Chap. 36

2.8K 190 29
                                    

AN : Sa lahat ng mga nakabasa ng HIDDEN CHAPTER maraming salamat sa matyaga ninyong paghihintay. Doon naman sa mga SILENT READERS na hindi sumusunod sa instruction pasensya na po; Abangan na lang po ninyo kung kelan muling maipost ang HIDDEN Chapter ng story na 'to.

==================================================

Agad kumilos si Hans upang umuwi ng kanyang bahay. Maging sina Coby at Ysabel ay sumakay ng kanya kanyang sasakyan. Mabilis pinatakbo ni Hans ang kanyang kotse; hindi nya parin lubos maisip ang katotohanang inilahad ni Coby sa kanya.

"Dios ko, sana makita ko na si Poleng sa madaling panahon. Sigurado akong hinahanap parin nya ang anak namin. Bakit nagawa sa akin ito ni Patricia?" Napapatanong si Hans sa kanyang sarili. Pakiramdam nya may mga bagay na dapat malaman.

KRINGGG KRINGGG

Tumunog ang cell phone ni Hans. Dumating ang tawag ni Ysabel.

(Hijo, ipanatag mo ang loob mo. Hayaan mo ang mga pulis ang humawak kay Patricia. Kailangan mo lang makuha ang anak mo.)

"Alam ko po 'yon, Mamita. Tinatanong ko lang po sa isipan ko kung bakit nagawa 'yon ni Patricia sa akin?"

( Marahil may dahilan si Patricia na ayaw nyang ipaalam sa 'yo. )

"Kung ano man 'yon malalaman ko rin.  Wala na syang maidadahilan pa ngayon. At hindi na sya pwedeng gumawa ng kwento."

Batid ni Ysabel ang galit ni Hans sa nobya.

BROMMMMMMMMM BROMMMMMM

Samantala, sa bahay ni Hans; inaasikaso ni Patricia ang bata. Pinapadede na nito ng gatas ang sanggol. Nang..

"Maam Patty, may mga pulis po sa labas." tawag ng katulong.

"P-Pulis? Bakit?" Biglang kinabahan si Patricia. Agad n'yang binuhat ang sanggol. Sa ilalim ng kama may kinuha si Patricia..Isang balisong. Itinago n'ya ito sa kanyang tagiliran. At muling tinakpan ng kanyang t-shirt.

Lumabas si Patricia sa silid.

"Good Evening, Ms. Adrimante."

"Good Evening."

"Ma'am may warrant of arrest po kami. Pinapahuli po kayo ni Mr. Simone." Sabi ng pulis.

"Ano?!' Nabigla si Patricia sa sinabi ng pulis.

Akmang lalapit sana ang mga pulis ngunit..

Umatras si Patricia at hawak hawak ang bata.

"Hindi! Hindi n'yo mailalayo sa akin ang batang ito. Ako ang kanyang ina." Pinagdidiinan parin ni Patricia.

"Maam, sumama po kayo sa amin ng maayos. Hindi po namin kayo sasaktan." Sabi pa ng pulis.

"H'wag kayong lumapit sa akin!" Singhal ni Patricia.

"Maam, sa himpilan po kayo magpaliwanag." Humakbang muli ang pulis.

Pero..

"Sige!! Lumapit kayo..KUNDI PAPATAYIN KO ANG BATANG ITO!!!"

Bigla nalang nilabas ni Patricia ang balisong sa kanyang tagiliran at itinutok ito sa gilid ng leeg ng bata.

"Maam!!" Nagsigawan ang mga katulong.

"Sige, pagkaisahan nyo ako..hindi mabubuhay ang batang ito bago nyo ako maidadala sa presinto." Sabi ni Patricia.

Pahakbang naman si Patricia palabas ng pinto.

Hindi nya napansin na nasa likuran nya si Hans.. Biglang..

Pinigilan ni Hans ang kanyang kamay na may balisong.

HIDDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon