Sleeping Beauty

By hyunjiwon_sg4ever

22.3K 1K 262

Fairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her fa... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39

Kabanata 14

540 26 3
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 14

Familiar

-Iya-

"Anong sabi mo?" humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

He smirked. Tila ba nang-aasar siya. Damn him! I composed myself and looked at him coldly. Ako pa rin si Iya, and I will not let him win. Kahit siya pa ang fiance ko. Halos masuka ako sa naisip ko.

But, shit! Kung nandito siya at nahanap na ako, alam na rin nila Mommy kung nasaan ako ngayon! Hindi pwede!

"I am your fiance, Ms. Mondragon..."

"So?" nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin.

"You're going to marry me. Hindi mo ako matatakasan, love." seryosong saad niya.

Kinabahan ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata. I never thought that he's that guy. Akala ko ay isa sa kina Duke o sa mga kaibigan ni Sky ang sinasabi nilang tinakda sa akin. Seriously? Bakit siya? Not that I'll agree to marry the guy if he's not Keith.

"I will not marry you, Falcon." I hissed.

Nagkibit-balikat siya at sumandal sa gilid ng pintuan. Tinagilid niya ang ulo niya habang pinagmamasdan ako.

"What's your relationship with Jerome Montello?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko. Huminga ako ng malalim at tumuwid ng tayo. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang kung anuman ang meron sa amin ni Jerome. At the back of my mind... I want him to think that there's something going between us. Baka sakaling ma-turn off siya sa akin at tumigil na lang sa pagsali sa kalokohan ng pamilya ko.

"Wala." malamig kong sagot.

He raised his eyebrow while eyeing me. Mapakla siyang tumawa at tumayo ng maayos. He took a slow steps towards me.

"Ano kayang sasabihin ng Mommy mo kapag nalaman niyang nahanap na kita?" he playfully said. Huminga muli ako ng malalim para itago ang kaba ko. "But... I'm not that bad, Iya. I know that you don't agree in this marriage kaya ka naglayas." dugtong niya.

"What do you mean?" I asked. Alam ko na ang mga ganito. I know him too well.

Para namang wala kaming pinagsamahan noon.

"Tutulungan kitang magtago kay Tita Agatha, I can assure you that you're secret is safe with me, Iya." muling sumilay ang makahulugang ngiti sa kanyang labi.

He's so annoying!

"Anong kapalit?" tumaas ang kilay ko.

He laughed. I am really annoyed. Parang sa halip na kabahan ako ngayon dahil kilala ko na ang mapapangasawa ko kuno ay nadismaya pa ako kasi siya pala 'yun.

"Matalino ka pa rin talaga, love."

"At tuso ka pa rin, Keith." mariing sambit ko.

"Akala mo hindi kita nakilala noong nakita kita sa Wiesel?" nanunuyang tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Akala ko ay hindi na niya ako nakilala! We're childhood... not we're.not friends. Basta we knew each other during our childhood days. Probably because his family always stick with my family. Maybe to gain something... at heto na 'yun. But the last time we saw each other was five years ago... maaalala pa ba niya ako? O wala lang talaga akong pakealam sa kanya?

"Hindi ka importante para bigyan ka ng space sa utak ko."

He smirked at me. "Well, kailangan mo na akong bigyan ng space dahil ako ang asawa mo, Iya. Sa ayaw at sa gusto mo, we will end up together. I'm so excited to see you, love, serving me..."

I want to puke because of what he said. Ang kapal din talaga ng mukha ng tanginang 'to.

"In your dreams, Keith. Umalis ka na dito at kalimutan na nakita mo ako. I will never be your wife, kahit sa panaginip mo hindi 'yan mangyayari." mariing sabi ko at iminuwestra ang pinto ng dorm ko.

"Do you want me to call your mom right now? O di kaya ang iyong Abuela?" aniya.

Nagtiim-bagang ako sa sinabi niya. Matalim ko naman siyang tinignan.

"Tangina mong punyemas ka." I hissed. Lalong lumawak ang ngiti niya.

"I still hate your mouth, love. Ang sarap mong halikan."

"Lumayas ka na!" I exclaimed. Papatayin ko na 'tong lalaking 'to para matapos na.

May malaki at matalas na kutsilyo doon sa kusina. Madali lang sigurong hiwain ang bawat parte ng katawan niya. Ilalagay ko sa sako at itatapon sa mga talahiban. That's a better idea. But of course, sa isip ko lang 'yun magagawa. Una, wala akong sako dito at wala ring talahiban dito.

"I will help you, Iya. In one condition..." prenteng saad niya habang pinagmamasdan ako.

Kumunot ang noo ko. Sa huli ay bumagsak ang balikat ko. Sasang-ayon na lang ako sa kanya, sa ngayon tapos ay mag-iisip ako ng paraan para makatakas ulit. But that would mean that I need to stop schooling... again. Baka sa malayong parte na ako ng Pilipinas magtago. Sa liblib na probinsya.

Pero paano naman ako mabubuhay nun?

"Ano 'yun?"

"Have a date with me..." he casually said. My eyes narrowed.

"What the hell?" I exclaimed.

"You need to agree with that, Iya. Or we'll proceed with our wedding tomorrow..."

Lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nitong hayop na 'to pero hindi ko gusto ang mga salitang binitawan niya. Gusto ko ng patamain sa mukha niya itong kamao ko.

Alam kong gipit ako pero hindi ako basta papayag sa gusto niya...

"I'll give you time to decide, Iya. I'll be back... so make sure that you'll give me an answer that I like to hear, okay? Have a good day, love." aniya at makahulugang ngumiti tapos ay humakbang na palayo sa akin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Shit.

I'm doomed.

Huminga ako ng malalim at mariing napapikit. Doon lang pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari ngayon. Keith is my fiance. Napailing ako at sumalampak sa sofa.

Siya pala 'yun. Bakit ba di ko naisip 'yun? Who would have thought that the guy I used to bully before... is my freaking fiance? Wait? Hindi kaya pumayag siya sa kasalang 'to ay dahil sa ginagawa ko sa kanya noon? Is this his revenge to me?

Fudge! Ano na ang gagawin ko?

"Jas!"

Kaagad kong tinawagan si Jasmine. Hindi ko alam kung sino na ang lalapitan ko. Konti lang naman ang taong malalapitan ko. I need a clear plan right now. I need a suggestion because I can't organize my thoughts. Baka bumalik agad 'yun bukas!

"O, Iya? Kamusta? Sorry, busy sa acads..." aniya.

"Busy ka ba? I need to tell you something very important."

"Wait? Iba ang tono mo, girl. What happened? Kayo na ni Jerome? Sige, kwentuhan na lang tayo." mas naging excited ang tono niya. I rolled my eyes. Hindi mangyayari 'yun.

"Kilala ko na ang fiance ko, Jas. And he fucking went into my house!"

"What? Are you serious? What the hell? Sino? Kilala ko ba... wait? Isa sa feeling F4?"

"Hindi! Si Keith Falcon, Jas. Can you believe that? Si Keith Henry Falcon ang fiance ko!"

"Keith Falcon? That guy? Imposible! You mean the basketball player? May girlfriend yun dito sa MD, Iya. Seriously?" aniya. "Hmm, sino nga ba 'yun? Thalia Cortez?"

Pumikit ako at huminga ng malalim. May girlfriend siya pero he's asking me to date him and he's my fiance daw? Nahihibang na ba siya?

"And he's asking me to date him?" pagak akong tumawa.

"Talaga?" gulat na sambit ni Jas.

"Yes! Itatago niya daw kay Mommy kung nasaan ako kapag pumayag ako."

Napairap ako ng sambitin ko iyon. His idea is so ridiculous. Bakit siya magpapakasal kung may girlfriend pala siya? What the fudge? At sa palagay niya ay papayag ako? No way! Maybe he wants to marry me for the influence... for the power. Yun naman ang pakay ng mga pamilyang lumalapit sa pamilya namin, e.

"Anong plano mo? You agree? Si Jerome?" sunod-sunod na tanong niya.

"Hindi ko pa alam ang gagawin ko, Jas. Pero ayokong pumayag!" I exclaimed. Hindi ko talaga kayang pumayag sa gusto ng lalaking 'yun.

"Paano kapag binalikan ka niya? Tapos kapag hindi ka pumayag, magsumbong siya kay Tita Agatha? Aalis ka na ngayon? Magtatago ulit? Pero saan naman?"

Napailing ako at tumihaya para maharap ko ang kisame. Hindi ko alam. I can leave this house right now and move somewhere pero parang hindi ko na kayang gawin iyon.

"Di ko alam..."

"Iya," she sounded so worried. "Nasabi mo na ba 'to kay Jerome?"

"Why would I tell this to him? This isn't his problem..."

"Sabi mo, pro-protektahan ka niya?"

I sighed. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Running away right now is the only option, I have right now. But I don't want to run anymore, wala na akong ibang mapupuntahan. And probably... I already fall in love with this kind of life.

My conversation with my best friend ended that way. I browse my contact list. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang number ni Jerome. Should I call him? But if I ask him to help him... para ko na ring inamin na mahina ako. Na hindi ko pala talaga kayang harapin ang problema ko ng ako lang.

Ganun naman talaga di ba? Humingi ako ng tulong kay Kuya Dustin, he willingly helped me to escape from our house. Tinulungan niya ako sa lahat ng kakailanganin ko. I was so dependent on him. Kahit kay Jas din. I asked for their help. Kaya kahit ipamukha at sabihin ko na kaya ko ang sarili ko... in the end, I am not really independent.

And now, I'll ask another person for help?

Aasa na naman ako sa iba.

But, should I face my problem now? Am I ready?

Tinawagan ko si Jerome pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sumuko rin ako agad at inilapag ang cellphone ko sa mesang nasa gilid ng kama ko.

Siguro nga, may point talaga na wala ka ng ibang maaasahan kundi ang sarili mo.

Maaga akong pumunta sa Moru-Moru Cafe para doon magpalipas ng araw. Mamaya kasi ay baka bumalik si Keith doon sa dorm. Hindi pa rin naman ako nakakapagisip ng plano sa kung paano ko lulusutan si Keith.

"Good Morning, Iya..." bati sa akin ni Mitch.

Bahagya akong ngumiti sa kanya at ginala ang tingin sa buong lugar.

"Good Morning din. Si Jerome? Si Kuya Dustin?" tanong ko sa kanya.

"Si Jerome hindi daw papasok, si Sir Dustin naman nasa opisina." aniya at nagpatuloy siya sa ginagawa niya doon sa counter.

"Okay! Thanks..." dumiretso na ako sa opisina ni Kuya.

Abala si Kuya Dustin sa ginagawa niya sa laptop niya. Ni hindi niya nga ako nagawang lingunin man lang pero alam kong alam niya na nandito ako. Tumikhim ako at umupo sa upuan sa tapat ng table niya.

"Bakit ka nandito, Iya?" tanong niya pero nandoon sa laptop niya ang atensyon niya.

"Bakit daw hindi papasok si Jerome?" I asked.

Huminto siya sa ginagawa at bumaling sa akin.

"May sakit pa rin daw hanggang ngayon." aniya. He looked at me curiously.

"Ahh..."

Napatango na lang ako at napayuko. Hindi pa rin pala siya magaling. Siguro napagod talaga 'yun sa mga pinanggagawa niya sa buhay niya.

"May problema ka ba?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaling muli sa kanya. "Kilala ko na 'yung fiance ko, Kuya. Pumunta siya sa bahay kahapon."

Lumaki ang kanyang mata. "Sino? Alam na ni Tita Agatha?"

"Si Keith Falcon..."

"Oh! That guy..." he snapped. "Kababata mo 'yun di ba?"

"Hindi! We're not even close..." umirap ako.

"But you bullied him before..." uyam na sambit niya.

Muli akong umirap sa kawalan. "Past is past, Kuya."

Nagkibit balikat siya at huminga ng malalim bago sumandal doon sa swivel chair niya.

"Anong nangyari? What's your plan?"

"Ewan ko. Bahala na. Siguro papayag na lang ako na makipag-date sa kanya."

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. "Date?"

"Oo. He said that he'll keep my whereabouts a secret, if I'll go on a date with him."

"And you trust him that he'll gonna keep this a secret? You're turning twenty, Iya... he's probably twenty one or something. Mamadaliin na nila ang kasal niyo. And why did he asked you to date him by the way?" aniya.

I don't trust him. Ang plano ko sana ay pumayag na makipag-date sa kanya then I'll do something or weird things to turn him off. Para marealize niya na mas mabuting dun na lang siya sa girlfriend niya.

And I don't want to be a kabit or whatever in their relationship. Hindi ako ganoon.

Hindi ako tutulad kay Mama na sisira ng isang relasyon. Yeah, that's the reason why my father... hated her. Na kahit na namatay si Papa ay hindi sila nagkasundo ni Mommy.

"Ewan ko. Baka two-timer ang gago." umirap muli ako.

"May girlfriend siya?"

"Yes. Jas told me last night... Thalia chorva something."

Tumawa naman si Kuya sa sinabi ko. So what, right? Sa nakalimutan ko eh.

"Pumunta ka na lang kina Jerome. Bisitahin mo..."

"At bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Hinahanap mo di ba?" nakangising sambit ni Kuya Dustin. "Makipagtanan ka na lang sa kanya. Tutal kaya naman niyang buhayin ka at ang magiging anak niyo."

"What the hell Kuya?"

Humagalpak lang siya ng tawa at may inabot sa akin na susi. Kunot noo ko naman 'tong tinanggap. Tapos ay may inabot ulit siya sa akin na isang papel.

"Ano 'to?"

"Susi ng kotse ko tapos address ni Jerome." aniya.

"Anong gagawin ko dito?"

"Sabi niya kapag hinanap mo daw siya, papuntahin na lang kita sa bahay niya. Welcome ka daw dun sabi ng Mama niya."

"Ano bang pinagsasabi ko, Kuya?"

Bakit naman ako pupunta sa bahay nila. Paglalamayan na ba siya? Patay na agad siya? Ang bilis naman.

"Umalis ka na at marami akong ginagawa ngayon. Sa kanya ko sana ipapagawa 'tong inventory kaso absent... kaya huwag mo.na akong istorbohin dito." aniya at bumalik na siya doon sa ginagawa niya sa laptop niya.

I hissed. Padabog akong tumayo at dumiretso palabas ng opisina niya. Akala ko pa may tatambayan ako ngayon dahil ayoko sanang mag-stay sa bahay at baka bumalik si Keith. Napatingin ako sa susi ng kotse ni Kuya at sa papel na binigay niya.

"Fine."

Isang malaking bahay ang tumambad sa harapan ko. Our house is also big... but this one is much bigger than ours. Muntik na akong hindi papasukin ng guard sa loob ng subdivision nila pero nung sinabi ko 'yung pangalan ni Jerome Montello ay kaagad na akong pinapasok. Wow. Their place is so exclusive.

"Ano pong kailangan nila Ma'am?"

I looked at the guard near me. Tumikhim ako para baliwalain ang pagkatulala ko sa laki ng bahay nila Jerome.

"Uhm, si Jerome Montello po?" I awkwardly asked.

I never did this in my life!

"Ikaw si Iya Lorenzo, Ma'am?" tanong niya at pinagmasdan ako.

Marahan akong tumango. He immediately opened the gate and let me enter. I parked Kuya Dustin's car in front of their gate. Hindi naman bawal.

"Sige Ma'am, pasok ka lang po. Nandito po si Sir Jerome..."

"Okay, thanks..."

Tumuloy ako sa loob ng malaking bahay nila. I think this is a mansion. A wide front yard filled with different kinds of plants and flowers welcomed me. Nandoon din ang kanilang mga sasakyan, nakaparada sa kabilang parte ng lugar.

"Hi Ma'am, si Sir Jerome ba?"

Napatingin ako sa may edad na babaeng sumalubong sa akin. I slowly nodded. At the back of my mind... kilala ba nila ako? Mukhang alam nila na pupunta ako dito.

"Opo..."

Malawak na ngumiti ang babae at mabilis na naglakad papunta doon sa bahay. She even asked me to follow her. Nag- aalinlangan pa akong sumunod sa kanya. Mukhang ang saya niya na dumating ako.

"Ma'am Janelle! Naku may bisita si Sir Jerome!" masayang sambit niya ng makalapit na kami sa malaking wooden door papasok ng bahay nila.

"Talaga? Nasaan?" isang boses ng babae ang narinig ko.

Natanaw ko ang isang babae na palapit sa akin. She's smiling widely as she walked to us. My eyes narrowed while I'm looking at her. She looks familiar. Very familiar. She's wearing a simple white body fit dress. Her shoulder length hair suits her.

But she's very familiar...

"Heto siya Ma'am..." tinuro ako ng matandang babae.

Tumingi siya sa akin. Nandoon pa rin ang malawak niyang ngiti ng makalapit siya sa harapan ko. Napalunok ako ng unti-unting bumabalik sa memorya ko kung saan ko siya nakita. She's that...

"Hi! I'm Janelle Montello... I'm Jerome's mother." masayang sambit niya at naglahad sa akin ng kamay. I looked at her hand.

"Uhm, I'm Iya Lorenzo po... nice meeting you, Ma'am..." mahinang sambit ko at nagdadalawang isip pa akong tinanggap ang kamay niya.

She's that girl! 'Yung babae sa picture na pinapakita sa akin noon ni Papa. She's the girl that my father left long time ago. Siya ang babaeng minahal at tanging minahal ni Papa sa buong buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
767K 41.3K 103
an epistolary
1.2M 51.8K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
701K 8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...