The Story Behind His Death Too.

3.5K 97 3
                                    

Ito ay kwento ng multong kalabaw kung paano, bakit at ano ang dahilan nito. kong bakit siya nagpapakita at nagpaparamdam sa baryo namin.

( This chapter based on the story in my previous chapter in title " Kalabaw" sorry sa grammar bow )

Anong dahilan nito kung bakit siya nagpaparamdam sa tuwing sasapit ang dilim.

May gusto ba siyang sabihin sa amin o baka naman isa sa mga tao dito sa aming barangay ang may kinalaman sa pagkamatay nito.

Sino siya? Saan siya nanggaling? Bakit kalabaw ang anyo niya sa tuwing nagpapakita ito sa amin?

Ang daming katanungan sa aking isipan na gusto kong masagot.

Mga katanungang bumabagabag sa aking isipan sa tuwing naririnig ko ang usapan ng mga matatanda sa aming lugar. Kapag nagpapakita ang nasabing kalabaw. Sino siya? Kabaryo ba namin siya? O baka naman isa lang siyang dayo sa lugar na kanilang pinatay.

Lahat ng aking katanungan, ay nasagot sa pamamagitan ng aking tita. Siya ang nagsabi sa akin. kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng bantay na kalabaw?

Tayo na't alamin natin ang storya ng bantay sa aming lugar.

( lahat ng mababasa niyong pangalan sa kwentong ito ay hindi nila totoong pangalan sa totoong buhay. Yun lang enjoy )

Edward Lavarias o kilala bilang si kuya eduardo.

Si kuya eduardo ay kilala sa aming lugar bilang isang mabait, mapag-kumbaba, masiyahin at mayamang tao sa aming lugar. Siya ang nilalapitan ng mga tao sa tuwing sila ay nagigipit.

Isang lapit lang nila kay kuya eduardo ay agad silang tutulungan nito, na bukal sa kanyang puso.

Hindi matatawaran ang kabutihang ibinibigay nito sa kanyang mga kapit-bahay sa aming barangay.

Isa rin si kuya eduardo ang pinaka-mayaman na tao sa lugar nila lola. Kahit na gaano siya kayaman, hindi niya ito pinag-mamayabang sa iba. Sa halip ay nakikipag-halubilo ito sa mga tao sa amin. Kumakain kasama nila at nakikipag-kulitan pa sila sa kanya. Lubos na iginagalang ng lahat si kuya eduardo dahil sa mga kabutihang ginagawa nito sa aming lugar.

Kahit na sina lolo't lola ay bilib sa kabutihang pinapakita nito.

Ngunit!

lahat ng iyan ay nagbago dahil ang dating kuya eduardo na masiyahin at sobrang bait ay naging suplado, arrogante at turing niya sa mga tao sa aming lugar ay " BASURA".

Ang dating kuya eduardo na malapit sa mga tao ay naging mailap ito. Hindi na siya lumalabas ng kanyang bahay na tila takot ito sa mga taong nakatira sa aming lugar.

Labis ang kalungkutan ng mga tao sa lugar namin dahil sa pagbabago nito ng ugali.

Ang kuya eduardong walang bisyo sa buhay ay naging babaero, laging umiinom at lagi nila itong nakikitang naninigarilyo.

Gusto man tanungin, ng mga taong tinulungan nito. kong anong problema niya, at baka  matulungan siya ng mga ito. ngunit hindi nila magawa dahil sa lagi nila itong nakikitang galit at sinisigawan ang kanyang mga katulong. na dati ay hindi naman niya ginawa.

Hindi alam ng mga taong nandoon kong anong dahilan ng pagbabago nito. Kung bakit siya galit na galit sa mga taong nasa lugar namin.

Lumipas ang mga araw, ang dating maganda at marangyang buhay ni kuya eduardo ay naging masalimuot at puno ng paghihirap. Nagkada-letche-letche ang buhay nito, dahil sa isang bagay o dahilan na hindi namin alam.

Nawala ang lahat ng kanyang yaman at ari-arian, dahil sa paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot at sa araw araw niyang pagsusugal.

Isang araw may kumalat na balita tungkol kay kuya eduardo. Ang sabi ng mga tao sa lugar namin, kaya daw nagbago ng husto si kuya eduardo dahil sa sakit nito na " LEUKEMIA" . Ayon sa mga tsismosa sa aming lugar, hindi na daw magtatagal ang buhay ni kuya eduardo. kaya naman ganon na lamang ang paggasta ng kanyang pera dahil sa nalalabi na ang kanyang buhay.

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon