Athena: The Goddess of Violen...

By foolishlaughter

2.2M 44.9K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... More

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Five: See What I Can Do
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty One - Alvarez Siblings
Chapter Thirty Two - Sabotaged School
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Six - I am His
Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Eight - I Love You
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides

27.7K 558 189
By foolishlaughter

Third Person's POV

 

Tumigil si Athena sa harap ng falls sa may headquarters nila. matagal na siyang hindi nakakapunta dito, malabo na kasi ang Vulture's Vengeance. Hindi narin siya nakikibalita sa Frolic, wala narin naman siyang pakialam doon kasi alam niya sa sarili niyang nagkanda-letse-letse na ang lahat. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili lang niya.

Siya na nagpakatanga.

Siya na naging mahina.

Siya na naging malapit sa mga tao.

Siya na nagbago.

Ang tanging gusto nalang niya deep inside ay matapos na lahat ng mga nangyayari. Hindi naman kasi niya hinangad ang kumplikadong paghihiganti. Ang gusto lang niya ay isang simpleng pagkitil sa biuhay ng mga pumatay sa mga magulang niya. Noon, akala niya madali. Kasi hindi naman siya malapit sa mga tao maliban sa tito niya at kay Cynthia. Then Philippines happened. The frolic happened, the gang happened, and Kurt happened.

She never thought na mahirap palang pumatay.

Dati hindi naman niya naiisip to e. hindi kasi siya malapit sa tao. Isolated siya kumbaga.

Akala niya hindi na magiging kumplikado pa ang mga mangyayari and then Jace Ethan de Castro happened as well.

Si Jed na dati ay ka-gang lang niya.

Si Jed na dati'y parating wala.

Si Jed na dati'y walang pakialam kundi ang Frolic.

Si Jed na dati'y nandyan lang at hindi nakikialam.

Tapos sa isang iglap, nagbago siya. Siya nalang ang taong palaging nandyan para kay Athena. Siya nalang ang taong nakakaintindi sa nararamdaman ni Athena. Siya nalang ang may alam kung ano ang gusto at ayaw ni Athena. Siya nalang ang nakakapag-comfort kay Athena. Siya nalang ang nakakapagtahan kay Athena. Siya nalang ang kayang paamuhin si Athena. Siya nalang ang nasasandigan ni Athena. Siya nalang. Kumbaga sa isang storya, dati extra lang siya tapos bigla-biglang magiging main character.

Imbis na tumuloy sa HQ, umupo nalang si Athena malapit sa falls at tumanaw sa malayo.

Athena's POV

 

Anong nangyayari sakin?

What the hell is wrong with me?!

What the fucking hell am I doing?

I feel weak. I feel vulnerable. Every single time na hindi ko kasama si Jed, I feel empty. And don't even get me started sa naramdaman ko kagabi. Wtf is that. It was just a goddamn hug Athena, why the hell did you act like that?

I never thought I would say this shit....

Pero...

Posible bang magmahal ng dalawa?

Dati akala ko masaya ako kapag kasama ko si Jed kasi di ko pa kayang mag-isa, kasi gusto ko pa si Kurt. Dati, marinig ko lang ang pangalan ni Kurt mabilis na titibok ang puso ko kahit pilit kong pigilan. Dati si Kurt lang..

Pero put*nginang DATI yan.

Bakit ngayon kapag kasama ko si Jed ayoko na siyang umalis? Bakit ngayon nawawala sa puso't isip ko si Kurt sa tuwing naiisip ko si Jed?

Kung pu*tangina pala ang DATI. Mas lalo naman pala ang NGAYON.

Ngayon gulung-gulo ako. Ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ngayon nasasaktan ako. Ngayon gusto ko munang magpahinga. Ngayon hindi ko alam kung sino ba talaga ang mahal ko.

Love.

Takte yan. Apat na letra, pinakacomplicated na bagay naman. Kumplikado ba kesa sa peptide bonds sa chemistry, o sa centrifugal force ng earth kaya hindi siya circle, o sa parabola ng math. Leche yun kasi kapag nagkamali ka, matututo ka. Pero sa love, nagkamali ka na nga uulitin pa. Paksyet anong pinagsasabi ko, wala na akong sense.

Seventeen lang ako, ano ba tong pinasukan ko?

Magulo na nga yung balak kong gawin, mas lalo pang nakagulo yang pesteng love na yan.

Wala e, mabilis akong magtiwala. Palaging mabilis lahat ang pangyayari pag dating saakin. Wala e, hindi lahat ng ginagawa ko pinag-iisipan ko. Hindi bawat pangyayari sa buhay ko, pinaplano ko.

Bata lang ako, I make reckless decisions.

The fact na bigla nalang ako lumantad kay Kurt bilang si Vio sa school ay sobrang reckless na.

Also, the fact na nahuhulog na ako kay Jed... hay hindi ko alam.

Hindi ko talaga alam.

 

The next day...

 

"Get off me.." Sabi ko, ramdam ko kasi na may nakadagan saakin. "Get off me!" Sabi ko ulit tapos sinubukang itulak paalis kung ano man yon.

Kaso wala akong natamaan, instead narinig ko yung tawa ni Jed.

"What the hell are you doing Jed? I'm sleeping get out." Antok na antok na sabi ko, ni hindi ko nga minulat yung mga mata ko e. Ayoko pa naman ding iniistorbo ako pag tulog.

Kaso hindi siya nakinig, may mabigat nanamang pumatong sa tiyan ko. Alam kong hindi si Jed yun, masyadong magaan para maging si Jed.

"Alis sabe!" Irita kong sigaw tapos sinubukang itulak ulit kaso wala nanaman akong nahawakan. Bwiset to e, umagang-umaga nambubulabog. Bakit kaya hindi pigilan ng mga guard to na pumasok sa bahay ko. Tsk.

May tumawa nanaman, kaso di lang si Jed. May humahagikgik. Dafuq? Di naman siguro aso yun no?

Oo, Thene patry mo sa asong humagikgik.  -____-

"AAAAH!" May sumigaw, pero hindi yung malakas, parang may tumili lang.

Leche bata nga yung narinig ko kanina. Walang ano-ano'y napaupo ako at napamulat.

At ayun  nga, si Jed. May hawak na bata at tumatawa silang dalawa. Putakte, napatayo ako mula sa kama at dali-dalingnagtago sa likod ng couch. Oo, baliw ako e. Ginusto kong makita yung kapatid ni Jed pero natatakot ako sa bata.

Hindi yung phobia na takot, di ko alam pero natatakot ako na baka natatakot sila sakin. Basta, magulo talaga.


"Hoy, Thene. Eto na si Yna, lumabas ka dyan." Tawang-tawang sabi ni Jed.

"Ayoko. Nagbago na isip ko, i-uwi mo na siya!" Sabi ko habang nakatago parin. Mamaya umiyak pa yan, di ako marunong mag-alaga ng bata no.

Tapos biglang tumahimik.

"Jed?" Di sigurado kong tanong.

Wala na ata sila.

"Ma!" Biglang may sumigaw sa likod ko.

"Holy f--" Nagawa ko pang pigilan ang sarili ko. Lech, rated SPG ako kapag nagmura ako dito.

Nasa likuran ko na pala yung dalawa, hindi ko man lang napansin. Hawak ni Jed si Yna sa dalawang kamay, hindi pa ata ganoon ka-marunong si Yna maglakad. Pero what the hell, nanggulat sila. Agad akong tumayo at tumakbo at umakyat sa kama.

"Athena, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bata lang to oh. Ikaw nga nagsabing gusto mo siyang makilala e." Sabi ni Jed sakin habang lumalapit sila ni Yna.

"Sira ka ba, tinawag akong ma e!" Reklamo ko naman. Sinong hindi magugulat di ba? Tsaka baka takot yan sakin, umiyak pa pag hinawakan ko. Wag nalang no.


"K-kuya." Mahinang sabat ni Yna tapos tumingin pataas sa kuya niya. Nagb-bubbles pa laway niya. Hirap pa magsalita. Tapos nagbago ata isip niya kasi sabi niya, "P-poppa."

"No, Yna.. Ku-yaaaa. Kuuu-yaaa. Kuya." Turo ni Jed sa kapatid.

Natawa ako kay Jed. Tapos minock ko siya "Kuyaaaa..." Sabi ko tapos todo buka ng bibig, yung talagang nang-aasar. "Kuuu-yaaaa."

"Tumahimik ka dyan, pakakarga ko si Yna sayo e." banta niya kaya natahimik ako.

Umupo siya para pantay ang eye-level nila ni Yna. Hinawakan bigla ni Yna ang magkabilang pisngi ni Jed. "Poppa! Poppa! Brrr~" yung brr ibig sabihin puro pagbubbles nalang ng laway ang ginawa niya. Agad namang pinunasan ni jed yung bibig ni Yna.

"No, no. Yna, I'm Kuya."

"Yes, Yna. She's KUUU-YAAAAA!" Sabat ko tapos agad na tumawa. Naiinis kasi si Jed e.

Bigla namang tumingin sakin si Yna, medyo nastartle ako at nangilabot. "Momma!"

Nga-nga.

"Oy! Anong momma!" Tanong ko kay Yna kahit alam kong hindi naman ako masasagot ng matino.

Humagikgik lang si Yna. "Momma. Poppa." Ulit-ulit niyang sabi sa sarili niya tapos sinakmal yung laylayan ng red niyang dress. "Momma. Poppa." Sabi niya ulit.

"Jed, kinakausap ba ng kapatid mo sarili niya?"

"Halata ba?"

Edi kase.

Tsk.

"Yna, she's ate I'm kuya." Turo ni Jed sa kapatid. Medyo mukhang naiinis na din.

Nginitian lang siya ni Yna. "Poppa."

"Hoy bata, hindi mo yan poppa. Hindi mo rin ako momma." Sabat ko nalang. Kahit di niya naintindihan, umiyak siya. "Hala, bat umiyak yan."

Di siya maingay umiyak, halos walang sound nga e. Kaso maraming luha. "Wag mo kasing sisigawan." Sabi ni Jed. Di naman siya galit, mukha lang nainis. Sabi na protective to sa kapatid niya e. Di ko man sinigawan e...

"Sorry, Yna." Sabi ko.

Kaso ayaw tumahan. "Lapitan mo siya dito." Utos ni Kuya.

"Yoko nga!" Tanggi ko.

"Ikaw na nga nagpaiyak ikaw pa maarte, lapit!" Sabi niya. Hindi man lang nabother si Yna sa sigaw ng Kuya niya. Pero pag sakin, kahit hindi sumigaw, iiyak? Madayang bata to, mana sa kuya.

Nagdadalawang-isip akong lumapit sa bata.

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong kong pabulong kay Jed nang medyo malapit na ko.

"Patahanin mo." Kalmado na niyang sabi.

"Pano?"

He shrugged. Lech, laking tulong. Kapatid niya to, malay ko ba kung anong gusto neto. "Hi, Yna?"

"Momma!" Bigla niyang sigaw at nawala agad yung iyak niya. Bigla niya akong yinakap. Medyo di pa nga siya steady nang niyakap niya ako. Akala ko nga mahuhulog siya, pero nasalo ko naman. "Momma! Momma! Momma!" Ulit-ulit niyang sigaw.

Si Jed, napansin kong humahalakhak sa tabi. Pero panandalian lang iyon, nawala kasi yung saya sa mga ata niya bigla e. Napalitan ng parang sadness and longing.

"Baliw kayong magkapatid. Baliw." Yun nalang ang tanging nasabi ko.

***

"Jed, bakit Poppa ang tawag sayo ni Yna?" Tanong ko kay Jed, asa harapan namin si Yna sinusubukang laruin yung iPad ni Jed.

"Secret." Kunwari niyang biro. Pero alam kong hindi niya talaga gustong sabihin. Ang nakakainis neto, kung hindi mangagaling kay jed hindi ko talaga malalaman. Alangan namang tanungin ko si Yna, bubbles lang mabibigay nun sakin bilang sagot.

Nanahimik muna ako bago magtanong ulit, "E anong tawag niya sa parents niyo?"

Kitang-kita kong natense siya sa tanong ko. Is it too personal? Wait, sobrang rami na niyang alam sa buhay ko. May dapat pa ba siyang isikreto sakin? I know he trusts me, he should. Kasi, I trust him more than anyone.

Inaasahan kong hindi siya sasagot, but he did.

"She never had the chance to call Dad,'poppa' or to call Mom, 'momma'." Saad niya. Kahit na magulo siya, kahit parang bipolar siya. Sobrang ready akong makinig. Ngayon ko lang malalaman ang tungkol sa pamilya niya. hindi naman ata pwede na pinapaproblema ko sakanya ang mga problema ko pero ang mga kanya naman ay hindi ko man lang alam.

Di ko pa man natatanong kung bakit, sinagot na niya ako. "Dad's in Europe. My mom's dead. She died after giving birth to Yna. Siguro kaya hindi umuuwi si Dad ay dahil hindi niya kayang tignan si Yna. Sobrang kamukha kasi ni Yna si Mom, kahit bata pa si Yna kitang-kita na ang similarities nila. Also, the fact na namatay si Mom pagkapanganak ni Yna, I think he blames Yna. He blames her sa pagkamatay ni Mom."

"That is fvcking absurd." Di mapigilan kong komento.

Pero nagpatuloy lang siya sa pagkukuwento. "He left Yna with me. But also, there were times na gusto niyang magstay narin ako sa Europe. I can, but I didn't want to. Kasi ayaw niyang isama ko si Yna. G*go di ba? Gusto niyang iwanan ko kapatid ko nang mag-isa? And so i didn't. I stayed with her. Palagi niya akong tinatawag na 'poppa', pero palagi ko ring pinipilit na 'kuya' ang itawag niya saakin. It was working. Until today, ayaw na niyang makinig. 'Poppa' siya ng 'poppa', siguro dahil naniniwala siyang ikaw ang 'momma' niya. I bet there's nothing I can do about it. You won't mind will you? I mean, Yna calling you 'momma, is it okay?"

"Yes. Ayos lang naman." Mabilis kong sagot sabay tango.

Ngumiti lang si Jed pagkatapos.

That smile... How could he? How can he manage to smile even after telling me his story? Paano niya nagawang maging masaya sa paningin ng lahat kahit ganito pala ang pinagdadaanan niya? Why didn't he tell me sooner?

"Ba-bakit hindi mo agad sinabi sakin to?" I asked.

"I'm the guy, Thene. Ako yung sinasandalan." Sagot niya.

"What a sexist shit." Sabi ko sakanya. "Tao ka parin, tange."

Tumawa siya, "Oo, nakakagaan ng loob yung sinasabi mo."

"Sorry naman. “ Sabi ko.

"Baliw, nagbibiro nga ko e." Natatawang sambit niya. Napabuntong hininga naman ako sa narinig ko. Akala ko kasi nagalit siya, baka imbis na matulungan ko siya masaktan ko pa siya e.

Tapos bigla niyang ini-spread yung mga braso niya.

Biglang lumakas tibok ng puso ko.

"Ano? Hindi ka pupunta?" Nakangising sabi niya.

Lalong lumakas yung pintig, bumilis nadin at the same time. Tinaasan ako ng kilay ni Jed. Ano tong inaarte ko? nagpapa-embrace lang siya bakit naiilang ako? Kailan pa ko nailang sa lalaking to? Tapos biglang nagblur ang paligid, si Jed lang ang natira. Nakangiti parin siya sakin. Wala na akong ibang naririnig kundi ang puso ko. What the hell is this. Embrace lang, ganito na ko magreact?

"Hoy, Athena. Nangangalay nako, incase lang na hindi mo alam." Sumbat niya pero nakangisi.

Lumapit ako at yinakap siya.

Omyfreakingbaby. Watdapak, baka naririnig na ni jed yung puso ko. Bakit feeling ko lalabas na mula sa dibdib ko? takte, hindi ko narin maramdaman paa ko nanlalambot na din. Hala ka te, bat ganito ako umasta?

***

"Momma, sleep. Momma.." Naramdaman kong tinatapik ni Yna yung paa ko. "Sleep." Saad niya.

"Where's poppa?" Tanong ko, naglalaro kasi akong Dumb Ways to Die sa phone ko, hindi ko napansin na umalis na pala siya. Mabuti nalang at hindi malikot si Yna. "Yna, where's poppa?" Tanong ko ulit, hindi naman ako marunong magpatulog ng bata no.

Tignan lang ako ni Yna.

Nagbuntong-hininga ako, "Come here, Yna."

Umakyat siya sa tabi ko dito sa couch. Tapos kinalong ko siya. Mukha namang hindi siya iiyak e. Paano ko ba niyan to kakausapin.. Bigla nalang siyang sumandal sakin kaya naman ako inalalayan yung likod niya sa kamay ko. "Is this how you sleep. baby?"

Tumango lang siya, di tiyak kung naintindihan niya ako.

"Okay, now you'll sleep." Bulong ko sakanya. Pumikit siya, habang ako pinakikinggan lang ang paghinga niya.

"No-no cry, poppa. No cr-cry." Mahinang sabi niya, ramdam kong kalahati ng katawan niya tulog na. Pero, anong ibig sabihin niya? Kahit naman gisingin ko pa siya, di rin niya ako masasagot e. Si Jed, siya  lang naman ang 'Poppa' ni Yna e. Cry? Nakitang umiyak ni Yna si Jed? Bakit naman iiyak si Jed?

Tapos biglang humikbi si Yna, pero parang sandali lang tas nakatulog ulit, "Poppa."

"Sleep, Yna. Sssh, ssh."

Bakit umiiyak si Jed?

Third Person's POV

 

Dahan-dahang hiniga ni Thene si Yna sa kama. Tapos ay nilagyan ng unan ang magkabilang side niya, para hindi ito mahulog kung ito ma'y malikot matulog.

Bumaba si Athena pagkatapos nito. Hahanapin kasi niya si Jed na biglang nawala at tatanungin kung bakit nagbitaw ng mga ganoong salita si Yna bago siya makatulog. Unang tinignan ni Thene and kitchen, tapos kinatok ang mga bathrooms at guestrooms, sa living room, pati sa garage pero wala si Jed. Tinawagan narin ni Thene ang mga guards, pero ang sabi nila, hindi pa raw lumalabas ng bahay si Jed. Tumungo si Thene sa may balcony sa right side ng bahay, balak nalang niya munang magpahinga at magpahangin pero iba ang dinatnan niya.

"Jed!" Sigaw niya habang dali-daling lumapit sa pool.

Nakahilata kasi si Jed sa pool, nakalutang, padapa. Hindi alam ni Thene kung gising pa o ano. "Jed!" Mas malakas na sigaw ni Thene.

Nang hindi muling sumagot si Jed, napagdesisyunan nang lumusong sa tubig ni Thene. Pagkarating malapit kay Jed, biglang itong nag-ayos at tumayo kahit hindi pa siya nahahawakan ni Thene. Nakaramdam ng matinding inis si Athena kay Jed. Sa isip niya, kung nagbibiro man si Jed sa ginawa niya, sumosobra na siya.

"What the fvcking hell were you thinking?! Are you out of your mind?! You could've died, Jace Ethan!" Sermon niya sabay hampas kay Jed. "I fvcking thought you drowned. Stupid as*hole! You selfish prick!"

Hindi sumagot si Jed, bagkus hinila si Athena paahon ng pool.

"Bitawan mo nga ko!"

Hindi nagsalita si Jed.

"Anong ginagawa mo ha?! Habang natutulog yung kapatid mo sa taas magpapakamatay ka?! Abnormal ka din e no? Mag-isip-isip ka nga!" Tuloy-tuloy na sabi ni Athena.

"Kasalanan ko ba?! Ikaw naman yung nagsabing dalhin ko siya dito di ba?!" Biglang sigaw ni Jed kay Thene.

"What the fvck are you talking about?! Yun ba yung issue? Magpapakamatay ka kasi pinadala ko siya dito?! Tanga ka ba? Bakit mo naman ako sinunod kung ayaw mo naman pala? Umayos ka nga para kang nasisiraan e." Sagot naman ni Thene.

"You don't understand!" Sigaw ni Jed.

"Ako? Ako pa talaga? Ako ba yung may topak dito? Ako ba yung paiba-iba ng mood?!"

"Di mo ko naintindihan."

"At ano sa palagay mo? Pag english dko naiintindihan, at kailangan mo talagang tagalugin?!"

"YOU DON'T FVCKING UNDERSTAND!" Napatigil si Thene sa biglang pagsigaw ng sobrang lakas ni Jed. "You don't understand, nobody does. You don't understand.."

Sa puntong iyon, hindi alam ni Thene ang mararamdaman. Magugulat? Matatakot? Magagalit? Pero may isang parte sakanya na alam na nasasaktan siyang makitang ganito si Jed. Nasasaktan siya, kasi hindi niya alam kung bakit nagkakaganito si Jed.

 "Then make me understand.."

Athena's POV

 

It was so foolish of me to ask Jed to let me meet Yna. It was so selfish. Ni hindi ko man lang kinonsider yung mga situations o kahit possibilities man lang, na baka may problema sila sa bahay. Bakit ko pa siya lalong pinush nung nakita ko na siyang natense pagkamention niya palang kay Yna?

I'm the worst.

I feel so selfish. Jed was always there when I needed him. But... Where was I when he needed me?

"Yna needs our parents." Nabigla ako nang biglang magsalita si Jed. "She needs a mother, kailangan niya din niya ng tatay."

"You don't know how bothered I am nang tawagin ka niyang 'momma'. I wasn't bothered before, na tawagin niya akong 'poppa' but the hell when I heard her call you 'momma'... sh*t. I just knew she needs real parents. Thene ni hindi ko man tinuro sakanya yung 'momma' e, san niya galing yun? Yes, narinig siguro niya ako noon kapag kausap ko si Dad, I often call him 'Papa' but 'momma'? I never used it. Hindi ko pa nga nakukuwento kay Yna ang tungkol sa mama namin e. It's so obvious na hindi pa siya handa. And yet.. she called you 'momma'.

Seventeen lang ako, I can't be a father."

"Yes you can." Sagot ko, kahit wla siyang tanong.

Umiling siya, "No, Thene. Hindi ko kaya-"

"Not when you're not alone." Maikli kong sambit,

"What do you mean?"

"I'll be Yna's mother. I can, I've been independent for so long. I think I can. I'll help you."

Hindi siya sumagot. Kinabahan ako. Ano? tatanggi ba siya? Baka sabihan niya akong mapapel. Oh, no. I just wanted to help him, I have no bad intentions. In fact, I'm willing to let Yna be at ease with me kahit medyo naiilang ako sa mga bata.

Siguro nagzone out ako, kase the moment I want back to reality, nakayakap na si Jed sakin.

And there was the rapid beating of my heart..

"Sorry, Thene. Sorry."

I sighed, "Jed, don't say sorry. Well, besides the fact na nagtatago ka sakin ng mga ganitong bagay, it's not your fault for commiting such actions."

"No, Thene. Sorry for everything."

"Jed, it's okay." Natawa kong sabi. OA niya e, nawala na yung kaba ko nung nakita ko siyang nasa pool, at bakit naman ako magagalit sakanya e siya nga tong nagtatago ng mga sakit na nararamdaman niya e. Kung maka-everything naman to.

***

Umupo kaming dalawa sa sofa sa sala. Medyo awkward nga yung atmosphere e.

"Jed, bakit hindi mo sinabi sa ibang members ng Vulture's Vengeance ang tungkol dito? Kilala naman nila si Yna, hindi ba?”

“Di ko din alam, “Sabi niya, “Hindi ko alam, pakiramdam ko hindi nila ako maiintindihan. At wala din naman silang magagawa e.”

“Then anong kaibahan ko sakanila?” Nagtataka kong tanong.

Tinignan niya ako ng matagal.

Safe to say na nararamdaman ko nang nagiinit ang mukha ko.

“Because you’re special.”

Enebe.

***

“Hello? Tito? Napatawag ka?” Tanong ko. Nakakabigla lang kasi na biglang tatawag si tito. It’s been so long, yeah SO LONG. Ang dami nang nangyari. Starting off from my gangster life upto the Ravens. Gustuhin ko mang sabihin kay Tito ang mga nangyayari, hindi ko kaya. Si Jace Ethan lang ang piangkakatiwalaan ko sa mga panahong ito.

(Thene, I’ll be coming home next week.)

“Ha? Buti?” Taka kong tanong.

(I need you to sign papers for me.)

Napakunot ang noo ko sa aking mga narinig. “But Tito, underage parin ako. Ikaw nalang pumirma ng mga yan, legal guardian naman kita e.”

I heard him sigh, (Kung pwede nga lang. Kaso kailangang ikaw na talaga e. Order to ng- *silence*)

“Order ng?”

(W-wala. Wala. Basta, I’ll come home soon. I hope you’re well. I hope everything’s well.)

“Wait, tito!” Pahabol ko pa sana, kaso napatay na niya. Ano naman yung naputol na sasabihin nun? Nakakairita naman yun, ayoko ng feeling na to, na parang may hindi ako nalalaman.

Feeling ko, may masamang mangyayari e.

***

“Thene, gising ka na.” May narinig akong bumulong. Akala ko nga, guni-guni ko lang yon, pero nang makaramdam ako ng kamay sa mukha ko, alam ko nang si Jed yun. Ewan, automatic narin e. Siya lang naman ang palaging andito sa bahay, well siya ang may lakas loob na pumunta rito.

Bumangon ako, masama ang pakiramdam ko. “Ba’t ka andito?”

“Kase katapusan na ng buwan.” Malabo niyang tanong. Napansin kong may dala siyang tray. May adobo at kain, tapos coffee at isang platitong may pills.

Napataas ang kilay ko sa mga nakita ko, “Teka-“

Nang marealize ko ang mga nangyayarri at rason ng kilos niya, alam kong agad-agad na akong namula at ramdam na ramdam ko narin ang pag-init ng aking mukha. (Baka nga from head to toe pa e).

Bakit alam niya?!

“Kain ka muna bago ka uminom ng pain reliever.” Bossy niyang sabi. Tapos nilapag yung ttray sa harapan ko.Hindi ako nagsalita. “O? Bat wala kang imik? Nahihiya ka pa ba sakin?” Natatawa niyang tanong.

Grabe, hindi ko alam kung namumula ako sa hiya o sa kilig..

“Hoy! Bat ayaw mong magsalita okaya gumalaw?! May tagos ka na ba?!” Walang mintis niyang tanong.

Sinapok ko nga, “Jace Ethan de Castro!! Anong trip mo?! Kainis.” Pagkatapos kong mag-inarte humiga ako ulit at nagtalukbong. Masakit din puson ko no, hindi nalang dahil nag-iinarte ako. “Bastos ka e.” Sambit ko, pero lihim akong nakangiti.

Another first..

Si Jed ang taong na nagpakain saakin sa karendirya sa kauna-unahang pagkakataon.

Siya rin ang taong nagpilit saakin na magwala at magpakaloka-loka sa harap ng maraming tao, sa mall man o sa theme park.

Siya rin ang taong nagpalabas ng “ma-trip” side ko.

Siya rin yung unang lalaking nagtiyaga at pinagpasensiyahan ako kahit na pilit ko siyang tinataboy.

Siya rin ang kauna-unahang tao maliban kay Cynthia (na kaibigan ko na for many years), na nakakuha ng tiwala ko to the point na wala na akong maitago sakanya. Yung bang feeling ko, hindi ko kayang magtago ng kahit anong sikreto sakanya. Siguro eto yung isa sa mga perks na naging matalik na magkaibigan kami.

Tapos eto nanaman...

Parang hindi siya nauubusan ng gimik e. Ibang klase nanaman tong pakulo niya. I can’t believe he remembered and he is doing something to help me kahit na isang normal na process to sa lahat ng mga kakababaihan. Naiilang ako, pero mas nangingibabaw yung other feeling. Basta.

Naramdaman kong natanggal ang kumot sa pagkakatalukbong saakin, “Kain na. Tapos mag-ayos ka nga. Mukha kang ginahasa e.”

Hindi ako sumagot.

“Ay teka, kadiri naman pala yun. May mens ka tapos ginahasa- aray naman!” Naputol ang pang-aasar niya dahil binato ko siya ng unan. Tapos kumuha pa ako ng isa pang unan para ihampas ulit sakanya, this time hindi ko na binitawan para maihampas ko pa sa manyak na to ng ulit-ulit yung unan. “Tama na! Biro lang!” Tawang-tawa niyang sabi.

Hinampas ko pa siya ng isang beses bago magsalita, “Abnormal ka talaga kahit kelan no? Nandito ka ba para mang-asar lang talaga?”

“De no. Aalagaan ka na nga e!” Parang bata niyang maktol.

Hinampas ko siya sa huli pang pagkakataon, “Ayusin mo kase, Jace Ethan.”

“Ayusin ko pa daw, e kinikilig ka na nga sa ginawa ko e.” Bulong niya, pero obviously sinadya niyang marinig ko kase, medyo malakas! Tss. Kainis. Malamang halatang kinikilig ako! Kailangang i-point out? Namumula na nga di ba? Ano pa balak niyang gawin sa mukha ko? Isang literal na kamatis na? Respeto po, hoy!

Bumusangot ako, “Yokong kumain e. Gamot nalang.”

“Di naman pwede yun e, sasakit sikmura mo.” Sagot niya.


“E hindi ako nagugutom e. Masakit lang puson ko.” O yan, wala nang awkward, awkwafrd sabihan na ng masaket! Baliw kami e, bakit ba?

Umiling siya, “Di nga pwede e, kahit tatlong subo lang.”

“Ayoko, nanlalambot ako.” Dabog ko tapos humiga ulit. Pero di na ako nakapagtalukbong dahil wala na sa kama yung kumot. Di ko na napansin kung saan nilagay ni Jed e.

Hinila niya yung braso ko patayo, “Jed, ayoko nga kase.”

“Umupo ka na.” Sabi lang niya. Sinunod ko na nga para matapos na, hindi naman talaga ako nagugutom e, infact parang busog na busog ako kahit wala pa akong kinakain. Pesteng monthly period.

Kukunin ko na sana yung kutsara nang bigla niya akong unahan sa pagkuha dito, “Eh?”

“Ako na.” Maikling sabi niya.

Ako naman natameme.

Enebe for the second time.

Inangat niya yung kutsara at ini-level sa bibig ko. Sa di inaasahang pagkakataon, napatingin ako sa mga mata niya. Sakto namang nakatingin din siya sakin. Napayuko ako, Lord tulong. Feelings overload. Nakatingin parin siya nang magbalik tingin din ako, ngumanga na ako para isubo yung adobo with rice. Tapos habang ngumunguya ako, umiwas ako ng tingin.

Bakit ang tahimik?!

Bat walang nagsasalita?!

Jusko, mga hearbeats ko lang naririnig ko!

“Gusto mong icecream? Chocolate favorite mo di ba? Bili nalang kita pag naka-tatlong subo ka.” Mahinahong sabi niya sabay subo sa ikalawang kutsara. Takte, bat alam niya mga favorites ko, hindi naman siya nagtatanong e!

Anong nangyayare sayo, Athena?

Bat natatameme ka? Bakit hindi ka makapag-salita? Manhid na pisngi mo, kanina pa nag-iinit! Baka magkarayuma cheekbones ko. Ano ba yan, ano nang pinagsasabi ko! Normal ba tong nararamdaman ko? Ano ba tong nararamdaman ko?!

 

“Eto na last na, tapos unumin mo na pain relievers mo.” Sabi niya.

Tumayo siya habang nginunguya ko yung last na subo na adobo. Uminom muna ng kaunti, bago lunukin na din yung dalawang pills.

“Bili na ko no.” Sabi niya, tapos iniangat na yung tray at nagtungo papuntang pinto. Akala ko aalis na siya, hindi pa pala.

 

 

 

“Thene, alam mo bang the average number of heartbeats a person produces is 60-80 times per minute? Bakit kani-kanina lang, yung satin parang 200 per minute?” Nakangisi niyang sabi at pagkatapos ay isinara ang pinto gamit ang kanyang paa.

Wait lang..

Satin?

Enebe for the nth time.

 A/N: Alam kong marami nang nageexpect ng salitang "SORRY" sa author's note. Pero, totoo man, SORRY sa sobrang delayed UPDATE. Nagka-writer's block ako, plus yung faulty internet connection pa namin! Tsaka, busy talaga yung pagiging isang fourth year lalo na sa isang school kagaya ng samin. >:( Kaya guys, sorry talaga. :((

May nagbabasa pa ba neto? :'(

QUESTION:

1. Boto ba kayo kay Jed para kay Athena? Bakit? (Be serious at meaningful kasi makakaapekto to sa mga mangyayari sa next chapters)

2. Ano nang gusto niyong mangyari at this point ng story?

Best answer wins dedic!

-foolishlaughter

 

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 76.8K 57
Isa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa Isa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa mundo ng gulo at patayan Pero... Paano kung bigla na...
3.4M 97.1K 72
This is about a girl with a very simple life. Until that day came... A day she needs to face... That day changed her life... That day was entering th...
91.4K 2.3K 37
[COMPLETED] SECRET UNIVERSITY Paano kung ma-enroll ka sa isang paaralan na puno ng kababalaghan? Paano kung mapunta ka sa isang lugar na hindi mo ak...
62.3K 1.7K 13
Xeira Kaye Fhore, a fearless, cold but caring Reaper is yet to bring havoc in the disguised peaceful life of Jian Zeith Teamo, a childish, hot headed...