Isang malaking ibon.

4.5K 165 15
                                    

[ A/n:  Ito po ay nangyari sa pinsan ko kung paano ito namatay. Ang mga pangalan na nakalagay dito ay hindi po nila totoong pangalan. Sana ay maintindihan niyo. Pray before you read, thank you! ]

2009 ng isilang ni ate grace ang pangalawa niyang anak na si baby tricia. Isang batang may mala-angel na mukha may mahahabang pilik mata.

Laking tuwa nila ate grace at kuya roy dahil sa may panibagong angel na dumating sa kanilang buhay. Sa loob ng mahabang panahon sa wakas ay nabiyayaan din sila. Sa totoo lang ilang beses ng nabuntis si ate grace at ilang beses na din itong nakunan. Kaya naman laking pasasalamat nila ng mabuhay ang batang dinadala ni ate grace.
Pagkasilang pala sa sanggol pansin mo agad ang ganda nito. tulad ng ate niya may maamo din itong mukha, mahahalata mo din na matangkad itong babae at parang may lahing korean.

" Asan na ang maganda kong apo" tuwang tuwang sabi ni lolo.

Kinuha ni lolo ang bata at tuwang tuwa itong kinarga.

After 4 days

" Cheska, bantayan mo iyang kapatid mo. Magluluto lang ako ng lugaw" sabi ni ate grace.

" Opo nay, ako na bahala kay baby tricia" sabi naman ni cheska

Umalis si ate grace para magluto ng lugaw na kanyang kakainin. Wala kasi sila lolo at kuya roy ng mga araw na iyon. Nasa bayan sila para bumili ng mga kailangan ni ate grace.

Habang nilalaro ni cheska ang kapatid nito bigla na lang ito nakarinig ng malakas na kalabog mula sa kwarto. Kaya naman pinuntahan niya ito at tinignan kong ano yun.

Iniwan ni cheska ang kapatid nito na wala man lang siyang inilagay na itak o asin o bigas man lang.

Bumalik si ate grace sa loob ng bahay para kumuha ng asin at narinig nito si baby tricia na umiiyak.

" Cheska, bakit umiiyak iyang kapatid mo?" sigaw ni ate grace.

Ni isang " ah" ay walang sumagot sa kanya.

" Cheska, ano ba iyang kapatid mo patahanin mo." sigaw ulit ni ate grace.

Walang sumagot kay ate grace kaya naman wala itong nagawa kundi puntahan ang anak nito.

" Ano bang ginagawa ni cheska sa kapatid niya. Bakit hindi ito tumitigil sa pag-iyak" bulong na sabi ni ate grace.

Nang malapit na si ate grace sa kwarto napansin nitong hindi mapakali si baby tricia. Tinatawag niya si cheska pero kahit anong sigaw nito walang cheska na sumasagot.

Nilapitan ni ate grace si baby tricia at laking gulat nito at agad napasigaw si ate grace ng makita niya si baby tricia na inuuod ang buo nitong katawan.

Sa pagsigaw ni ate grace saktong dumating sina kuya roy kaya naman agad silang lumapit kay ate grace. pati si cheska ay lumabas din sa isang kwarto ng marinig niyang sumigaw ang kanyang ina.

Niyakap ni kuya roy ang asawa at nanginginig na yumakap si ate grace.

" Nay, anong nangyari bakit kayo sumigaw" nagaalalang tanong ni cheska.

Hindi sumagot si ate grace at nakayakap parin ito kay kuya roy.

"Asawa, anong nangyari bakit ka sumigaw" alalang-ala na tanong ni kuya roy sa asawa.

Hindi sumagot si ate grace at umiiyak itong nakayakap kay kuya roy.

Pagkatapos makarecover ni ate grace saka ito nagsalita.

" Asawa, si baby tricia inuuod ang buo niyang katawan" nanginginig na sabi ni ate grace.

Tinignan naman ng mag-ama si baby tricia.

" Anong inuuod? Bakit naman inuuod ang anak natin? Patay naba siya? tulog na tulog nga si baby tricia asawa ko" sabi naman ni kuya roy.

" Oo nga nay, ang sarap nga ng tulog niya" sabi naman ni cheska.

Nagulat si ate grace sa sinabi ng mag-ama niya kaya naman dahan dahan itong tumingin sa kanyang anak at nagulat ito ng mahimbing na natutulog si baby tricia.

" Pero kanina, nakita ko siyang umiiyak at inuuod ang katawan nito" sabi ni ate grace.

" sshh! baka naman namamalikmata ka lang asawa ko. Tulog nga si baby" sabi ni kuya roy sabay upo sa tabi ni baby tricia.

" Nay naman eh, tinakot mo kami" sabi ni cheska sabay upo din sa tabi ni cheska.

" ikaw na bata ka, saan ka nanggaling at iniwan mo itong kapatid mo" galit na tanong ni ate grace kay cheska.

" Sa kwarto niyo nay, may malakas kasi na kalabog kaya naman tinignan ko" sabi ni cheska.

" Sa susunod kahit anong mangyari wag mo iiwan ang kapatid mo" sabi naman ni ate grace.

" Opo nay" sabi naman ni cheska.

After 2 days.

Habang nakahiga si ate grace at pinapabreast feeding si baby tricia. Agad na nagtaasan ang mga balahibo nito lalo nat humangin ng ubod ng lakas.

Kumuha si ate grace ng bigas at asin at saka nilagay ito sa gilid niya.

Hindi na pinansin ni ate grace ang malakas na hangin at patuloy parin ito sa pagpapabreast feeding kay baby tricia.

Na bigla si ate grace at nagulat ito ng biglang may lumipad na malaking ibon mula sa ulunan nilang mag ina. Itim na ibon na mas malaki sa ordinaryong ibon.

Pilit na pinapaalis ni ate grace ang ibon ngunit hindi ito umaalis hanggang sa dumating si kuya roy saka naman biglang nawala ang ibon na itim.

Tumayo si ate grace at saka lumapit sa asawa.

" Asawa, wala kabang nakitang itim na ibon." Pagtatanong ni ate grace.

" wala bakit" sagot naman ni kuya roy.

" Ah! wala" sabi naman ni ate grace.

Hindi na inisip ni ate grace ang
nakita nito. Baka kasi namamalikmata ulit ito.

After magpakita ng ibon na itim sa kanila. Makalipas ang ilang araw namatay si baby trecia at sa araw ng libing ni baby tricia nakita ulit ni ate grace ang itim na ibon malapit sa kabaong nito. Pinapaalis ni ate grace ang ibon ngunit kahit anong gawin nito ay hindi ito umalis. Saka ito nawala nong ililibing na ang kabaong ni baby tricia.

~~

Pray for my cousin's soul :)

Votes and comments :)

Thank you 

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Where stories live. Discover now