You're Mine

By iamanncollins

282K 10.7K 633

ALTAMONTE SERIES: Matthew Altamonte Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, handa kang gawin ang lahat para... More

You're Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
FINALE

Chapter 7

10.5K 436 30
By iamanncollins

"PUMAPARITO ako sa lugar na'to, sa tuwing nag-iisip ako. Bukod sa nakaka-gaan sa dibdib na tanawin ay tahimik ang lugar na ito." Wika ni Matt.

"Tama ka," wala sa loob na sagot ni Shailine.

Ngumiti si Matt kahit hindi iyon nakikita ng dalaga, "ang buhay ng tao ay parang tubig sa dagat," he simply glance at her. "Minsan, tahimik at ang payapa tingnan pero nakakatakot din, dahil darating at darating talaga oras ng kahagupitan, na sa gitna ng pananahimik nito ay may paparating na pa lang trahedya. Sa buhay ng tao, gayon din maraming unos. Gaya ng natural disasters, hindi mo alam kung kailan darating o matatapos. Pero madalas ang pagdating ng unos ay may malaking kabuluhan sa'ting buhay."

"Ano'ng gusto mong palabasin, Matt? Pwede bang diretsohin mo na lang."

"Patawarin mo ako-"

She raised hands to cut him off.

"Pinatawad na kita 'di ba?"

"Oo, pero ramdam ko na kulang pa rin ang paghingi ko ng tawad sa'yo."

"Mahal mo pa rin ba ako, Matt?"

"Walang nagbago, Sha."

"Kung ganon bakit mo nagawa ang bagay na yun sa'kin?" Mapait nitong tanong. "Am I not enough, para magtaksil ka? Ano ang rason mo, ha? Bakit lahat na lang ng tao tinatanong ako kung pinakinggan ba raw kita o kung nakapagpaliwanag kana. Ano ba talaga, Matt?"

"Kung sakaling sabihin ko sa'yo ang rason, mababago ba niyon ang isipan mo?"

"No, I won't change my mind. I can't afford to hurt Jerome."

"At ako nagagawa mong saktan?" May hinanakit na sambit ni Matthew.

Lihim na ikinuyom ni Shailine ang kamao, "Ang kapal din ng mukha mo. Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? sa ating dalawa ikaw ang nanakit! Ilang taon na tayong wala bago dumating si Jerome sa buhay ko."

Yumuko ang binata, pinaglaruan ang buhangin sa paanan.

"I'm sorry," may nakita siyang bato, kinuha niya iyon at buong pwersang hinagis sa tubig dahilan para lumikha ng zigzag na linya. "Ang swerte niya sa'yo. Pero kapag nakita ko na pina-iyak ka niya hindi ako magdadalawang isip na bawiin ka."

"You're crazy, Matthew."

"I know," he said donefully. Pinagpag niya ang dalawang palad. Tumingin siya gawi ni Shailine, ini-angat ang kamay at akmang hahawakan sana ito ngunit sa huli ay ibinaba na lang niya sa kandungan. He remembered what was she said and it resound on his mind, 'don't you dare touch me again, nandidiri pa rin ako sa'yo!'

"I-I wanted to hold you... but I'm afraid to. Hindi dahil takot akong masampal, kundi ayokong madagdagan ang galit sa puso mo."

"Umalis kana, Matt. Iwan mo na ako rito."

"Sha..."

"Paki-usap Matthew, umalis kana!"

Sapilitang tumayo si Matt at nanatiling nakatayo ng ilang minuto habang ang paningin ay nasa kalawakan ng dagat. Humugot siya ng malalim na paghinga. Isang huling sulyap ang ibinigay niya kay Shailine bago tumalikod.

Lulungo-lungo niyang tinungo ang sasakyan na nakaparada 'di kalayuan sa pinag-mulan. He let his tear dropped. Oo, umiiyak siya dahil nasasaktan siya.

NANG masiguro na nakalayo na si Matthew ay saka lamang pinakawalan ni Shailine ang luhang kanina pa gustong malaglag sa mga mata. Niyakap niya ang tuhod at humagulgol ng iyak. Nasasaktan siya gayong hindi naman dapat. Alam niya sa sarili na kahit anong mangyari ay may puwang pa rin sa puso niya ang lalaki.

It is better to let it that way, kaysa magkasakitan ulit sila. Pilit niyang pinakalma ang sarili, she wipe her tears and got up from the sand. Naalala niya si Jerome, kailangan pala niyang sumunod sa hotel nito.

She drove the car away from the park. Papunta siya sa hotel kung saan naroon naka-check si Jerome. Narating niya ang lugar makalipas ang ilang minuto. Bumaba siya ng kotse, napangiti nang makita ito na nakatingin sa kanya.

"Sorry, kanina ka pa naghihintay?" She kissed him on the cheeks.

"Nope, kakababa ko lang din. So, shall we?"

"Yeah," ikinawit niya ang kamay rito at muling tinungo nila ang kotse.

"Ako na magda-drive give me the key, babe."

"Sure ka?"

"Yes, wala ka bang tiwala sa boyfriend mo? You're safe with me."

"Sira! Hindi sa ganoon, naninigurado lang ako kung okay lang sa'yo, noh!"

Ngumiti si Jerome, yumuko ito at mabilis siyang ninakawan ng halik sa labi.

"Oy! PDA 'yan!"

"Mabilis lang naman 'yun. Walang nakakita," he smiled and his cute dimple is suddenly appears. Kinurot niya iyon. He just chuckled at her. Maya-maya pa ay hinuli nito ang kamay niya at hinalikan.

"Aba, Mr. namumuro kana!"

"Why Miss Aguilar, may reklamo ka?" He winked.

Tumawa na lamang si Shailine. Ibinigay niya ang susi kay Jerome. He open the car for her saka ito pumasok sa driver seat.

"Saan pala tayo pupunta?" Naalala niyang itanong pagka-andar ng kotse.

"We're going to my grandparents house, I want you to meet them."

"What? Jerome naman! Hindi ako nakapag-handa, sana kahapon mo pa 'to sinabi!"

"Hey, relax, okay?" Tatawa-tawang sagot ni Jerome. "Hindi mo naman kailangan na maghanda, mababait ang grandparents ko. Magugustuhan ka nila, I will assure you that."

"Kahit na, nakakainis ka!"

"I know, and I'm sorry babe. Actually this is not my plan but they were eager to meet you and I can't say no to them. Hindi ako makakapunta sa kanila kung hindi kita kasama."

"Ano pa ba ang magagawa ko!" Maktol niya rito.

"Babe, I'm sorry. Pag-aawayan pa ba natin 'to? 'Wag ka ng magalit please, babawi ako sa'yo, pangako 'yan."

"Sige na nga, pero naiinis pa rin ako sa'yo!"

Ngumiti si Jerome. Alam niyang hindi siya matiis ng kasintahan. Mabilis nilang narating ang bahay ng grandparents niya.

Si Shailine, tamik lang sa isang sulok. Hindi pa rin mai-alis ang inis kay Jerome sa basta na lamang nitong pagdi-desisyon. Ngayon ay mas lalo lang naging komplikado ang lahat. Hindi pa niya naka-usap ng maayos ang mga magulang at heto ang lolo at lola ni Jerome na inako na ang pag-aasikaso sa kanilang kasal. Hindi niya inaasahan ang mabilis na pangyayari. Umuwi siya ng bansa para magbakasyon at mag relax hindi para magpakasal.

The sudden decision of Jerome to get married makes her heart contradicted. And her mind got confused. Hindi ikakatuwa ng mga magulang niya ang balita kapag sinabi niya sa mga ito. Even in herself, she knew it deep inside that she wouldn't be happy.

Tama si Jerome, mabait ang grandparents nito kaya nagdadalawang isip siyang sumalungat sa mga kagustuhan nila. She doesn't want them to offend.

Mariin niyang ipinikit ng ilang beses ang mga mata. Nagbabakasakali na panaginip lang ang nangyayari at hindi iyon totoo.

Malamig ang hangin na tumatama sa kanyang pisngi. Hinayaan niyang liparin niyon ang nakalugay niyang buhok. Tila pati katawan niya ay gusto na ring ipatangay sa hangin, para siyang masisiraan ng bait.

Kinapa niya ang cellphone sa bulsa and dialled her mother's number.

"Hello, Ma? Hindi po ako makaka-uwi ngayon. Nandito kami sa bahay ng grandparents ni Jerome."

"Pumunta ka riyan ng hindi man lamang ipina-alam sa'min? Hay, bata ka!" Halata ang tampo sa boses ng ina.

"Sorry Ma, biglaan kasi. Tumawag lang ako para ipaalam sa inyo. Pag-uwi ko bukas may mag-uusap tayo."

"S'ya sige, may magagawa pa ba ako? Basta mag-ingat ka riyan, at tandaan mo 'wag munang bibigay hanggat hindi pa kayo kasal. Kung kami lang ang masusunod ayaw ka pa naming makasal. Kung bakit kasi hindi na lang si-"

"Mama naman! Sige na, ho. Bukas na tayo mag-usap, bye 'Ma!"

She hang up the phone immediately. Napapitlag siya nang biglang may kamay na pumulupot sa bewang niya. Gusto niya iyong kalasin at itulak palayo.

"Jerome, get off me."

"Nagalit ba ang Mama mo dahil hindi ka naka-uwi ngayon?" Sa halip ay tanong nito. He rested his chin on her shoulder.

Ibinalik ni Shailine ang tingin sa madilim na paligid sa labas ng bahay.

"Hindi."

"Mabuti naman akala ko pauuwiin ka niya."

"Bakit ka pa nag hotel kung may bahay ka naman palang matutuluyan dito?"

Ramdam niya ang mainit ng hininga nito na tumatama sa puno ng tainga.

"I want my privacy. Kapag araw kasi nandito ang makukulit kong pinsan. You know how I hate noisy surroundings. Pakiramdam ko mabibingi ako."

"Eh bakit sa hospital maingay din naman, ah."

"Iba 'yun, its a working place. Gusto ko kapag nagpapahinga ako, walang ingay, isturbo o anu paman."

"Oh, I see."

"Let's go, matulog na tayo."

"Jerome, pwede bang sa ibang silid na lang ako."

"Why?"

Napakamot ng ulo si Shailine, mapakla siyang ngumiti rito, "ahm, hindi pa naman kasi tayo kasal."

"Babe, what are talking about? I won't do anything na hindi mo gusto mo."

Kinilabutan man ay hindi ipinahalata ni Shailine ang hindi komportableng pakiramdam.

"Ahm... Jerome. Hindi kasi ako komportableng may katabi."

Bahaw na tumawa ito, "what? You were almost living with your ex at ngayon sasabihin mo sa'kin na hindi ka komportabling may katabi?"

She widened her eyes with Jerome, "ano'ng gustong palabasin Jerome? Na bumigay ako noon?"

"Hindi nga ba?"

Ngumiti nang hindi makapaniwala si Shailine, "of all the people Jerome, ikaw pa talaga ang nag-iisip niyan sa'kin? How could you?" Pigil ang galit niyang sambit.

Nagbago ang hilatsa ng mukha ni Jerome, tila isang maamong tupa ito nang tumingin sa kanya. Inabot ang kamay niya na kaagad iwinaksi.

"I-im sorry, babe. Hind ko sinasadya, patawarin mo ako."

"Matulog na tayo, Jerome. Kung ang pagtabi sa'kin ang ikakapanatag ng loob mo, sige."

Nagmartsa si Shailine papasok sa silid, iniwan niyang natigilan si Jerome. Mas lalong nagngingitngit ang kalooban niya dahil sa ipinakita nito. She eagerly closed the door and leaned the back on it. Pinakalma muna niya ang kanyang sarili.

MALALIM na ang gabi. Naalimpungatan si Shailine sa mahinang sunod-sunod na katok. Kinapa niya ang higaan, wala roon si Jerome. Kung gayon hindi nga ito natulog sa tabi niya.

"Sha..." tawag mula sa labas.

Bumangon siya nang makilala ang boses ni Jerome. Kinuha niya ang cellphone, tiningnan kung anong oras na. It was past 11 pm. Tinungo niya ang pinto at pinagbuksan ito.

"Jerome?" Inanig muna niya ang mukha ng binata. "Gabi na, dapat natutulog kana rin."

Lumapit ito sa kanya. Kinuha ang kanyang kamay, masuyo nitong pinisil.

"I'm sorry, babe. Hindi kasi ako makatulog lalo na't galit ka sa'kin. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Hindi na rin kita pipilitin. I'm sorry." Ani Jerome sa mababang tinig.

Itinaas ni Shailine an kamay sa mukha ng kasintahan. Magaan na pinaglandas niya ang palad. Napapikit ito sa kanyang ginawa. Nakikita niya ang pagod sa mukha nito.

"Pinapatawad na kita. Sige na, bumalik kana sa silid mo at matulog na."

"Hindi kana galit sa'kin?"

Umiling si Shailine, "hindi ako galit Jerome, pero aaminin ko nasaktan ako sa mga sinabi mo."

"I'm sorry, Sha." Malamlam ang mga mata nito na nakatitig sa kanya.

"I'm sorry too, may kasalan din ako. Bukas na tayo mag-usap. Matulog kana, dahil alam kong puyat ka. Goodnight."

Tumango si Jerome. She tiptoe to kissed him. Tumalikod na ito pabalik sa silid. Siya ay pumasok na rin at muling isinarado ang pinto. Bumalik siya sa kama nang napapa-isip.

Lately, napapansin niya na balisa si Jerome. Ang mukha nito ay palaging haggard. Kung tutuusin, wala naman itong trabaho na kailangan isipin o gawin. Nasa bakasyon ito kagaya niya. Dapat ay relax ang mukha at hindi mukhang laging puyat. Pero iba ang nakikita niya kay Jerome.

Ipinilig niya ang ulo at muling nahiga sa kama. Naramdaman niya ang pag vibrate ng phone. Kumunot ang noo niya sa unregistered number na tumatawag.

"Hello?" She answered. "Hello, sino 'to?" Isang malalim na buntong hininga ang kanyang narinig. "Kapag hindi ka sumagot kung sino ka man, ibababa ko 'to."

"Sha..."

She stay still, tila nawala bigla ang dila niya. Kasabay niyon ang mabilis na kabog ng dibdib. Sa nakakabinging katahimikan tila pati paghinga ni Matthew sa kabilang linya ay rinig na rinig niya.

"A-ano'ng kailangan mo?" She stammered. "Hindi pa ba maliwanag sa'yo na ayaw na kitang maka-usap?"

"I'm sorry, Sha. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na hindi ka maka-usap kahit saglit lang."

Ipinikit ni Shailine ang mga mata para pigilang malaglag ang nagbabadyang mga luha. Kinukurot ang puso niya. Ramdam niya ang paghihirap sa boses ng kausap ngunit kailangan niyang panindigan ang mga binitawang salita.

Siguro kapag pumayag siya sa alok ni Jerome na kasal ay makakalimutan na rin niya nang tuluyan si Matthew. Baka sakaling tuluyan nang maghilom ang sugat sa puso niya. At baka sakaling tigilan na rin siya nito.

"Kung 'yan lang ang itinawag mo. Pasinsya na pero gabi na at kailangan ko ng magpahinga. Good night, Matthew."

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at mabilis na pinatay ang cellphone.

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

309K 16.7K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...