pa sana akong buksan ang nasa gitna ngunit pinigilan ko ang sarili ko. That his privacy! Kahit na gustong-gusto kong pasukin ang lama nito.



Nakita ko siya sa Bar area, nagsasalin ng juice.



"Nakapili kana?" tanong niya saakin.



Tumango ako. Umupo ako sa mataas na upuan doon at humarap sakanya.



"Ikaw lang mag-isa dito?" ibinigay niya saakin ang juice na ginawa niya. Tumango siya.



"Family mo?"


"They are in our house."



"So nagpapaka-independent kana ngayon... Pero maganda itong Condo mo. Sayang lang at wala kang kasama."



"But you're here now, so there's nothing to worry about." Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Kumuha ako ng tissue at pinunas iyon sa aking labi.



"Correction Raiden. For the mean time lang po." Paninigurado.



"....maybe it will last forever." Nanunuyang sambit niya. Mabilis akong umiba ng tingin dahil naghuhurmitado na naman ang puso ko dahil sa sinasabi niya. Ayoko siyang tingnan.



"Napansin ko lang, bakit wala kang gaanong gamit sa pagluluto?"



Iginala niya rin ang paningin niya sa kitchen. "I don't actually eat here, but since you're here I guess it's time to buy that stuff immediately."



Malapit ko ng maubos ang juice ko ng bigla niya akong hinila.



"Teka, saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko habang naghihintay kami ng elevator.



"Grocery store."



"Ha? Pero hindi ko pa naayos ang mga gamit ko." Reklamo ko sakanya.



"Makakapaghintay yun, you need to cook for our dinner." Tiningnan ko siya ng kakaiba at 'tsaka nagbukas ang elevator sa harap namin. Hinawakan niya ulit ang aking kamay at pumasok sa loob. Tahimik kaming dalawa sa loob, marami ang sumasakay sa bawat floor kaya medyo nakakahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko kasi ay kapag wala kaming taong kasama, maririnig niya ang sobrang kabog ng dibdib ko.



Sinulyapan ko siya. Wala itong emosyon habang nakahawak parin sa aking kamay. Hindi katulad sa pinasukan namin kanina, sa Lobby kami lumabas ngayon. Nagbabalak pa sana akong tanungin kung hindi ba namin gagamitin ang sasakyan niya kaso pinigilan ko na ang sarili ko. Baka may dahilan siya kaya hindi namin ito gagamitin.



Binati kami ng mga receptionist at guard sa paglabas namin. Kumawala na rin ako sa pagkakahawak sa kamay niya, binigyan niya lamang ako ng kakaibang tingin at tsaka ipinasok sa bulsa niya ang dalawang kamay niya. Psh!



Hinimas-himas ko ang puso ko at pinilit na pinakalma. Nauuna siya saakin kaya pinipilit kung bilisan ang lakad ko para mapantayan siya.



"Malayo pa ba?" tanong ko sakanya.



Tiningnan niya lang ako at naglakad ulit. Hindi man lang ako sinagot.



"Uy, malayo pa ba?" tanong ko ulit.



May ininguso lamang siya at nakita ko na kaagad ang grocery store. Sa kabilang side ito at tatawid pa kami. Ngunit wala akong makitang pedestrian lane. Luminga-linga ako na posibleng matawiran ngunit wala talaga. Naramdaman ko ang biglaang paghawak sa kamay ko ni Raiden at hinila ako. Magkahawak kamay naming tinawid ang kalsada. Buti nalang at ko-konti ang mga nadaang sasakyan.



Bumitaw kaagad ako sa pagkakahawak niya ng nasa tapat na kami ng grocery store.



"Sobrang dumi ba talaga ng kamay ko at ayaw mo na hinahawakan kita." Napatigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya nilingon. Nagkunwari akong walang narinig at pumasok sa loob ng grocery store.



Nakahinga lang ako ng maluwag ng mahawakan ko na cart para sa mga bibilhin namin. Nilingon ko siya galing sa loob at naruon padin siya kung saan ko siya iniwan. Kunot noo ko siyang tiningnan. Ano bang ginagawa niya. Sumenyas lamang ako na pumasok kana at tsaka ako namili ng mga bibilhin.



Una akong nagpunta sa bilihan ng mga gamit panluto, inabot ako ng ilang minuto doon. Pinili ko ba yung mas babagay sa kitchen niya. Hindi ko na rin alam kung nasaan na siya dahil naaliw na ako sa pamimili.



Sunod kong tinarget ang mga vegetable area ngunit natigil ako ng makita ko si Nadine at Raiden na magkasama. Tinutulak ni Raiden ang isang cart na hindi ko alam kung kanino, baka kay Nadine ito. Punong-puno na ito ng mga gulay at kung ano-ano pa.



Tiningnan ko ang dala kong cart. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Nagpakahirap pa naman akong mamili ng mga gamit na ito-at siya ang may idea na mamili kami pero sa iba pala siya sasama. And besides para sa bahay niya ito.



Sinulyapan ko ulit sila, katulad kanina naguusap parin sila. Ngumingiti pa si Nadine sa harap niya. Napairap ako sa kawalan at tsaka iniba ang daan ko.



Naalala kung wala nga pala akong dalang pera kaya paano ko babayaran itong mga gamit na ito. Nagtungo ako sa cashier area, humingi ako ng papel at ballpen. Nagtataka pa siyang tiningnan ako bago ibinigay ang hinihingi ko.



"Raiden, ikaw nalang magbayad nito. Naiwan ko sa condo mo ang pera ko. Uuna na ako sayo. Enjoy."



Isinabit ko sa cart iyong papel at tsaka naghanap ng guard. Pinasuyo ko sa kanila ang hawak kong cart at itinuro si Raiden na hanggang ngayon ay nakikipagusap parin. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya, umalis na lamang ako sa grocery store na iyon.



Katulad kanina tinahak ko ulit ang daan patungo sa condo niya. Buti na lang at ipinakita niya saakin ang passcode ng pinto niya kaya hindi na ako nahirapan na buksan ito. Napatingin ako sa maleta ko na nasa living room. Hinila ko ito at pumunta sa first door ng guest room niya. Ou, dito ko gustong mag-room para naman may privacy kaming dalawa. Atleast may ilang pinto bago ang kwarto ko.



Inilapag ko sa malambot na kama ang maleta at tsaka napahiga doon. Naghanap rin ako ng telephono sa loob ngunit wala akong makita. Parang may napansin akong telepono sa may bar area kanina.



Nagmadali akong lumabas doon at dinial ang number ng Community.



"Hello." Boses ni Monique ang bumungad saakin.



"Oh hi, Monique." Bati ko saknaya.



"Sharla, ano kamusta. Nakarating kana? Maganda ang condo niya?" napakunot noo kaagad ako dahil sa tanong niya.



"Ano ba yang tinatanong mo. Pwedeng makausap si Harrold?"


"Sure. Sure. Wait transfer ko sakanya." Naghintay lang ako ng ilang Segundo at narinig ko na din ang boses niya.



"Thank God. Kamusta naging byahe mo?" napangiti ako sa tanong niya.



"Uhmmm. Okay naman. Nakatulog ako."



"Good. Kamusta ang pinagstayhan mo. Komportable ka ba?"



"Yep."



"Good to hear that. Kumain kana? Huwag kang kumain ng bawal sa health mo ah. Uminom karin ng gamut..."



"Yes. Chief." Pangaasar ko sakanya.



Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya... "And the most important thing, don't fall in love with that Raiden." Napatigil ako sa sinabi niya.



"O sige na, bukas nalang ulit. Magpahinga kana. Goodnight."



"Goodnight din." Matapos nun ay pinatay na niya ang tawag. Naiwan akong nakatulala.


"So this is the reason why you leave me in the grocery store? To talk to him" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya.



Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagmartsa papasok sa kwarto. Nakita ko pa ang paghabol niya saakin ngunit huli na dahil tuluyan ko ng naisara ang pintuan ng kwarto. Napaupo ako sa kinatatayuan ko.



Binatukan ko ang sarili ko. Ano na naman baa ng nangyayare sayo Sharla.



VOTE, COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

83.7K 2.2K 54
Date started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA...
83.8K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
7.2K 245 44
Somewhere hidden in the woods, there lies a path through a different world. A world that Daisy will enter no matter how dangerous it is. For her, the...
2.5M 41.4K 75
{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.