Snow White is a Gangster (Pub...

By sielalstreim

19M 578K 159K

She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice p... More

Prologue
Chapter 1: A Game of Chess
Chapter 2: Hide and Seek
Chapter 3: Christmas Day
Chapter 4: Silent Night
Chapter 5: Captured
Chapter 6: Between the Moon and the Sea
Chapter 7: Missing
Chapter 8: The Dead Man of Christmas Day
Chapter 9: Saudade and the Dead People
Chapter 10: The Root of All The Consequences
Chapter 11: Melancholy of the Past
Chapter 12: Montello High
Chapter 13: Midnight Calls
Chapter 14: Speedster
Chapter 15: Sadness and Happiness
Chapter 16: City Lights
Chapter 17: Running with Shadows
Chapter 18: The Dangerous Man
Chapter 19: Words of a Rose
Chapter 20: The Graduation Day
Chapter 21: Fate of the Uninvited
Chapter 22: The Pawn in a Chess Game
Chapter 23: Fire and Ice
Chapter 24: Chasing the Dead Man
Chapter 25: Wandering Souls After The Sunset
Chapter 26: Eremitia
Chapter 27: Her Companion
Chapter 28: Dancing with the Snakes
Chapter 29: The Visitors
Chapter 30: Poison and Wine
Chapter 31: A Little Heart
Chapter 33: Blood Meets the Sea
Chapter 34: Drowning
Chapter 35: Relinquishment
Chapter 36: Fire and Ice
Chapter 37: A Falling Star
Chapter 38: The Women of Arturia
Chapter 39: Unearthed from the Graveyard
Chapter 40: Into the Storm
Chapter 41: The Words Left Unsaid
Chapter 42: Nightmares
Chapter 43: The Choices
Chapter 44: Blood, Sweat, Tears
Chapter 45: The Darkness in the Daylight
Chapter 46: A Darker Night
Chapter 47: Redemption in Fire
Chapter 48: Trojan Horse
Chapter 49: Somniat Finem (Even Dreams End)
Chapter 50: As Winter Meets its Death
Epilogue
Announcement from MHSG Administration!

Chapter 32: An Unexpected Alliance

291K 8.5K 1.2K
By sielalstreim



Chapter 32: An Unexpected Alliance

Soundtrack: Flunk - Play


"You just missed your ride."


Napatigil ako sa aking paglalakad pabalik sa pintuan ng gusali nang marinig kong magsalita ang tinig na iyon. Kunot-noo ko siyang nilingon. Nakangiti at nakatingin lang siya sa akin habang nakatayo sa lugar na pinaglapagan ng helicopter.


"I thought you flew with them," maingat kong sagot. Hindi ko nga siya napansing lumulan sa sasakyang panghimpapawid. Mukhang nakalimutan kong pagtuunan ng atensyon ang aking paligid.


"I didn't come here just to leave like that," sagot niya.


"Then why did you stay?" Tanong ko. Nagsimula siyang humakbang palapit sa akin at inihanda ko ang aking sarili sa anumang hakbang na kanyang gagawin. Kung anuman ang binabalak niya, kailangan kong mag-ingat.


"Well, I just want to. And who knows, maybe I can help you," kibit-balikat niyang sabi.


"I don't need your help," diretso kong sagot. I doubt anyone could help me with this. 


"Are you sure about that?" Lumingon-lingon sya sa paligid at sinabing, "No one's here with you. You are alone in Eremitia and who knows, maybe you are now surrounded by your enemies."


Halos wala siyang nagawang pagkilos nang mabilis akong lumapit sa kanya at agad na nakuha ang baril sa kanyang bewang. Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang kilatisin ko iyon sa harap niya.


"It was a fine pistol," wika ko. It was careless of me to forget my gun in the hotel room. My few days of stay in Eremitia made me feel that I didn't need it at all. Thus, I felt I was caught off-guard today.


"Alam mo bang labag sa batas ang agawan ng baril ang isang law officer? Give it back to me," wika ni Detective Penber habang nakalahad ang isang kamay.


"Do you think you can arrest me, Detective Penber?" Tanong ko. He was right. I was already alone. But that didn't make me feel any weaker.


"I've never arrested a reaper." This time, Detective Penber seemed to be being careful with his words. He was probably seeing the danger that was radiating off me. I had no one to protect now. I opted to do the offense.


"And that would never be me." Ikinasa ko ang baril niya at itinutok sa kanya. "I was warned about you. Do you plan on using me in one of your selfish games? I am not Summer Leondale. I would never be as ignorant as her to trust you." Isa siya sa mga taong pinag-iinitan ang Freniere Mafia. He even used the girl to get to us. I gave him the Stones to silence him. I guess it would never be enough for an ambitious, clever man like Detective Patrick Penber.


"Whoa! I can clearly sense prejudice in here. The things I've done are for the greater good. I could arrest Tres when I was with him but I decided that he has reasons and he still needs to be free."


I raised an eyebrow at him and he sighed. "Okay, okay! I can't arrest Tres Freniere. Sisimulan ko pa lang alam kong mamamatay na ako. But I didn't come here for him. Ayaw niya nga akong isama but I insisted and went here by myself. We insisted. And I think he just couldn't say no to that young man."


"Young man?" Kunot-noo kong tanong.


"I met your brother when I visited the Arturia Mansion." Nagdulot ang mga salitang iyon ng kaba sa aking dibdib. "He asked for my help to find you when you went missing without a trace. Sinabi niyang kasabay mong nawala ang isang taong nagngangalang Elric. Dahil doon, mas tumindi ang hinala ko na kasama mo si Ethan Montreal. Then suddenly, Tres Freniere rushed to the mansion like a raging cyclone. He was looking for you, for a hint of your whereabouts."


"I know Sebastian. He would just kill you," komento ko.


"But he didn't. I knew how he wanted to crush my neck at that time but he couldn't bear to do it in front of the child. And to our amusement, your brother asked both of us to find you," patuloy ng Detective.


Nararamdaman ko ang pagtagaktak ng aking pawis habang nakikinig sa kanya. Hanggang sa mas maintindihan ko na ang lahat at maisip ang maaaring kahinatnan nito. Tinitigan ko siya nang may talim sa aking mga mata.


"My brother stays out of this," pagdidiin ko. Hindi maaaring madamay siya sa kung anumang sitwasyon ang kinakaharap ko ngayon o kahit mabanggit man lang ang pangalan niya.


"Wala kang dapat ipag-alala tungkol sa kanya. He's well-protected in the mansion. He would have the same superior security like Mr. Montreal had. Gusto lang niyang hingin ang tulong ko para mahanap ka," sagot ni Detective Penber.


I couldn't help but give him a glare. Kung para sa kanya ay maliit na bagay lang ito, sa akin ay hindi. I couldn't let Wycliffe get tangled in these messy knots. Hinawakan ko ang kuwelyo ng kanyang coat at saka hinila palapit saakin hanggang sa magpantay ang aming mga mukha.


"You will never talk to my brother again. That's if you want to live a little bit longer," pagbabanta ko.


Taas ang mga kamay ay sumagot siya, "Okay, okay! Your wish is my command, your highness. You don't have to be this violent. This is so unlady-like of yours." Binitiwan ko siya at nagsimulang maglakad tungo sa pintuan upang pumasok muli sa gusali. Nakasunod naman sa aking likuran si Detective Penber. Wala akong ideya kung ano pa ang iniisip niya sa ngayon. Kailangan ko pa ring mag-ingat. Ang magamit niya sa pansariling misyon ang huling bagay na nanaisin ko ngayon.


Nanatili siyang nakasunod sa akin hanggang sa Vinea. Pumasok ako ng silid at lihim na hinihiling na nandoon lang si Ethan at nanunuod ng telebisyon. Subalit katahimikan ang sumalubong sa akin na mas nagpabigat pa ng aking kalooban. Why am I feeling these emotions all of a sudden? Kinuha ko ang baril ko sa ilalim ng aking unan at isinuot ang damit na gamit ko noon nang dumating kami ng Eremitia. Malinis na ito kumpara noong gabing iyon.


"Your pistol and mine won't keep us alive," wika ko nang ibalik kay Detective Penber ang kanyang baril.


"I have a friend in Eremitia. His place is a little bit far from here but I know he can help us," suhestiyon niya. He's a detective, a law officer, for sure, he got connections.


"Can we trust whoever that is?" Tanong ko.


"We don't need to trust him. He's only loyal to money and money is what we have." And he gave me a knowing look. Agad kong kinuha ang mga cash mula sa cabinet at inilagay sa bulsa ng aking jacket. Ipinasya kong dalhin na lang ito sa halip na suotin. I didn't want to add up to Detective Penber's ridiculous choice of clothing.


"Let's go. Audrey is already waiting for us," aniya.


I frowned, "Audrey?" Ulit ko sa sinabi niya.


Instead of responding, he just winked at me. I felt uncomfortable about having another companion in this mission. I couldn't trust Detective Penber alone, what more if I had another one to deal with.


Nag-aalangan akong sumunod sa kanya palabas ng Vinea. Naglakad kami pabalik ng gusali na pinaglapagan ng chopper subalit sa halip na magtungo sa roof top ay sumakay kami ng elevator pababa ng basement. Maingat kong hinigpitan ang kapit sa baril ko na itinatago ng aking jacket. This could be a trap. Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang may kadilimang parking lot. Hindi ko mapigilan ang kaba ko habang naglalakad kami sa harap ng mga kotse. Tumigil siya sa isang makintab na pulang Mustang. It was like an upgraded classic car. Mas tila mukhang bago ito kumpara sa dinala niya sa mansion dati.


"I want you to meet my Audrey Hepburn. I spent a lot of money to upgrade and polish her. She's gorgeous, isn't she?" Malapad ang ngiting pagpapakilala ni Detective Penber sa kanyang kotse.


Tumangu-tango ako habang sinisipat ang sasakyan. I have this space in my little heart for classic cars. "Impressive," komento ko.


Mukha namang nasiyahan siya sa aking reaction kung kaya naman ipinagbukas niya ako ng pinto na tila isa siyang maginoo. Agad siyang sumakay sa driver's seat at pinaandar ang kotse palabas ng gusali.


"I thought you got here in a chopper," wika ko.


"I didn't. Tres would not let me step in his precious little dragonfly. And I prefer the long drive. It helps me make peace with myself. I wouldn't mind sailing in the sea with my Audrey," sagot niya.


His admiration for his car was pretty obvious. I decided not to engage in a conversation with him while he was driving. He was a little bit chatty talking about missions and how we should save someone's life even though it wasn't worth saving. Itinuon ko na lang ang aking paningin sa bahagi ng Eremitia na hindi ko pa nakikita. Matapos ang halos dalawampung minuto ay nakarating kami sa isang lugar na may mga lumang gusali. Sa una ay aakalain mong mga bakante ang mga iyon kung hindi sa mga mangilan-ngilang mga tao na naglalakad sa paligid niyon.


"This is a perfect crime scene,"  seryoso kong sabi nang huminto siya sa isang lumang gusali. Mahina siyang tumawa at saka lumabas ng pinto. Bago ko pa buksan ang pintuan sa harap ko ay nakaikot na siya at ipinagbukas ako na parang isa siyang maginoo.


"It is a tenement, your highness. This is usually where people who can't afford mansions live," wika ni Detective Penber.


"But we're getting weapons here. A poor man who has a gun in his hand is up for a crime," I stated while checking the area. It was definitely an unfriendly neighborhood to live in.


"Mostly but not in all cases. Wealthy men have deadlier firearms though," sagot niya at iginiya ako papasok ng gusali. Hindi ko mapigilang magawi ang aking tingin sa mga madidilim na sulok ng lugar. Walang elevator na magdadala saamin sa palapag na aming patutunguhan. Tanging ang sementadong hagdan lang ang aming madaraanan. I couldn't help but think that maybe it really was an entrapment. Maybe there were group of people who believed that justice comes from killing a rich personality waiting for me at the corner.


"Saang palapag ba naroon ang iyong kaibigan?" Tanong ko sa Detective.


"Sa sunod na palapag. Are you feeling uncomfortable?" Nanunudyo niyang tanong. Tiningnan ko lang siya nang matalim at saka muling ibinaling ang aking mga mata sa paligid. How could Summer Leondale trust this man? How could Wycliffe ask for his help?


Huminto siya sa isang pinto at saka kumatok. Subalit nakakailang katok na siya ay wala pa rin nagbubukas. Nagtatanong ang mga mata ko siyang tiningnan subalit isinenyas niya lang ang kanyang isang kamay na nagsasabing maghintay. Tahimik ko lang siyang pinanuod habang patuloy siya sa pagkatok.


I was about to suggest on breaking the door when the knob turned and opened. Bumungad sa amin ang isang balbas saradong lalaki na may katabaan ang pangangatawan. Halata ang pagkagulat niya pagkakita kay Detective Penber subalit napalitan rin iyon agad ng isang ngiti at pagbati.


"Hindi ka pa rin nagbabago, Penber!" Tumatawa niyang sabi at pinapasok kami sa kanyang maliit na sala.


"Mukha namang nahihiyang ka sa negosyo mo ngayon," ganti ni Detective Penber.


I sighed at their exchange of euphemism. It was either they like or hate each other that much. "How can he help us with our needs?" Pukaw ko sa napapahabang kamustahan nilang dalawa. I wasn't really that rude or an impatient one but I had no time to waste at the moment.


Sabay silang lumingon sa akin. Hindi ko nagustuhan ang ginawang pagtingin sa akin ng kakilala ni Detective Penber kung kaya't tinanggal ko ang jacket na nagtatago sa aking baril at isinabit iyon sa aking balikat. "Talagang matinik ka pa rin pagdating sa mga babae, Penber. Sinuwerte ka sa isang ito," komento ng lalaki.


"Hindi ko siya babae, kaibigan," sagot ng Detective.


Bahagyang nagulat ang lalaki at muling nagtanong, "Kung gayon ay bakit mo siya kasama?"


"Siya ay iyong kliyente. Miss Henrietta Arturia, this is Sascha Michaels. Sascha, Miss Arturia." Pagpapakilala ni Detective Penber.


"Arturia? Oh! She's an Arturia! Kung ayaw mo sa kanya, ako gustong gusto ko," malakas na sabi ni Sascha subalit agad ko siyang pinatahimik gamit ang pagtutok ng aking baril.


"Yes, I am an Arturia and a Reaper of Freniere Mafia. I am in need of guns. Can you provide me the weapons?" Pormal kong pagpapakilala sa aking sarili.


Tila naman natigilan si Sascha at nauutal na sinabing, "A-Ang mga armas ko ay may kaukulang bayad."


"I am an Arturia. Show me," wika ko at ibinaba ang aking baril. Agad niya kaming iginiya sa dulong bahagi ng kanyang tirahan habang ngingiti-ngiting nakasunod si Detective Penber.


"Mukhang nakagat mo ang iyong matabil na dila, Sascha!" Kantiyaw ni Detective Penber.


"Ikaw ang huling taong inaasahan kong magdadala ng isang reaper dito. At isa pa, miyembro siya ng Mafia! Nauubusan na ba ang mga Freniere ng baril? At bakit kayo magkasama?" Sagot ni Sascha habang binubuksan gamit ang susi ang isang nakalock na kwarto.


"Isa akong Detective at alagad ako ng batas. Nauubusan na ba ako ng kaibigan? Bakit nagkaroon ako ng koneksyon sa isang taong illegal na nagbebenta ng baril?" Balik-tanong ni Detective Penber.


"Dahil sa iba't ibang sirkumstansya?"


"Tama! And she's with me due to some circumstances."


Tumangu-tango na lang si Sascha hanggang sa tuluyan na niyang mabuksan ang pinto ng silid. Tumambad sa amin ang mga matataas na kalibre ng mga armas na maayos na nakasalansan sa iba't ibang bahagi ng kwarto. Lubhang mas malaki at maluwang ito kumpara sa kanyang sala. Hindi mo aakalaing makakapagtago siya ng ganito karaming armas sa loob ng kanyang tirahan at sa isang lumang building.


"Rifle? Pistol? Grenade? Anong mga kailangan mo?" Tanong niya saakin.


Naglakad ako tungo sa mga baril na nakasalansan malapit saakin at hinawakan ang isa. "Isang SIG Sauer? Bagay na bagay saiyo. Mas magaganda ka kung isasama mo iyan sa porma mo," komento ni Sascha.


"Hindi mo na ako kailangang kumbinsihin dahil pumunta talaga ako dito para bumili ng baril mo," sagot ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya at saka lumapit kay Detective Penber na tumitingin rin ng mga armas. Kinuha ko ang baril at pinasyang bibili ng mas maraming bala. I just needed more bullets and a spare gun.


Nang matapos ako ay muli kong kinausap si Sascha para sa mga bala. Nang magbabayad na ako ay agad na tumakbo palapit si Detective Penber dala ang isang Remington at DPMS GII Hunter.


"We are not going to a world war, Detective Penber," wika ko sa kanya.


"Remington is mine, the other one is yours. Whoever got Mr. Montreal, I know he's not easy to defeat. He moved like a real ghost." Hindi ako sumagot at sa halip ay binayaran ko na rin pati ang baril na kinuha niya. Maligayang tinanggap ni Sascha ang mga pera at sinabing maaari kaming bumalik kailanman namin gusto.


We spent the afternoon driving around Eremitia to find some hints of Ethan's whereabouts. But I knew that the Novous won't be that easy to seek. Kung ganoon lang sila kadaling mahanap, dapat ay nagawa na iyon ng mga Freniere dati pa. Subalit hindi iyon madali maliban na lang kung ipasya nilang magpakita. But I still had to try. I had no choice but to try.


Halos mag-ga-gabi na rin nang mapagod kami sa paglilibot sa Eremitia. Matapos kaming kumain sa isang malapit na restaurant ay ipinasya kong bumalik na lang sa Vinea. Sinubukan kong tanggihan ang paghahatid sa akin ni Detective Penber sa aking kwarto subalit mapilit siya at mukhang nais niyang panindigan ang pagiging maginoo. Patuloy niya akong kinausap tungkol sa armas na pinili niya para sa akin na iniwan ko naman sa kanyang sasakyan sa kadahilanang lubha itong malaki upang bitbitin sa loob ng Vinea.


"I still need your car tomorrow. If you don't want to drive for me, I can pay you and let me use it instead," Pormal kong sabi sa kanya nang nasa labas na kami ng pinto ng kwarto. This day was just so unfortunate. Maybe tomorrow would offer something a little bit better or worse.


"Audrey is not a car for rent so I'll fetch you tomorrow and have our little date around Eremitia," nakangiti niyang sabi. I wanted to refuse but I knew he wouldn't allow his car to be driven by random people. I could clearly understand that. Nagkibit-balikat na lang ako at tinalikuran siya upang buksan ang pinto.


Nang tuluyan ko nang mabuksan ang kwarto ay napatigil ako mula sa balak kong pagpasok. Bagama't hindi nakabukas ang ilaw at madilim ay naaaninag ko pa rin ang ayos ng loob nito dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Agad kong inilabas ang aking baril at maingat na kumubli mula sa pintuan.


Mukhang naintindihan naman iyon agad ni Detective Penber dahil inilabas rin niya ang kanyang armas at saka pumuwesto sa aking likuran. Sumenyas siya na mauuna siyang pumasok at ako naman ang magiging back up niya. Sumang-ayon ako at agad siyang humakbang tungo sa loob. Nakapasok na ako nang bumukas ang ilaw at bumungad sa amin ang magulong ayos ng silid. Nagtungo ako sa banyo upang tingnan kung may nagtatago sa loob nito subalit walang sinuman ang naroroon. Tumakbo ako sa bintana at tiningnan ang ibaba ng Vinea subalit walang sinumang kahina-hinala ang nasa paligid nito.


"Someone paid you a visit," wika ni Detective Penber. Umupo siya sa couch nang masigurong walang sinuman ang naroroon.


"If my visitor knows me, he probably waited for this room to be empty before getting in," sagot ko sa kanya.


"That's possible," sang-ayon niya.


Nahagip ng paningin ko ang cabinet kung saan naroon pa ang papel na sinulatan ni Summer upang pasunurin ako sa tabing-dagat. Subalit hindi na ito kasing-linis ng dati. Kinuha ko iyon at napansin ang mga bakas ng tinta mula sa likurang bahagi nito. Agad kong binaligtad iyon at nakita ang isang mensahe:


2 am. Yacht at the sea.


It was written in a flawed penmanship. The letters and words were pointing to different directions. But however illegible the message was, I still understood it.


"What is that?" Tanong ni Detective Penber nang mapansin niya ang pagiging seryoso ko.


"An invitation. A terribly bad hand-written one," sagot ko.


And he stood up as he understood.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
17.2M 273K 44
Kingdom University Series, Book #1 || Tiffany Damian, despite her elegant beauty, wisdom and wealth, never wanted to be part of the Elites-a distingu...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
223K 9.1K 11
A short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal...