Chap. 24

2.2K 157 3
                                    

Napapaisip ng maigi si Carlota kung anong gagawin. Naisipan n'yang puntahan na lamang si Aling Carmen.

Habang si Aling Carmen naman..

"Bakit kinakabahan ako sa babaeng 'yon? Hindi ko naman sya kilala. Ay naku, bakit nga ba hindi ko naalalang tanunging ang pangalan n'ya? Tsaka, bakit niyakap nya ako bago sya umalis? Mmmmm.." Napaisip ng malalim ang matanda.

"Nanay Carmen!" Tawag ni Carlota sa labas ng bakuran.

"Calorta, halika ka."

Kinakabahan si Carlota na lumapit sa matanda.

"Nay, kanina nakita kong may bisita pala kayo. Sino 'yon?"

"Ahh ehh..hindi ko nga natanong ang pangalan eh. Napadaan lang kanina dito. Hinahanap ang daan papunta sa pagawaan ng muebles ng mga Simone." Sabi ni Aling Carmen.

Lihim na nagulat si Carlota.

"Eng! pumunta na 'yon dito. Imposibleng hindi nya alam ang pagawaan ng muebles ni Hans..eh magkasintahan sila. Naku, di kaya inaalam nito ang mga bagay-bagay tungkol kay Poleng? Pero nakapagtataka naman at nagkainteres pa sya? Wala naman syang mapupulot." - si Carlota

"Carlota may sinasabi ka ba?"

"Wala po 'Nay. Oo nga pala bago ko malimutan? May kailangan po ba kayo dito? Pupunta kasi ako sa bayan. Baka meron kayong ipapabili."

"Salamat. Bilhan mo nga pala ako ng gamot sa botika. Aba'y sumasakit na naman ang mga tuhod ko. Ang hirap manahi kung wala si Poleng. Ang dami daming mga pinapatahing uniporme sa akin 'yong mga guro sa elementary d'yan sa bayan. Kaya gabi-gabi ang hirap matulog."

"H'wag kayong mag-alala 'Nay. Babalik din si Poleng dito."

"Sana nga. Ang hirap kung wala s'ya."

"Nay, tila masarap 'yong usapan ninyo nung babae kanina. Narinig ko po kasing humahagikhik pa kayo."

"Ay, natuwa lang ako. Dahil napansin nya ang basag na alarm clock ni Poleng. Sabi ko nabasag dahil madalas tinatapon ni Poleng sa sahig tuwing nauudlot ang kanyang panaginip kay HANS."

Napangiwi ang mukha ni Carlota.

"Anak ng siopao! Sinabi pa ni Nanay Carmen kay Patricia..naku, lalong mag-iisip 'yon ng masama kay Poleng. Waaaaaaaa!!"

"Carlota, masama ba ang pakiramdam mo at napapangiwi ka d'yan?"

"Okay lang ako 'Nay. " Agad umayos si Carlota.

Inabot ni Aling Carmen ang pera na pambili ng gamot nya. Hindi naman nagtagal si Carlota. Naisipan n'yang habulin si Patricia. Dali daling naglakad si Carlota na tinungo ang pagawaan ng muebles ni Hans.

"Carlota, anong kailangan mo?" Sinita si Carlota ng isang gwardia.

"Ah..eh..may gusto sana akong tignan sa loob."

"Bakit?"

"Balak kong bumili ng bagong set ng upuan." Kunwaring dahilan ni Carlota. Kaya pinayagan s'yang makapasok.

Palinga linga pa si Carlota sa paligid. Hanggang nakita n'ya ang ilang mga tauhan na gumagawa ng mga muebles. Hinanap ni Carlota ang isa sa mga katiwala ni Hans. Sa kanyang paghahanap nakita nya si Patricia at Hans na magkahawak ng kamay. Sinikap ni Carlota na di s'ya makikita ni Hans.

"Sir kelan po ang balak n'yong magpakasal ni Maam Patty?" Tanong isang tauhan sa dalawa. Nagkatinginan pa sina Hans at Patty.

"Ah..malapit na ho." Tipid na sagot ni Hans.

HIDDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon