Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 36 : Inang Reyna

150 10 4
By AyhenPey

Chapter 36

Ilang minuto akong nakatunganga sa labas ng kwartong iyon. Hindi makapaniwala sa lahat ng nalaman ni Louie. Mabilis ang pag-angat at pagbaba ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Basta nasa isip ko, si Karina.

May biglang humablot sa magkabila kong balikat at niyugyog ako.

"Okay ka lang?" nang mawari ko kung sino siya, ang susi ko pala. Unti unti kong binaba ang kamay niya kahit nanghihina.
"Anong ginawa sayo ni Louie!?" napalundag ako sa sigaw niya. Bigla kong naalala kung bakit nga ba ako nandito at bakit kami nandito. Napapikit ako ng maalala ko ang mga ginawa niya kanina. Bakit pala siya nandito?

Biglang bumukas ang pintuan sa likod kaya napalingon kami dito.
"WOAH!!" nagawa pang ngumiti ng malademonyo sa akin ni Louie. Napaatras ako ng bigla siyang kwelyuhan ni Caloy.

"Anong ginawa mo sa kanya?!!" kitang kita ang pamumula ni Caloy sa galit habang si Louie ay nakangiti ng nakakaloko di makapaniwala na ginaganyan siya ni Caloy.

"Wala naman pre... pinakita ko lang yung mga napansin ko sa kanya." 

"LOUIE!!!" halos mapunit na ang damit ni Louie sa ginagawa ni Caloy.


"Chill Caloy... bitawan mo ako. Kung anong problema niyo ay ayusin niyo. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo. Ikaw pa itong galit. Wala kang utang na loob pre." unti unting binitawan ni Caloy si Louie. Napanganga ako ng pagkatapos niyang bitawan ito ay sinuntok niya ng malakas si Caloy. Dahilan kung bakit ito napahiga. Bigla akong napatakbo sa kanya para itayo ito. Bakit ko tinutulungan ito?!

"Baka magising ka sa katotohanan"
Tumingin ako sa kanya ng may masamang tingin. Ang nararamdaman ko na ngayon ay pagkamuhi. Bakit siya namamakeelam sa amin? Hindi naman siya namin inaano. Si Isaiah nung nalaman niya ang tungkol sa akin hindi nya ako ginanito. Tapos siya nung nalaman niya kung ano ba talaga ako. Pinamukha pa niya talaga sa akin na...

"Dapat na ba akong matakot sa'yo Fyglia?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko. "-pero hindi ako natatakot. Kung ang pagkakabarkada namin ang sisirain mo, hindi kita uurungan." katsaka niya hinagis ang mukha ko kung saan. Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya dahilan para humagis siya kung saan man. Mabilis akong hinigit ni Caloy at pinasok sa isang kwarto na kanina ko lang pinasukan.

"Fyglia."

"Oh? Bakit ka pala nandito? Di ba nagsasaya kayo ni Kaylee sa itaas? Dream girl mo na yun oy! Iniwan mo pa!" napahawak siya sa noo niya at umiling. Ano? Sumasakit na ulo mo?

"I'm sorry Fyglia... may dahilan kung bakit ang gago ko kanina. Si Louie kasi..." 

"Ano? Si Louie na naman?! Ano bang meron sa gagong iyan?! Pinag birthday ka tapos sinabi sa akin ni Isaiah na para sa ating dalawa itong gabing ito. Dahil ipapakita daw sa akin ni Louie ang pagkamuhi niya?"

"Oo. Please Fyglia! Pagsalitain mo ako" halos magmakaawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Bahala ka sa buhay mo. Magpakasaya kayo ng Kaylee mo. Tutal alam na nila kung sino ako dapat na akong bumalik sa pinanggalingan ko. Malay ko bang nagpaplano na kayong idispatsyahin ako kung saan."

"FYGLIA!!"
Napapikit ako. Kailangan kong kumalma. Baka ano na naman ang magawa ko kapag nagalit ako ng sobra. Siguro dapat pakinggan ko din siya. Aalis na rin naman ako. At di na mababago ang isip ko. Umupo ako sa sofa na inupuan ko kanina. Umupo din siya sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya nung hinawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry Fyglia. Di ko gusto ang ginagawa ko kanina. Kahapon kasi pinakita na sa akin ni Louie ang mga video. Di ko rin naman alam na pupunta ka. Sana di ka na lang pumunta. Kaya ang ginawa ko kanina nakipaglandian ako kay Kaylee para maisip ni Louie na wala na tayo at para lubayan ka niya." walang tayo gago. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "-marahil ngayon alam na rin siguro ni Miguel at Patrick ang tungkol sa'yo. Hindi marunong magtago ng sikreto si Louie." ang bading ng gago. "-at ito ka na naman nag sasabi ng pag-alis."

"Oo aali--" bigla niyang hinigit ang batok ko at siniil ang labi ko ng halik. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita. Hanggang sa nadala na lang ako sa mga halik niya. Bakit ako Caloy? Alam mo naman ang katotohanan ng tungkol sa akin pero bakit ako pa rin ang pinili mo?
  
"Caloy--" nang pinakawalan niya ang labi ko sandali.

"Shhh" binuhat niya ako para ilipat sa kama at doon siya nagpatuloy sa paghalik sa akin. Galit ako! Anong nangyayari sa akin? Bakit bumibigay ako sa kanya?! Hindi ako makapag isip ng maayos dahil sinasabi ng utak ko na pagtuunan ko dapat ng pansin ang lalaking nasa harapan ko.
Napakagat ako sa labi ng bumaba ang labi niya sa leeg ko at nagsimulang pumasok ang kamay niya sa loob ng dress ko. May kung ano akong naramdaman sa gitna ng hita ko. Nang maramdaman ko rin ang umbok sa pantalon niya. Nabigla na lang ako na wala na akong damit at wala na ang rin ang bra ko pero may saplot pa ako sa ibaba.
Napatakip ako sa mukha ko ng tinignan niya ako mula ulo hanggang baba.

"You're mine" sabi niya bago niya ibaba ang panty ko katsaka ako binaliw.

Mga ilang sandali lang akong nakatulog. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko idagdag mo pa ang brasong nakadagan sa akin. Wala naman akong pinagsisihan sa ginawa ko. Dahil naisip ko kulang ang katawan ko sa kasalanan na gagawin ko sa kanilang magkapatid. Unti unti akong lumayo sa kanya at pinalit ko ang unan para yakapin niya. Kinuha ko sa bag ko ang isang bote ng nectar na ginawa ko dati. Nag-ayos ako ng itsura ng lumakas ang pangangatawan ko. Bago ako lumabas ng pinto ay tinawag niya ako ngunit di ko na lang pinansin.

Nandito ako sa tapat ng bahay ni Karina. Nag-iisip ako kung ano ba ang magandang dahilan para mapapasok niya ako sa bahay niya? Kung magpapakita na lang ako iba ay baka mapaghalataan akong may pakay ako dito. Nataranta ako ng makita ko siyang lumabas at nilolock ang pintuan. Tumingin ako sa paligid may paparating na bike. Wala na akong ibang maisip kung hindi tumawid nung malapit na ang bike.

Tumilapon kaming dalawa dumaing ako dahilan para mapansin ako ni Karina. Lumapit siya sa akin. Lumapit na rin sa akin yung nagbibike. May konting gasgas siya at halatang papasok palang sa eskwelahan.

"Ayos ka lang miss?" tanong niya. Tumango ako.

"Ayos lang ako. Umalis ka na baka malate ka sa pagpasok."

"Oo hijo, ako na bahala sa kanya." napangiti ako sa kalooblooban ko ng umalis yung lalaki tila nagdadalawang isip pa katsaka ako tinulungan ni Karina na tumayo. May gasgas din ako sa braso at binti ko pero hinayaan ko lang para mapansin ni Karina.

"Malapit ka lang ba dito Fyglia? Mabuti nakita kita kaagad. Naku!" pumasok kami sa loob ng bahay nila at napansin kong siya lang ang nakatira dito. Nasaan yung kasama niya dati? Mayamaya ay dumating siya na may dalang betadine at bulak.

"Ako na po! Salamat!" binigay naman niya sa akin yung betadine at bulak.

"Kumain ka na ba ng almusal?"
"Opo..."

"Kung ganoon paano ka nakarating dito? Dito ka rin ba nakatira sa malapit?" hmm parang pinapaalis na nya kaagad ako.

"Opo."

"Kasi kahit gusto kitang entertainin ay di pwede may pupuntahan kasi akong importante."
"Okay na po ako! Salamat po!" ilang dampi pa lang ang nagagawa ko sa mga sugat ko ay sinauli ko na kaagad sa kanya ito.

"Pasensya ka na talaga."

Pagkalabas namin ng bahay nila ay nagpaalam na ako. Ganoon din siya. Habang naglalakad siya ay napaisip ako saan kaya yun pupunta? Balak ko sanang sundan siya pero naisip ko na mas magandang gawin ko na ang plano ko para pagkauwi niya Ta-Dah!
Nagring ang phone ko mula kay Caloy. Tinapos ko na ang lahat sa atin simula ng binigay ko ang sarili ko sayo. Bago ko pinatay ang phone ko at nagpalit ng anyo para makapasok sa bahay ni Karina ng walang kahirap hirap.

Sinailalim ko ang buong bahay niya sa kapangyarihan ko para magawa ang plano ko mamaya. Ang pagpapahirap sa kanya tulad ng napag-usapan namin ni Inang Reyna.
Naiisip ko pa lang ang plano ko ay napapailing na ako. Napapaisip kung tama ba talaga ito. Bakit kailangan kong gawin ito?

'Ang napagkasunduan ay napagkasunduan, Fygliana'

Napalundag ako ng may bumulong sa akin. Si Inang Reyna!
Ibigay mo sa akin ang sarili mo tulad ng napagkasunduan natin' bulong niyang muli bago pa ako makasagot ay nakita ko sa isipan ko na paparating na si Karina kasama si Lyn! Di maaring pumunta si Lyn dito! Anong gagawin ko?!

'Fygliana'

Kinukuha na ni Inang Reyna ang kaluluwa ko. Kukuhanin niya ito pansamantala dahil siya dapat ang gumawa ng plano namin.
Nang binubuksan na ni Karina ang pintuan ay binuksan ko na ito mula sa malayo. Gulat na gulat siya sa nangyari.

"Ano yun Mama?" naunang pumasok si Karina mabuti hindi pa pumapasok si Lyn kaya nagawa kong isarado ang pinto at naiwan sa labas si Lyn.

"Mama! Mama!" napapikit ako habang naririnig ko si Lyn na tumatawag sa kanyang Mama. Dahil hindi nila mabuksan ang pintuan kahit anong gawin nila. Sinubukan nila sa bintanang isliding pero hindi parin ito bumubukas. Nandito ako sa sofa nakaupo pero dahil hindi pa bukas ang ilaw ng buong bahay ay hindi nila ako nakikita. Nakaramdam ako ng pangingilabot bago ako nakaramdaman ng panghihina hanggang sa di ko na kayang imulat ang mga mata ko, tsaka igalaw ang mga katawan ko.

Nakita ko na lang ang sarili ko na may hawak na lighter habang tinatapat ito kay Karina na nakahiga sa lamesa. Tinatakot siya na susunugin. Sa paligid ay maraming basag sa sahig. At siya ay nanlalaban habang ang mga ugat ng rosas ay nakatali sa kanya. Pagnanlaban siya ay sakit ang aabutin niya kaya napapasigaw ito sa sakit habang sinisigawan ako.
Alam ko ang ginagawa ko pero hindi ko nakokontrol ang sarili ko. Wala ako sa sarili ko. Pero alam ko ang ginagawa ko.
'Inang Reyna!' sigaw ko sa sarili ko ngunit di ko alam kung maririnig niya ba ako. Hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari.

'Manood ka lang diyan diwata, parehas talaga kayo ni Kristalyn. Parehas kayong magaling. HAHAHAHA'

"DI KO ALAM ANG SINASABI MO! WALA AKONG KINALAMAN SA MGA SINASABI MO!" sigaw ni Karina tila sasabog ang litid sa leeg niya sa sobrang sigaw at sa panggigigil. Wag ka ng magsalita Karina.

"SINUNGALING!" sinampal ko si Karina at halos mamaga ang pisngi nito. 

"TAMA NA!!!!" napalingon ako sa boses ng pinanggalingan noon. Nakita ko si Lyn na umiiyak habang siya ay nakaupo sa sahig at nakatali din sa mga ugat. Tumutulo ang dugo sa ulo niya. Tsaka ko nakita ang silyang lasug lasug sa tabi niya.

Anong nangyayari? Anong ginawa ko?! Gusto kong magwala!

'Inang Reyna! Lubayan mo ang katawan ko!!!!' pero tinawanan niya lang ako.

"Wag ka ng magkaila Karina." sabi ko. Nawala ang mga ugat sa katawan niya. Inangat ko siya gamit ang kapangyarihan ko tsaka ko siya pinalutang. Kitang kita ang kabuuan niya at halos maligo siya sa sarili niyang dugo "-isa ka sa mastermind ng kaingin dito sa mundo niyo. Wala kayong awa na pinagsusunog ang mga puno para patayuan ito ng mga gusali. Basta may pera kayong makukuha ay wala kayong pakielam kung ilang puno ang masira niyo. Wala kayong pakielam kung makasira man kayo ng kabuhayan!"

"Dati ko iyong trabaho! Hindi na ako komokontrata sa mga iyan! Lubayan mo ako!" walang awa ko siyang hinagis sa pader. Katsaka ako tumawa.

"Dahil dyan pagbabayaran mo lahat ng ginawa niyo."

Napahiyaw ako sa sakit ng may humagis sa aking ulo na kahoy. Nilingon ko si Lyn at hinagis niya pala sa akin ang kahoy mula sa lasug lasug na silya.

"GUMISING KA ATE FYGLIA!!!" naiiyak siya sa takot habang unti unti akong lumalapit sa kanya.

'Inang Reyna, palayain mo ako! Walang hiya ka!! Hindi ganito ang pinag-usapan natin! Mas masahol ka pa sa ano mang maduming hayop!'

Patawarin mo ako Lyn... patawad Karina... Kung sakaling makakalaya kayo dito tatanggapin ko kung papatayin niyo ako. Makabawi lang ako sa mga sakit na sinapit niyo.
'Tsk, tsk, kawawa ka naman Fyglia. Talagang ginawa mo pa itong misyon mo? Eh nung nakipag kontrata ka sa akin ay patay na ang Ama mo. Kawawang diwata ang dalidaling maloko.'

Mas lalo akong nagwala sa narinig ko. Di ako makapag wala! Wala akong magawa! Niloko niya ako!!!

'Putang ina mo!'

Naiiyak ako. Sana may dumating na tutulong sa kanila. Nang nakalapit na ako kay Lyn ay tinakpan ko lang ang mata nito bago ito bumagsak habang napapaikutan ito ng mga ugat sa katawan. Nung lumapit na ako kay Karina ay atras ito ng atras hanggang sa nakorner ko siya dahil sa pader na nasa likuran niya.

"Anong gagawin mo?" tanong niya na punong puno ng takot.
"Kukuhanin ko na ang buhay mo." tsaka ko tinakpan ang mata niya hanggang sa bumagsak din ito sa sahig. Nawala ang kapangyarihan na nakapalibot sa bahay na ito. Pinikit ko ang mga mata ko para gawin ang ritwal upang makabalik sa Faylinn kasama si Karina.

Hindi ko pa natatapos ang ritwal ay may bumaril sa likuran ko.
Bigla kong naramdaman ulit ang sarili ko. Napaluhod ako katsaka ko hinawakan si Karina para masigurado na totoong nakabalik na ako sa katawan ko. Ang sakit. Nanghihina ako. Hindi ko magamot ang sarili ko. Walang wala na akong kapangyarihan. Bago ako bumagsak ay may sumabunot sa buhok ko tsaka hinarap sa kanya.

"Bakit Fyglia? Bakit mo ito ginawa sa pamilya ko?!" tinitigan ko siya ng maigi. Ang susi ng putang inang misyon na ito. Ang sakit makita na umiiyak siya na punong puno na pagkamuhi sa akin. Tapos bigla niyang binalibag ang ulo ko doon ko naramdaman ang tigas ng sahig pagkabagsak ko dito. Kulang na lang mabasag ang ulo ko sa sobrang sakit.

Lumapit siya bigla kay Karina.

"Mama!!" niyakap niya ito habang umiiyak. "-Mama, gumising ka please... wag mo akong iwan ng ganito." iyak siya ng iyak habang sinasampal ang mama niya na gumising. Tumulo ang luha ko habang unti unting nagdidilim ang paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...