Olympus Academy (Published un...

By mahriyumm

20.7M 760K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... More

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

LVIII | Grounded

200K 8.1K 2.1K
By mahriyumm


Cesia's POV

Si Kaye ang Elite.

Pagkatapos marinig ang sigaw ni Ria, sabay-sabay na nag-ingay ang ibang estudyante.

'What?!'

'Someone find that-'

'Beta and Gamma, may bagong instructions. Patayin 'yang Kaye na 'yan!'

'Pwede bang sunugin muna 'yong kwarto ng babaeng 'yan?'

Nakasimangot si Kara nang i-off ang kanyang earpiece. "Turn it off so you can hear your surroundings," aniya. "They're coming."

Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.

Katulad nina Art at Ria, nasa labas din kami ng barrier, mas malapit nga lang kami rito. Nakatutok lang ako sa aming harapan habang pinapakinggan ang ingay mula sa malayo. Sa bawat segundo na lumilipas, lumalakas ang yabag ng mga paa, pati na rin ang pagyanig ng lupa.

Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko sa giant na naunang lumitaw sa aking pananaw. Gano'n din si Kara nang lumabas ang isa pang giant malapit sa kanya.

Narinig ko ang paghagis ni Kara ng shield niya. "Be back when the huntres arrive."

Tinanguan ko siya, saka kami tumakbo sa magkaibang direksyon.

Itinapat ko ang aking palad sa malaking sanga na inapakan ng giant at hinatak ito dahilan na mapaatras ang halimaw. Kumawala siya ng nakakabinging ungol bago ibaon ang kanyang kamay sa paanan niya at kumuha ng malaking piraso ng lupa na agad niyang ibinato sa direksyon ko.

Kusang gumalaw ang aking kamay at pinalutang ang sanga sa harapan ko. Daglian akong napapikit dahil sa putik na tumalsik sa'kin. Pagmulat ko ng aking mga mata, dahan-dahan akong napayuko sa damit ko na halos isang oras kong pinag-isipan ng mabuti.

"We'll take it from here."

Nilingon ko si Heather na ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Teka." Gamit ang aking weapon, tinanggal ko mula sa kamay ng isang Huntre ang kanyang sibat at pinalipad ito sa gitna ng noo ng giant.

Napaiyak sa sakit ang giant, lalo na nang idiin ko ang dulo ng sandata hanggang sa tumagos ito sa likuran ng kanyang ulo. Bago pa siya bumagsak sa lupa ay hinatak ko ito mula sa ulo niya at ibinalik ito sa Huntre.

Nabalot ng dugo ang kamay ng Huntre nang muling mahawakan ang kanyang weapon. Saka niya tinignan ang natumbang giant nang may namamanghang kislap ang mga mata.

"Pasensya ka na." Nginitian ko siya. "Dinumihan kasi yung damit ko."

• • •

"Kara," sambit ko sabay hawak sa sementadong ledge ng building. "Sigurado ka ba talagang safe tayo rito?"

Tuluyan na nga akong napakapit rito nang muli na namang lumindol ng malakas.

"Yeah." Mahinahon niyang itinukod ang kanyang kamay sa ledge upang panatilihin ang kanyang balanse. "I think?"

Napansin ko siyang maiging tumingin sa malayo kaya napalingon din ako, at agad napag-alaman kung saan nanggaling ang papalakas na pagyanig ng lupa.

Sa kabilang dulo ng gubat, unti-unting humiwalay ang lupa. Umabot sa'min ang umalingawngaw na tunog ng natirang mga ibong nagsialisan mula sa mga puno. Nakakapanghina. Nakakapangamba. Dumidilim ang pananaw ko sa lumalawak na anino mula sa namumuong bangin.

"Kara-" Bigla akong may naalala. "Kara!" Mabilis ang ginawa kong panglingon sa kanya. "Sina Ria!"

Ang alam ko nando'n sila!

"They're going to be fine, Cesia," mahinahon niyang sabi. "Let's just keep walking."

Bahagyang bumukas ang aking bibig. Walang salita ang nagparinig pagka't pinangunahan ako ng lito't pagtataka sa pagiging kalmado niya, lalo na ngayon, sa panahong dapat kaming mag-alala.

Umangat ang magkabilang kilay niya. "Let's go."

"Pero-"

Umiling siya, senyas na huwag na akong magpumilit pang bumalik sa daan.

Nilunok ko ang kabang umabot sa aking lalamunan, at ilang sandali pa'y tumango, nang hindi buong sumasang-ayon.

Nagpatuloy kami sa paglakad. Nakabukas ang kanyang mga palad, at nanatiling matuwid ang kanyang likod. Samantalang, nanlalamig na ang aking mga palad na nakakuyom, at sa bawat segundong pilit kong isinasantabi ang aking alala, humihigpit ang aking paghinga.

Ria... Art...

Hindi ko naiwasan ang panay na pagsulyap sa patuloy na humahati na bahagi ng kagubatan.

Nang makarating kami sa security room, binati kami ni Trev na nakatayo't abala sa pagpipindot ng keys sa harapan ng malapad na monitor.

"The barrier's opened," sabi niya nang hindi kami binabalingan ng tingin.

Sinarado ko ang pinto at kasama si Kara, lumapit ako kay Chase na nakatayo malapit sa bintana, nakaekis ang magkabilang braso sa dibdib.

Umiling-iling siya nang nakasuot ng namamanghang ngiti. "Ang bilis naman pala ng mga kamay ng bro ko..."

Umangat-baba ang dibdib ni Trev, ibig sabihin palihim siyang napabuntong-hininga, bago umayos ng pagkakatayo. "Done."

Biglang bumukas ang pinto at ibinungad ang isang babaeng gusot-gusot ang suot at punit-punit pati ang maputla nitong balat. Lumiwanag sa saya ang kanyang mukha sa sandaling nakita niya kami.

"Dinner..." Ipinakita niya sa'min ang pampalagari niyang ngipin. "Dinner is served!"

Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng nilalang siya. Ang alam ko lang ay babae siya dahil sa mahaba niyang buhok.

Kuminang ang ginto sa aking paningin dahil sa matuling paglipad ng weapon ni Chase sa pintuan. Hindi pa nga nakadapo ang dulo nito sa dibdib ng babae, nang biglang napunit ang balat at kalamnan ng nito upang mamuo ng butas sa kanyang katawan kung saan dumaan ang weapon ni Chase.

Nagpakawala ito nang nananabik na tawa, na agad din namang naputol pagkatapos itong mabalot sa mga kislap ng kuryente. Kusang kumibot-kibot ang buong katawan nito pagkatapos tila sinaniban ng kidlat. Nanginig-nginig ito bago lumupasay sa sahig nang umuusok ang bawat butas sa katawan nito.

"Daemons." Narinig kong bulong ni Trev, halatang naiirita sa pagsulpot nito.

Daemons.

May dalawang uri ng daemons: ang noble spirits, at ang malevolent.

At halata naman siguro kung anong klase ng daemon ang kasalukuyang dinudurog ng kuryente sa aming harapan.

"Kumakain na pala sila ng demigods?" tanong ni Chase.

Malakas akong napabuga ng hangin dala ng matinding kaba pagkatapos marinig ito.

Ayoko na.

Ayoko munang lumabas.

Sabay nila akong tinignan kaya itinago ko ang aking namumuong kaba sa pamamagitan ng pagpakawala ng isang naaasiwang tawa. "Ah- haha..."

Pinadalhan ako nina Chase at Kara ng umiintinding tingin, habang si Trev ay bahagyang napapiling ng ulo, tila nangunguryuso dahil sa nakakunot nitong noo.

"We have to go," anunsyo niya.

Nanlaki ang aking mga mata. Huwag muna!

Nagtangkang umunat pataas ang isang sulok ng labi ni Trev nang alisin niya ang kanyang atensyon mula sa'kin at inilipat ito sa nakabukas na pintuan ng security room, kung saan mabilis siyang napaseryoso rito.

"Intruder Alert!" sigaw ni Chase, upang ipaalam ang presensya ng iilan pang daemons na nag-uunahan patungo sa'min.

Dala ng matinding pagkataranta, bigla akong napasigaw. "Tigil!"

Isa sa daemons ang nadapa, ngunit karamihan pa rin sa kanila ay hindi natinag sa boses ko. Katulad ng weapon ni Chase, tila lumusot lang ito sa katawan nila, siguro dahil mahirap bumuo ng koneksyon, kontrolin ang isipan ng mga nilalang na katulad ng ibang hayop, ay wala nang konsensya.

Mahirap silang itali sa sarili mong kagustuhan, at mas lalong mahirap ang pagpanatili ng pagkakahawak mo sa kanila kaya...

Itinabig ko ang aking kamay at malakas na sinarado ang pinto.

Nilingon ko yung tatlo habang nakatapat ang isa kong palad sa pilit na bumubukas na pinto. "Anong gagawin natin?"

Bilang sagot, itinulak pabukas ni Chase ang bintana at saka umakyat dito. "Eto."

Napaatras ako bigla ng isang hakbang dahil sa lakas ng tulak mula sa kabilang dako ng pinto. Lumalakas ang lumalabang pwersa mula rito.

Nagsimulang kumirot ang tigdudulo ng aking mga daliri, hanggang sa unti-unting nanigas ang aking kamay.

"Isang floor lang naman ang kailangan nating talunin," paalam ni Chase bago tuluyang tumalon.

Sinenyasan ako ni Trev na sumunod, tila minamadali ako. Dahil dito, lumala ang kaba ko, at mas lalo akong hindi naging handa kaya agad akong tumingin kay Kara na simula pa sa umpisa ng digmaan ay hindi nabigong panatagin ang loob ko sa tuwing malapit na akong atakihin sa puso.

"If we can," aniya. "Then you can, as well."

Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin siyang akyatin ang bintana at lumundag mula rito.

Kasunod kaming nagpalitan ng tingin ni Trev, pero mabilis din akong napatuon ulit sa labas ng bintana, inaalala kung naranasan ko na bang tumalon mula sa bintana ng second floor sa training namin, dahil sa pagkakatanda ko, hindi pa ako tinuruang labanan ang grabitasyon.

Paano kung ang makakatapos pala sa'kin sa digmaang 'to ay ang pagtalon? Hindi ang mga kalaban?

Kumisap-kisap ako.

Nakakahiya!

"You're going to break your neck if you won't calm down before you jump," biglang sabi ni Trev. "Choose where to land. Land on the balls of your feet. Tuck your body and roll to release the energy of your fall."

Choose where to land. Inulit ko sa aking isipan ang sinabi niya. Land on the balls of your feet-

Biglang tinulak paatras ng di-nakikitang pwersa ang kamay kong nagpipigil ng pinto, kasabay ang aking buong katawan. Mahina akong napatili sa sakit nang masalpok sa pader, dahil sa lakas ng pagtama ng likod ng aking balikat.

Narinig kong may nabasag, pero hindi ko alam kung ang nagtitimpi ko ba itong iyak o buto ng aking balikat.

"Go," utos ni Trev.

Nanginginit ang aking pulsuhan, at pakiramdam ko sunod-sunod na dinaganan ng malalaking gulong ang braso kong nakaipit sa pagitan ng pader at nanunulak na pinto.

"Pa'no ka?" tanong ko.

"At this point, Cesia, we won't be able to go far if you won't trust us enough." Sinulyapan niya ang namamanhid kong braso na nakadikit sa pader, at nang muli niyang sinalubong ang nag-aalangan kong tingin, nanliit ang kanyang mga mata.

"And stop underestimating us, will you?" aniya.

Napatitig lang ako sa kanya.

Magkaiba ang pagmamaliit sa pag-alala, Trev, sagot ko sa aking isipan. Isa sa dalawa'y hindi ko kayang mapigilan.

Napansin ko ang pagkibot ng isang kilay niya upang mapigilan ang pagkunot ng kanyang noo. Umawang ng kaunti ang kanyang bibig na tila may gusto pang sabihin pero sa huli ay napakisap lang siya, at isang beses na napatango, nang mahina.

"Stay with Kara. With her by your side, I trust you won't have to worry about yourself or anyone else."

Maalalahanin nga ang mga salitang binitawan niya, pero niwalang bisa ito ng blangko niyang pagtugon. Marahil, walang bakas ng emosyon ang boses niya, na tila nang-uutos lang at hindi nagpapagaan ng loob.

Huminga ako nang malalim at mahigpit na hinawakan ang braso kong nakadikit sa pader. Sapilitan ko itong tinanggal, at di naiwasang napapikit sa sakit. Nang magawa ko na ngang tanggalin ang aking sarili mula sa pagkakaipit sa pader at sa nanunulak na pwersa ng pinto, mabilis na namanhid ang buong braso ko kaya hindi ko agad ito binitawan at nanatiling nakakapit dito.

Sa muli kong pagharap kay Trev, natagpuan ko na siyang nasa tapat ng pinto. Nagtangka itong bumukas at sa segundong nangyari nga ito, malakas na sinipa ni Trev ang pinto. Umawang na naman ang pinto kaya sinipa niya ulit ito. Ngunit sa pagkakataong 'to, tumakbo ang kuryente mula sa kanyang paa nang lumapat ito sa pinto at saka kumalat. Dagliang natakpan ng liwanag ang pinto bago sumabog at lumipad palabas.

Nagtipon-tipon ang mga naiwang kislap sa magkabilang kamay ni Trev nang daanan niya ang mga ito sa may pintuan at tuluyan na ngang lumabas ng silid.

Hindi nga niya nagawang pagaanin ang loob ko sa huli niyang sinabi, pero nagawa niya naman ito sa huli niyang pinakita, napagtanto ko, bago umikot at nagmamadaling tumungo sa bintana.

"Cesia!" Kinawayan ako ni Chase na nasa baba. "Bilisan mo na!"

Mahigpit na nakatikom ang aking bibig nang umakyat ako sa bintana at maingat na lumipat sa kabilang dako.

Pumiling ng kaunti ang aking ulo nang madama ang hangin sa labas. Lalo akong kinahaban sa lamig na dala nito.

"Cesia!" tawag sa'kin ni Kara.

Isang floor lang 'yan, Cesia, paalala ko sa sarili. Isang maliit na talon para sa isang demigod.

Tumango-tango ako pero nagmukha lang na nanginig ang aking ulo ang kinalabasan.

Hindi ka mamamatay.

Huminga ako nang malalim.

Mababalian lang siguro-

Hindi ko pinatapos ang sarili kong pananakot at itinulak ang aking likod mula sa ledge, pababa sa lupa kung saan unang lumapag ang aking mga paa't tuhod. Mahina akong napahikbi sa pagkayod ng aking balat sa lupa sa sandaling lumapat ito. Kusa ring napagulong ang aking katawan pagkatapos mabigo sa pagtukod ang aking mga palad.

Habang nakahilata sa magaspang na lupa, pinakawalan ko ang aking hininga. Narinig ko rin ang patakbong paglapit ni Kara.

Inabot niya sa'kin ang kanyang kamay na agad kong tinanggap. Inalalayan niya akong tumayo at tinulungan ako sa pagpagpag ng putik at dumi mula sa suot ko.

"Are you hurt?" tanong niya.

Umiling ako, kagat-kagat ang aking pang-ibabang labi, at nagtitimpi ang mga mata sa sobrang sakit.

"Right." Mahina niyang tinapik ang likod ng aking balikat, at palihim akong napapikit nang kumirot ito.

"Let's go," aya niya.

"Pero..." Nagsusumamo ang tinig ko. "Si Trev-"

"He's going to be fine."

Kumibot ang aking magkabilang kilay sa pag-alala, pero gaya nga ng sinabi ni Trev, ikakabagal ko lang ang mag-alala para sa kanila.

Umunat ang haba ng aking labi.

Malaki naman ang tiwala ko sa kanila, maliban sa mga sandaling sinasabi nilang 'okay lang' sila.

Siguro dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanila sa tuwing sinasabi nila ito, at sa tuwing ako ang nagsasabi nito... nagsisinungaling lang ako.

Sinenyasan ko si Kara na mauna. "Tara."

Sumunod ako kay Kara papasok sa gubat at tumakbo nang pilay-pilay. May isang pagkakataon na huminto ako at nag-aalangang hinila ang nangingirot kong binti nang makahabol ako.

Mayamaya'y lumabas mula sa lilim ng mga kahoy ang ilang Amazons at sinabayan kami patungo sa kabilang dako ng kagubatan.

Huminto kami ni Kara pagkatapos makitang nagsitigil sila, at napatingala sa malaking halimaw na ibinunyag ng aming landas.

Bahagyang umawang ang aking bibig sa laki ng nilalang na may isang mata lang sa gitna ng noo.

Cyclops.

Hindi ko inakalang mas matangkad pa pala sa'kin ang kalahati ng binti nito sa totoong buhay. Maskulado ang buong katawan nito at gawa sa natuyong lumot ang saplot nito sa ibaba. Nabalot din ang balat at buhok nito sa malagkit na likido, tila kaaahon lang mula sa tubig.

Isa sa mga Amazons ang sumugod dito, na nakilala ko ay si Kia, ang pinuno nila.

"Astonia!" tawag niya, sabay lundag sa tuhod ng cyclops na sinaksak din niya gamit ang kanyang sibat. "You know what to do!"

Napahakbang paatras ang cyclops. Dali-dali namang hinatak ni Kia ang sinturon niyang humaba at nag-anyong lubid. Tumalon siya mula sa tuhod nito at nang maangat ay ipinalipot niya ang lubid sa leeg ng halimaw na napahawak dito.

Gamit ang dalawang kamay, nagawang hilahin ng cyclops ang lubid dahilan na mahatak din si Kia patungo sa leeg nito. Napasakay si Kia sa batok nito at hinigpitan ang lubid.

Sa paanan ng cyclops, nagtulungan ang ibang Amazons sa pagtali ng isa pang mahabang lubid sa dalawang kahoy.

"He's going to fall," babala ni Kara.

At kagaya nga ng sinabi niya, nagawang patumbahin ng Amazons ang cyclops pagkatapos hatakin ni Kia ang nakapalipot na lubid sa leeg ng halimaw sa direksyon ng tali sa baba. Nahuli ang paa ng cyclops dahilan na mawalan ito ng balanse.

Gamit ang aking braso, napatakip ako ng mga mata dahil sa putik na tumalsik mula sa lupang binagsakan nito.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero pagkatingin ko ulit, nakita ko na si Kia na nakapatong sa dibdib ng cyclops na dumudugo ang mata, habang mahinahong kinakalas ang kanyang sinturon na nakapulupot sa leeg nito.

Nang matapos, tumalon si Kia paalis sa katawan nito na paunti-unting lumiwanag.

Napatigil siya nang maramdaman ito. Sinulyapan niya kami bago umikot sa kanyang kinatatayuan, paharap sa katawan ng cyclops na nag-anyong mga abo na kumalat at tila pumasok sa lupa.

Pagkalipas ng ilang segundo, umangat ang abo saka namuo ulit ng katawan ng cyclops.

Napaatras si Kia pagkatapos dumilat ang mata nitong agad tumuon sa kanya.

Nanlamig bigla ang aking katawan. "Kara..."

Paano nito nagawang mabuhay ulit?

Isang salita lang ang binitawan ni Kara, na hindi ko pa agad nasunod dahil sa labis na pagtataka sa aking nasaksihan. Kinailangan pa niya akong hatakin paalis upang makagalaw.

"Run."

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 689 5
Tin is the perfect guy that every girl would dream of, a perfect male lead. He's good in academics and sports, kind, and has the looks. But because o...
606K 38.2K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
109K 3.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
211K 12.6K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...