HIDDEN

By PurpleSwallow

132K 7.6K 713

Wala lang. More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap.14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
AUTHOR'S NOTE
Chap. 35
Cont. Chap. 35
Chap. 37
Chap. 38
Chap. 39
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 36

2.8K 190 29
By PurpleSwallow

AN : Sa lahat ng mga nakabasa ng HIDDEN CHAPTER maraming salamat sa matyaga ninyong paghihintay. Doon naman sa mga SILENT READERS na hindi sumusunod sa instruction pasensya na po; Abangan na lang po ninyo kung kelan muling maipost ang HIDDEN Chapter ng story na 'to.

==================================================

Agad kumilos si Hans upang umuwi ng kanyang bahay. Maging sina Coby at Ysabel ay sumakay ng kanya kanyang sasakyan. Mabilis pinatakbo ni Hans ang kanyang kotse; hindi nya parin lubos maisip ang katotohanang inilahad ni Coby sa kanya.

"Dios ko, sana makita ko na si Poleng sa madaling panahon. Sigurado akong hinahanap parin nya ang anak namin. Bakit nagawa sa akin ito ni Patricia?" Napapatanong si Hans sa kanyang sarili. Pakiramdam nya may mga bagay na dapat malaman.

KRINGGG KRINGGG

Tumunog ang cell phone ni Hans. Dumating ang tawag ni Ysabel.

(Hijo, ipanatag mo ang loob mo. Hayaan mo ang mga pulis ang humawak kay Patricia. Kailangan mo lang makuha ang anak mo.)

"Alam ko po 'yon, Mamita. Tinatanong ko lang po sa isipan ko kung bakit nagawa 'yon ni Patricia sa akin?"

( Marahil may dahilan si Patricia na ayaw nyang ipaalam sa 'yo. )

"Kung ano man 'yon malalaman ko rin.  Wala na syang maidadahilan pa ngayon. At hindi na sya pwedeng gumawa ng kwento."

Batid ni Ysabel ang galit ni Hans sa nobya.

BROMMMMMMMMM BROMMMMMM

Samantala, sa bahay ni Hans; inaasikaso ni Patricia ang bata. Pinapadede na nito ng gatas ang sanggol. Nang..

"Maam Patty, may mga pulis po sa labas." tawag ng katulong.

"P-Pulis? Bakit?" Biglang kinabahan si Patricia. Agad n'yang binuhat ang sanggol. Sa ilalim ng kama may kinuha si Patricia..Isang balisong. Itinago n'ya ito sa kanyang tagiliran. At muling tinakpan ng kanyang t-shirt.

Lumabas si Patricia sa silid.

"Good Evening, Ms. Adrimante."

"Good Evening."

"Ma'am may warrant of arrest po kami. Pinapahuli po kayo ni Mr. Simone." Sabi ng pulis.

"Ano?!' Nabigla si Patricia sa sinabi ng pulis.

Akmang lalapit sana ang mga pulis ngunit..

Umatras si Patricia at hawak hawak ang bata.

"Hindi! Hindi n'yo mailalayo sa akin ang batang ito. Ako ang kanyang ina." Pinagdidiinan parin ni Patricia.

"Maam, sumama po kayo sa amin ng maayos. Hindi po namin kayo sasaktan." Sabi pa ng pulis.

"H'wag kayong lumapit sa akin!" Singhal ni Patricia.

"Maam, sa himpilan po kayo magpaliwanag." Humakbang muli ang pulis.

Pero..

"Sige!! Lumapit kayo..KUNDI PAPATAYIN KO ANG BATANG ITO!!!"

Bigla nalang nilabas ni Patricia ang balisong sa kanyang tagiliran at itinutok ito sa gilid ng leeg ng bata.

"Maam!!" Nagsigawan ang mga katulong.

"Sige, pagkaisahan nyo ako..hindi mabubuhay ang batang ito bago nyo ako maidadala sa presinto." Sabi ni Patricia.

Pahakbang naman si Patricia palabas ng pinto.

Hindi nya napansin na nasa likuran nya si Hans.. Biglang..

Pinigilan ni Hans ang kanyang kamay na may balisong.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Patricia sa gulat.

Pilit inagaw ni Hans ang balisong sa kamay ng nobya. Dali dali namang lumapit ang pulis at kinuha ang bata sa kamay ni Patricia. Nanlaban parin si Patricia. Nang..

PAK PAK

Sunod sunod na sampal ang pinakawalan ni Hans..dahilan sa natumba sa sahig si Patricia.

Mabilis namang hinawakan ng mga katulong si Patricia at pinigilan ng husto.

"Bakit Patty? Bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit mo ako niloko?!!"

Lakas ng bulyaw ni Hans.

Hindi magawang magsalita ni Patricia. Dala ng takot nya.

"Hans.." Tawag ni Patricia sa pangalan ng nobyo.

Umiling si Hans.

"You deserve this..pinaikot mo kaming lahat..pinaniwala mo..sinaktan mo ang damdamin ng asawa ko! Ngayon, oras mo na para mabulok sa selda."

"Hans, makinig ka may dahilan ako..malaki ang problema ko." Nababasag na boses ni Patricia.

"Alisin n'yo s'ya sa harapan ko!" Utos ni Hans sa mga pulis. Ayaw n'yang makinig sa paliwanag ni Patricia.

"Hans! Hans!" Sigaw ng sigaw si Patricia habang pinilipit na isakay sa Patrol Car.

Napapikit si Hans habang papalayo ang sasakyang ng mga pulis. Naramdaman nya na tila natanggal ang isang tinik sa kanyang dibdib. Gayun paman gusto n'ya ang kasagutan mula sa bibig ni Patricia. Ibinigay kay Hans ang kanyang anak.

"Hahanapin na natin ang nanay mo sa madaling panahon." Nasabi ni Hans.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi na hinayaan ni Kurt na umalis pang muli si Poleng.

"Poleng, h'wag ka nang pumunta kung saan saan. Alam mo, mabuti pa sumama ka muna sa akin sa bahay ko dito sa Assuncion. Magpahinga ka. Bukas bumalik na tayo sa Santa Catalina. Alam kong nag-aalala na rin ang asawa mo sa 'yo."

"Hindi 'yon mag-alala sa akin." Pinaggiitan parin ni Poleng.

"Pwede ba naman 'yon?"

"Sigurado ako 'no."

Napangiti lang si Kurt. Pakiramdam ni Kurt ang gaan gaan na pakikitunguhan si Poleng.

"Wala ka ba talagang balak na bumalik muna sa inyo?"

"Hahanapin ko nga ang anak ko. Tsk. Mahirap ng bumalik doon baka bantay sarado na naman ako."

"Ano ka kriminal? " Pabirong tanong ni Kurt.

"Ewan. Inisip siguro nila nasisiraan ako ng bait dala ng depresyon ko."

"H'wag kang panghinaan ng loob. Makikita mo rin ang anak mo. "

"Eh, natatakot nga ako baka ibinenta na sa ibang tao."

"Leng, siguro naman hindi tanga ang kukuha ng anak mo na di aalamin kung saan ang pinagmulan ng bata."

"Naku, mabuti kung ganun ang iisipin..Papano kung hindi? E di tuluyang di ko na makikita ang anak ko." Muling nababasag ang boses ni Poleng.

"H'wag kang mag-alala hindi natutulog ang Dios." - si Kurt.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Samantala, sa condo ni Hans natanggap ni Nonoy ang balita kaya agad na pinaalam ni Nonoy kay Aling Carmen.

"Aling Carmen, nasa kulungan po daw si Patricia. Pinakulong ni Hans."

"Bakit?"

"Napatunayan na po na hindi si Patricia ang ina ang sanggol kundi si Poleng."

"Ha? Paano nangyari 'yon?"Nagtataka si Aling Carmen.

"Hindi ko rin po alam. Mabuti pa pong umalis ho tayo at puntahan natin si Patricia sa presinto."

"Dios ko Nonoy, anong gagawin nila sa anak ko? Maawa naman sana si Hans." Nagsimulang mag-alala si Aling Carmen. Mabilis din namuo ang luha ng matanda.

"Nay, pumunta na tayo doon at alamin natin. "

Mabilis silang umalis ng bahay.

Umabot din sa kaalaman nina Carlota at Elsa ang nangyari..

"Tama lang na sa kulungan ang lagpak ng malditang Patricia na 'yan! Sana mabulok na sya sa loob ng selda. Bwisit pinaikot nya lang tayong lahat." Galit na galit si Carlota.

"Ang galing umarte ng bruha kaya ayan ang BEST ACTRESS AWARD n'ya." Sabi rin ni Elsa.

"Sana maayos na ang lahat ng ito."

"Oo nga. Ang daming hirap na ang dinanas ni Poleng. Sa tingin mo ba itutuloy ni Hans na ipapawalang bisa ang kasal nila ni Poleng?" Tanong ni Elsa.

"Hindi natin alam ang tumatakbo sa utak ni Hans. Parang ayaw kong umasa at magtiwala. Alam mo namang, iba ang kalagayan kapag TOTOONG MAG-ASAWA NA. 'Yong tipong walang acting-an na nangyayari. "

"Kung sabagay." Sangayon din si Elsa.

Sa hospital naman..dumating ang isang katulong mula sa bahay ni Patricia. Agad nitong pinarating kay Vivian ang nangyari sa anak nito.

"Anong sabi mo? Pinakulong ni Hans si Patty? Bakit?"

"Napatunayan daw po na hindi si Maam Patty ang ina ng anak ni Sir Hans."

"Anong pinagsasabi mong anak? Hindi kita maunawaan."

"Naku Maam, mabuti pa po sumama na kayo sa akin na pumunta ng presinto. Alamin natin ang buong detalye."

Kinabahan ng husto si Vivian.

----------------------------------------------------------------

Ang nangyari kay Patricia ay mabilis kumalat sa mga kaibigan at kakilala ng dalaga. Nakarating din kay Malou ang nangyari sa kaibigan.

"Shit! Eto na nga ang sinasabi ko. Patay ako nito. Kailangan kong makalabas ng bansa." Napaisip agad si Malou.

Subalit, maging ang DNA CENTER ay nasangkot din sa usapin at nagkaroon ng madaliang pasisiyasat. Dahil na nga sa maling impormasyong binigay nito.

"Totoo naman pong hindi magkadugo sina Patricia, Pauleen at ang sanggol. " Pag-amin ng empleyado ng DNA Center.

"Pero bakit ninyo pinalabas sa result na INA NG BATA SI PATRICIA?" Tanong ng Police.

Hindi naman agad nakasagot ang empleyado. Subalit dala ng takot nito..

"Napag-utusan po ako.."

"Sino?"

"Ni Maam Malou."

Inalam ng Pulis kung sino si Malou. Nang malaman nila na magkasabwat sina Patricia at Malou sa paggawa ng pekeng resulta.Agad nang inalarma ng kapulisan ang International Airport at Immigration.

-----------------------------------------------------------------------

Inilagay sa kulungan si Patricia. Panay ang kanyang iyak. Hindi nya inakalang mangyari ang lahat.

Maya-maya lang dumating sina Vivian at ang katulong nito.

"Patty.." Halos sasabog ang puso ni Vivian nang makita ang anak sa loob ng selda.

"Patty..anong nangyari? Anak bakit ka nakakulong?" Iyak ng iyak si Vivian. At maging si Patricia ay ganun din. Hindi nya magawang sagutin ang mga katanungan ng ina. Hinawakan nya ang kamay ng kanyang ina sa rehas na bakal.

"Ma, ginawa ko lang talaga ang lahat..ayaw kong mawala ang lahat sa atin..kaya ko ginawa ang lokohin si Hans.." Iyak ng iyak si Patricia.

"Ano nga ang ginawa mo?" Tanong ng ina. Nang..

"Bitawan n'yo ako! Darating ang abogado ko!"

Narinig nila ang boses ni Malou.

"Malou!!" Sigaw ni Patty.

Napatigil si Malou sa pagwawala nito.

"Shit! Patty, nasangkot ako sa kalokohan mo." Bulyaw ni Malou.

Napatikum ng bibig si Patricia. At napayuko sabay ang paghagulgol.

"I'm sorry.." Sambit nya.

Litung lito parin si Vivian sa mga ginawa ng anak.

Maya maya lang dumating si Hans..Kasabay nina Aling Carmen at Nonoy. Malayo pa si Aling Carmen nang makita si Patricia. Tumakbo na agad ito.

"Anak! Anak ko!"

Sa sigaw ni Aling Carmen napalingon si Vivian. Dahilan na napahinto rin si Aling Carmen.

"Vivian.."

"Carmen.."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN : Bitin muna. Juscolored ! Busy ang lola ninyo kaya binilisan ko na ang chapter na 'to.  bahala na ang imagination ninyo tutal mga BRIGHT naman kayo, di ba? Wait sa next Chapter.


















Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 86.9K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
314K 4.4K 20
On the process of editing.
115K 3.5K 16
WARNING:SPG Alexa Ramirez, boyish pero deep within babaeng babae siya, isang babaeng nagmamahal ng lihim sa kanyang bestfriend, si Kent Andrew Gonza...
1.7M 42.8K 51
SPG Alert! Thankful even though you had a rough times forgetting what had happened in the past. Would you still be thankful when the reason of your...