Chap. 19

2.1K 155 5
                                    

AN : Ang kwentong mababasa nyo ay MINADALI KO. Kasi hindi ito ang sentro ng lahat. Sana magustohan nyo parin ang kwento.
-----------------------------------------

Parang naupos na kandila si Patricia. At tumulo ang kanyang luha. Sa buong buhay nya hindi n'ya naramdaman na hindi sya tinuring na ampon lamang ng mag-asawa. Lahat ng luho ay ibinigay sa kanya. Kahit pa mahilig magsugal ang kanyang ama; binibigay parin sa kanya ang lahat lahat. Pinaaral sya ng maayos; pinakain at minahal. Kaya baon sa isip ni Patricia ang lahat lahat na magagandang pagsasama nila bilang pamilya. Kaya kahit anong mangyari hindi nya kayang talikuran ang kanyang kinagisnang magulang.

"Bakit ako pinamigay ng ina ko?" Ang tanong ni Patricia.

FLASHBACK

Noong nasa Ilo-Ilo pa lamang si Carmen, namasukan s'ya bilang manggagawa sa asukarera . Madalas ginagabi na sya sa pag-uwi. May masugid na manliligaw si Carmen..si Kadyo na isang Security Guard. Madalas, inaabangan ni Kadyo si Carmen sa kanyang pag-uwi.

Maliban kay Kadyo ay marami pang nagkakagusto kay Carmen. Ang iba ay walang lakas na loob na manligaw sa dalaga. Tanging si Kadyo lamang ang nagpakita ng tunay na paghanga sa dalaga.

Subalit isang gabi..

"Carmen, pwede bang malaman ko ang kasagutan mo? Matagal tagal narin kasi akong nanliligaw sa 'yo.'

"Hoy, Kadyo. Hindi kita pinapaasa. Di ba sabi ko sa 'yo marami pa akong obligasyon sa buhay. Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng relasyon. Kaya pwede, tama na ang panliligaw mo."

"Carmen, mahal kita."

"Aysus, Kadyo wala pa nga sa isipan ko. Ano ka ba ang kulit mo?"

Naiinis na si Carmen sa pinapakita ni Kadyo.

Walang nagawa ang binata kundi dibdibin ang mga sinabi ni Carmen. Ngunit hindi parin n'ya tinantanan na suyuin ang dalaga. Hanggang isang gabi, mag-isang umuwi si Carmen..

Malakas ang ulan at mahangin. Nagmamadaling umuwi si Carmen. May kalayuan pa ang hintayan ng dyip mula sa asukarerang kanyang pinagtatrabahuan. Sa paglalakad ni Carmen may 3 kalalakihan ang humarang sa kanyang dinadaanan.

"He he he he.. Hello, Carmen."

Nagulat si Carmen sa tatlong lalaki. Napaatras sya. Humakbang palapit kay Carmen ang dalawa sa mga lalaki at sa pilitang hinawakan ang mga kamay ni Carmen.

"Bitawan n'yo ako! Bitawan n'yo ako!!"

Nagpupumiglas si Carmen.

"Tulong! Tulongan n'yo ako!!"

Halos mamaus si Carmen sa pagsigaw upang makakuha ng saklolo subalit walang ibang taong napapagawi. Dinala s'ya sa madamung lugar at may kalayuan sa kanyang pinagtatrabahuan..

Isa sa mga lalaki ang lumapit at pinunit ang damit ni Carmen.

"H'wag maawa ka sa akin." Nagmakaawa si Carmen.

"He he he he he..bakit akala mo ako ang gagahasa sa 'yo?" Napangiti na parang demonyo ang lalaki. Biglang piniringan ni Carmen.

Mayamaya..

"Ayos na Pare." Narinig ni Carmen ang sinabi ng isa sa mga tatlong lalaki.

Nanginginig si Carmen sa susunod na mangyayari.

"Kadyo, galingan mo ng maigi. Salamat!"

"Si Kadyo ang may pakana nito?" Naisip agad ni Carmen.

"Hayop ka Kadyo! Pakawalan mo ako!!" Nagsisisigaw si Carmen. Ngunit hindi nagsasalita si Kadyo.

Nagwawala si Carmen ngunit malakas ang lalaki . Sa pilitang hinubaran si Carmen ng kanyang mga saplot at hinalay ang dalaga.

HIDDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon