Liars Catastrophe

By RenesmeeStories

3.5M 92.8K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... More

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 38: Former Empire Queens

55.4K 1.3K 312
By RenesmeeStories

Note: Pasensya na at ang tagal ko mag-update, madami kasi akong inaasikaso. Tapos nawala pa ako sa mood mag-type for LC. Mawalan ako ng motivation dito. Tapos wala ng nagcocomment. Kaya ayun. :( Anyways, buti na lang bumalik 'yung gana ko ngayon. Comment kayo ha? Hahaha. Enjoy reading!

PS: Sorry for all the errors.

38: Former Empire Queens

Nathaniel Gabriel's POV

"This time, kuya... Be with her. Support her and fight with her." Natigilan ako ng husto sa sinabi ng kapatid ko. Panay ang pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata at ang emosyon doon ay walang katumbas. Mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang sinasabi sa kaniyang ipinapakitang sinserong damdamin.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti sa kaniya. Sa simpleng salita niyang iyon ay nabuhayan yata ako ng dugo at naramdaman ko ang matinding pananabik sa aking dibdib. She's right in her ever words. I need to be with Light this time. It's a crucial moment for all of us. Hindi puwedeng hayaan ko siyang mag-isa. Masyadong mapanganib ang laban na ito para harapin niya ng mag-isa.

Nakarating kami sa ospital na pag-aari ng Apocalypse. Dapat si ako talaga ang nakatoka sa Medical Unit para sa laban, pero mukhang hindi na mangyayari iyon. Noong bumababa ako sa sasakyan ay napansin agad ako noong mga tauhan at agad silang tumakbo patungo sa akin dala dala ang mga kailangang gamit.

Binuksan ko kaagad ang pinto ng kotse kung nasaan sina Lian at dad upang mailabas si Dad sa sasakyan. Sumunod naman si Lian ng walang pag-aalinlangan at saka tumakbo patungo sa aming ama. Tatakbo na sana siya paloob para sundan ang aming amang itinatakbo sa emergency pero pinigilan ko kagaad siya.

Nagtatanong ang kaniyang mga mata at bago pa man siya makapag-usal ng kahit anong salita ay agad ko na siyang inunahan. "Lead the Medical Unit of the Apocalypse. Go to one of the rooms in the third floor. Here's the key." I gave her the key she took it. "Do your very best." Huling sambit ko at saka ako mabilis na kumaripas pabalik sa kotse at saka ko sinimulang paandarin iyon.

Pinaikot ko iyong manibela nang matulin at saka iminaneobra para makapag-U turn ako. Noong maayos na ang lahat ay tinapakan ko ng madiin ang accelerator at pinaharurot ang sasakyan.

Nasa pinakamabilis na takbo na ako at nilalampasan ko na ang mga sasakyan nakahara sa daan subalit para sa akin ay napakabagal pa ng takbo niyon dahil sa matinding pagkasabik ko na mabalikan nang muli si Light. Alam kong kayang kaya niyang harapin ang mga kalaban niya nang nag-iisa pero iba pa din na nandoon ako kasama siyang lumalaban at tinutulungan. No one's protecting her back but her own self. At pakiramdam ko napakawalang kwenta kong asawa dahil pinabayaan ko siyang mag-isa doon.

Sinubukan kong kontakin siya pero hindi siya sumasagot. Gumapang ang kaba sa aking dibdib dahil doon halos mapamura na ako dahil parang napakabagal ng takbo ng sasakyang ito kahit sa totoo lamang ay napakatulin na talagang nito.

Humihigpit ang hawak ko sa manibela at ang paghinga ko ay mas lumalalim habang nairirinig ko sa aking tainga ang tunog ng pag-riring ng telepono ni Light pero kagaya kanina ay wala pa ding sumagot. Napatiim bagang na ako dahil doon at saka tiningnan ang daan ng mataman. Hinanap ko ang daan kung saan ako maaring makarating ng mabilis muli sa lugar na iyon. I checked the map from the satellite and there's one way but it's too narrow. Subalit hindi ko na inalintana iyon dahil ang tanging nasa isip ko ay makarating sa kaniya.

Lumiko ako at kung tututuusin kung may sakay man akong iba ngayon paniguradong tumalbog na sila dahil sa malakas na impact dahil sa aking ginawa. Matapos noon ay muli kong pinatakbo ang sasakyan. Pakiramdam ko nga ay nag-iwan ang gulong ng kotse ng marka at usok sa aspalto.

Ramdam na ramdam ko sa sarili ko ang tensyon at takot sa mga nangyayari ngayon. Ngunit kapag iniisip ko na nandoon si Light sa dilim at lumalaban mag-isa ay gusto kong maging ilaw na gagabay sa kaniya.

Napakatagal ng oras para sa akin kahit halos sampung minuto pa lamang naman ang lumilipas. At napakahirap magmaneho sa makipot ma daan na akong pinili pero nilampasan ko iyon lahat makarating lamang sa aking patutunguhan at noong matanaw ko ang pamilyar na lugar kung saan nagtutukoy iyon na malapit na ako sa aking patutunguhan at lubhang kasiyahan ang aking naramadaman.

Ilang sandali lamang ay nakarating na din ako sa basement parking ng building na iyon at halos tumunog ng napakalakas ang pagkakapreno ko dahil sa pagkiskis ng gulong at sahig. Hindi ko na inayos ang pagkakapark ko ng sasakyan basta pagkarating na pagkarating ko sa lugar malapit sa elevator ay doon na ako bumababa.

Hindi ko na ding pinagkaalabahang saraduhan ang sasakyan. Nagtatakbo ako sa elevator subalit sarado iyon at mukhang may gumagamit at nasa ika-sampung palapag pa iyon. Napatangis ang aking bagang at saka ako tahimik na mapa-mura. Agad akong tumakbo patungo sa may hagdan at doon ako nagsimulang tumakbo patungong ika-pitong palapag.

Nasa palapag na iyon kasi ang lugar kung nasaan ang lahat ng computer upang makita ang lahat ng record ng kamera at imbis na maghanap ng walang kahit anong konklusyon o bakas kung nasaan siya sa gusaling ito ay pag-aaksaya lamang ng oras. Hindi ko namang pwedeng hanapin si Light kada isang palapag ng lugar na ito. Isa lamang iyong walang saysay na paghahanap kapag nagkataon.

Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa matulin na pagtakbo ko. Nakakaramdam na din ako ng pagbigat ng hininga pero hindi ako tumigil at noong makarting ako palapag na iyon ay halos mapahawak muna ako sa aking mga tuhod sa matinding pagkahingal pero kahit isang segundo ay hindi ko pupwedeng sayagun. Mas matinding pagsasanay pa ang pinadaan ko noon kumpara sa ginawa ko ngayon kaya't nagtungo agad ako sa silid na aking gustong patunguhan.

Binuksan ko kaagad ang pinto at doon tumambad sa akin ang napagkangdaming mga monitor at nakalagay doon ang mga nangyayari sa bawat sulok ng lugar. Agad kong inilibot ang paningin ko para mahanap si Light at sa isang banda ay agad ko siyang nakita.

Tiningnan ko kagaad kung saang palapag iyon at nasa ika-siyam lamang iyon. Agad akong tumakbo patungo sa hagdan dahil pakiramdam ko ay napakabagal ng elevator sa lugar na ito.

Dumadanak ng dugo sa lugar na iyon at si Light ay napapalibutan ng halos piting kalaban. Nasa gitna siya at pinagmamasdan sila. Walang takot sa kaniyang mga mata at alam kong kinakalkula niya ang gagawin parang mapatumba silang lahat na pinalibutan siya.

Ilang segundo lamang at nakarating ako sa lugar kung nasaan siya at doon ko agad nakita ang pagkikipagtitigan niya sa kalaban. Nakakatakot ang titig na iyon na tila kapag tiningnan mo siya ng harapan at mata sa mata ay mangangatog ang tuhod mo at kusa ka na lamang luluhod kahit hindi mo nais.

Binununot ko ang baril mula sa gilid ng pantalon na suot ko at saka ko mabilis na ikinabit doon ang silencer at walang alinlangang pinaputukan ang mga nakapalibot kay Light. Asintado ko kaagad ang tatlo sa kanila at nakaiwas si Light sa ginawang pagpapaputok sa kaniya noong mga natira. Ang likos niyang walang kupas at ang pagtadyak niya at pagsuntok ang agad nakapagpatumba sa natitirang apat.

She smirked wickedly at me and it gave me shiver then she raised her gun and pointed it at my direction and a loud bang echoed through the place. Napangiti ako sa ginawa niya. Halos maramdaman ko pa ang hangin na dala noong balang pinakawalan ng kaniyang baril sa gilid ng aking pisngi bago ako lumingon sa likod upang tingnan ang lalaking nakahandusay ngayon doon na siyang tinira niya.

Naglakad ako ng mabilis patungo sa kaniya at saka siya hinawakan sa kamay upang paikutin at saka niya ginamit ang mga paa niya upang gamitin laban sa mga kalabang lumalapit sa amin. Halos umikot ikot siya sa ere habang ako ang naging pundasyon niya para malayang makagalaw.

Noong maubos panandalian ang kalaban ay hinigit ko siya sa bisig ko at saka mahigpit na niyapos at hinalikan sa noo. "Damn you." She muttered. I chuckled.

"I love you too." I replied and she snorted.

Ilang sandali pa ay may sumugod nanaman sa amin at nakipaglaban nanaman kami. Palitan ng suntok, sipa, tadyak, bala at mga hampas ng sandata ang nangyari. Nakakabinging ingay ang bumalot sa lugar dahil sa walang humapy na putukan ng baril ay ilang pampasabog. Ang lason na ginagamit ni Light ay ibinigay din niya sa akin kaya naman ang pagdanak ng dugo ay wala ding tigil.

It's an all out war. They've messed with the queen, they should face her rancor and fury.

Ni isa yata sa kanila ay hindi makalapit ng lubusan sa kaniya upang sugatan o daplisan man lamang siya dahil bukod sa protektado ko siya at sadyang nabuhay yata ang halimaw sa loob niya na matagal na niyang ikinukulong. She's stronger... bolder... fiercer. In this state, no one can ever beat her unless another queen like her show up.

Paunti unti nang nauubos ang kalaban at hinayaan niyang ako na lamang ang kumilos at umupo siya sa isang banda habang tahimik na nanunuod. Hindi ko mapigilang mamangha sa kaniyang inasal. Ibang klase talaga, nasa laban kami pero ang ginawa umupo ng prente na akala mo'y nanunuod nang isang sine.

Hindi ko na pinatagal ang laban at tinapos na ang huling natitirang nakatayo. Lumakad din ako papalapit sa kaniya at saka siya inabutan ng kamay at tinaggap naman niya iyon. She hissed at me. I shook my head jokingly. Ano nanamang ginawa ko?

"What?" Painosenteng tanong ko.

"Bakit mo agad tinapos ang laban?" Asar na wika niya na ikinakunot-noo ko. "Nagpapahinga ako tapos kaunting minuto lamang ang binigay mo? Napakadaya mo, Evans." Natawa na talaga ako sa sinabi niyang iyon. Wirdo talaga nito minsan.

"Come on, Rivera. We have other business to finish." I said mockingly. Siniko niya ang sikmura ko dahil doon at nagsimula ng maglakad. Tatawa tawa akong sinundan siya. Minsan talaga hindi mo mahuhulaan ang takbo ng utak nang isang iyon. Masyadong kumplikado pero parang ang simple. Basta magulo pero nakakamangha.

Hindi na kami ganoong nangmamadali noong tumungo kami papunta sa isa sa mga elevator. Noong bumukas iyon ay sumakay na din kaming agad. Tahimik lamang siya habang nakatitig sa kawalan. Pinagmasdan ko siya at may bahod ng dugo ang kaniyang mukha. Pati na din ang kamay at iba pang parte ng katawan. Gulagulanit na din ang kaniyang suot na damit at pantalon pero ni daplis ay wala akong nakikita.

Tinaggal ko ang jacket na suot suot ko at saka iyon inilagay sa balikat niya. Napakunot-noo siya sa inasta ko subalit mukhang nakuha din niya ang gusto ko at saka niya iyon sinuot.

Kung kanina ay halos mamatay na ako kaiintay sa napakabagal na elevator ngayon naman ay tila napakabilis nito na nainis ako. Tsk. Ang payapa na namin doon tapos ganoon ganoon na lamang matatapos? Hindi talaga umaayon sa amin ang oras.

Sumakay agad siya sa isang kotseng nakaparada doon kaya't sumunod ako sa kaniya. Doon siya sumakay sa shot gun seat kaya't dumiretso ako sa driver's seat. Pagkasakay ko doon ay nakapikit na siya. Mukhang matutulog at magpapahingang muli mula sa pagkakaudlot o nag-iisip nanaman ng taktika?

Matagal ko na siyang nakakasama at halos bawat galaw niya ay alam na alam ko na subalit nakapadaming pagkakataon pa din ang nasusurpresa ako sa bawat kilos at plano niya.

I used to be more stern than her... but now? I must admit... she already surpassed me.

Nakapikit lamang siya buong byahe namin patungong sa isang lugar kung saan may nagaganap na labanan, doon ay tutulong kami para matapos na ang nangyayari doon pansamantala.

Ang takbo ng buong araw namin ay walang katapusang labanan sa mga kalaban namin. May mga panahong nauungusan kami ng mga kalaban pero hindi namin sila hinahayaang makaangat pa sa amin. Nakakaramdam na din ako ng pagod at alam kong ganoon din siya dahil simula noong dumating kami sa lugar ng patayan ay wala na kaming pahinga.

Subalit kahit ganoon ay maayos naman ang nagiging takbo ng lahat. Malaki pa din ang porsyento na nanalo kami kaysa natatalo. Ang empire ay halos hindi na din magkaintindihan dahil atras abante ang nangyayaring labanan sa amin. Alam nilang delikado ang aming puwersa kaya't nag-iingat sila pero iyong pagkakataong iyon ang ginagamit namin para umatake.

Kahit handa ang empire sa labanan, kahit may nakatago silang plano laban sa amin alam kong kaya namin iyong lampasan dahil nandito si Uno. At ako bilang Cero ay ang aalalay sa reyna namin para hindi manganib ang buhay niya at para mas maging matatag ang lahat.

***

Tatlong araw na din ang lumipas simula nang mangyari ang digmaang ito sa pagitan ng Empire at Apocalypse. Alam na din panigurado ng Empire ang pagtataksil na aking ginawa. At paniguradong kapag namataan ako ng mga makakapangyarihan sa kanila ay walang alinlangan nila akong itutumba.

Kahit papaano naging maginhawa ang aking pakiramdam dahil parang nakawala na din ako sa hawla ng Empire. Sa wakas ay malaya na akong nakikipaglaban at nakikipagengkwentro sa mga gusto kong tapusin. Hindi na nila ako kontrolado na parang isang papet at ang mga galaw ko ay hindi na din limitado.

Sa ospital kami namamalagi kapag nagpapahinga dahil iyon lamang ang pinaka hindi delikadong lugar para sa amin. Paminsan minsan ay nagkakaabutan kami nang ilan sa mga pinuno, at kadalasan ay hindi. Basta ang ibinabalita sa amin ni Lian ay maayos naman ang lahat sa kanila, sadyang mayroon lamang talaga silang iniinda kapag napapadpad dito, marahil ay pahod ang ilan at ang ilan ay kakatiting na mga galos.

Sinabi din ni Lian na malaking tulong si Anthony noong mapunta siya rito noong nakaraan. Balak nga sanang palitan ni Light ang kanilang tungkulin subalit sinabi ni Anthony na mas gusto niyang makipagbakbakan muna, at si Lian naman ay nais manatili sa ospital para sa aming ama.

Ligtas na si dad at ang tanging hinihintay na lamang namin ay magising siya. Magaling din mangasiwa si Lian dito kaya't hindi kawalan sa amin kung hindi magpapalit ng pusisyon ang dalawa.

Kung alam ko ang nangyayari kay dad ay hindi ko naman ang nangyayari kay mom. Ngayong araw ay nagsabi ako kay Timothy na hanapin kung nasaan ang mom ko at syempre ang pamilya ni Light. Hindi na kasi sila ligtas sa pugad ng Empire. Ang ikinakatakot ko ay baka patayin sila doon.

"Anong iniisip mo kuya?" Nawala lamang ako sa aking mga ikinakabahala noong marinig ko ang maamong tinig ng aking kapatid. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot sa kaniya. Nandito kami ni Light sa ospital. Nagpapahinga siya samantalang ako ay binebendahan ng aking kapatid dahil sa natamo kong galos sa kalabanan kanina. Muntik na kasing masaksak si Light kaya naman ako ang sumalo niyon para sa kaniya.

"Mom. And her parents." I said as I glanced at my sleeping wife. It's already late in the evening and I'm sure she's worn out because she's always all out in the battles.

"Wala ka pa ding balita sa kanila?" Maingat na tanong niya. Malungkot akong napatango. Kada araw kasi talaga na hindi ko sila mahagilap ay kakaibang takot at pagkanerbyos ang bumabalot sa sistema ko.

Maaring hindi ipinapakita ni Light ang pag-aalala para sa mga mahal niya sa buhay pero alam kong sa loob loob niya ay grabe na ang takot na namumuod doon at paniguradong isang kahindik hindik na larawan ang aking makikita sa madilim na bahagi ng kaniyang mga isipin.

"May tiwala ako sa mom ko at mom ni Light. After all they are the former queens of the Empire." Pagpapalakas ko sa sariling loob at pati na din siyempre para hindi mag-alala ang isang ito dahil maapektuhan akong panigurado kapag nabagabag ng tuluyan ang isa sa babaeng pinakamamahal ko.

"Former queens?" Kuryosong tanong niya. Nagpakawala ako ng madali at mahinang tawa dahil doon. Alam kong hindi din naman ako makakatulog kaagad dahil sa mga bumabagabag sa akin kaya't mas mabuti nang magkwento ako kay Lian.

"Hmm." I nodded my head mutely. "Before Light and Cassidee, they are the venom of the Empire. Sila ang "Serpent" kung tawagin." Pahayag ko. Nakita ko ang pagliwanag sa mukha ni Lian dahil doon.

"Don't tell me they are the so called deadly serpents of the Diablo's Territory? No way. Mga lalaki ang mga iyon. Tatlong lalaki iyon." Pagkumbinsi niya sa akin. Tinapik ko ang kaniyang ulo dahil doon.

"Akala ko ba magaling ka sa pagkalap ng impormasyon? Bakit parang mali ang nakarating sa iyo?" Pag-bibiro ko sa kaniya.

"No." Matigas na sambit niya. "They are males. Sila ang tatlong laging naka-maroon ang suot at balot na balot ang katawan. Walang katumbas ang galing nila at tapang. Pagkatapos sila ang iniidolo naming Legendary Four." Pirming saad niya.

I giggled. "No. They are females. Ask Light if you want. Siguro kaya hindi ninyo alam ay hindi niya sinabi o kaya dahil sa pagkalimot niya ng mga ala-ala niya at hindi niya nakilala noon ang sariling ina."

"Ha? But Incess admire the healer of the serpents. Iyong pinakamagaling sa medical. Don't tell me it's her mom?" Hindi makapaniwalang bigkas niya at napatakip pa ng kamay sa bibig. Tumango tango naman ako dahil doon.

"Binabawi ko na iyong sinabi ko. She unconsciously know it's her mom." Gulat na napatitig sa akin si Lian. Hindi pa din makapaniwala sa nalalaman.

"Ibig sabihin? Matagal ko nang nakakausap at kilala ang tatlong iyon?" Pakiramdam ko ay kung ano ano nang imahinasyon ang tumatakbo sa utak nitong kapatid ko, kaya naman binatukan ko na siya. Sinamangutan naman niya ako dahil doon. Kahit papaano nawala ako sa tensyon at mga isip na puro may kinalaman sa labanan dahil sa konbersasyong ito.

"Oo. Maliban sa nanay ni Cassidee. Ni hindi ka nga makalapit sa mga Servilla." natatawang sambit ko. Hinampas niya ako sa may benda ko dahil doon. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero dinilaan lamang ako nito. Sarap kutsan nang isa pa.

"Balik sa kwento. Sige, maniniwala na akong sila ang serpents. Dahil wala naman talagang nakakaalam ng tunay na gender nila. Mas makapangyarihan ba sila kaysa sa mga asawa nila?" Tanong pa niya.

"Hindi ko sasabihing mas malalakas at mas makapangyarihan sila dahil may iba iba silang katangian at may iba't-ibang bagay silang hinasa. Katulad ng mom ko, she's the brain of the trio. Lahat ng plano, lahat ng impormasyon, lahat ng mga kailangan malaman tungkol sa laban at misyon nila siya ang pinakamaasahan. Malay ko nga at hindi ko nakuha iyon sa kaniya. Siguro mana lamang talaga ako kay dad na sa labanan ang tunay na lumalabas ang kakayahan." Nakangising sambit ko.

"Ang yabang mo kuya." Natatawang usal niya. "At saka alam ko na iyang mga iyan. Idol nga namin hindi ba?" She mentioned proudly.

"Oo na oo na. Pero sino ang pinakagusto mo sa kanilang tatlo?" I asked.

"Sa totoo lang? Gusto ko ang tinatawag nilang "fangs" of the trio. Kahit si Catherine Servilla pa iyon. Her moves are so delicate yet powerful. Kung hindi mo nga sinabi kanina kuya na iyong bihasa sa medisina ang nanay ni Incess paniguradong aakalain ko na ang nanay niya ay iyong fangs. Kasi sa lalas, liksi at pagiging mautak sa labanan sa tingin ko ay walang tutumbas sa kaniya." Sambit niya. Napatango ako dahil doon.

Aaminin ko, hindi ko kayang kontrahin ang sinabi ng kapatid ko. Dahil sa totoo lamang, masyadong malakas si Catherine Servilla kumpara kay mom. My mom's innocent, set and gentle. I never really saw her do such brutal and savage things. Siguro, hindi lamang niya ipinapakita sa akin pero alam kong mas gugustuhin ng nanay ko na manatili sa isang kwarto at magkutingting ng mga teknolohiyat at magplano para kay Dad. They were the perfect match, but now? Hindi ko na alam.

"Don't worry kuya. They are part of the serpents. May mga bagay man sila kung saan sila pinakabihasa, alam kong makakayanan nilang tapatan ang mga peligro sa buhay nila. They are not the former queens for nothing." She said with a smile. Nadala ako sa ngiting iyon kaya't napangiti na din ako.

Nagpaalam na din siya matapos noon para puntahan at asikasuhin ang ilang pasyente. I told her to rest and she replied that she already did. Wala na akong nagawa dahil doon at pumunta na lamang sa kung saan nakahiga si Light.

She's sleeping peacefully. Parang walang problemang hinaharap. Hinaplos ko ang buhok niya at saka ko dinampian ng malabot na halik ang kaniyang noo, ilong at labi. Gumalaw siya nang bahagya sa aking ginawa, at saka dahan dahang nagmulat.

"Gab-Gab." Inaatok na sambit niya. I smiled.

"Sleep, baby." I murmured. But she shook her head then she circled her arms around my neck and pulled my closer. And the next thing I knew? She's kissing my lower lip softly and I couldn't help but respond.

***

Kinaumagahan ay aligaga kaming dalawa ni Light dahil sa sinabi ni Timothy na may nahanap na daw siyang katiting na impormasyon kung nasaan ang magulang namin. Hindi mapakali si Light sa balitang iyon. She's pacing back and forth, and uneasiness from her expression is so obvious. I tried to calm her down but it did not work. Maybe the reason is because I am also feeling nervous.

Hindi ko alam ang gagawin ko habang si Light ay naghihintay ng muling pagtawag ni Timothy. Tumayo na lamang ako mula sa kinauupuan ko at hinanda ang isang bag at naglagay ng mga laman doon na maari naming magamit. Kahit maging patibong pa ang mangyayari mamaya ay wala na akong paki alam basta ang gusto ko lamang ngayon ay malamang ligtas ang mga magulang namin.

And also... Emperor X of the Hoodlum Empire. Kailangan ay maging matagumpay sina Kurt at ang iba pa sa pagtakas sa kaniya ngayong araw. Coma ang lolo ni Light dahil sa mga pangyayari noon at ang katawan niya ay kinuha ng Gangster Empire. Plano nila itong bawiin ngayon. Alam na nila ang lugar at sila na ang bahala. Hindi ito alam ni Light dahil ayokong dagdagan ang alalahanin niya. At kailangan naming mailigtas ngayon ang magulang niya. Masyadong maraming peligro ang maaring harapin ni Light nang mag-isa at hindi ko hahayaan iyon kaya't nagdesisyon akong ipaubaya sa ibang lider ang lolo niya.

"Light..." Tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako.

"Kumalma ka muna. Alam mong kayang kaya natin iligtas ang mga magulang natin." Pagpapagaan ko ng loob niya dahil ngayon ko lamang siyang nakitang tensyonadong tensyonadong mali, at syempre kahinaan ko si Light kaya't kapag ganito siya ay talangang napakalaki ng epekto sa akin. Subalit, pinipilit ko ang sarili ko na hindi maging aligaga dahil siya ang kukuha ng lakas sa akin ngayon.

Tahimik kaming naghintay na dalawa hanggang sa pumasok si Lian sa kwarto na nagmamadali. "Kuya, Incess. Timothy send a file—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya ng kumaripas si Light ng takbo, at agad kaming sumunod ni Lian.

She explained some details to me and I listened to her. Medyo nagmamadali pa ang boses niya kaya't ang iba ay hindi ko na naintindihan. Pagkarating sa isang kwarto kung saan namamalagi si Lian ay agad na sinimulan ni Light ang pagkalikot sa mga monitor doon. Tiningnan ko na din ang kaniyang binabasa at tinitingnan para makuha ko ang ilang impormasyon.

Ipinasa niya lahat ng mga kailangan namin sa kaniyang telepono at sa akin at halos magmura siya ng malutong dahil bago pa matapos ang pagpapasa nito at noong matapos iyon ay hindi na siya naghintay pa at mabilis na binuksan ang isang bintana at doon tumalon.

"Darn." Hindi ko mapigilang magmura. She's really impatient when it comes to her family. Kung alam niya siguro ang tungkol kay Mr. Leonard ay baka hinati na niya ang katawan niya para lamang madaluhan ang misyon para sa pagligtas dito at para sa magulang niya.

"Take care, Lian." Maikling sambit ko sa kaniya habang nakatulala sa ginawa ni Light na pagtalon mula sa binata na kaniyang binuksan.

Sumilip ako doon at nakita ko siyang bumababa sa may puno na kaniyang tinalunan. Nagkibit balikat na lamang ako at saka kumuha ng tamang postura para maayos din ang bagsak ko kapag tumalon ako sa bintana at ang bagsak ko ay sa may puno din.

Hindi na ako nagaksaya ng oras at inunahang makababa si Light para matulungan siya. Hindi naman ako nabigo doon dahil nauhan ko siyang makatapak sa lupa kaya't nag-alok ako ng kamay at daglian niya iyon tinaggap.

Tumakbo agad kaming dalawa sa may parking sa labas nito at saka mabilis na sumakay sa sasakyan. Ako ang nagmaneho samantalang siya ay may ginagawang kung ano sa syringe at ilang mga bote. Maingat niya iyong ginagawa at sa tingin ko ay lason iyon.

Habang nasa byahe papunta sa lugar na sinabi ni Timothy ay nagsimula na siyang magsabi ng plano. Malapit iyon sa isang piyer kaya naman maari kaming gumamit ng isang speed boat kung kakailanganin naming tumakas ng dalian kaya naman kaagad siyang tumawag sa ilang tauhan na malapit lamang sa lugar na iyon para ihanda ng maingat at tahimik ang iba naming kakailanganin.

Nagbigay opinyon din ako sa mga plinaplano ni Light at tinaggap naman niya iyon kaya't mabilis naming nabuo ang gagamitin naming taktika. Hindi na kami nagtalo at kung may hindi man aayon sa aming pinag-usapan ay napagkasunduan naming ang kaligtasan muna ng aming mga magulang ang kailangan naming unahin. I agreed with her, though I also want to add that I would sacrifice my life if her life is in danger. Hindi ko na iyon sinabi dahil alam kong makikipagtalo lamang siya at magagalit sa akin.

Diniinan ko pa ang pagtapak sa nagpapaadar sa kotse at nag-full speed na ako. Naghanap din siya ng mas mabilis na daan kaya't siya ang nagsasabi ng direksyon sa akin. Kapag liliko ang sasakyan ay halos tumagilid din kaming dalawa dahil sa bilis.

Ang tensyon, takot at kaba ay naghahalo halo sa aking damdamin kada metro na papalapit kami sa aming patutunguhan. Alam kong malakas ang mga magulang namin pero hindi ko pa din maiwasang mag-isip ng mga hindi kanais nais na bagay kaya't nayayamot ako sa aking sarili.

Noong malapit na malapit na kami at natatanaw na namin ang gusali kung nasaan ang aming lead tungkol sa aming mga mahal sa buhay ay may itinurok sa akin si Light. Napatingin ako sa kaniya dahil doon at ngayon ay sarili naman niya ang kaniyang tinurukan.

"Para hindi tayo tablahan ng mga lason na ginagamit ng Empire. Si mom ang gumagawa ng mga lason nila kaya't alam ko ang tamang pangontra doon." Paliwanag niya na ikinatango ko. Iyon pala iyong ginagawa niya kanina, akala ko ay lason iyon para sa kalaban, pero pangontra pala iyon.

Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa aming patutunguhan. Nag park ako sa medyo may kalayuan sa gusali para hindi nila kami mamataan o hindi sila makatunog sa pagsugod namin dito. Sa labas pa lamang ay napakarami ng nagkalat na mga tauhan.

Ang ilan ay nasa malalaking barko at ang ilan ay palakad lakad sa paligid. Ang ilan sa kanila ay nakatakip pa ang kalahati ng mukha. Syempre humanap na kami ng target ni Light at noong may makita akong lalaki na malapit dito at may takip ang mukha ay agad ko iyong tinira ng isang parang maliit na karayom para matumba agad.

Sumakto ang pagtama nito sa may batok at napahawak pa ito doon, at saka bago tuliyang nawalan ng hinga. "Be careful." Mahinang paalala ko, kay Light bago tuluyang umalis para puntahan iyong pinatumba ko.

Maingat at tahimik akong kumilos patungo doon at noong makarting doon ay hinila ko ang bangkay patungo sa loob noong maliit na parang washroom para walang makakita sa amin. Nagtagumpay naman ako doon at kinandado agad ang pinto.

Tinanggal ko ang ilang damit niya at saka ko kinuha ang kaniyang fingerprint at I.D. Nagbihis din agad ako ng kaniyang dahil at saka kinuha sa bag ko ang kaparehas na mask na nasa ibabang bahagi ng mukha niya. Sinuot ko iyon at saka ko kinuha ang mga gamit na kailangan ko at inilagay ko iyon sa mga bulsa. Pati ang baril niya ay kinuha ko din. Inayos ko pa ang buhok niya upang maging kahalintulad ng nasa picture sa I.D niya.

Matapos niyon ay kinuha ko ang maliit na bomba sa aking bag at saka idinikit iyon sa dingding noong banyo.

Agad ko ding kinontak si Light at sinabi niyang nakakuha na din siya ng isang tauhan para magpanggap na siya. Maingat pa din akong lumabas sa banyo kahit hindi na nila ako makikilala bilang kalaban nila. Mahirap ng matanaw nila na ako ang lumabas doon.

Nagpakalayo layo muna ako ng husto bago ko sabihin kay Light ang isang "go-signal" sumang-ayon naman siya agad sa akin at saka ko pinindot ang isang buton at matapos iyon ay isang napakalakas na pagsabog ang naganap. Sumabog na iyong banyo kung saan ko nilagay ang bomba.

Agad nagsipuntahan ang mga ilang tauhan doon lalo na iyong malalapit. Pagkatapos ay ako naman ay prenteng naglakad patungo sa gusali na aming pakay. Habang malapit na ako doon ay isa nanamang pagsabog ang umalingawngaw sa lugar at saka ko nakita si Light na nakabihis na din at tuwid na naglalakad patungo din sa gusaling iyon.

Karamihan ay nagsitakbuhan patungo sa pinagyarihan ng pagsabog pero ang ilang bantay sa gusali ay nanatiling kalmado at nakabantay sa lugar na iyon.

Noong makalapit ako sa gusali ay tumingin ang isa sa nagbabantay sa akin. Hindi ko siya tiningnan ng matagal at nilampasan na lamang at saka ko itinap ang ID na hawak ko sa isang makina para tuluyang makapasok na.

Hindi ako nabigo dahil doon at tuluyan na akong nakapasok sa loob. Mabilis kong tiningnan ang cellphone ko para tingnan ang eksaktong lokasyon ng intel na aming pakay dito.

Mayroon pa ding pakalat kalat na tauhan sa bawat lugar kaya't kumilos ako ng maingat. Nasa ikalawang palapag na ako noong gusali nna hanggang lima lamang ang palapag noong may lumapit sa aking isang tauhan.

"Who are you?" He asked. For a split second, I wanted to pull out my gun and shoot him but I refrained myself. Ipinakita ko na lamang ang ID na nakuha ko at saka siya nagpabalik balik ng tingin. Nagkunot noo pa siya at noong pagkakataong iyon ay kating kati na ang kamao kong suntukin siya.

"Hector, you are not designated in this area. Go back outside. And your eyes seems different—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya noong saksakin ko siya ng syringe na pasimple kong kinuha sa kaniyang leeg.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at muntik pang pindutin ang emergency button sa kaniyang gamit, mabuti na lamang ag napigilan ko siya at saka ko mabilis na binuksan ang isang silid gamit ang ID niya at saka doon siya iniwang nangingisay. Hindi na siya makasigaw o makapagsalita pa nang pagkakataong iyon noong magsimulang bumula ang kaniyang bibig.

Mabuti na lamang at walang tao sa pasilyong iyon at na hack na yata nina Timothy ang mga surveillance camera dito kaya't wala pang nagiging alerto sa nangyari. Nagsimula mula akong maglakad para suyurin ang ilan sa mga kwarto kapag walang nakatingin.

Hanggang sa marinig ko na lamang ang tinig ni Light mula sa earpiece. "Did you find it?" She queried.

"Not yet." I replied shortly at saka binuksan ang isang pinto pero wala pa ding mayroon doon. Tiningnan kong muli ang mapa mula sa ipinadala nina Timothy pero masyadong maraming posibleng pwedeng paglagyan kung nasaan ang intel kaya't iniisa iisa pa namin iyon.

Umakyat na ako sa ikatlong palapag dahil doon. Maayos ang takbo ng lahat at wala nang nagunguwestiyon sa akin, hanggang sa isang putok ng baril ang aking marinig at nagulat na lamang ako noong muntik na akong madaplisan ng bala na iyon sa aking braso.

Nagsimula siyang paputukan akong muli at mabuti na lamang at nakakaiwas ako. Nabasag ang mga salaming bintana dahil doon. At naubusan siya ng bala. Mabuti na lamang at nakaiwas ako sa lahat ng kaniyang pagpapaputok.

Inis ang naramdaman ko at hindi ko mawari kung paano niyang nalaman na hindi ako kabilang dito. At noong mapansin ko ang isang salamin sa kaniyang mga mata ay alam ko nang iyon ang dahilan. Sa pamamagitan noon ay malalaman mo kung sino ang isang tao dahil sa impormasyon ibinibigay nito.

Sumugod siya sa akin at ang mga dumating doong mga kakampi niya. Tinapunan nila ako ng magkakasabay na suntok at iniwasan ko ang lahat ng iyon at saka sila binigyan ng mas malakas at mas pulidong mga tira.

Narinig ko din ang pagtatanong ni Light sa kung anong nangyayari gamit ang ibang lengguwahe. Sinagot ko siya sa kaniyang tanong at saka nagpatuloy sa pakikipaglaban. Maya maya ay nakarinig na din ako ng kakaibang ingay sa kabilang linya at alam ko nang nakikipaglaban na din si Light dahil nahuli na din siya.

Tiningnan ko ang lokasyon niya gamit ang telepono at nakita kong nasa ika-limang palapag siya. Dali dali akong tumakbo patungo doon habang nakikipaglaban. Ngunit hindi nila ako hinayaang makarating agad sa aking paroroonan.

Dahil sa matinding inis ko ay ginamit ko ang necktie na suot suot ko ngayon upang labanan sila. Ipinulupot ko sa leeg noong isa iyong necktie at tinadyakan ang isang gustong sumugod sa akin sa likod. Noong mawalan ng hininga ang sinakal ko ay ipinulupot ko naman sa kamay noong isa ang necktie at hinila siya papalapit sa akin upang mahawakan ang sensitibong bahagi ng kaniyang batok para mawalan siya ng malay.

Iyong mga kasunod na sasabay sabay sumugod ay mabilis kong pinagbabaril para matapos na agad ito. May ilang nakipagpalitan ng bala sa akin pero hindi nila ako matamaan. Habang wala pang sumusugod muli ay dali dali na akong tumakbo paakyat at doon ko naabutan si Light.

Nakatayo siya sa harap ng isang pinto at nakaparami nang bangkay ang nagkalat sa sahig. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya at lubos din akong natigilan sa aking nakita.

Sa loob ng silid na iyon ay napaka-dilim. Ang pintura ang apat na pader ay pawag kulay itim na may tila dugong kulay. Ang bintana ay natatakpan ng isang napakakap na telang kulay pula at itim. At mayroon pang nakakapanindig balahibong tunog na umaalingawngaw sa bawat sulok ng kwarto.

Kahit umaga ngayon ay aakalain mong gabi na dahil sa loob. Hinila ko si Light papasok at sinaraduhan ang pinto. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at talang kakaibang takot ang aking naramdaman. At nakikita kong ganoon na lamang ang pagkakabato ni Light sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang isang altar.

Kakaibang kilabot ang naramdaman ng aking buong katawan dala na din ng tugtog na tumutunog ngayon, idagdag mo pa na napakadilim sa lugar na ito at ang tanging nagbibigay liwanag lamang sa amin ngayon ay ang ilaw mula sa kandilang kulay pula at itim na nakasabit sa unahan ng altar at pati na din sa apat na sulok ng lugar.

Mayroon ding basag na salamin sa harap namin at may tumutulo pa doong sariwang dugo. Hindi ako matatakutin na tao, pero ang ihip ng hangin dito at pati na din ang kakaibang pakiramdam ng lugar na ito ay sadyang kahilahilakbot.

Kung kanina ay tulala lamang si Light sa nakikita ngayon ay unti-unti na niyang pinagmamasdan ang paligid at bahagya pa siyang nagulat noong bigla na lamang mag-iba ang tunog noong piano na aming naririnig.

Sa pagmamasid niya sa paligid ay iisa lamang ang binigasakan ng kaniyang paningin at ganoon din ako. Sa altar na nasa aming harapan din siya nakatingin ngayon at hindi na maialis ang mga mata roon.

Lumapit kaming dalawa doon at ngayon ay nakikita na namin ang aming sariling repleksyon sa salamin. Dumomble din ang bilis ng tibok ng puso ko noong bigla makita ko ang repleksyon ni Light sa kinatatayuan ko.

Basag na ang salamin pero ang kalahati ng mukha ni Light ay malinaw ko pa ding nakikita at ang pagtulo ng dugo roon ay sumakto pa sa mga mata ni Light. Kaya't aakalain mo na umiiyak siya ng dugo. Napalunok ako sa sariling isipin.

Naglakad pa kaming dalawa patungo sa harap noong altar at doon ay dinampot niya ang isang rosas na kulay itim... Akala ko ay iyon na iyon pero unti unti tumulo ang dugo mula roon at dumaloy iyon patungo sa kamay ni Light. Nanginginig ang kaniyang kamay dahil doon.

Nabitawan niya ang rosas na kulay itim na mayroon dugo. Pakiramdam ko tuloy ay may matang nagmamasid sa amin ngayon dahil sa matinding tensyon na nararamdaman. Aakitin ko sana si Light upang lumabas na sa silid na ito at hanapin na ang intel na pakay namin pero natigilan ako ng husto sa kasunod na narinig.

"May mga bear sa loob ng isang bahay..."

Fucking shit. Hindi ko mapigilang mag-mura sa aking isip dahil sa aking kantang naririnig. Nagtaasan yata lahat ng balahibo sa aking batok dahil doon. Isang kakatwang pakiramdam ang aking naramdaman, parang may nakikipaglaro sa amin na hindi mo mawari kung isa bang tao o halimaw.

Nilingon ko si Light dahil sa naririnig naming kanta at doon ko nakita ang unti-unting panghihina ng kaniyang mga binti. Agad akong lumapit sa kaniya para alalayan siya. Ang paghinga niya ay napakalalim at napakabilis. Nanginginig ang kaniyang mga labi.

"Si papa bear ay malakas..."

Hindi tinig ni Light o ni Empress ang aking nadidinig. Hindi ako sigurado pero parang kay tita Nadine ang naririnig kong boses. Nakita ko ang pagtutubig ng mga mata ni Light kaya't doon ako nakasigurado na tinig iyon ng kaniyang ina.

"Si mama bear ay maganda..."

Patuloy ang hatid na kilabot ng kantang iyon sa aking sistema. Kung noon ngang ipinarinig niya ang kantang ito sa lahat noong birthday ni Cassidee na kahit alam ko ang plano niya ay kakaibang takot pa din ang naramdaman ko. Ito pa kayang hindi niya plinano?

"Si Empress bear ay makulit... At si Princess bear ay tahimik."

Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko ang panlalamig at pagkakabato niya sa kinatatayuan. Siguro ay hindi niya inaasahan na may gagamit ng kantang iyon laban sa kaniya. Lalong lalo na at ang kantang iyon ang isa sa pinakamalaki at pinakanakakatakot na sorpresa niya noon sa Empire. The Empire really knows now that she's alive.

"Tingnan n'yo... Tingnan n'yo... Ang saya nila..." Sa pagkakataong ito ay parang bigla na lamang nasira ang nagplaplay na CD at para itong tumatalon ngayon sa kinalalagyan.

Napahawak ako kay Light dahil doon at hinagod ko ang likod niya para hindi siya ganoong maapektuhan. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko magawa ngayon dahil sa nangyayari. This thing is so damn eerie.

It's giving me all the goosebumps.

"Tingnan n'yo... Tingnan n'yo... Tingnan n'yo..." Paulit ulit ang linya ng kantang iyan na akala mo'y sadyang sira talaga ang nakasalang na bala. Pero habang nagpapaulit ulit iyan ay bigla na lamang nag-iiba ang boses noong kumakanta.

"Tingnan n'yo, tingnan n'yo... Mamatay sila." Nanlaki ang mga mata ko dahil doon at kakaibang takot ang naramdaman ko na nayakap ko nang mas mahigpit pa si Light sa takot na baka mayroon na lamang bumaril sa kaniya sa pagkaktaong ito.

"Mamatay sila... Mamatay sila... Mamatay sila..." Paulit ulit na kanta noong tinig na aming naririnig at dahil sa galit ko ay naglabas na ako ng baril ay pinagbabaril ang mga ilang gamit sa silod na ito dahil gusto ko nang matigil ang naririnig kong iyon.

Dahil sa ginawa ko ay mukhang natamaan ko din ang pinto at dahil doon ay nabuksan ito ay agad kaming pinasok noong mga humahabol na tao sa amin kanina. Mukhang natauhan din si Light dahil doon at saka ako tinulak bahagya para makawala siya sa yakap ko.

Titira na sana ako gamit ang baril pero agad akong hinigit ni Light at saka siya nagpaputok ng baril doon sa may malaking bintana kaya't nabasag iyon at saka kami doon tumalon na balot ng kurtina. Akala ko ay babagsak kami sa tubig dagat pero nagulat na lamang ako noong bumagsak kami sa isang matigas na bagay.

Nasaktan ako dahil doon pero hindi ko iyon pinansin at agad na tumayo. Sa isang yate kami bumagsak at napansin ko kaagad sa gilid ko ang isang speed boat na nakahanda na, agad kong hinawakan si Light sa baiwang at mabilis na itinapon doon, sumakto naman siya at mabilis na binuhay ang makina noon.

Agad din akong tumalon at sumunod sa kaniya habang nakikipagbarilan doon sa mga ilang tauhan ng Empire. Mabilis ang pagpapatakbo ni Light kaya't nakalayo kaming agad. Gusto kong magpasalamat na natakasan namin iyon, pero gusto ko ding mainis dahil hindi namin nakuha ang napakahalagang intel doon.

Akala ko ay wala na kaming magagawa pa at hindimababalikan ang bagay na ninanais namin pero nagulat na lamang ako noong mas bilisan pa ni Light ang pagpapaandar sa speed boat at saka ko natanaw ang isa pang speed boat na tila tumatakas mula sa amin.

Ginamit ko ang maliit binocular na dinala ko at saka ko tingnan ang hinahabol naminh speed boat. Nagulat na lamang ako noong makita na mayroong isang tauhan doon ng empire at mayroon din siyang dala dalang brief case. Pagkatapos ay mukahng pinapaputukan din niya kami. Sinabihan ko si Light tungkol doon kaya't nakaiwas kami.

Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo at basang basa na kaming dalawa dahil sa tubig umaampiyas sa amin.

Dahil sa pagpaputok sa amin ng bala noong may hawak ng brief case ay bumabagal ang pagpapatakbo niya kaya't hindi kinalaunan ay malapit na kami sa kaniya. Nakipagpalitan na din ako ng putok ng baril dahil doon.

"Kapag sinabi kong tatalon ka, tumalon ka, Gab!" Sigaw ni Light sa akin na pinagtakha ko.

"Don't you dare ask just do what I say!" Maangas na sigaw pa niyang muli dahil alam niyang kokontra at magtatanong pa ako. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango at sumang-ayon sa plano niya.

Narinig ko ang pagbibilang niya kaya't nagsimula akong maghanda. Nakita ko din na sadyang malapit na malapit na kami doon sa lalaki at wala na siyang bala. Mas naging kabado ako sa mga nangyayari pero pinagkatiwalaan ko si Light.

"Tatlo!" Narinig kong sigaw niya.

Damn it! Kung hindi titigil sa pagharurot si Light sa speed boat ay mababangga na namin iyong lalaki. "Light!" I yelled.

"Apat!" She still continued and ignored my fucking warning.

"Talon, Gabriel!" Dahil sa gulat ko ay kusa na lamang kumilos ang aking katawan at ang tanging alam ko na lamang ay naramdaman ko ang paghampas ng aking katawan sa lamig at maalat na tubig.

Akala ko ay ako lamang ang tumalon pero nagulat ako noong makita ko si Light sa gilid ko at habang nakatitig ako sa kaniya ay narinig ko ang malakas na pagsabog. Agad nakuha noon ang pansin ko at doon ko nakita ang nagliliyab na dalawang speed boat. Binalingan ko si Light dahil doon.

Pero naglangoy na siya patungo sa nangyaring pagsabog. Sumunod ako sa kaniya at doon ko nakitang kinuha niya ang brief case. Nagtatanong akong napatingin sa kaniya.

"Hinayaan kong bumangga iyong sinasakyan namin na nilagyan ko ng mahinang pampasabog para sumabog din iyong sinasakyan ng lalaking iyan. Para matigil na ang habulan natin dito." Maikling sambit niya. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko nang iyon ang nangyari iba ang gusto kong itanong sa kaniya.

"What?" She asked irritatedly.

"Are you okay?" I questioned softly.

She nodded her head and I felt assured. Naglangoy kaming dalawa patungo sa isang speed boat malapit sa amin at doon kami sumakay. Para mas makalayo pa sa lugar na iyon dahil paniguradong marami nang sumunod sa amin dahil sa nangyari nanamang pagsabog.

Noong makalayo na kami ng tuluyan ay bumalik na kami sa lupa at doon ay tumakbo kaming dalawa para kumuha ng isang motor. Ako na ang nagmaneho at siya na ang umangkas sa amin. Walang susi ang motor na kinuha namin, sadyang mayroon lamang kaming gamit na maaring makakuha ng sasakyan kaming wala kaming susi.

Malamig ang hangin na humahampas sa amin dahil basa kaming dalawa pero hindi na namin iyon pinansin at binilisan ko na lamang ang pagpapaharurot ng motor para makarating na kami kayna Timothy at matanggal na nila ang code na nakalagay sa nakuha namin.

Nang makarating kami sa lugar ay mabilis na kumilos si Light at saka tumakbo patungo sa elevator. Pumasok agad kaming dalawa doon at pinindot na niya ang floor nila Timothy.

Sinalubong kami ng mga tauhan doon at saka namin inabot ang nakuha namin kay Timothy. Sinimulan niyang tanggalin ang lock noon at pati na din ang mga kung ano ano pang kailangan para tuluyang mabuksan ang impormasyon.

Halos ilang minuto kaming hindi mapakali ni Light dahil doon. She's so restless and so am I. Bawat minutong lumilipas ay pagkabog ng aking puso na parang gusto nang lumabas sa dibdib ko dahil sa kaba.

Nanlalamig din ang kamay ni Light na hawak hawak ko ngayon.

Hindi ko maintindihan kung alin ba ang unang iisipin ko at alin ang hindi na iisipin. Masyado akong kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Napakatahimik din sa silid at si Timothy ay sadyang nasa ginagawa lamang ang mga mata na hindi na niya pinagkaabalahan pang kausapin kami dahil alam niyang mas importante sa amin ang gawin niya ang lahat para malaman na namin kung nasaan ang aming mga magulang.

Lahat kami sa loob ng silid ay tensyonado. At noong narinig kong tumunog ang telepono ko ay halos mapatalon ang mga taong malapit sa amin at nakuha ko pa ang atensyon ng ilan at bakas na bakas ang gulat at takot sa kanilang mga mukha.

Agad kong sinagot ang tawag dahil si Kurt iyon. Hindi na ako nag-abalang bumati pa at hinintay na lamang ang kaniyang sasabihin. "Sucess. Nakuha namin ng ligtas ang lolo ni Princess. But... he's in critical condition, kaya idineretso na namin siya agad sa ospital." Kahit papaano ay nahugutan ako ng tinik sa aking dibdib dahil doon.

Gusto ko sanag ibalita iyon kay Light pero hindi ko na nagawa dahil sa biglang sigaw ni Timothy. Laking tuwa ko noong matapos ang napakadaming codes at kung ano ano pa niyan pinindot ay na-unlock na niya iyon.

Agad siyang may pinagtitipang muli at saka lumabas ang isang tila video.

Doon natuon ang mga mata namin. Noong una ay itim lamang itong lahat... Tapos ay tila lumalabo at unti unti ay may narinig nanaman kaming kanta.

"Tingnan n'yo... Tingnan n'yo..." Agad akong napatingin kay Light dahil doon. Natigil siya sa kaniyang paghinga at nanatili ang titig sa nasa unahan namin.

"Tingnan n'yo... Mamatay sila." Pakiramdam ko ay nagtaasan muli ang balahibo sa aking batok at hindi lamang ako ang nakaramdam noon dahil ang mga nandito ay lubha ding kinabahan. Lumalim ang aking paghinga at nakaramdam ako ng namumuong malamig pawis sa aking noo.

Unti-unti ay nagkaroon ng imahe sa aming pinapanuod at halos matumba ako sa aking kinatatayuan noong luminaw ang aking nakikita doon. Napatulala ako at sa oras na iyon ay tumigil yata ang tibok ng aking puso, pati na din ng aking pahinga. Para bang bigla na lamang nawalan ng hangin sa aking paligid at ang pagpihit sa aking puso ang nangibabaw sa lahat ng nararamdaman ko.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa tubig na namuo sa aking mga mata. Ang kamay ko ay unti-unting pumorma ng kamao. Handang handa na akong tumakbo palabas ng silid na ito, kung hindi ko lamang narinig ang pagbagsak ni Light sa sahig.

Agad ko siyang nilingon at nakaluhod siya ngayon habang nakatingala at umiiyak sa nakikita. "U-Umma..." Isang salita lamang noon pero napakasakit noong pakinggan dahil sa basag na boses niya.

"Jebal..." Nanghihina niyang sambit. "Save her..." She pleaded and it was so fucking heartbreaking to see her breakdown like that, it kills me.

"U-Umma..." Nagsimula siyang humagulhol dahil sa kaniyang nakikita. Samantalang ako ay tumuyan na ding nanghina at napaluhod na din.

"M-Mom..." Hindi ko mapigilang tawag sa aking ina.

Napapikit ako ng pagkadiin diin dahil hindi ko kayang makita ang nangyayari sa aking ina, at sa ina ni Light.

Parehas silang nakatali sa isang kadena at bakal, nakikita ko din ang pag-agos ng dugo mula sa kanilang mga kamay dahil sa mahigpit na pagkakatali nila sa makalawang na kadenang iyon. May galos ang mga braso, pilas pilas na din ang damit nila, at kitang kita mo sa kanilang mga mata ang panghihina.

"N-Nathaniel..." Narinig ko ang pangalan ko at kahit hirap na hirap ay pinilit kong itingala ang aking ulo at halos mawalan ako ng hininga sa aking nakikita. Fuck! My mother is crying and it was heart wrecking! Gusto kong pumatay ng pagkakataong iyon dahil sa napakalas na bugso ng emosyon sa akin.

"P-Princess Light...baby..." Lalong lumakas ang paglahaw ni Light noong marinig niyang tawagin siya ng ina. Ang sakit na aking nararamdaman ngayon ay walang katumbas.

Wala kaming masabing dalawa kung hindi ang pagmamakaawa na iligtas sila. "No!" Malakas na pagmamakaawa ko noong makita ko kung paanong dahandahang ibaba ang katawan nila sa isang water tank. Transparent iyon kaya't makikita ko pa din ang katawan nilang unti unting inilulubog sa tubig.

Gusto kong magwala noong mga oras na iyon at nanginginig na ang aking buong katawan. "Ako na lang! Damn it! Ako na lang!" Light beseeched helplessly.

Wala nang lumalabas na tinig sa akin ng pagkakataong iyon dahil sa panghihina sa aking nasasaksihan.

Nagsimulang magwala ang mga ina namin sa tubig at bumubula na tubig dahil sa pagpupumulit nilang makawala at sumigaw. Pakiramdam ko ay mapapatid ang hininga nila dahil sa nangyayari kaya't para akong pinapatay unti unti. Napakasakit... Damn it.

"Mom!" I cried tremendously.

"Umma!" Light vociferated vehemently.

Nanginginig ang buong katawan ko at tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko noong makita ko kung paanong ilabas noong dalawang lalaki ang mga bakal na dinadaluyan ng kuryente.

Ang oras ko noong pagkakataong iyon ay tumigil at halos magwala ako sa sobrang galit at sakit noong makita ko kung paanong halos mawalan na ng malay ang ina kong kinukuryente sa tubig. Wala akong marinig na ingay mula sa kanila dahil sa tubig pero ang pagbula ng tubig mula sa bibig nila dahil sa pagsigaw ay sapat na para marinig ko sa aking sariling isipan ang sigaw nila ng pagmamakaawa.

Nasuntok ko ang sahig dahil sa matinding pagkabagabag at pagkabalisa. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko noong pagkakataong iyon. Ang tanging alam ko lamang ay kung paanong tila may tumatarak sa puso ko na napakaraming espada at wala akong magawa gawa para pigilan iyon.

Ang munting pagiyak at pagmamakaawa ni Light ay hindi ko na kaya, at iyong makita pa ang mga ina naming nagdudusa at naghihirap ngayon? Tangina. Para akong paulit ulit na pinapatay sa pinakanakakasuklam na paraan.

Ngayon ko naiintindihan ang matinding sakit na pinagdaanan ni Light noong bata pa kami. Oo nga't nasaksihan ko din ang pagkamatay ng kakambal niya peroang sakit na nararamdaman ko ngayon ay ibang iba doon. Kaya pala mas pinili ni Light na kalimutan ang lahat... Kaya pala halos magpakamatay na siya araw araw noon... Kaya pala gusto niyang maghiganti sa mga gumawa noon sa kakambal niya. Naiintindihan ko na... Naiintindihan ko na...

Umiiyak at sumisigaw si Light pero wala nang tinig ang lumalabas sa kaniyang lalamunan. Nayakap ko siya ng napakahigpit ng pagkakataong iyon... She's breaking down... And my heart is slowly shattering into pieces...

Mahigpit na mahigpit ko siyang niyakap at natigilan kaming dalawa noong may makita pa kaming isang tao sa video.

"Alam ninyo ba ang ibig sabihin ng black bloody rose?" Then she laughed sarcastically.

Nagkatingnan kami ni Light dahil doon. Alam kong alam niya ang ibig sabihin noon. At alam na alam ko din. Isa iyong sagradong bagay para sa Diablo's Territory. Isa iyong parang batas sa kanila na kapag ginamit mo ang bagay na iyon ay gagawin mo ang lahat makamtan lamang ang ninanais mo kahit kamatayan pa ang kaharapin mo.

That black bloody rose symbolizes... revenge until death.

Hindi matitigil ang gulo sa pag-itan ng dalawang panig na may kaugnay sa rosas na iyon hanggang sa mamatay ang isa sa dalawang panig. Kaya't ganoon na lamang ang reaksyon namin ni Light kanina ng makita iyon. Hindi iyon basta basta at hindi iyon ginagamit ng kung sino lamang.

"It's good to see the two of you again." Naagaw nitong muli ang pansin namin noong umimik ito habang nakaharap sa mga magulang namin na unti unti nang inaangat muli sa tubig habang wala nang malay. "Sayang at tulog na kayong dalawa. Hindi ninyo makikita ang mga ngiti sa labi ko habang pinapanuod kayo." Naramdaman ko ang tensyon ni Light dulot ng binggit niya. I gritted my teeth angrily.

Hindi ko inakalang aabot sa ganitong punto.

"Mga kaibigan ko kayo, pero trinaydor ng mga anak ninyo ang anak ko, pasensyahan na lamang tayo." Madiing bigkas nito sa napakatigas at napakalamig na tono. Pagkasindak ang naramdaman ko dahil doon. I've never seen her this... scary.

"Hey, Nathaniel Gabriel Evans and the one who came back from the dead Princess Light Smith. I formally want you to meet the serpent trio." She laughed evilly and her eyes are full of madness.

"We are the former queens of the Empire. Nathalie Evans, the brain. Nadine Smith, the healer. And your very own... Catherine Servilla, the fangs." She stated laughingly. Damn. Alam ko na kung saan namana ni Cassidee ang nakakairita niyang ugali.

"And... Princess Light Smith?" Ang paraan ng pagtawag niya kay Light ay sobrang nakakainsulto. Gusto ko siyang batuhin ng balisong ngayon sa matinding pagkainis. Gusto ko na siyang ibaon sa lupa ng buhay dahil sa ginawa niya sa magulang namin.

"What again?" Natatawang sambit niya. Nanigas si Light at naramdaman ko ang galit niya. "Once the game is over, liars. You shall face your catastrophe in the depths of hell?" She said mockingly.

"I'm sorry, darling..." Marahan niyang sambit sa nakakairitang paraan. "But you." Matigas at madiing bigkas niya. "Will." She paused for a moment and gave us her eerie smirk. "Face." She remarked firmly. "Your. Own. Catastrophe." Sinabi niya ang bawat salitang iyon ng may diin, tapang at galit.

"Because of..." Pinabitin pa muna niya ang pagsasabi at lumapit sa kamera. Ang mga titig niya ay sadyang nakakakilabot. Para siyang isang masamang Light. Para siyang isang babaeng walang puso... At higit sa lahat walang kaluluwa, dahil naibigay na niya iyon sa demonyo.

"Me." Shivers and goosebumps. Iyon ang makakapaglarawan sa aking nadadaman noong banggitin niya ang isang salitang iyon. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay hindi iyon isang biro at higit sa lahat, hindi iyon isang babala, kung hindi isang katotohanan na tatapos sa lahat lahat ng kasinungalingan. Para akong nawala sa katinuan dahil doon.

"In this game of lies and betrayals..." She said dreamily no... evilly.

"The queen of the Diablo's Territory will win. And guess what? I am that Queen."

***

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
2.1M 71.6K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
3.5M 116K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
14.5M 626K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...