Saint ( A Bad Dream )

7.1K 216 20
                                    

Nangyari ang kababalaghang ito ng ako ay seven years old pa lang at hanggang ngayon ay hindi ko pa ito nakakalimutan.

Dito rin nagsimula ang phobia ko sa mga santo niño.

~~~

Habang kami ay naglalaro ng kapatid ko ng habol-habulan.

Isang hindi maipaliwanag na dahilan ang nangyari sa akin.

Bigla akong nadulas habang hinahabol ako ng kapatid ko.

Tatayo na sana ako ngunit hindi ako makatayo samantalang yung mga kapatid ko ay tawa ng tawa habang tinititigan nila ako.

Humingi ako ng tulong sa kanila ngunit hindi nila ako tinulungan sa halip nginitian lang nila ako saka sila lumabas sa loob ng kwarto.

Nakadapa ako habang ang isa kong kamay ay nasa gilid ko samantalang yung isa kong kamay ay nakataas samantalang ang aking ulo ay nakaharap sa kaliwa kong saan nandoon ang aming mga santo niño.

Pilit kong ginagalaw ang buo kong katawan pero hindi ko magawang igalaw ang aking katawan.

Sumisigaw ako ng malakas pero parang ako lang ang nakakarinig. Humingi ako ng tulong sa nanay ko at sa tita ko na nasa labas ng aking kwarto dahil naririnig ko silang nagtatawanan at nagkwekwentuhan pero kahit anong sigaw ko parang hindi nila ako naririnig.

Hanggang sa nagsawa ako sa kakasigaw at saka ako humarap sa aking kaliwa kong nasaan ang aming mga Santo niño. Magdadasal na sana ako na sana makagalaw at makatakas ako sa bangongot na ito pero laking gulat ko na bigla na lang gumalaw ang isa naming santo niño.

Umalis ito kung saan siya nakatayo at saka ito nakatingin ng masama sa akin.

Lumapit ito sa akin habang nakatingin ng masama at saka ito humiga sa harap ko at saka niya ako tinitigan sa mata.

Takot na takot ako sa mga oras na yon, gusto kong ipikit ang aking mga mata pero hindi ko magawa. Kaya naman kahit natatakot ako wala akong nagawa kundi ang tumitig sa mga asul nitong mga mata.

Nakikita ko sa mata ng aming santo niño na siya ay galit na galit ngunti hindi ko alam kung bakit. Inilapit nito ang kanyang bibig sa aking tenga at saka may ibinulong ito sakin na hindi ko naiintindihan.

Habang binubulong nito sakin nararamdaman ko ang galit at babala habang sinasabi niya ito sa tenga ko.

Pagkatapos nitong bumulong sa tenga ko saka naman siya unti unting naglalaho at saka ako nagising habang umiiyak.

Ginising ako ng nanay at tatay ko dahil nanaginip daw ako ng masama iyak daw ako ng iyak at pilit nila akong ginigising pero di raw ako magising. Kaya naman ng magising ako agad nila akong pinainom ng tubig dahil hingal na hingal ako.

After kong uminom ng tubig saka ko siniksik ang aking sarili kila nanay at tatay.

Bago pumikit ulit ang aking mga mata saka ko narealize na nasa harap ko pala ang santo niño na nagpakita sa panaginip ko.

Simula noon kapag tumitingin ako sa aming santo niño parang ngumingiti ito sakin. Feeling ko gumagalaw ito kaya naman malaki ang takot ko sa santo niño.

~~
Vote and comment

TRUE HORROR STORY ( Kilabot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon