Pasaway Ka! (JulNiel FanFic)...

By Marikit07

443K 7.2K 2.2K

Ang kinaiinisang PA ni DJ na si Julia turned out to be the hidden Princess of Germany & so the battle of fame... More

Pasaway Ka!
Chapter 1 The Gig
Chapter 2 Chismis
Chapter 3 Tigre at Agila
Chapter 5 Kontrata
Chapter 6 Early Call
Chapter 7 Trip ni Vice Ganda
Chapter 8 Pasaway Ka
Chapter 9 Truce
Chapter 10 Gift
Chapter 11 Warner Brothers
Chapter 12 DJ's Big Break
Chapter 13 Twin Hearts
Chapter 14 Karibal?!
Chapter 15 First Date
Chapter 16 Problematic Mara
Chapter 17 Surprise
Chapter 18 Ang Epic Break Up
Chapter 19 VIP
Chapter 20 Royal Agenda
Chapter 21 Meet the Princess
Chapter 22 Evil Plans
Chapter 23 A concert?
Chapter 24 Banat ni Princess Mara
Chapter 25 Trabaho lang...na may Personalan...
Chapter 26 Tired
Chapter 27 Reconciliation
Chapter 28 Tv Series Project
Chapter 29 Behind The Scenes
Chapter 30 Breaking News
Chapter 31 Trip Ni Vice Ganda Part 2
Chapter 32 Inuman at.....Aminan?
Chapter 33 Oh snap!
Chapter 34 Julia's Plan
Chapter 35 Ikaw ang ama, TANGA!
Chapter 36 Bahala na si Batman
Chapter 37 Buntis Ba o Feeler Lang Talaga?
Chapter 38 In The Name of Love
Chapter 39 Change The World
Chapter 40 Pasaway Pa Rin [Finale Chapter]

Chapter 4 Brand New Job

11.3K 194 30
By Marikit07

Chapter 4 Brand New Job

“ARAAAAAYYYYYYYYYYYYY!!!” Mababali yata ang kanang braso ko sa pagpilipit ng isang babae sa gilid ko habang mahigpit na hawak nya yung kamay ko.

“Yan ang bagay sa inyong mga flirt kayo! Sakin si DJ at ayokong may mga asungot na umeepal sa kanya! Ganyan ang mapapala ng lahat ng nagpapapansin sa kanya!” Sinigawan pa ko ng matangkad na babae na tumatayong leader nila. Kung di ako nagkakamali nakita ko sila malapit sa principal’s office ng UIPS kanina.

“Ano bang sinasabi mo? Wala akong kilalang DJ!” Sigaw ko naman. Sino bang DJ? Sa radio ba? Di na ko makapag-isip ng ayos sobrang sakit ng kanang braso ko malapit na makalas buto ko!

PAK! Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa kaliwang pisngi. Kung cartoons ako siguro may mga ibon at stars nang umiikot sa ulo ko. Feeling ko tuloy nasa movie ako, yung scene na tinotorture. Tapos may darating na prince charming, ipagtatanggol ako at maiinlove ako sa kanya. And we will live happily ever after.

And speaking…. Mukhang meron nga dahil may nakikita kong papadaan na kotse. Kung  hindi ba naman tanga yung mga toh, mejo liblib nga ako ncorner pero kalye pa din toh! Natural may magdadaan dito. Buti na lang!

“TULONG! TULUNGAN NYO KO!!!” Sumigaw ako sa abot ng makakaya ko at napatingin sila sa paparating na sasakyan kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.

Tinulak ko sa magkabilang side ko ang dalawang babaeng nakahawak sa braso ko. Nawala na ang higpit ng pagkakahawak nila nung sumigaw ako. Saktong  huminto naman ang sasakyan! Thank God! Mukhang ligtas na ko!

Nagmamadali kong kinuha yung bag at folder na dala ko na malapit na sa damuhan dahil sa pagkakabalibag nila kanina nung nacorner ako. At syempre, ako si Julia! Lintik lang ang walang ganti! For the finishing touch….

“OUCH!!!” Napasigaw at napahawak si “miss leader” sa paa nya nung tinapakan ko sya sa kanang paa at talagang diniinan ko! Masakit kaya yung pilipitin yung braso mo, not to mention yung takot at trauma na binigay nila sakin kanina! Hmmmp! Serves her right!

“You bitch!” Narinig kong sabi nya. Mukhang galit na galit sya sa ginawa ko habang ako naman natatawang tumakbo at nagtago sa likod ng taong bumababa na sa sasakyan. Para kong batang nagtatago sa likod ng tatay nya pag natatakot.

Biglang tumahimik yung tatlong sigang babae kaya mejo napasilip ako. Pinatong ko pa yung baba ko sa balikat nung lalaki na ginawa kong pangharang sa kanila. Nawala sa loob ko hindi ko naman din toh kilala.

“Ano nanaman ba toh Jansen? May pinagtritripan na naman kayo!” Naiinis na nagsalita sya. Napansin ko na taga Rynoir International Academy (RIA) din sya.

“Hindi.. ahm, kase, nakita namin sya kanina sa school nacurious kasi kame lagi namin nakikita yung kasama nya pero ngayun lang namin sya nakita kaya makikipagkaibigan lang.” Paliwanag ni Jansen. Jansen pala ang name ang bruhildang toh! At biglang bumait ha! Ang lufet nya! Siguro from monster to angel nagttransform sya talaga! Best actress! Nakakagigil!

“Bakit parang sumisigaw sya?” Tanong nanaman ng “knight in shinning armour” ko. Parang pamilyar din yung boses nya, hindi ko masilip kasi nasa likod ako tsaka magmamakaawa na lang akong isama nila ko baka hintayin nanaman ako ng mga babaeng toh. Sa ginawa ko sigurado lagot ako lalo sa kanila kaya tatapangan ko na hiya ko.

“Ha? Ano kasi..ahm, pinagkkwentuhan ka kasi namin, alam mo naman diba madaming may crush sayo. Kinikilig lang sya.” Aba storyteller lang?! Pambihira!

“Sinungaling! Kinorner nyo ko bigla hindi ko naman alam pinagsasasabi nyo tapos pinilipit nyo pa nga yung braso ko! Idedemanda ko kayo! Tatandaan ko yang mga mukha nyo!” Para kong galit na misis na nagsusumbong sa pulis dahil nahuli ko si mister na may kasamang iba heheheh nakakaloka! Kung nandito si Michael babatukana ko nun sasabihin nanaman ang OA ko…pero kung nandito si Michael malamang hindi naman siguro mangyayari sakin toh.

“Umuwi na nga kayo, kala ni mama kung anong ginagawa nyo pinahinto pa tuloy yung sasakyan. Sige na!” Sumenyas pa toh na parang tinataboy sila Jansen. Suprisingly, parang mga maamong tupa na sumunod at take note, kung makangiti wagas! Kala mong nang-aakit. Gusto ko masuka hahahha!

“Bye bye..” Sabi ko pa with matching kaway at “Oh-kawawa-naman-iiyak-na” expression sa mukha ko habang naglakad na papalayo yung dalawang babae. Nakita ko naman na inirapan ako ni Jansen. Buti na lang dumating toh kung hindi baka pilay na ko.

Nawala sa loob ko na nagtatago pa din ako sa likod nya at nakadantay pa din yung ulo ko sa balikat nya..at… hmmmmm… ang bango naman nya. Parang…BVLGARI yung perfume nya!

“bye DJ!” Bigla akong napabalik sa reality nung marinig ko yung pangalan na sinabi ni Jansen… DJ! Di ba yung yung tinatanong nila sakin kanina?

“DJ…?” Nasabi ko pala kung ano yung dapat sa isip ko lang sasabihin. Teka rewind nga!… Sabi nung mga tga RIA kanina nakikipagflirt daw ako dun sa DJ… Kanina galing kami sa school nila..ang nakausap ko lang naman… si Daniel Padilla na muntik na kong masagasaan nung isang araw..! Shux napakaslow ko naman! Dahil bas a stressed ako? Or puyat kaya ang bagal tumakbo ng utak ko?

“Miss ok ka lang?” Back to reality ulit ako nang magsalita si DJ at pagharap nya..Sya nga!

“Ikaw?!” Sabay pa kaming nagulat pero una akong nagbawi.

“Troublemaker ka talaga! Kasalanan mo pala kung bakit nagagalit sakin yung mga babae na yun! Walanghiya ka! Walanghiya ka talaga!” Pinaghahampas ko sya ng folder sa ulo kahit mejo mas matangkad sya saken. Dinepensahan naman ng mga braso nya ang ulo nya habang mejo napayuko sya.

“Aray! Aray! Anu ba! Tama na! Wala akong ginagawa sayo!” Sigaw nya pero naiinis talaga ko kaya itotodo ko na pagganti sa taong toh!

“Hoy! Anong nangyayari dito?! Bakit hinahampas si DJ?!” Natigilan lang ako nang marinig ko ang boses ng babae na bumama na din sa kotse.

Mejo hinihingal pa ko habang inaayos ko ang sarili ko at humarap sa babae. Sa tantya ko nsa mid 30s na sya. Maganda at mestiza pero parang mataray… at nahahawig sya kay….DJ! Lagot, kapatid nya yata..at mukhang galit sya.

“Ma, wala, kaibigan ko pinagtripan nanaman nila Jansen.” Kapal ng mukha! Kaibigan daw nya ko?! Since when?! Bakit di ko alam yun? At may paakbay akbay  pang nalalaman! Chancing na yata ito!  Kung si Michael nga na pinakaclose saken kahit hawak sa kamay hindi ko hinahayaan ito aakbay pa na para kaming super close! Grrrrr

“Uhm!” siniko ko sya sa tagiliran. Buti nga sa kanya! I’m sure nasaktan sya dahil napahawak sya sa bewang nya. Haha!

“Sinungaling ka! Wag po kayong maniniwala, kaya po ako pinagtripan ng mga yun kanina kasi nilapitan ako kanina nitong DJ na toh!” Apila ko sa nanay nya!

“Ano ba, makiride in ka na nga lang! Pahamak ka talaga!” Pabulong na sabi saken ni DJ habang hinihimas himas pa nya yung part na tinamaan ng siko ko kanina.

“DJ…” Parang nagwawarning na tono ang pagkakasabi ng babae.. yung para bang “magsabi-ka-ng-totoo-kung-hindi-tatamaan-ka-sakin!” na tono.

“Ma! Maniniwala ka sa kanya?!” Reklamo ni DJ. Nakz naman! Bilib na ko! Artista talaga tong bwisit na toh! Kala mo totoo kung makareklamo.

“Hay nako pagod na ko! Sumakay na nga lang kayong dalawa sa bahay tayo mag-usap!” Pagalit na sabi nito. Napatigil ako, tama ba yung narinig ko? Sakay na KAMI at bahay mag-usap?!

“Ang sabi ko, sakay na!” pahabol pa ng babae. Natakot yata ako sa pagiging matapang nya. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko dapat sumunod ako. Besides, mas matanda sya, tska baka balikan ako nila Jansen pag alis nila DJ. Sige bahala na text ko na lang si Michael na sabihin kay lola mamaya pa ko uuwi.

~~~
Sa isang condo unit pala nakatira sila DJ padilla. Inaasahan ko kasi, sa mansion na dahil sa sobrang angas ng DJ n toh kala mo prinsipe kung umasta! Ops, correction, ang mga prinsipe nga pala ay gentle at courteous..unlike him!

“So ikaw pala yung nagsub kay Jessie last time. Pasensya ka na sa anak ko ganyan lang talaga yan. Pero mabait yan.” Sabi ni Ms. Karla saken matapos ko ikwento lahat ng nangyari sa unang pagkikita namin ni DJ hanggang sa kung bakit ako napagtripan ng mga schoolmates ni DJ.

Minabuti ko na lang na wag kumibo sa sinabi nyang mabait naman si DJ. Hindi ko pa naman kasi sya kilala talaga pero sa kilos at salita nya naangasan ko talaga sya!

“Nakakatuwa ka naman pala, ikaw lang ang nagwowork sa inyo. Alam mo nakikita ko yung sarili ko  sayo. Ganyan din ako dati. Lalo na nung ipagbuntis ko si DJ talaga naman pinakanahirapan ako pero thankful pa din kasi tignan mo naman ang gwapo ng anak ko.” At tinuro pa talaga si DJ na naglalaro ng kung ano sa celphone nya.

Muntik na ko mapangiwi sa sinabi ni Ms. Karla. Gwapo nga..mejo, pero mayabang pa din. Kita mo nga ang sama ng ugali may bisita hindi man lang namamansin. Para sya lang tao sa mundo!

“Ay may iooffer ako sayong trabaho. Sa tingin ko okay lang naman tska fit na fit ka para sa job na toh.” Ayun! Pag ganyan ang usapan makukuha mo talaga ang atensyon ko dahil isa yan sa mga misyon ko sa buhay. Rumaket!

“Talaga po? Kahit ano po kahit mahirap ok lang po sakin basta maganda lang po yung bayad.” Para kong negosyanteng pumapalakpak ang tenga. Hindi naman siguro ko mukhang pera diba? Sakto lang? Kailangan ko talaga kasing kumita at kung permanent toh hindi na ko mamomroblema diba.

“Ma, gusto nyong juice?” biglang sumingit si DJ na parang tinatamad pa at napipilitan. Hindi nakalampas sakin yung masama nyang tingin.

“Uy, ang bait. Sige nga.” Sabi ni Ms. Karla. Nanatili naman akong tahimik at naghihintay sa susunod nyang sasabihin.

“Itong si DJ kasi sobrang busy ng schedule. Mejo napapabayaan na nga nya yung pag-aaral nya. Ako naman hindi ko maturuan kasi busy din ako dahil may tatlo pa kong anak bukod sa kanya. Syempre siguro naman naiintindihan mo hirap ng buhay dahil sa kwento mo ikaw ang bread winner talaga.” Kwento nanaman niya. Mukhang proud na proud sya sa anak nya. Sabagay ganun talaga ang mga mommy..naalala ko tuloy si nanay.

“Ah ganon po ba..” sabi ko na lang. ayoko na kasing humaba ang usapan dahil gagabihin ako. Ang gusto ko makuha kagad yung sinasabi nyang trabaho.

“Kung meron nga lang makakapagtutor sa kanya paminsan minsan mas maganda sana. Kaya lang kasi mejo mhirap na makahanap non. Kakaresign nga lang ng P.A. nya kasi sobrang hirap ng sched nitong si DJ eh may mga anak din yun hindi na daw nya kaya.” Pagpapatuloy nya.

“Oh, mag-juice muna kayo.” Muntik na ko mapatalon nang bigla nanamang sumulpot sa kung saan itong DJ na toh. Hobby nya yata ang mag-appear sa kung saan saan.

“Salamat.” Sabi ko na lang. Siguro naman walang lason y ung inabot nya saken?

“So ano po yung trabaho po ulit na sinasabi nyo kanina?” Hindi na ko nakatiis.

“Ah, ayon, maganda yun kasi mataas ang sweldo, libre na araw-araw na allowance mo sa school, pwede nga din libre accommodation na, and yun nga, permanent na sya kaya hindi mo na kailangang maghanap lagi ng raket mo.” Hmmmm sounds good.

“Wow! Ang ganda naman po non.” Feeling ko kumikinang yung mga mata ko at pumapalakpak ang tenga ko.

“So ano po yun?” Tanong ko ulit. Nakita ko pa si DJ na napailing. Siguro nahalata nya na sobrang interested ako pagdating sa pagkakakitaan.

“Gusto mo ikaw na lang maging assistant ni DJ?” Sagot ni Ms. Karla.

~~~~
Author’s note:

gaya po ng sabi ko ang active readers ko na nageeffort talaga mag log-in para mkapagcomment, nageffort maglike, vote, become a fan at matyagang naghihintay sa mga updates makakatanggap po ng softcopy ng stories ko pagkatapos tska po yung mga videos ng Julniel na ginagawa ko at gagawin pa lang iccompile kop o para sa inyo.
Marami pang pagdadaanan sina Julie at Daniel at may mga bagay na hindi inaasahan na mangyayari at malalaman kaya abangan lang natin at samahan natin sila sa pagharap ng mga events sa buhay nila.

Thanks po ^_^

 

~Marikit

Continue Reading

You'll Also Like

27K 1.4K 61
In Lieu Series #5 "I hate you sabay tapon sa universe!"
61.1K 123 1
Highest ranked #309 in teen fiction Highest ranked #792 in revenge Highest ranked #137 in nerd
174K 5.4K 159
wherein she unexpectedly found warmth from him but then out of the blue, and after all of the happiness and joy she had learnt from him, everything b...
94.1K 1.6K 41
He/She Thought na tama ang ginawa niya yun pala mali ang nagawa niya...