Sino ang katabi ko

4.9K 168 5
                                    

Linggo ng hapon, ng pumunta si ate joy sa kanyang classmate. Para gawin ang kanilang proyekto sa science.

Gagawa kasi sila ng solar system. Sa monday na kasi ang last deadline non kaya naman no choice ang mga kagroup ni ate joy. Kundi ang matulog sa bahay nila ate claire.

" Besty, anong gusto niyong kakainin natin" tanong ni ate claire kila ate joy.

" ikaw na bahala besty, kung anong ipapakain mo samin" sagot naman ni ate joy.

" Ok mga besty, babalik ako. Umpisahan na natin gumawa ng solar system na yan" sabi ni ate claire.

" Sige, habang wala kapa. Pag-iisipan muna namin kong paano natin uumpisahan" sabi ni ate joy.

Umalis na si ate claire para bumili ng kanilang kakainin. Habang sila ate joy naman ay pinag-iisipan kong paano nila uumpisahan ang kanilang proyekto.

" Hayss, bakit kasi ngayon lang natin gagawin ito. Ang tagal na kaya sinabi ni ma'am na gagawa tayo nito" sabi ni ate jean.

( Hindi ko kilala, yung iba nitong classmate kaya lalagyan ko na lang ng ibang pangalan. )

" Ang hilig kasi natin mag-rush time. Kung kailan bukas ang pasahan saka tayo gagawa"sabi naman ni ate may.

" OK lang yan mga besty, atleast nag-eenjoy tayo" sabi naman ni ate joan.

" Oh sya, habang wala pa ang bruha. Mag-isip na tayo kung paano natin gagawin iyang solar system na kachu-chuan ni ma'am" sabi ni ate joy.

Habang inuumpisahan na nilang gawin ang solar system na project nila. Saka naman dumating si ate claire na may dalang pagkain.

" Besty, ang tagal mo. Gutom na mga alaga ko. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos" reklamo ni ate may.

" Besty, binili mo ata lahat ng paninda sa tindahan. Kaya ang tagal mo" sabi naman ni ate jean.

" Sorry mga besty, ang haba kasi ng pila sa seven eleven kaya natagalan ako. Na-umpisahan niyo na pala" sagot naman ni ate claire.

" Oo besty, ayos lang ba itong ginawa namin" tanong ni ate joan.

" Pwedi na, kahit pangit basta may maipasa tayo. push lang" Sabi ni ate claire.

" Sakalin kaya kita. Maka-pangit, akala mo wala ng bukas" sabi naman ni ate joy.

" Joke lang, ito naman si besty. Ang ganda kaya, grabe ang ganda. Pak na pak" sarcastic na sagot ni ate claire.

Natawa na lang ang magbabarkada dahil sa ginawa ni ate claire. May kasama pa kasi itong action na nagmukha siyang tanga.

8:00 pm ng matapos nila ang kanilang proyektong ginagawa.

" Hay, salamat. tapos narin sa wakas" sabi ni ate joan sabay higa ito sa kama nila ate claire.

" Ang sakit ng likod ko, grabe ah. Hindi na mauulit ito promise" sabi naman ni ate may habang nag-uunat.

" In fairness mga besty. Ang ganda ng gawa natin. " sabi naman ni ate joy.

" Tayo paba, sige magpapahanda na ako ng kakainin natin" sabi ni ate claire saka ito bumaba.

( May kaya lang po sa buhay si ate claire. Sea man ang tatay nito samantalang nurse ang kanyang ina )

After nilang kumain kanya kanya na silang pumunta sa kanilang silid.

Sa bahay nila claire matutulog ang mag-babarkada. May anim na kwarto ang bahay nila. Sa isang silid dalawang tao lang ang pweding matulog. Sina ate joy at ate may ang magkasama.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Where stories live. Discover now