Horror House

3.9K 151 2
                                    

( uunahan ko na kayo, hindi po ito nakakatakot na inaasahan niyo. Yun lang enjoy reading : )

Ito yung first time kong makapasok sa isang amusement park sa novaliches.

Araw ng lunes ng pumunta kaming magkakapamilya sa amusement park sa novaliches. I dont know kung saang parte ng novaliches yun kasi hindi naman ako laking novaliches, sa pandacan manila kase ako lumaki. Pumunta lang kami sa novaliches para puntahan ang aming lola doon dahil sa kaarawan nila.

7:00 pm ng pumunta kaming lahat na magkakapamilya sa isang amusement park para epasyal ang aming lola. Hindi pa kase ito nakakapunta ng amusement park dahil nong panahon nila nasa bahay lang daw si lola at hindi ito lumalabas ng bahay. Kaya naman sa kanyang kaarawan ay sinabi nito na epasyal siya sa amusement park. Kaya nandito kami ngayon para epasyal ang aming lola na laki sa bundok.

Humiwalay kaming mag-pipinsan sa mga matatanda para ma-enjoy namin ang gabi.

Unang pinuntahan ng mga pinsan ko ay yung tinatawag nilang ferries wheel.

Hindi ako sumakay sa ferries wheel dahil takot ako sa matataas na lugar kaya naman inantay ko na lang silang matapos sa pagsakay sa ferries wheel.

Habang nakasakay sila sa ferries wheel, pumunta ako sa isang palaruan. Ito yung kapag natamaan mo yung balloons gamit yung baril, ay mananalo ka ng teddy bear na malaki. Kaso lang naka-ilang try ako sa pesteng larong yun wala akong nakuha ni isang teddy bear. Kahit na ata yung maliit na teddy bear ay wala akong nakuha. Tapos naka-gastos pa ako ng 200 pesos dahil isang try ay nagkakahalaga ng 50 pesos.

Bwesit na bwesit ako ng mga oras na iyon, kase yung batang lalaki. naka isang try lang tapos nakuha niya yung gusto kong kunin na teddy bear. Type ko pa naman yung teddy bear nila na si doraemon.

Kailangan mo kasing gawin ay makaputok ng tatlong balloons na magka-iba ang kulay. Kapag naka-putok ka ng tatlo, mananalo ka ng malaking teddy bear.

Itinaya ko ulit yung 50 pesos ko nagbabaka-sakali kase ako na baka sa huling try ko. Makuha ko na yung stuff toys na si doraemon.

Kaso lang sa kasawiang palad, hindi parin ako nakakuha kahit ata yung consolation prize nila ay hindi ako nakakuha. Tapos yung mga batang nanonood sakin ay tinatawanan ako. Dahil sa inis ko umalis ako sa games na iyon habang naka-busangot ang aking mukha.

" Oh! insan, bakit ganyan ang mukha mo. Nasampal kaba?" Sabi ng pinsan ko na si jayson.

" wala insan, badtrip lang. Saan na ang next na pupuntahan natin" sabi ko sa kanya.

Ayokong sabihin sa kanila ang dahilan ng pag-busangot ko. Kase sure akong pagtatawanan ako ng mga pinsan ko.

" Ah! ganon ba. next na pupuntahan namin sa horror house, gusto mong sumama" tanong ni jayson sakin.

Tatanggi sana ako na sumama sa kanila, pero pinagtulungan nila ako at saka inasar na duwag. Kaya naman napasabak ako ng gabing iyon.

Sa totoo lang, mahilig akong makinig ng nakakatakot na kwento. pero ayoko sa lahat ay pumasok sa mga horror house kahit na, alam kong mga tao yung nandoon at hindi totoong multo. Still natatakot parin ako kase minsan may mga kaluluwa ang nagpapakita sakin. Kaya ayokong pumasok sa mga ganon.

60 pesos ang entrance isang tao. Marami din kami that time. kasama din namin kasi yung mga tito namin. kaya naman dumami kaming pumasok.

" Excited to mas marami mas masaya" sabi ni irene na isa sa mga pinsan kong babae.

" Baka naman may sakit sa puso yung iba sa inyo? Wag na kayo pumasok baka problemahin pa namin" sabi ni tito jhon samin.

" Walang may sakit sa puso dito. Ang mga garcia ay matatapang na tao" sabi naman ni tito rey.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon