Pasaway Ka! (JulNiel FanFic)...

By Marikit07

443K 7.2K 2.2K

Ang kinaiinisang PA ni DJ na si Julia turned out to be the hidden Princess of Germany & so the battle of fame... More

Pasaway Ka!
Chapter 1 The Gig
Chapter 2 Chismis
Chapter 3 Tigre at Agila
Chapter 4 Brand New Job
Chapter 5 Kontrata
Chapter 6 Early Call
Chapter 7 Trip ni Vice Ganda
Chapter 8 Pasaway Ka
Chapter 9 Truce
Chapter 10 Gift
Chapter 12 DJ's Big Break
Chapter 13 Twin Hearts
Chapter 14 Karibal?!
Chapter 15 First Date
Chapter 16 Problematic Mara
Chapter 17 Surprise
Chapter 18 Ang Epic Break Up
Chapter 19 VIP
Chapter 20 Royal Agenda
Chapter 21 Meet the Princess
Chapter 22 Evil Plans
Chapter 23 A concert?
Chapter 24 Banat ni Princess Mara
Chapter 25 Trabaho lang...na may Personalan...
Chapter 26 Tired
Chapter 27 Reconciliation
Chapter 28 Tv Series Project
Chapter 29 Behind The Scenes
Chapter 30 Breaking News
Chapter 31 Trip Ni Vice Ganda Part 2
Chapter 32 Inuman at.....Aminan?
Chapter 33 Oh snap!
Chapter 34 Julia's Plan
Chapter 35 Ikaw ang ama, TANGA!
Chapter 36 Bahala na si Batman
Chapter 37 Buntis Ba o Feeler Lang Talaga?
Chapter 38 In The Name of Love
Chapter 39 Change The World
Chapter 40 Pasaway Pa Rin [Finale Chapter]

Chapter 11 Warner Brothers

10.2K 164 42
By Marikit07

Chapter 11 Warner Brothers

Lalong nabawasan ang pangbbwisit sakin ni DJ simula nung mag-open sya saken tungkol sa family nya. Ako naman naaawa sakanya kaya kahit minsan toxic na iniintindi ko pa din. Alam ko na hindi lang sya sa trabaho hirap. Sa pag-aartista nga, katawan lang ang napapagod sa kanya, pero pagdating nya sa bahay nila, pati utak at emosyon nya napapagod pa kaya alam ko na kung bakit napaka-moody nya. Infairness magaling pa nga sya dahil nakukuha pa nya magpretend na “cool” kahit na malaki pala ang frustrations nya sa buhay. Mataas ang ineexpect sa kanya ng father nya at matindi din ang kagustuhan nya na maabot yon para matanggap at maipagmalaki sya.

Mula noon tinutulungan ko talaga si DJ sa mga bagay bagay sa buhay nya. Lagi ako nag-aadvice sa kanya kung ano ba dapat ang pakikitungo nya sa tao, kung paano ba manamit nang hindi nagmumukhang trying hard and at the same time nagmumukhang katangi tangi sa ibang artista. Ako din ang nagpapaalala pag nagiging masungit nanaman sya minsan pati sa fans nya na. Sa ganitong paraan lalo kaming nagkakakilala. I mean, lalo ko syang nakikilala..kasi ako hindi naman ako nag-oopen up sa kanya talaga.

Alam ko darating yung time na iiwan ko din yung trabaho na toh kaya I’m making the most out of it na din muna. Gusto ko kahit hindi na ako yung P.A. nya malaki naman ang naicontribute ko sa tagumpay nya. Kaya nga eto pati damit na isusuot nya sakin na pinagkatiwala dahil mas alam ko daw “kumilos sa mundong ibabaw” sabi pa nya. If I know minsan tinatamad lang talaga yun.

“Ayan.. mas ok yan kesa sa sinukat mo kanina.” Sa wakas nakapili din ako nang bagay sa kanya. Kanina pa kami palipat lipat sa department store para humanap ng isusuot nya sa formal dinner ng mga Padilla mamaya.

“Buti naman! Pang 17 na sukat ko na toh! Pagod na ko. Baka mamaya mukha akong lupapay na gulay sa party ni Papa. Lalo lang ako magiging katawa-tawa.” Kahit sinabi nya na hindi naman talaga sya interesado, alam kong excited tong mokong na toh sa pag-attend.

“Di ko na natanong si Kath kung may isusuot na sya.” Napakunot ang noo ko sa kanya. Bakit nasama si Kathryn Bernardo?

“Kamag-anak mo ba si Kathryn?!” Gulat kong tinanong. Parang family reunion ang aattend-an ni DJ bakit nasama si Kathryn?

“Hindi. Eh ito kasing si Mama kailangan daw may date ako para hindi ako mahuli sa mga pinsan ko na ang gaganda ng mga girlfriend mga modelo daw. Since ka-love team ko naman si Kath isama ko daw para lalo kaming mapag-usapan tska sya kasi pinakasikat na teenage actress sa Pilipinas ngayon kaya hindi na ko masyadong huli sa mga model na girlfriend ng mga pinsan ko. Ayos di ba?” At tinaas taas pa nya yung kilay nya na parang nang-aasar lang.

“Ah.. ok. Eh si Mama mo sino kadate?” Tanong ko nanaman. Lately kasi napapansin ko masyadong bugnutin yung Mama nya pagdating sakin. Parang may pinagkakaabalahan itong something…or someone?!

“Di daw sasama.” Biglang naging seryoso ang mukha ni DJ. Umikot pa sya ng minsan sa harap ng salamin at nagpaalam para hubarin na ang sinukat nyang damit.

Nanatili na lang akong tahimik baka kung ano pa masabi ko magtalo nanaman kami.

Sa pagkakaalam ko, may iba nang asawa at pamilya ang tatay ni DJ pero hanggang ngayon nagsstruggle pa din si Mam Karla na kilalanin ng mga Padilla bilang parte ng pamilya nila. Ganun din si DJ. Parang lahat ng naachieve nila ginagawa nila para sa pangarap na yon.

Seryoso akong nag-iisip at tulala sa waiting area ng store nang biglang magring ang celphone ni DJ na hawak ko dahil nga nagsusukat sya ng damit kanina.

“Hello po. This is DJ’s assistant. How may I help you?” Naks..para talaga kong professional pag ganito. Feeling ko ang porma porma ko! Hehe

“Gowdaftahnun, thesiz Mawrk Wradclef ov Warnah Brawthahs kowdai speak to Mr. Daniel Pe-dila please?” Nagulat ako sa nagsalita sa kabilang linya. It took me some seconds para madigest sa utak ko kung ano yung sinabi nya. ‘goodafter noon, this is Mark Radcliffe of Warner brothers, could I speak to Mr. Daniel Padilla please’ pala ang sinabi nya in a British accent.

“Ahm..sorry Mr. Radcliffe but Mr. Padilla is not available right now. May I ask what is it regarding?” buti na lang sanay ako makipag-usap sa mga ganitong tao. Teka nga, Warner Bros?! International na yun ah! Bakit kaya?!

“You see, we are holding a cast-call for a new film. We are actually doing a remake of How To Train You Dragon movie. You know that animation?” Super focus talaga ko sa pag-intindi sa kanya habang nagsasalita sya. Hmmm How to train your dragon….napanood ko yata yun! 3d animation film sya.

“Yes I think I’ve watched that film. So how may I help you then sir?” I politely asked.

“Are you from the Netherlands? You’re accent is quite different from the Filipinos.” Bigla nyang tanong. Oo iba nga ako magsalita ng English kasi half German ako!

“I’m half German sir.” Sabi ko naman sa kanya.

“Oh, really? That’s lovely. Anyway, we are doing the casting by carefully selecting from different countries. The board agrees to offer the Main role to Mr. Daniel John Padilla. We all agree that he’s perfect for the role.” Wow…. Wala akong masabi sa narinig ko. Warner Bros., nagooffer ng role kay DJ! At take note, MAIN ROLE!

“Ah…that’s really great. I think should talk to his manager first, who happened to be his mom.”Sabi ko kaagad. Parang naexcite na din ako. Noong isang araw lang pinapangarap ni DJ na maging super celebrity. Ngayon parang nagsisimula nang magkatotoo? Kinumpleto nya kaya yung simbang gabi kaya natutupad ang wish nya?

“I’ve already talked to Ms. Karla Ford. She agreed and would like to meet next week to talk about it. She told me to inform Daniel first. So could you please do the honor to inform the actor?” Waaa! Grabe na ito! International movie! Ang galing naman! Sigurado matutuwa si DJ!

“Sure sir no problem. I’ll inform him right away.” Sagot ko naman. Mejo kinakapos na ko ng hininga sa sobrang tuwa. Feeling ko naman ako yung napili sa role! Pero teka, malaki din naicontribute ko para maging maayos ang career ni DJ ha kaya magiging proud talaga ko pag nakuha nya yung role na yuN!

“Thank you dear. Bye.” Then he hanged up. Hmmm hindi ko muna sasabihin kay DJ surprise na lang bago sya pumunta sa dinner nila para may magandang balita sya ^_^

“Done! Tara na. Maliligo na ko papapogi pa ko eh.” After ilang minutes lumabas na si DJ sa fitting room.

“Okey!” Halos hanggang tenga yata ang ngiti ko paglabas ni DJ.

“Bakit ka Masaya? Siguro kasi naisip mo free ka ngayon dahil may pupuntahan ako at hindi ka kasama noh?” Pagbibiro pa nito habang nasa daan na kami papuntang bahay nila. Nangingiti naman si Mang Ernie habang nagddrive.

Lagi kaming tinutukso ni Mang Ernie simula nung naabutan nya kong naiinis dahil hinalikan ako ni DJ sa pisngi. Minsan nga sinabi pa sakin ni Mang Ernie may gusto daw sakin si DJ pero wag ko daw sasabihin na sinabi nya. Talaga si Mang Ernie may pagka-chismoso din. Pano naman ako magugustuhan ni DJ eh kung utus utusan nga ako todo! Tska artista sya, ako naman isang ordinaryong mamamayan lang nang bansang Pilipinas!

“May surprise ako sayo mamaya. Promise matutuwa ka talaga.” Naalala kong bigla yung tawag galing Warner Bros kanina.

“Ano yun?” Tanong nya.

“Basta…secret muna!” para kong kinikilig na ewan. Kailangan mamaya ko na sabihin sa kanya baka mawala sa focus si mokong.

“Tsk! Ano nga kasi yun! Ano nga kasi!” Naiinip na sabi nya.

“Nope, I won’t tell yeh!” at nag gesture pa ko na parang sumasayaw ng nobody but you.

“Sabihin mo na eh…isa…” Tinignan ako ng masama ni DJ then dahan dahang ngumiti with an evil smile.

“Pag di ko sanabi ano?” Tanong ko naman sa kanya na napapangiti na din. Super eye contact nanaman kami habang nagtatantyahan kung magsasalita ba or hindi.

“Sige wag mong sabihin! Ikaw din… ingungudngod kita!” Grabeh naman ang violent naman!

“grabeh ka naman kelan ka pa naging bayolente ha!” Hinampas ko sya ng batman na throwpillow na lagi nyang baon sa sasakyan.

“Di pa ko tapos. Sabi ko, baka gusto mong ingudngod ko yang lips mo….sa lips ko.” Biglang nagiging pacharming smile ang evil grin nya kanina nang sabihin nya toh sabay lapit sa mukha ko. Hinawakan pa nya yung ulo ko at tinulak palapit sa kanya.

“Waaaaag!” Para kong nirarape na ewan sa ginawa ko. Napapikit ako with matching yakap sa sarili ko for proteksyon. It took me 3 seconds bago ko maramdaman na hindi naman nya ko kiniss. And another 3 seconds bago ko idilat ang mga mata ko.

Siguro 1 inch na lang ang pagitan ng mga mukha namin at magkikiss na kami ng lips to lips. Magkadikit na nga yung nose namin! Nakangiti pa tong kumag na toh sakin pagdilat ko. Hayz, halatang halata na nagbblush ako. Kainis! Baka nahalata nya na affected ako kasi yung ngiti nanaman nya nakakaloko nanaman! Narinig ko pang nag-“ehem” si Mang Ernie. Malamang nasisilip nya kami sa salamin. Nakakahiya naman. Pag gumalaw naman ako baka lalo lang mgkalapit yung mukha namin dahil hawak pa din nya yung ulo ko.

“Sasabihin mo o hinde?” Halos bulong pero firm na sabi nya. Napatingin sya sa lips ko at kinilabutan naman ako. Mukhang tototohanin ng lintik!

“Bitiwan mo muna ko.” Sabi ko naman sa kanya. Tumingin lang ulit sya sa mga mata ko at titigan portion nanaman kami.

“Sabihin mo muna.” Sagot naman nya.

“Bitiwan mo nga muna ko.” Pilit ko naman.

“Sasabihin mo? Or gusto mo talaga ng kiss?” Argh! Ang daya naman nya! Sya na nga lang issurprise di pa makapaghintay!

“Pag binitiwan mo ko, sasabihin ko kagad. Promise!” Sabay sheepish smile.

“Talaga?” Tanong pa nya na parang ayaw maniwala.

“Oo nga! Promise! Bitiwan mo muna ko, sasabihin ko. Pag hindi ko pa din sinabi ikiss mo ko.” Ouch! Bakit ba ganun pa nasabi ko? Para tuloy gusto ko ng kiss nya! Argh! Sablay nanaman ako!

“Oh ayan sabihin mo na.” Binitiwan na nya ang pagkakahawak saken. Inayos ko muna ang sarili ko at huminga ng mamalim bago ako nagsalita. Naghihintay naman si DJ sa sasabihin ko.

“May kumausap sa Mama mo, nagoffer ng role pumayag yung Mama mo na iconsider. Kanina sa store nung nagsusukat ka ng damit tumawag naman yung nag-ooffer.” Sabi ko sa kanya.

“Oh? Anong surprise dun?” Nalilito namang tanong nya.

“Hulaan mo kung anong company.” Hindi ko na mapigil ang ngiti ko. Nag-isip naman si DJ.

“Viva films?” Tanong nya.

“Nope… lawakan mo naman.” Sabi ko pa.

“Ano nga kasi!” Ayan naiinis nanaman sya. Hayz sige na nga!

“Warner Brothers!” Super smile kong sabi sabay taas pa ng kamay ko na parang nagsasabing *tadaa!*

One.

Two..

Three…

Four….

Five…..

“Warner Brothers…” Five seconds bago nagsalita ulit si DJ. Napatingin pa sya sa taas na parang makukuha nya yung sinabi ko sa taas.

“Woah!” Nanlaki ang mga mata nya nang marealize nya kung ano ang tinutukoy ko.

“WAR-NER—BRO-THERS?!” Pinagdiinan pa nyang sinabi sakin para makasiguro. Tumango lang ako at nagsmile nanaman. Nakakatuwa ang reaksyon nya.

“Ow.mai. gad!” Gusto ko nang tumawa sa reaksyon nya. Ang cute cute nya pag ganito palang nashshock sya!

“for real?!” Tanong nya ulit sakin and tango ako ulit.

“Pang Hollywood na ko!!!!!!!!!” Halos mapatalon si DJ sa tuwa nung madigest nya ang balita.

“Yehey! Pang Hollywood ka na!” Sinamahan ko na din sya sa kasiyahan nya.

“Oh wag masyadong malikot..mga batang toh talaga.” Narinig ko pang sabi ni Mang Ernie. Hindi ko pinansin dahil Masaya talaga ko para kay DJ.

“Juliaaaa!!!! Magiging super sikat na ko!” Yun yung huli kong narinig bago kami mag-hug sa sobrang saya then, bago pa namin macontrol ang sarili namin, WE KISSED!

“WAAAAAAAAAAAAA” sigaw si DJ, tili naman ako. Parehas kaming nagulat sa ginawa namin.

“Did you just kiss me?!” Gulat kong tanong. Gusto kong batukan sarili ko. Oo na Julia, obvious ba! Nagtanong ka pa! Parehas nyong ginawa!

“Ow.mai.gad! I just kissed you!” Hindi rin sya makapaniwala sa nagawa nya.

Sabay kaming napahawak sa bibig namin at nagkatinginan in shock. Parehas kaming natahimik. Hindi namin alam kung sino ang sisisihin namin sa nangyari. Parehas yata kami nagkiss? Argh! It’s my first kiss! Shux!

“Sabi sa inyo wag kayong masyadong malikot. Ayan tuloy.” Parehas pa kaming nagulat nang huminto na ang sasakyan at nagsalita si Mang Ernie. Nakatingin ito samin at nakangiti nang nakakaloko.

~~~

Ow.mai.gad! haha nkita nyo ba yung reaksyon na yun ni DJ sa youtube? Ayan panoorin nyo sa gilid nilagay ko yung video.. Cute kasi naalala ko hehe. Ayan na sisikat na nang bonggang bongga si DJ yeepee ^_^

Slmat pos a paghihintay, sa comments, at sa pag vote… ^_^

~Marikit

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
1.4K 102 39
[COMPLETED] No.1 on #highschoolseries Meet Samarra Merranda, a senior high student. Masayahin sa school, cold at walang pakealam sa bahay. Bago mo si...
445K 23.8K 51
Book 2 of The Master of the Game. A fanfiction for Ricci Rivero Rank #1 on Fanfiction