Chap. 20

2.3K 174 9
                                    

AN : UPON REQUEST..
-----------------------------------

Umuwi si Poleng sa bahay ni Hans ngunit wala ang binata. Sinubukang tawagan ni Poleng si Hans; ngunit di rin sinasagot ang kanyang tawag.

"Saan kaya s'ya? Dapat ko kayang sabihin sa kanya ang narinig ko tungkol kanina?Kinakabahan ako sa mga sinabi ni Patricia. Sana naman hindi s'ya seryoso sa mga binabalak nya."

Napapaisip ng malalim si Poleng.

Samantala si Patricia naman ay hindi nag-aksaya ng panahon at tinungo ang ospital kung saan ang kanyang ina ay kasalukuyang nagpapagaling.

Nagkaroon ng stroke ang ina ni Patricia, kaya inilagay ito sa isang pribadong silid. Halos kalahati ng kanyang katawan ay paralisado na. At naapektohan ang pananalita nito.

"Mama..kumusta na po kayo?"

"Unggg..ma..bu...ti.."

Hindi napigilan ni Patricia ang di maiyak sa harap ng kanyang ina.

"Mama..pumunta ako dito dahil may gusto kong linawin sa inyo. Gusto kong ipaliwanag ninyo ang tungkol sa papel na ito."

Pinakita ni Patricia ang adoption paper at ang lampin na kanyang nakuha sa silid ng kanyang kinikilalang magulang.

"Patty.." Mahinang boses ng ina ni Patricia. Tila hindi alam kung saan sisimulang sabihin ang lahat.

"Mama..bakit hindi n'yo sinabi sa akin? Karapatan kong malaman ang totoo. Hindi naman ako galit sa inyo eh." Garalgal na boses ni Patricia.

"Anak..pinaampon ka ng ina mo sa amin dahil AYAW NYA SA 'YO."

Parang mabibiyak ang puso ni Patricia nang marinig ang sinabi ng kanyang ina.

"Pero bakit?"

"Hindi..ko..alam.." Ang sagot ni Vivian.

"Bakit hindi n'yo inalam ang dahilan? "

"Hindi..namin..inalam ng ama..mo..dahil..nakikita ka lang namin noon..kasama ang kapatid ni Carmen. Tuwing..umuuwi s'ya galing ..trabaho..galit..na galit s'ya. At madalas..naiinis s'ya sa 'yo. Ikaw..ang dahilan ng kanilang pagtatalo."

Hirap man magsalita si Vivian ay sinikap n'yang magkwento.

"Ang huling balita namin..bago.. s'ya pumunta ng bahay kasama mo..ay..nagkasakit ang kanyang kapatid.. Kaya noong lumapit s'ya sa amin... at sinabing ipapaampon ka; hindi kami ng dalawang isip na tanggapin ka.. Natutuwa kami sa 'yo Patty. Binayaran namin sya ng salapi."

Napayuko si Patricia.

"Ang sama pala n'ya na ina. Para akong tuta na pinamigay n'ya sa inyo..kapalit ng pera." Umiyak parin si Patricia.

"Siguro may malalim na dahilan kaya ganun. H'wag kang magalit sa kanya.."

"Paano ko sila mahahanap?"

"Pumunta ka sa Ilo-ilo..taga-doon ang iyong ina.." Sagot ni Vivian. Ibinigay pa nito ang address ng tirahan ni Carmen.

Gusto pa sanang tanungin ni Patricia ang ina tungkol sa kasunduan nito kay Kurt ngunit..

"Maam, kailangan na po ng pasyente magpahinga." Dumating ang isang nurse.

Pinahid ni Patricia ang kanyang mga luha.

"Mama, pasensya na at napakaiksi ng oras ng pagdalaw ko sa 'yo. Marami kasi akong inaasikaso. Kailangan kasi nating mabayaran si Kurt eh." Sabi ni Patricia.

Napaluha din si Vivian.

"H'wag kayong mag-alala maaayos din ito." Pinahid ni Patricia ang luha ng ina.

HIDDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon