Chap. 6

2.5K 173 11
                                    

Akmang lalapit sana si Hans sa entablado ngunit pinigil ni Coby . Habang sa entablado naman ay pinagtutulungang pinapaalis ang lalaking lumapit kay Poleng.

"Poleng bumaba ka d'yan!" Sigaw ni Hans.

"Hoy! Tumigil ka nga." Saway ni Coby.

"Pare, kilala ko 'yong isa sa mga dancer." Sabi ni Hans.

"Eh, ano ngayon? Hayaan mo. Hindi naman 'yon masasaktan ng lalaking umakyat."

"Ulol! Kaibigan ko 'yon." Sabi ni Hans.

"Relax, panira ka ng moment eh." Sabi ni Coby at pinilit pinaupo si Hans. Ngunit ayaw papigil ang binata. Mabuti nalang at pinaalis muna sina Poleng sa entablado .

"Poleng bakit mo ito naisipang gawin?" Tanong ni Hans sa sarili.

Naisipang puntahan ni Hans ang backstage kaso muli na namang pinigil ni Coby.

"Ano ba Coby bitawan mo nga ako."

"Hoy, h'wag kang gumawa ng eksena dito. Hans, mamaya mo nalang puntahan 'yong kaibigan mo. nakikita mo namang maraming nakabantay sa tabi tabi. Tsaka mga tauhan 'yan ng Hotel at ng nag-hire sa kanila. Wala tayong dalang panlaban sa mga 'yon. Gusto mo bang mabasag ang mukha natin?"

Napatiim bagang si Hans.

Tuloy ang palabas. Ngunit hindi na nakita ni Hans si Poleng.

"Ano kaya ang nangyari sa backstage?" hindi na naman napapakali si Hans sa pag-aalala sa kaibigan. Alam naman n'yang inosente si Poleng sa mga ganung bagay.

Mayamaya lang..

Muling lumabas ang mga dancer na nakamaskara. Muling nagsayaw sa entablado. Giling ng giling ang mga babae. Kakaiba na ang mga kinikilos..mas maharot na mga paggalaw ng katawan ang nakikita ng lahat.

Muli na namang nagsigawan ang mga kalalakihan. Lalo na nang lumabas ang babaeng nakaBIKINI ng pula. Hugis peras ang katawan. At nang tumalikod ito napahiyaw ang lahat dahil sa magandang kurbada ng balakang.

"Gyaaaaaaa!!! I like that. Wooohhhh!!" Sigaw ng sigaw ang isang lalaki sa katabing mesa nina Hans.

Kilalang kilala ni Hans ang babaeng nakasuot ng pulang Bikini maski pa nakasuot ito ng maskara. Ngunit maging s'ya ay nabigla nang maupo ang babae sa isang silya sabay lumabas ang tubig mula sa itaas ng stage.

"So sexy!!"

Lalong uminit ang mga kalalakihan. Maging si Coby ay nahuhumaling ng husto.

"Shit Coby! mukha kang rapist." Galit si Hans dahil hindi na kumukurap ang mga mata ng kasama nya.

Nang..

May lumapit sa stage at nag-abot ng pera..Tinanggap ng dancer na nakapula ng bikini at sinilid sa kanyang bra. Sabay flying-kiss sa lalaki. Kasunod noon ilang mga kalalakihan pa ang lumapit at ginawa rin ang pagbigay ng pera sabay hipo sa kamay ng dancer.

"Shit!" Napamura si Hans. Maging s'ya ang nataranta narin. Agad inilabas nya ang kanyang pitaka. Hindi n'ya na inisip kung ilang pera ang inilabas nya. Dali dali s'yang tumayo at iniabot sa babae..

"Poleng!" Asik ni Hans.

Tuwang tuwa si Poleng na nangungulekta ng pera sabay flying kiss sa mga lalaki.

"Eng! Si Sir Hans.." Sabi ni Poleng.

Huli na si Poleng upang umiwas..HINILA SYA NI HANS..DAHILAN NATUMBA SYA NG PAHARAP KAY HANS. AT NASABAY SILANG NATUMBA SA SAHIG. NAKADAGAN SI POLENG SA BINATA.

"Ekk!" Napabangon si Poleng.

Biglang may lumapit sa kanila na mga lalaki at hinawakan ang dalawang braso ni Hans.

HIDDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon