Chap. 18

2K 161 13
                                    

Mahigit isang Linggo na halos malalim ang iniisip ni Hans. Naghihintay sya ng tawag ni Patricia. Samantala si Poleng ay pinagmamasdan si Hans sa mga kinikilos nito. Hanggang isang gabi..

"Siguro nagugulohan si Hans sa mga nangyayari ngayon. Mabuti pang kausapin ko sya." Nagsimula nang mag-alala si Poleng.

Lumapit si Poleng kay Hans. Nakaupo si Hans sa isang bench sa kanilang hardin. Tumabi si Poleng.

"Hans, bakit nandito ka?" Panimula ni Poleng.

"Nagpapahangin lang ako."

"May problema ka?"

"Wala." Sagot ni Hans.

Gustong gusto na tanungin ni Poleng ang tungkol sa susunod na plano ni Hans ngunit nag-aalangan sya.

"Bakit ka pa gising, Leng? Matulog kana."

"Hindi pa kasi dinadalaw ng antok."

Hindi nagsalita si Hans. Nang..

KRINGGGG KRINGGGG

May dumating na tawag para kay Hans. Nasa pagitan ni Poleng at Hans ang cellphone. Kaya nabasa ni Poleng kung sino ang tumatawag.

"Hello, Pat."

Mabilis na tinanggap ni Hans ang tawag ng nobya.

Kinabahan agad si Poleng.

"Dumating kana pala. Okay, Let's meet at the bar." Sabi ni Hans.

Narinig ni Poleng.

"Hans, aalis ka?"

"Yup. Magkikita kami ni Patty. Matulog kana, Leng." Nagmamadaling umalis si Hans. Gustong pigilan ni Poleng pero hindi n'ya magawa. Nakikita n'ya na tila hinahabol ni Hans ang oras. Batid ni Poleng na sabik si Hans sa nobya nito. At muli syang nakadama ng lungkot.

Sa Bar..

"Hans.."

Agad lumapit si Hans kay Patricia. Bigla syang niyakap ni Patricia at hinalikan. Gumanti naman si Hans dahilan naghiyawan ang kanilang mga kaibigan.

"Ayeee! Sabik na sabik sila sa isa't isa." Sabi pa ni Malou.

"Syempre, mahigit isang Linggo sinong hindi mamimiss ang paglalambingan , di ba?" Sabi ng isang lalaki at tinapik ang balikat ni Hans. Kumindat pa si Malou kay Patricia.

Napansin ni Patricia na masigla ni Hans nang makita s'ya.

"Babe, namiss mo ba ako?" Tanong ni Patricia.

Tumango si Hans.

"Ako rin namiss kita." Bulong ni Patricia sa tenga ni Hans.

Hinapit ni Hans ang baywang ng nobya.

"So, can we make love tonight?" Tanong ni Hans.

"I'm all yours."

Ngumiti si Hans at siniil ng halik ang nobya.

"Then, what are we waiting for? " Bulong ni Hans.

Ngumiti si Patricia.

"Okay." Malanding sagot n'ya.

May isang malapit na Hotel sa Bar na pinuntahan nila.

"I have no time. Hindi na pwedeng idaan ko pa ito sa mahabang prosesyon at dasal. I have to act now. Gusto ni Mamita ng apo. Pwes, ibibigay ko sa kanya." Sa isip ni Hans. Agad pumunta sa receptionist si Hans at kinuha ang card ng kanilang silid.

"Hans, are you okay?"

"Yeah, Babe. I'm okay." Ngumiti lang si Hans.

Naglakad sila papasok sa elevator. Sa loob palang ng elevator hindi na napigilan ni Hans ang sarili na di simulang painitin ang nobya.

HIDDENWhere stories live. Discover now