Chances (KaRa)

By DanicaTrishaM

12.4K 316 48

Mahal ko sya, sobra. At alam kong ganun din sya sakin. Nakayanan namin lahat ng problemang dumaan mag mula pa... More

Canada
Philippines
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
CHAPTER 11..
WORTH THE CHANCE
NEW STORY!!!!

Chapter 10

969 28 0
By DanicaTrishaM


VIC'S POV


"By, gising na" tinatapik ko ang pisngi nya para magising na sya, malapit na kasi kaming magland eh. "Hmm.." "By, maglaland na po tayo" natutuwa talaga akong gisingin sya. Ang cute kasi eh. Parang bata na mahirap gisingin. Dahan dahan nyang minulat ang mata nya at ngumiti sakin. Parang maamong  bata talaga 'tong baby ko. 


"Pinagnanasaan mo na naman ako By" napatawa kaming parehas sa sinabi nya at umayos na sya ng upo. 

-

"Uhm guys, this is Karen, the wedding coordinator, sya din yung mag-aassist sa inyo sa rooms nyo" panimula ni Kimmy ng makadating kami sa Discovery Shores, Station 1 Boracay. "Good morning po, for each room po pwede po tayong mag accomdate ng 2-3 persons" tumango naman kami sa sinabi ni Karen 

Nagexplain pa sya ng kung ano pero di na ako makafocus kasi hindi mapakali itong katabi ko "By ano ba yun?"  hindi nya ako sinagot bagkos ay umalis sya sa tabi ko at pumunta sya sa receptionist. Sinundan ko naman sya at naabutan ko na parang may tinuturo na directions yung babae sa kanya. Di ko na sya naabutan sa reception kaya naman sinundan ko nalang kung san sya pupunta 


Ang bilis nyang maglakad grabe, laki pa ng hakbang nya sa tangkad nya ba naman eh. Mga ilang lakad pa ay nakita ko na syang nakaupo sa isang stall. Ay? Jusko dito lang pala.

"Iniwan mo ko para dito?" sabi ko at tinabihan ko sya. Napatigil naman sya sa pagkain at nginitian ako saka ako niyakap "Hehe sorry baby, gutom na kasi talaga ako eh" san ko sya nakita? Edi sa bilihan ng mga street foods. Para kase itong isang tent na may upuan tapos puro street foods yung tinda nila. "Gusto mo po?" alok nya sakin nung bbq. Umiling naman ako at nginitian ko lang sya. 


Matapos ang limang stick ng bbq at isaw ay sawakas tapos na din sya. "Busog na By, balik na tayo sa kanila" nakangiti nyang sabi sakin. Good mood na uli ang baby ko haha 

Binayaran ko na yung kinain nya at bumalik na kami sa hotel. Wala na sila sa lounge so malamang nasa rooms na sila, kaso asan kaya gamit namin? 

"Ay iniwan na nila tayo" nakasimangot na sabi ni Mika sakin. Napailing na lang ako. "Takaw mo kasi eh" hinampas nya naman ako at napatawa kami parehas. Sakto namang nakita ko yung Karen na pinakilala ni Kim kanina. 


"Uhm excuse me, Karen" lumapit kami sa kanya at inaccommodate naman nya kami. "Meron pa pong isang vacant room Ma'am, pero yung gamit nyo po nasa room nina Miss Cienne" sabi nya samin at umalis na. 

Hindi na kami nagpahatid sa room nina Cienne tutal mabilis naman ako makapick up ng directions kaya agad din namin itong nakita. 

"Knock knock" napatawa ako sa ginawa ni Mika, with matching sound effects pa talaga eh "Who's there?" narinig ko namang sumagot si Cienne sa kabilang side ng pinto "Maganda" "Maganda who?" "Syempre, si MIKA REYES" lalo akong napatawa sa sinabi nya pero mas natawa ako kay Cienne "Ay wala kaming kilalang ganon, baka sa ibang planet" tawa lang kami ng tawa ni Mika "Bruha! Buksan nyo na nga 'to yung mga gamit pa namin eh" tawang tawang sabi ni Mika 


Nagbukas naman ang pinto at bumungad samin si "Cams? Bat ka andito? Asan si Kimmy?" sunud-sunod na tanong ni Mika. "Kasama ni Carol. Edi ba nga bawal nga kasing magsama ang malapit ng ikasal" "Yun ba talaga yun?" tanong ni Mika at medyo natigilan ang kambal. Kinuha ko naman na yung mga gamit namin at dahan dahang pumunta sa may pinto 

"Dito ka muna By? Lagay ko muna 'to sa room natin" sabi ko kay Mika "Kaya mo ba By?" tumango ako at nginitian nya naman ako. Sinarado ko na ang pinto at dumiretso na ako sa kwarto namin.


Mamaya ko na aayusin 'to, since si Mika naman talaga ang nag aasikaso ng gamit namin. Binuksan ko na muna yung aircon at lumabas na. Babalikan ko sana sina Mika kaso syempre may heart-to-heart talk pa yung mga yun eh kaya nag ikot ikot muna ako. 


Medyo late na din pala. Past 10 kasi nung dumating kami dito at almost 12 na din. Medyo masakit na sa balat yung araw pero todo pa din sa paglalanggoy yung mga tao sa beach at yung mga bata sa pool ng hotel namin. 

Umupo ako sa malapit sa pool side at naramdaman ko naman na may tumabi sakin. Patay ako kay Mika pag babae 'to. Umusog ako ng konti kasi ang lapit namin, di ko kasi sya makita sa peripheral vision ko eh. 

"Di kita type kadiri ka" napalingon naman ako at nakita ko si Kim na nakangisi sakin. Jusko sya lang pala eh. "Gago" napatawa kami parehas at nag slouch sya. 

"Tuloy pa ba 'to?" natigilan ako sa bigla niyang sinabi "Napagusapan na natin 'to Kimmy ah" nag usap kasi kami ng tungkol sa nangyari. Kilala ko yung babae na tinutukoy ni Cienne. Hindi nalang ako nagsalita kasi baka lalo lang lumala yung 'away' nila ni Cienne 


Alam naman ni Kimmy na ilap si Cienne sa kanya eh, nakahalata daw sya after nila magkita ni Mel, na medyo iba kinikilos ni Cienne. Hindi nya lang daw naisip na baka may nakakita sa kanila at sinabi kay Cienne or yun nga, siya ang makakita mismo. Ex ni Kim si Mel, di ko nga alam na nakabalik na pala siya eh.


Sobrang tagal na kasi nung huli ko syang nakita almost 7 years na ata? 2nd year kasi nun si Kimmy eh. "Wag mo sabihin sakin na mahal mo pa si Mel?" nakatingin lang sya sa malayo "Gago syempre hindi. Mahal na mahal ko si Cienne noh" yun naman pala eh "Ganito pala talaga pag malapit na ikasal noh. Nakakasakit ng ulo yung pag ooverthink mo" napailing na lang sya at napaisip nalang din ako 


"Mahal pa ba nya ako?" lihim akong napangiti sa tanong nya. Jusko parehas kayo ng tanong eh. Kung nag uusap nalang sana kasi kayo.  "Ako naman talaga yung mali eh. Di ako nakuntento eh. Aaminin ko, nakipagkita ako kay Mel kasi wala, feeling ko wala na ako kay Cienne. Busy sya lagi tas pag naglalambing ako magagalit naman sya. Alam mo yun" "Pero ang gago ko lang kasi talaga eh, alam ko namang busy sya ng dahil sa kasal namin tas ganon pa yung nagawa ko sa kanya" 


Nakikinig lang ako sa kanya at sya naman ay tulala pa din. "Itutuloy ko pa ba 'to Vic? Deserve ko pa ba si Cienne?" hindi ako makasagot lalo na at maging ako ay piniling wag ng ituloy ang kasal namin ni MIka noon.  Parang ang kapal naman ng mukha ko kung sabihin ko na ituloy nya yung kasal pero hindi ko tinuloy yung kasal ko. 

"Tumigil nga kayo jan" napatingin kami parehas ni Kimmy sa biglang tumabi sakin. So nasa gitna nila ako ngayon "Pasalamat nga kayo at kasama nyo yung mga mahal nyo ngayon eh. Na may pinanghahawakan pa kayo sa kanila. Ikaw Vic, nagkabalikan kayo ni Mika, ikaw Kimmy, alam naman natin na ikaw yung mali pero di ka naman iniwan ni Cienne eh" nakatingin sya sa malayo "Eh ako, iniwan na nga di pa kami nagkabalikan" napangiti sya ng mapait at napailing. 


"Pasensya ka na Cars ha, sinama pa kita dun sa pakikipagkita ko kay Mel. Di ko din naman kasi alam na may kasama pala sya" umiling si Carol at nginitian si Kimmy 

"Alam mo ba kung bakit ako sumama sayo, Kimmy-- kasi umaasa ako na makakalimutan ko na si Camille. Biruin nyo naman oh, anim na taon na ang nakalipas ng naghiwalay kami pero hanggang ngayon umaasa pa din akong magkabalikan kami. Hindi ko naman itatanggi na nag enjoy naman talaga ako sa usapan namin nung friend ni Mel, pero yung akala ko na 'yun na oh, makakalimutan ko na siya' biglang 'potek sya pa din pala'" nakangisi sya na para bang naluluha na. 


Now that I think about it, wala talaga sigurong perpekto na pagmamahalan. Susubukin talaga kayo ng panahon, at talagang ilulubog at iaahon kayo ng mga desisyon nyo. At kung ano mang mapili nyo, tama man ito o mali, nakatadhana pa din ang lahat. Maybe someone knew it will happened beforehand. Everything is fated. 

"Mahal ko si Cienne" napatingin kami ng biglang nagsalita si Kim "Mahal mo si Mika" tumango naman ako "At mahal mo si Camille" sabi nya kay Carol. Ano bang naiisip nito? 

"Tara may gagawin tayo!" hinigit nya kami bigla ni Carol at since mas malakas si Kimmy nadala lang kami "Hoy san ba tayo pupunta? Bat pati ako kasama eh okay naman kami ni Mika" "May kulang pa Vic. Its time to fill it up" kinindatan naman nya ako. Ano bang sinasabi nito? 

"Tsaka mas matinik ka sa chics eh, mas madali nila tayong matutulungan" chics?! Potek sandali mapapatay ako ni Mika eh "Ayoko! Mapapatay ako ni Mika pag nakita nya akong may kasamang ibang babae noh. Maawa naman kayo sakin guys, wala ng third chance eh" pilit ko mang tanggaling yung pagkakahigit ni Kimmy sakin ay di ko magawa kasi pati si Carol ay kakutsaba narin nya. 

JUSKO BABY HINDI KO TO PLINANO HUHU PAKINGGAN MO SANA PALIWANAG KO 

help me pls huhu 



-


Mika's POV 

Nasan na ba si Ara? Kanina ko pa siya tinawatawagan di naman sya sumasagot. Wala din naman sya sa kwarto namin. Inayos ko na yung mga damit namin at lahat di parin sya nagpaparamdam. 

Nagpalit na muna ako ng damit at lumabas na ng hotel para hanapin si Vic. Andaming tao grabe, almost 2 o'clock na at mas dumoble pa yung mga tao. May mga nagsswimming, mga bata na gumagawa ng sand castle, may mga nagcchill lang at mga nagssun baiting. WAIT SYEMPRE BORA 'TO, DAMING MALALANDING HITAD DITO, MGA MANG AAKIT THROUGH SWIMSUIT, MAY WHAT HAPPENS IN BORA STAYS IN BORA, AYNAKO VICTONARA SUBUKAN MO LANG TALAGA AT TALAGA NAMAN! Che mas sexy pa din ako at maganda ako noh! 


Muli kong hinanap si Vic at di ko pa din talaga sya makita, kahit dun sa mga naglalaro ng beach volley wala sya. Asan ka ba?? Wag ko lang talagang malalaman na nakikipaglandian ka sa iba at ewan ko naman talaga. Mawawalan ka na ng cute, sexy at magandang girlfriend nako! hahahaha

"Ang taray ng outfit oh! Tara pa-tan tayo para naman mafeel ko yun beach vibes bukas sa kasal ko" sabi ni Cienne at nilampasan nya na ako. Nagdiretsyo sya sa tabing dagat kaya naman sumunod na ako. 

Simple lang naman suot ko eh, naka shorts lang ako tsaka bikini top tapos nagpatong nalang ako ng see through na damit. I know this is Bora pero hindi naman ibig sabihin nun na magttwo piece na din ako noh haha 

Tumabi ako kay Cienne na nakadapa na "Asan si Camille?" tanong ko sa kanya. "Pababa na yun. Nakita mo na ba si Ara?" 

"Hindi pa nga eh. Di rin nya sinasagot calls ko" nakasimangot kong sagot. Kasi naman naiinis na ako, asan ba kase yun "Para naman kasing ang liit ng Bora noh. Andyan lang yun, malay mo kasama lang nina Kim nambababae" natigilan ako sa sinabi nya. Alam kong joke yun pero may syempre may pinanghuhugutan talaga siya

"Baliw. Ikaw na mismo ang nagsabi na wala namang malisyang tingnan nung nakita nyo sina Kim na may kasamang babae diba. Kaya wag ka na ngang paranoid dyan. Kasal nyo na bukas. Sabi ko naman kasi sayo kausapin mo sya, ayaw mo naman diba" naglagay na din ako ng sunblock at dumapa na din. 

Haynako Ara wag ka lang talagang papahuli sakin di ka aabot ng Manila pati na rin yung kalandian mo. 

Ilang minuto palang ay napabangon na kami ni Cienne dahil "Guys, tama na yan baka masunog na kayo jan lets go and get dressed na" sabi ni Camille samin. "Huh? Bakit anong meron?" "Eh kasi nag aya sina Ate Aby na dinner daw tayo eh dapat bongga yung mga suot natin" 


"Ano cocktail nalang tayo, puro pang formal 'tong pinipili ni Kambal eh. Eto na lang suotin natin Mikang, for sure seaside lang naman yun" sabi ni Cienne at kinuha nya na yung pair of shorts tsaka crop top at ganon din ang ginawa ko. For sure naman kasi talagang seaside yun eh, hassle pag nagdress. Aangal pa sana si Camille pero wala na syang nagawa kaya nagpalit na kaming tatlo. 


Nag dolphin shorts nalang ako at halter tapos nag sandals na din ako para mag mukhang presentable pa din naman haha paglabas ko ng banyo ay ayos na din ang dalawa, at eto namang si Camille, gusto pa kaming mag formal wear eh nakashorts din sya 


"Oh kala ko ba formal, bat ka nakaganyan?" pang aasar ko sa kanya "Che. Eh ayaw nyong mag formal eh edi di na rin ako nagdress hmp!" napatawa kami ni Cienne at nasa resto na daw sina Ate Aby


*Incoming text: Carol 

Hi miks, kasama mo na ba yung kambal ngayon? Wag kang magpapahalata ha, may suprise kami sa kanila eh. Punta na kaong resto nag iintay kami dun. Wag mo munang iiwan ha baka makahalata eh 

lihim akong napangiti sa nabasa ko. Naks naman Kimy and Carol improving ha, may mga pa surprise. Hay buti pa tong dalawang 'to eh etong si Ara hanggang ngayon di pa din nagpaparamdam sakin 

Kayo ha gumaganyan na kayo haha! On our way na kami. Nandyan ba si Ara? 


Hindi na nagreply si Carol at medyo malapit na din kami sa resto. "Hmm asan sila?" napatingin ako kay Cienne. Part siguro to ng surprise, kailangan kong mag isip ng way para di kami makaalis dito. 

"Andyan lang siguro yung mga yun, dito muna tayo. Tetext ko nalang sila" act normal Miks. Umupo kami sa may malapit, may mini set up na lights dito, part din siguro to hahaha nakaharap sa dagat yung pwesto namin. ugh ang romantic naman nito. Inggit tuloy ako huhu 

Asan ka ba Ara? 


Nagulat kami ng biglang may tumugtog na music. Omg eto na yun! Kailangan kong umalis dito, moment to nung kambal eh. Tatayo na ako dapat ng akmang tatayo din sila "Te-teka san kayo pupunta? Dito lang tayo, natext ko na sila eh" ano ba yan di sila pwedeng umalis masisira yung surprise


No choice naman sila at umupo na uli, nakahinga ako dun ah. So ayun, habang tumutugtog yung music andun lang kaming tatlo at nakikinig. 


Nagulat nalang kami ng biglang namatay yung ilaw at nang magbukas ito ay nasa harapan na namin si Kimmy

UGH!! Yung itsura ni Cienne ngayon sobrang priceless, gulat na gulat sya at nagkatinginan nalang kami ni Camille. Haynako wag kang maiinggit Cams, ikaw na sunod. Grabe nakakainggit naman 'tong kambal na 'to 

"Hon.." unang word palang ni Kim, bumagsak na agad ang luha ni Cienne. Kahit ako naluluha na eh huhu 


"Lately naging mailap tayo sa isat-isa, hindi ko din naman itatanggi na may naging kasalanan ako. Pero gusto kong malaman mo na i feel so sorry for the things that i've done. Oo pikon ka, mabunganga, ang ingay, ang taray, ang bully, at oo ikaw ang mahal ko, na mamahalin ko pa lalo. Madami na tayong napagdaanan at alam natin parehas na hindi naging madali pero mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo"


iyak lang ng iyak si Cienne at maging si Kimmy ay naluluha na din. Kami din naman ni Camille eh. Naaaninag ko na sina Ate Aby sa gilid pero di ako makapunta dun kasi baka sumama si Camille masira pa yung surprise ni Carol 


"Cienne, Hon, Mahal ko, alam kong madami akong naging kasalanan sayo pero please marry me, still. Pakasalan mo pa din ako please" 


Lahat kami natunaw sa sinabi na yun ni Kimmy kaya naman tinakbo na siya ni Cienne at niyakap. Kahit talaga anong problema malalampasan nila. 

Akmang papalakpak na si Camille ng bigla na namang may tumugtog na ibang music


"Mangga" napatingin ako kay Camille na natigilan sa narinig nya. Grabe yung feels, napaka throwback. 


"It was exactly 6 years since you said goodbye. 6 years since namatay ako sa mga salitang binitawan mo. 6 years since you left me with nothing but goodbye, and 6 years since the day you left me with nothing even my heart. Anim na taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ikaw pa din ang tinitibok bito. Ironically di mo ata nararamdaman yung malakas na tibok ng puso ko kahit ikaw naman ang may hawak" 


Iyak na iyak na din si Camille, hindi nya siguro ineexpect na pati sya ay issurprise din. Naiyak na din si Carol kaya medyo nababasag na yung pagsasalita nya, pero damang dama mo yung sinasabi nya, mahal na mahal nya pa din si Camille. 


"Babe... namimiss na kita. Namiss ko na yung kakulitan mo.  Yung papatay ka para sa matcha donut, yung babatuhin mo ko ng balde kase wala lang trip mo lang, yung asaran natin, yung lambingan. Namimiss na kita Mille, at hanggang ngayon mahal  na mahal pa rin kita. Alam kong wala tayong naging closure noon, hindi ko din naman kasi masasabi na ikaw lang ang bumitaw, kasi hindi rin naman kita hinabol, mali  ko din yun. Kaya sana ngayon, sana matanggap mo pa din ako. Sana maayos natin 'to. Kasi maniwala ka man o hindi, ilang beses kong sinubukan na kalimutan ka, humanap ng iba. Pero wala eh, at the end of the day, ikaw pa din talaga. Ikaw pa rin talaga Mille. Mahal na mahal pa rin kita--"

nagulat kaming lahat ng naputol na ang pagsasalita ni Carol kasi bigla ng tumakbo si Camille at niyakap sya sabay halik. 


Yung puso ko, tatalon na sa sobrang saya ko para sa kanilang lahat. I'm so happy na ayos na sila. 


Pupuntahan ko na sina Ate Aby ng bigla na namang namatay ang ilaw at pagbalik ng ilaw ay ako nalang mag isa. Kahit yung apat bigla nalang nawala. 


Hoy potek iwan daw ba ako



Nagulat ako ng biglang may tumugtog, at nag dim yung lights. Ang natitira nalang ilaw ay yung parang mini lamps at dun ko lang napansin ang tinatapakan kong carpet. Maya petals na nakapaligid at parang may trail kaya naman sinundan ko ito 


"Mahal mo ba ako? Kung oo, higitin mo nga 'to" tapos nakaturo dun sa tali. Vic? "Ara? Ikaw ba 'to?" sigaw ko pero wala namang sumagot. Napangiti nalang ako at hinigit ko ang tali. 


"Look behind, beautiful" basa ko dun sa nakasulat at paglingon ko nasa harap ko na sya. 


Nakangiti sya sakin at may dalang green rose. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko talaga kasi gusto ko syang makita. 


"Mika" yun palang nasasabi nya bumabagsak na yung luha ko. "Naaalala mo ba nung una tayong nagkakilala, para akong pusang naliligaw nun sa laki ng la salle. Tapos dumating ka, grabe yun para akong tinamaan ng kidlat ng ngitian mo ako. Dun palang alam ko ng ikaw ang babaeng mamahalin ko" 


Hindi ko na makontrol ang luha ko, awtomatiko itong bumabagsak at pinapakinggan ko lang sya. 


"Tapos umamin ako, yung kaba ko para akong lalaban mag isa sa uaap na wala akong kasagpi at ang lalakas ng kalaban ko. Para akong walang kalaban-laban. Eh yung mga kaagaw ko ba naman kasi sa'yo eh. Palakasan na lang talaga ata ng loob yun eh" 

napatawa kami parehas sa sinabi nya. 

"Tapos nag yes ka. Para akong nabingi nun, bago ko pa naprocess sa utak ko na tayo na talaga, na akin ka na talaga. Sobrang saya ko nun" 

hinding hindi ko makakalimutan yun 

"Tanda mo ba nung umamin tayo sa parents mo? Para akong nung sasabak sa major exam ng walang kaalam-alam. Sobrang kaba ko talaga nun"


"Madami tayong napagdaan Miks, alam mo yan. Dumating tayo sa kasalanan na hindi ko tinuloy na syang pinagsisisihan ko habang buhay. Nagkahiwalay tayo ng matagal, walang usap o text o kahit ano. Sobra akong nanabik sayo nun. Gusto na kitang sundan sa Canada, pero sabi ko balato mo na yun sa sarili mo. At nirerespeto ko ang desisyon mo. 


Sa totoo lang ngayon di ko talaga alam kung pano 'to sasabihin eh. Kaya naman ito nalang" 


napatingin ako sa likuran nya at andun yung mga teammates namin na may hawak na banner


"Please let me marry you, again. Wala ng cancellation" 

napatawa naman ako pero yung iyak ko dirediretsyo lang din. 

"By, please marry me again? Please give me the last chance to marry the most beautiful woman in the world. And that one person to complete my whole existence. Alam kong madami akong pagkukulang at pagkakamali noon. Sobrang laki ng kasalan ko sayo, nasaktan kita at lahat pero mukhang tayo talaga ang bet ni tadhana together eh"

nakaluhod na sya ngayon at medyo napatawa ako, pinunasan ko na din ang luha ko.


"I love you so much Mika, sobra sobra kitang mahal. Kaya sana hayaan mo akong iparamdam yun sayo hanggang sa dulo. Please marry me again" 


nginitian ko nalang sya at inabot ko ang kamay ko. Isinuot nya na ang singsing at saka sya yumakap sakin. Wala pa akong 'yes' nan ha. hahaha


"Ay, nag yes na ba ako?" 

"Oo" sagot nya "When?" 

"Do you love me?"

"Yes"

"O, just now you said yes" nginitian nya ako hinalikan sa labi 


Narinig ko na din ang palakpakan. Niyakap ko ng mahigpit si Ara and the rest of the night was history. 


-

HI GUYS!!! LAST CHAP NA READY NA BA KAYO? HAHA LOVE YOU! THANKS FOR READING AND VOTING. LEAVE YOUR COMMENTS DIN PARA ALAM KO NA


Continue Reading

You'll Also Like

49.9K 2.1K 46
Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trisha's mundane life, that's why she was det...
1.2M 23.8K 56
just for fun
2.2K 462 119
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
94.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...