Comfort Room

7K 252 14
                                    

Alas kwatro ng hapon ng umuwi ang tita ko galing sa palengke.

5:00 pm naman nang umalis kaming magkakapatid para maglaro ng computer games.

Mga bandang 5:30 pm naman ng dumating yung tito ko galing sa trabaho.

Habang nagluluto ang tita ko ng aming makakain bigla na lang itong nakaramdam ng pananakit ng kanyang tiyan.

Akala ng tita ko isang ordinaryong sakit lang ito na konting tiis lang mawawala agad.

Kaya naman tiniis lang ng tita ko ang pagsakit ng tiyan nito, habang abala ang tita ko sa paghiwa ng mga gulay bigla na lang itong nakarinig ng yapak ng tao.

Akala ng tita ko si tito Jay lang ito dahil nakita niya itong humakyat sa taas para magpahinga.

Habang nagluluto ang tita ko narinig niya ang malakas na pagsara ng pintuan ng c.r namin.

Jay balak mo bang sirain ang pintuan ng c.r."pasigaw na tanong ng tita ko.

Hinihintay ng tita ko na sumagot si kuya jay pero ni " Ah" ay wala itong narinig.

Hindi na pinansin ng tita ko si kuya jay dahil ang akala nito ay hindi niya narinig ang sigaw nito dahil sa nakabukas na ang tubig mula sa c.r.

Pinagpatuloy ng tita ko ang kanyang pagluluto at ala sais ng gabi ng matapos ito sa pagluluto.

Napansin ng tita ko na nakasarado parin ang pinto ng c.r at naririnig niya ang patuloy na pagagos ng tubig.

Kinatok ng tita ko ang pintuan ng c.r dahil lumalabas na ang tubig mula sa loob.

Jay isarado mo na iyang gripo kanina kapa naliligo hindi ka matapos tapos, puno na iyang drum sarado muna iyang gripo umaagos na hanggang dito yung tubig"pagsisisigaw ng tita ko.

Ngunit ni isang opo ay wala itong narinig kaya naman kumatok ulit ang tita ko.

Ano ba jay hindi mo ba ako naririnig sabing isarado muna iyang gripo sa c.r. nagaaksayang ka ng tubig" panenermon ng tita ko.

Pero tulad ng inaasahan niya hindi ito sumagot at patuloy ang pagagos ng tubig mula sa loob.

Hindi na nakatiis ang tita ko kaya naman kinuha niya na ang susi ng c.r para buksan ito.

Bubuksan na sana ng tita ko ang c.r. ng mapansin niyang may bababa sa taas, dahil sa lakas ng tunog ng paa nito na tila nagmamadaling bumaba ang taong iyon.

Pagbaba ng taong yun saka niya nakita na ang taong nagmamadaling bumaba ay walang iba kundi si kuya jay.

Namumutla ang mukha nito habang nanginginig ang buo nitong katawan.

Tinanong ng tita ko kung bakit namumutla ito, ngunit hindi ito makapagsalita. Nakatulalang nakatitig ito sa tita ko.

Hindi alam ng tita ko kung anong gagawin niya kaya naman kumuha na lang siya ng tubig para painumin ang tito ko.

A-ate m-may n-nakita a-akong m-multo sa t-taas" Hinihingal at utal na utal na pagsasalita ng tito ko.

Hindi makapagsalita ang tita ko at saka siya tumingin sa kanyang likod kung saan nakabukas na ang pintuan ng c.r kasabay na pagsarado ng gripo.

K-kanina k-kapa sa taas"pagtatanong ng tita ko habang namumutla narin ito.

Tumango na lang ang tito ko bilang sagot.

Hindi nakaimik ang tita ko at saka ito tumingin ulit sa loob ng c.r.

Isang malakas na kalabog ang narinig nila mula sa taas kasabay ng pagsara ulit ng pintuan ng c.r.

Namumutlang tumingin ang tita ko sa aking tito kasabay ng pagtakbo nila palabas ng bahay.

~~~~

Vote and comments

Thank you

Jayzkie022

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon