Pasaway Ka! (JulNiel FanFic)...

By Marikit07

443K 7.2K 2.2K

Ang kinaiinisang PA ni DJ na si Julia turned out to be the hidden Princess of Germany & so the battle of fame... More

Pasaway Ka!
Chapter 1 The Gig
Chapter 2 Chismis
Chapter 3 Tigre at Agila
Chapter 4 Brand New Job
Chapter 5 Kontrata
Chapter 7 Trip ni Vice Ganda
Chapter 8 Pasaway Ka
Chapter 9 Truce
Chapter 10 Gift
Chapter 11 Warner Brothers
Chapter 12 DJ's Big Break
Chapter 13 Twin Hearts
Chapter 14 Karibal?!
Chapter 15 First Date
Chapter 16 Problematic Mara
Chapter 17 Surprise
Chapter 18 Ang Epic Break Up
Chapter 19 VIP
Chapter 20 Royal Agenda
Chapter 21 Meet the Princess
Chapter 22 Evil Plans
Chapter 23 A concert?
Chapter 24 Banat ni Princess Mara
Chapter 25 Trabaho lang...na may Personalan...
Chapter 26 Tired
Chapter 27 Reconciliation
Chapter 28 Tv Series Project
Chapter 29 Behind The Scenes
Chapter 30 Breaking News
Chapter 31 Trip Ni Vice Ganda Part 2
Chapter 32 Inuman at.....Aminan?
Chapter 33 Oh snap!
Chapter 34 Julia's Plan
Chapter 35 Ikaw ang ama, TANGA!
Chapter 36 Bahala na si Batman
Chapter 37 Buntis Ba o Feeler Lang Talaga?
Chapter 38 In The Name of Love
Chapter 39 Change The World
Chapter 40 Pasaway Pa Rin [Finale Chapter]

Chapter 6 Early Call

10.9K 158 24
By Marikit07

Chapter 6 Early Call

Sender: DJ P.

Recepient: Julia M.

Message: 2morow @6am sharp. Is2ama ko n c Basha direcho praktis aftr guesting. Don’t b l8! Reply ASAP!

Kahahatid pa lang sakin ni DJ nang magtext kagad. Unang utos! Ang aga naman! 6 AM! Ibig sabihin dapat mga 4:30 gising na ko kasi gagayak pa ko, magcocommute pa papunta sa kanila! At sino nmn kaya si Basha? Aga-aga naman mambabae nung loko na yun! Mamaya ko na ipapaliwanag kay lola ang bago kong trabaho. Replyan ko muna si kumag. Bakit kasi kelangan pa ng reply! Ano ba rereply ko?

Sender: Julia M.

Recepient: DJ P.

Message: Ang aga nmn ng 6 pwde b 6:30? Bka trafik bukas weekend kc.

Kulang na nga ako sa tulog di pa ko makakabawi ngayong sabado. Kainis naman! Mukhang seryoso tong pahirapan ako ah! Nako kung hindi lang maganda offer at kung hindi lang mabait Mama ni DJ hindi ko naman talaga tatanggapin.

“La, may bago po akong trabaho, permanent po. Pero kailangan nyo po ng pirma. Explain kop o sa inyo pano ang agreement.” Unang bati ko kay Lola pagkita ko sa kanya sa sala habang nanonood ng tv.

“Ganun ba. Sige bukas nay an at gabi na magpahinga ka na muna. Di mo naman kasi kailangang masyado magtrabaho bakit pinahihirapan mo sarili mo?” Tanong nya. Ayan nanaman kami. Ilang beses ko ba ipapaliwanag!

“Ayokong humingi ng tulong sa tatay ko. Patutunayan ko po sa kanilang lahat na deserving ako. At kaya ko po kahit wala sila! Isa pa kailangan ko din po matutong humarap sa  buhay nang mag-isa para Makita nila na pwede ako at maging handa din ako kung sakaling tatanggapin ko yung responsibilities ko.” For the millionth time inulit ko nanaman kay lola. Ang hirap talaga…Pero kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.

“Sige ikaw ang bahala, nag-aalala lang naman ako sayo. Sige na pahinga ka na.” Sabi na lang ni Lola dahil alam nyang hindi naman sya mananalo saken sa topic na yun.

“Wag po kayo mag-alala. Kaya kong pagsabayin ang school at work. Multitasker yata ito! At kailangan talaga multitasker pag nandon na ko ulit. Sige po La akyat na ko. Goodnight Lola.” At umakyat na nga ako. Pagkatapos maligo direcho na ko sa kama para magpahinga. Hindi naman din ako gutom tska ngmerienda na ko kila DJ.

Sender: DJ P.

Recepient: Julia M.

Message: Nagre2klamo kgad? Wala ka pla eh! Don’t wori s transpo mo db nga su2nduin nmn kta!

Ay nako naman! Kahit sunduin ako masyado pa ding maaga ang 6AM! Hayz isang reply na “Ok” at log-tu na ko.

Ang sarap na ng tulog ko nang bigla nanaman akong binulabog ni DJ! Hindi ko alam kung vampire sya, or hindi sya marunong matulog. 3am tumatawag! Ayaw ko sana sagutin pero ang kulit mukhang hindi titigil hanggat di ko sinasagot!

“Hello…” Inaantok kong sabi. Mejo ng-aagaw pa nga yung diwa ko between reality at dreamland.

“Goodmorning…” Parang nag-aasar pang sagot ni DJ. Naririnig ko pa parang may mga nagpipigil ng tawa sa kabilang linya. May nag-high five pa yta sa background at mukhang tuwang tuwa. Nakaloudspeak yata yung fone ni DJ sa kabilang line.

“Kala ko ba 6 am pa….” Halos di na ko makapagsalita sa sobrang antok. Por favor! Patulugin nyo ko.. gusto ko sanang isigaw nang marinig ko na nagtawanan ng malakas sa kabilang linya.

“Grabeh ka pare lakas ng trip mo.” Nadinig ko pang sabi ng isa.

“Shhhh, wag kayo muna maingay ako muna.” Sabi naman ni DJ sa mga kasama nya. Mukhang ako pa napagtripan. Bakit ba gising pa mga toh? Parang mga adik! Ngddrugs siguro tong mga toh!

“Hi Julienne…kumusta?” Biglang nagbago ang ihip ng hangin at parang boyfriend na naglalambing naman ngayon ang boses ni DJ. Julienne?! Sino nananman si Julienne? Kanina Basha, ngayon Julienne? Baka Julia ibig nyang sabihin?!

“Lasing ka ba?! Pwede ba wag ka namang mang-istrobo!” Banat ko naman sa kanya. Narinig kong nagtawanan nanaman ang mga kasama nya. Napangiti ako satisfiyingly! Napahiya si loko, sa isip-isp ko.

Uyyy…wala ka pala eh! Wala ka DJ taob ka pala!” Narinig ko pang kantyaw ng mga kasama nya.

Shhh! Wag mo ko ipahiya, sabi ko tatawagan ko chix ko, maki-ride in ka na lang! Kunwari ikaw yung chix ko.” Mahina ngunit authoritative na sabi nito. Susme! Of all people! Ano nanaman toh?! Sobrang maloko pala talaga tong baliw na toh! Kinabog si Justin Bieber!

“Nagulat lang yan kasi inaantok pa.” Narinig ko nanamang sabi nya sa mga kasama.

“Tol baka naman hindi totoong chix mo yan. Aminin mo na lang di ka marunong dumiskarte sa babae!” Kung sino man ang nagsabi nun, gusto ko makipaghigh-five sakanya. Ang galing nya! Tumpak! Wapak! Lumalagapak!

“Kumusta hon?” Hon daw…! Lakas ng loob! Ride in pala ha…sige game!

“Ok lang  honey ko..napatawag ka? Di ka nanaman makatulog? Di ka uminom ng gatas? Sabi mo kasi hindi ka nakakatulog pag hindi ka pa umiinom ng gatas.” Ako naman ngayon ang nagpipigil ng tawa lalo na nung marinig ko nagtawanan ng malakas ang mga kasama nya.

“Gatas bro?! Umiinom ka pa din ng gatas! May gatas pa sa labi! Woooo!” Palakpakan pa sila habang iniihit ng tawa. Parang naiimagine ko na itsura ni DJ sa kabilang linya. Sigurado asar na asar na sya. Buti nga sa kanya!

“Hehe ikaw talaga hon mpagbiro ka. Sige tulog ka na.. Kinumusta lang kita kasi namiss kita. Goodnight.” Malambing nanamang sabi nya. Pero nahalata ko alanganin yung tawa nya.

“Nawala na yung antok ko hon. Patulugin mo ko yung ginagawa mo as usual kinakantahan mo ko hanggang makatulog ako.” Ngayon it’s my turn to play. Iddismiss kagad ako? Hindi pwede gaganti muna ko! Sarap ng tulog ko iistorbohin nya. Pwes, etong sakanya!

“Ha? Anong gusto mong kantahin ko?” Tanong naman nya na parang nalilito.

“Yung usual…bahay kubo na ballad style. Nakalimutan mo na ba?” Sabay takip ko sa bibig ko dahil tawang tawa na ko.

“Bahay kubo? Ballad! Naks naman lover boy! Dinaog mo tito Robin mo! Hahahaha!” Tawanan nanaman sa kabila. Siyang siya naman ako dahil alam kong si DJ ang pinagtatawanan. Ang angas kasi pagpapanggapin pa kong chix nya ha!

“Ikaw talaga…” Sabi nalang niya pero I insist! Ganti ko yan.

“Hon sige na please… Hindi ako matutulog pag hindi ka kumanta non!” Parang batang naglalambing naman ang ginawa ko.

At ayun, napilitan ang loko. Kahit ako sa kabilanglinya tawa na nang tawa habang kumakanta sya ng bahay kubo with full emotions. Imagine nyo na lang na nanghaharana pero bahay kubo ang lyrics! Buti na lang malakas na nagtatawanan mga kasama nya kaya hindi na nila ko nahalatang tumawa. After nyang kumanta hindi na ko kumibo. Pinalabas ko na lang na totoong nakatulog na ko. At tawa pa din ng tawa mga kasama nya nang nag-end na yung call.

“Bro parang babysitter ka lang.” Narinig ko pang sabi ng isa bago nya tapusin yung tawag.

“Di ka uubra saken DJ Padilla. Makakahanap ka talaga ng katapat mo.” Sabi ko naman na parang kinakausap sarili ko. Tapos non natulog na ko dahil 6am sigurado lagot ako sa mayabang nay un dahil pinagmukha ko syang tanga kanina.

~~~

Simula sa bahay hanggang sa kung saan man tong pinuntahan naming ang tahimik ni DJ. Drive lang sya talaga kahit buksan yung fm radio ng kotse wala. Khit ang likot-likot ko na sa pagkakaupo ko wala pa din. Nakakapagtaka. Siya kaya talaga toh? Or stunt man? Pero hinde eh, alam ko sya talaga kasi sa boses nya kanina nung sinabi nya “sakay ka na ayokong malate” at yun na ang huli kong narinig.

“Teka nga.” Hindi na ko nakapagpigil. Papasok kami sa building ng abs cbn. Yes, abs cbn! Wow ang galing makakapasok ako dun makikita ko yung mga artista.

“Ano?” Walang kaemo-emosyon na sumagot sya. Di ko alam kung matamlay sya or ay lagnat or ….may binabalak!

“Bakit ang tahimik mo?” Tanong ko sa kanya with an innocent face. Wala naman talaga ko alam bakit ganyan sya ngayon.

“Baka akala mo nakakalimutan ko yung ginawa mong pagpapahiya sakin kaninang madaling araw!” Ayan sabi ko na nga ba dahil dun yun eh! Inaasahan ko na. Pero, sana din maisip nya na wala ako halos tulog tapos mang-iistorbo sya.

“Ikaw naman kasi, halos wala akong tulog tapos tatawag ka nang ganung oras!” Reklamo ko. Biglang tumaas ang kilay nya na parang hindi makapaniwala. Inilapit nya yung mukha nya saken kala ko nga hahalikan ako kaya mejo taken aback ako.

“Nagrereklamo ka ba? First day ng trabaho nagrereklamo ka?” Tanong nya ulit. Yung tipong naninigurado instead na nagtatanong talaga.

“Hindi ah.” Sabi ko naman sabay kalma sa sarili ko. Hindi ako papatalo dito. Alam ko sobrang matutuwa sya pag nagresign ako at ayaw ko nun, bukod sa breach of contract yun, mapapahiya pa ko at masasaktan ang ego ko. Hindi isang DJ Padilla ang tatalo sakin sa pagiging tough.

“Wala ako sa mood. Naiinis ako sa ginawa mo. Sana nagpretend ka na lang kasi ng maayos hindi yung ipapahiya mo ko sa mga kaibigan ko. Nagttrabaho ka samen tandaan mo! Oh, eto buhatin mo si Basha sumunod ka saken.” Sabay kuha nung gitara. So ayun pala si Basha. Ang weird naman kasi may pangalan pa pati gitara nya. Naalala ko tuloy si Violeta… ahm yung name ng violin ko ^_^

“P.A. ko yan.” Sabi nya nung  hinarang kami ng guard at tumingin sakin. Di ko alam pero parang hindi pa kagad convinced si Manong guard.

“Hello po, goodmorning!” Sabi ko naman sabay ngiti kay manong guard. Napangitin din ito, tumango pa at hinayaan na kami.

Mejo matagal din kaming naglalakad ha at ang bigat pa nitong gitara. Napakagentleman ng DJ natoh…sa kabaligtaran! After sometime we reached the elevator. Hay sa wakas!

“Oops.” Bigla akong hinarang nung papasok na ko sa elevator. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi pa ba ito yun? Gusto ko sana itanong pero nagsalita na sya ulit.

“Sinong may sabing mageelevator ka? Magkita tayo sa 7th floor. Ayun ung stairs. Bilisan mo ha ayokong malate sa show. Guest ako dun hindi VIP! Hanapin mo yung entrance sa studio for Gandang Gabi Vice.” Sabay nguso sa pinto na may nkalagay na sign “Stairs in case of emergency”.

“Ano?! Bakit hindi ako pwede jan?” Tanong ko nanaman. Pero teka nga sasabihin nanaman nito reklamadora ko! Grabeh naman pano nagagawa nang isang lalake toh sa isang babae! Hayz kala ko kahit P.A. ako icconsider pa din nya na babae ako! Kainis talaga toh!

“Okay na! Alam ko na. Sige kita tayo dun.” Sumagot naman ako na parang girls scout, laging handa. Ayoko na Makita nyang nakakaganti sya saken. Akala naman nya! Athlete yata ito!

“Showtime… dressing room… Vice ganda… Studio: Gandang gabi vice.!” Ayun nahanap ko din. Grabeh buti nalang malamig sa building mukhang nakatodo yung aircon nila kung hindi pawis na pawis na ko nito at mukha na kong basing sisiw.

“Ang tagal mo!” Muntik pa ko mapasigaw nang biglang magsalita si DJ sa likod ko. Nakahalukipkip pa yung mga braso nya na parang señorito na inip na inip na.

“Tara na nga, mamaya magsstart na. At pwede wag kang lilinga linga dun sa loob na parang inosente. Nakakahiya!” Paalala nito sabay tulak sakin sa loob. Mejo malakas yung tulak nya ha! Napaka “gentleman” talaga! Grrrrrr!

Isang pamilyar na lugar ang nakita ko pagpasok namin. Ito yung madalas panoorin ni Lola. Studio ng Gandang Gabi Vice. Maliit lang pala yung studio na toh pero sat v parang ang laki. Napansin ko din na marami nang tao at nagtilian yung mga teenagers na nakakita kay DJ. Hayz kung alam lang nila gaano kasama ang ugali nitong idol nila!

“Dun ka sa first line umupo. Yung gitara ko ilagay mo sa backstage. May note naman dun san ilalagay.” At tinuro nya kung saan ako dapat.

“Hindi ba ko magstay sa backstage? Diba iaassist kita?” Tanong ko naman. Kasi nga P.A. Ako di ba? Dapat nandun din ako sa likod ng stage!

“Sabi ko dun ka!” Naiinis na ngsalita nanaman sya kaya di na lang ako nakipag-argue pa. Mukhang mainit ang ulo talaga ni señorito!

Pumunta muna kami sa backstage kung saan kami sya maghihintay hanggang tawagin sya ni Vice Ganda pag nagsimula ang show. Kahit naiinis ako sa kanya hindi ko rin matiis yung pagmumukha niya. Kainis kasi, parang byernes santo yung aura comedy pa naman toh. Baka pagalitan toh nang nanay nya pag pumalpak sya tapos baka sakin ibaling. Nako kailangan ko gumawa ng paraan.

“Pwede ba ngumiti ka.” Sabi ko matapos ayusin si “Basha”.

“Ha?” nagulat pa sya sakin. Napakunot lalo ang noo nya at lalong sumama ang tingin. May itsura sana tong kumag na toh masama lang kasi ugali eh!

“Di ba artista ka? Para maging effective actor ka dapat kahit offcam marunong ka maginternalize. Comedy yung guesting mo ngayon kaya dapat bago magstart ngumiti kana. Para kang isasabak ng heavy drama sa itsura mo!” Pinilit kong magsalita nang hindi nahahala na concern din ako. Kasalanan ko din naman siguro kasi napahiya sya kagabi baka hindi sya sanay na ganon.

“Ewan ko sayo!” At inirapan pa ko! Ang tindi talaga! Mayabang na masungit pa ngayon!

“Kaw bahala! Jan ka na nga!” At nagwalk-out na ko papuntang front seat sa studio. Hindi ko alam pero nung napatingin ako sa salamin na nadaanan ko on the way parang nakita ko na nakatingin sya sakin habang papalayo ako…at mejo nakangiti? Inaasar yata talaga ko ng loko lokong toh!

“Miss patabi ako ha.” Sabi ko sa isang babae at umupo na ko kung saan dapat.

“Grabeh ihanda nyo dapat yung tshirt pa-autograph tayo kay DJ!” Narinig ko yung mga nasa likod ko na kinikilig. Hay… bakit ganon… bakit ako hindi ko maramdaman yung “kilig” na yun. Kahit sa ibang lalaki wala pa yata akong feeling na ganon. Di ko sila maintindihan kung bakit nagkakaganyan sila sa DJ Padilla na yun. Compared naman sa mga nakilala ko na hindi naman din sya ganon kgwapo! Maappeal lang siguro pero kgwapuhan para saken hindi naman masyado! Nababawasan pa pogi points nya kasi sama ng ugali!

“Ok na?” Narinig kong may pumasok sa studio at tinawag ang videoman sabay senyas na sa likod na sya at simulan na ang show.

So, this is my first day of work. Sana everything goes well na lang. Comedy toh kaya sana kahit konti matawa naman ako para mabawas bawasan stress na dulot ng mga alalahanin ko sa buhay. Wish me luck!

“Ladies ang gentleme....Vice….Ganda!” Narinig kong nagsalita ang isang  boses out of knowhere. Kasunod nito, lumabas na sa stage si Vice Ganda kasama ang mga backup dancers. Sinimulan ko na rin mgfocus at manood sa show. Kung hindi ko sya iaassist, at least ieenjoy ko yung show na toh.

~~~

ayan…sensya na at maraming salamat sa mejo mtagal nyong paghihintay. Wag kayong mag-alala babait naman si DJ hehehe and bukas tignan naten anong mangyayari sa show ni Vice with DJ at ang tigre nyang P.A.

Keep your comments comin’

I heart you all! ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

66.5K 4.7K 62
❝ huwag mo nang isipin na pangit ka, kasi ako na ang bahalang mag-isip na pangit ka talaga.❞ ♔ stray kids epistolary ■ #16 in ss 18.04.27 © dearksm ...
47.9K 3.1K 79
Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang pa...
5.3K 362 18
Just like Romeo and Juliet, both of their families are in different sides or in short, not in good terms. But unlike Romeo Juliet, they decided to ge...
18K 1.3K 30
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴