TRUE HORROR STORY ( Kilabot )

By Jayzkie002

423K 13.4K 1.5K

Warning: Wag niyo itong babasahin tuwing gabi. Note: Bago niyo husgahan at lait-laitin ang aking story. Basah... More

Mirror in the Wall ( Bonus chap.)
Babala ni Mr. Author
A picture
Bukid
Pugot Ulo
Ghost line
Laro tayo ( Ghost and Spirit Detector )
Crying White Lady
Stretch chair
Remote
Anino
Comfort Room
Saint ( A Bad Dream )
Double
Ang tatlong babae sa mahogany
Ang Girlfriend ko
KALABAW
Ginto sa Puno
Isda ( Bukid )
Ang kabaong
Ang Babaeng Pinatay
Ang babaeng Pinatay II
Matanda sa bahay ni lolo
Ang dalawang batang babae
Salamin, Gate, Hagdan, Santol.
Ang Bisita
Ulam ( Baboy )
Isang malaking ibon.
Ang Bantay
Daddy ( A picture frame )
Ang Ngipin
Ang Pari sa kalsada
Elevator
Ang tawag
Comfort Room ( G-6 )
Ang Babae sa Salamin
Magtago na kayo
Sino ang katabi ko
The Story Behind Her Deaths
Author's Note
The Story Behind His Deaths
My Grandfather's Death
Pare, tagay tayo
Kamay
Boses
Author's Note Again
The Farmers
Horror House
A Girl She Hugs Me.
The Story Behind His Death Too.
Ang Babaeng Namatay
Engkanto
Ang Mambabarang
Happy Halloween ( Bonus Chap. )
Knock Knock ( Bonus Chap. )
Happy Halloween ( Bonus Chap. )
No one Can Hurt Me (Bonus Chapter)
Happy Halloween ( Bonus Chapter )
BSP and GSP - Camporal ( Bonus Chap. )
Happy Halloween ( Bonus Chap. )
Kulam ( Bonus Chap. )
Ang pagwawakas
New Story
Part 2 ( True Horror Story )
ANNOUNCEMENT

Anino II

5.6K 180 3
By Jayzkie002

Ito po ay nangyari sa aking kaibigan na kapitbahay din namin.

Linggo ng hapon ng pumunta ako sa bahay nila patrick para maglaro kami ng video game.

3:30 pm ng dumating ang tatay nito mula sa kanyang pagpapasada ng tricycle.

" Patrick, Jay kayo muna ang bahala sa bahay. Maliligo na ako kasi may pupuntahan ako ngayon. Patrick pumunta kana sa palengke bumili kana ng kakainin natin mamayang gabi. Samahan mo siya jay" utos ng tatay nito kay patrick habang kumukuha ng kanyang damit.

"Opo tito" sagot ko.

"Opo tay" sagot din ni patrick.

Pagkalabas na pagkalabas ng kwarto ni tito greg at saka namin pinagpatuloy ang paglalaro ng video game ni patrick.

3:50pm ng magpaalam ako kay patrick para bumili ng kakainin namin.

Habang pauwi ako ng bahay may napansin akong parang kamukha ni patrick. Ang paraan ng kanyang pananamit, style ng paglakad, kahit na ang paraan ng pagtawa nito.

Tinawag ko ang lalaki na tuwang tuwa sa biro ng kaibigan nito.

Lumingon ito sa akin at saka salubong ang mga kilay nitong nakatitig sakin.

Natawa ako sa kinilos nito kaya naman tumalikod din agad ito sakin. Akala niya pinagtritripan ko siya.

"Patrick kilala mo" pagtatanong ng kaibigan nito. Narinig ko ang sinabi ng kaibigan nito kasi hindi naman masyadong kalayuan ang pagitan namin.

"Hindi" sagot nito at hindi lang pala mukha ang nakuha nito pati din pala ang boses ni patrick.

Napangiti ako sa nakita ko kaya naman agad akong tumakbo dahil excited akong ikwento kay patrick ang nakita ko. At ng nasa tapat na ako ng gate bigla akong nakarinig ng isang sigaw. Kaya naman nagmadali akong pumasok sa bahay nila patrick at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si patrick na sinasakal nito ang kanyang sarili. Tutulungan ko na sana si patrick ng makakita ako ng isang malaking anino sa dingding kung saan nakaharap ito kay patrick at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko ang anino ni patrick sa kanyang gilid na may isa ding anino na siyang sumasakal sa anino nito.

Hindi ako makagalaw sa nakita ko na parang napako ang mga paa ko.

Kitang kita ng mga mata ko kung paano sakalin ni patrick ang sarili nito at kung paano sakalin ng aninong iyon ang anino ni patrick.

Hirap na hirap na sa paghinga si patrick pero hindi ko parin ito matulungan. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maigalaw ang mga bahagi ng katawan ko.

Nakatitig si patrick sa akin at sinasabi ng mga mata nito na " tulungan mo ko jay" ngunit kahit ata paglunok ng aking laway ay hindi ko magawa.

Hanggang sa marinig namin ang boses ni tito Greg na sa tingin ko ay kakatapos palang niyang maligo.

Bigla na lang naglaho ang malaking anino sa dingding kahit na ang anino sa gilid ni patrick ay nawala narin.

Nanghihinang napa-upo si patrick sa tiles at saka ito nagsususuka habang inuubo.

Habang ako ay walang ibang ginawa kundi ang panoorin lang siya. Tulalang nakatingin ako sa kanya.

Pagpasok ni tito greg saka naman ako napa-upo dahil kanina pa nanghihina ang mga tuhod ko.

"Anong nangyari dito" pagtatanong ni tito greg at saka ito lumapit samin ni patrick.

Hindi kami makapagsalita at tulala kaming nakatitig kay tito greg. Kaya naman inabotan niya kami ng tubig at saka kami tinapik sa likod. Pagkatapos non ay agad kaming napayakap kay tito greg habang umiiyak.

After non ay kweninto namin sa lahat kung anong nangyari at nakita namin.

Sabi ni patrick habang abala daw ito sa paglalaro ay nakaramdam daw ito na parang may tao sa kanyang likod.

Pagtingin daw nito sa kanyang likod ay nagulat ito ng makakita ito ng malaking anino at agad daw siyang sinakal.

~~

Votes and Comments.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 190 152
Hidding more to said you are the great pretender Date started Dec 23 22 Date Finish March 27 23
4.2K 354 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
644K 46.2K 69
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
40.2K 2.2K 42
UNEDITED maraming error, typos, wrong spelling, wrong grammar kaya read at your own risk. Kwento ng dalawang magkaibigan na may lihim na pagtingin sa...