Back In His Arms Again (Publi...

By VentreCanard

49.4M 1.2M 318K

I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who c... More

Prologue
--
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
--
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
NOTE

Chapter 53

542K 14.7K 3.7K
By VentreCanard

Chapter 53


Hindi ko na nabilang kung ilang minuto akong nakatitig sa harapan ng pintuan niya. Alam kong napakalaki ng kasalanang ginawa ko sa kanya at natural lang na maranasan ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin.

What should I expect? A warm welcome with his signature smile? Haist. Masyado naman yata akong sinuswerte kung ganito niya ako sasalubungin. Sa lahat ng ginawa kong desisyon, anong karapatan kong masaktan sa paraan ng pakikiharap niya sa akin ngayon?


Napabuntong hininga na lang ako habang marahang humahakbang pababa ng hagdan. Anong oras kaya sila dadating? Dapat na ba akong sumama sa kanila nang hindi man lang kami nagkakaayos ni Nero?

Ipinilig ko ang ulo ko, siguro ay mas mabuting manatili muna ako dito nang makapag ayos na kaming dalawa. This pain is killing me, alam kong nasaktan ko siya sa mga ginawa ko at ang sakit na 'yon ay mahirap ng mawala. Pero siguro kung gagawa ako ng tamang paraan ay kaya ko itong tabunan ng magagandang alaala.

And yes, I'm going to fix this goddamn whole mess. Ginawa ko ang problemang ito kaya dapat ay matuto akong panindigan at gawan ito ng solusyon, hindi habang panahon ay mga pinsan, kapatid at kaibigan akong laging tutulong sa akin para masolusyonan ko ang aking mga problema. Problema ko ito kay Nero at alam kong ako lang ang makakaayos nito.

Kung patuloy akong pahihirapan ni Nero, tatanggapin ko na lang dahil alam kong mas dobleng hirap ang pinaranas ko sa kanya sa paulit ulit kong hindi pagpili sa kanya.


Sige lang, pagbutihan mo Ferell ang pakikipaglaro mo sa pusa mo, dahil mamaya sa akin ka makikipaglaro. Napapangisi na lang ako.

Ano nga ang sabi sa akin noon ni Troy? Masyadong marupok si Nero at isang halik lang ang Shokoy tapos na ang problema. Napapailing na lang ako, hindi ko akalaing pakikinggan ko ang isa sa mga walang kwentang payo ng isang Troy Alvis Ferell.


Pinili ko munang abalahin ang sarili ko sa panunuod sa napalaking tv kaysa piliting makipag usap sa kanya. Mainit pa ang ulo niya sa akin at hindi magandang salubungin ito. Inilipat ko sa matinong channel na walang palabas na love story. Ayoko nang makapanuod ng kahit anong sweet scenes lalo na at bitter pa ako sa pusang kalampungan ni Nero Ferell sa itaas.

That cat can't kiss him! Damn. Sino ba ang nagturo sa Shokoy na 'yon na mag alaga ng pusa? Walang sexy neck ang pusang 'yon, walang tattoo sa tiyan! And and..it can't caress his hair!

Fvck! Am I comparing myself to that goddamn cat?!


Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa tv na nakailang palit na yata ng movie. Agad kong sinulyapan ang labas at napansin kong magdidilim na. What the fvck? Gaano katagal ko nang sinusumpa ang pusang kalampungan ni Nero sa taas?

Tumayo na ako at napag isipan kong magluto. The way to the man's heart is through his stomach. Hahakbang na sana ako papunta ng kusina nang maagaw na naman ang atensyon ko ng lalaking bumababa ng hagdanan.

Kanina freshly from bed, ngayon naman freshly from water. Damn, bagong ligo ang Shokoy. But what's the worst? He's just wearing boxers! Again and again. Damn. Damn. Damn.


Habang bumaba siya ay marahan niyang pinupunasan ang basa niyang buhok. Fvck. Isang isa na lang Ferell, ano pa ang gagawin mo sa harapan ko sa susunod pang mga oras? May fireplace ba dito?


"Uhmm, Nero anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya na ikinakunot niya ng noo.


"May nagluluto na sa akin" maiksing sagot niya sa akin at tamad niya akong nilampasan para pumunta sa kusina. Mabilis ko siyang hinabol.


"Sino ang pusa mo? I can cook, ano ba ang gusto mo?" pamimilit ko sa kanya.


"Almero, wag mong ipilit ang gusto mo. I don't want to taste your food" napatigil ako sa pagsunod sa kanya dahil sa huling sinabi niya. Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko.

Nakita ko siyang bahagyang tumigil pero agad din niyang itinuloy ang kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa kusina. Agad kong tinapal ang mga pisngi ko.


"Wake up, wake up Florence. Umpisa pa lang ito, wag kang iiyak ha? Mahal mo ang lalaking 'yan. Mahal na mahal" huminga ako ng malalim bago ako nagtuloy sa kusina.

Nakita kong tahimik na kumakain si Nero Ferell.


"Almero, pakikuha naman si Margaret sa kwarto ko" Margaret? Sino 'yon?


"Margaret? Ilan ba ang pusa mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Binitawan niya ang kutsarang hawak niya at lumingon sa akin.


"Ilan ba ang nakita mo Almero?" tanong niya pabalik sa akin.


"Isa lang, pero akala ko ba Heaven ang pangalan?" nakita kong natigilan siya sa tanong ko.


"Heaven Margaret, now get her" hindi na ako sumagot sa kanya at nagmadali na akong kuhanin ang Heaven Margaret niya.

Bakit hindi na lang niya sabihin na hindi talaga siya mahilig sa pusa at pinagseselos niya lang ako? Heaven Margaret daw, damn Shokoy nadulas sa sariling bibig. Hindi niya nga matandaan ang pangalan ng pusa niya.

Nang makita ko agad ang pusa niya ay binuhat ko na agad ito.


"Siguro mas magiging magkaibigan tayo kung nagkakilala tayo sa ibang pagkakataon, pero ngayong mas madalas mo pang kayakap si Nero kaysa sa akin. Enemies tayong pusa k--" fvck!

Did she..Did she just? Scratch my skin? Nabitawan ko ang pusa at nagtatakbo siya sa kusina. Agad kong tiningnan ang braso ko. Damn! May kalmot nga ako. Nagmamadali akong pumunta sa kusina.


"Nero, kinalmot ako ng pusa mo" sumbong ko sa kanya.


"Hugasan mo, don't worry may anti rabies si Heaven" tamad na sagot niya sa akin habang kalong ang pusa niya. Hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin. Napapakagat labi na lang ako sa paraan ng pagsagot niya sa akin. Wala ba talaga siyang pakiaalam sa akin?

Sa halip na umasang may gagawin siya para tulungan ako ay nagdiresto na ako sa labas at hinanap ang nakita kong katulong kanina.


"Manang nasaan po ang banyo, huhugasan ko lang po ito. Nakalmot po ako ng pusa" ipinakita ko sa matanda ang kalmot sa akin ng pusa ni Nero.


"Nako hija, kailangang hugasan mo 'yan agad" sinamahan ako ni Manang sa banyo at nang makarating ako dito ay mabilis kong sinabon ang maliit na kalmot sa akin ng pusa habang lumuluha.


"Hija, ayos ka lang ba? Masakit ba?" lalong nagpatakan ang luha ko sa sinabi ni Manang.


"Opo ang sakit sakit, wala na siyang pakialam sa akin. Mas mahal niya ang pusa niya, ako ang inaway ng pusa niya. Ako ang nagalusan bakit wala pa rin siyang pakialam sa akin? Ang sakit sakit na po manang. Alam ko naman na mali ako" lalo sumakit ang aking mga mata nang ipahid ko ang may sabon kong kamay sa mata ko. Damn! Ang tanga tanga mo talaga Almero!

Paano na lang kung may mangyari sa akin dahil sa kalmot na ito? Binasa ko ang aking mukha at agad kong tinapos ang pagsasabon sa kalmot ng pusa. Sinalubong ako ni Manang ng puting towel.

Pinaupo ako ni Manang at kinuha niya ang braso ko. Agad niya nilagyan ito ng ointment.


"Buti na lang, mababaw at maliit ang kalmot sa'yo. Ilang beses na rin akong nakalmot ng pusang 'yan. Minsan mabait na pusa, minsan masyadong pilya. Pabago bago ang ugali ng puting pusang 'yan" napaismid na lang ako. Nagmana sa amo niyang Shokoy.

Habang nilalagyan ni Manang ng ointment ang kalmot ay mas napansin kong sobrang liit nga lang nito. Siguro ay gusto ko lang talagang pansinin ako ni Nero na hindi naman gumana.


"Nobya ka ba ng supladong senyorito?" tanong sa akin ng matanda.


"Hindi po, 'yong pusa niya po ang girlfriend niya" ismid na sagot ko na ikanatawa ng matanda.


"Sige na, bumalik ka na sa kusina. Saluhan mo ang supladong alaga ko, hayaan mo na kung minsan masama ang ugali niya. Sa kanilang magpipinsan sa kanya rin ako nahihirapan" bahagyang tinapik ng matanda ang pisngi ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumakad palabas nang tawagin ako ng matanda.


"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo hija?" ngumiti ako ng matamis sa matanda


"Florence Almero po. Salamat po dito" bahagya kong itinaas ang braso ko. Tumango naman sa akin ang matanda. Muli akong nagdiretso sa kusina at kumakain pa rin si Nero habang kalong ang pahamak niyang pusa.


"Kumain ka na rin" salubong sa akin ni Nero pagkapasok ko pa lang sa kusina. Inalok niya lang naman ako sa pinakamalamig na paraan. Bakit ganito? Hindi pa ako nakakakain buong maghapon pero hindi ako dalawin ng gutom?


"Iinom na lang siguro ako. Hindi pa ako nagugutom" pupunta na sana ako sa refrigerator para kumuha nang tubig ng magsalita siya ulit.


"Hindi ka pa kumakain simula umaga. Kumain ka Almero, wag mong asahang susubuan pa kita. Wag mo akong artehan" marahas niya akong hinila at basta na lang pinaupo sa tabi niya.

Pinaglagay niya ako ng madaming pagkain sa plato ko, hindi ko alam kung maluluha na ba ako sa ginagawa niya. Kahit galit siya ay inaalala niya pa rin ang kalusugan ko. Akala ko matitiis niya akong mamamatay sa gutom.


"Thanks" hindi na siya sumagot sa akin.

Nagsimula na akong kumain at nang malasahan ko ang masarap na pagkain ay dito ko na naramdaman ang gutom. Damn, ang galing ni Manang magluto. Akala ko magaling na ako, siguro minsan sasamahan kong magluto si Manang para matuto din ako ng mga bagong luto.

Tapos nang kumain si Nero pero hindi pa din siya umaalis sa tabi ko. Abala siya sa pagkiliti sa pusang kalong niya.


"Hmm, Nero is it okay if I stay here for a while?" tanong ko na nagpalingon sa kanya.


"Why?" maiksing sagot niya sa akin.


"Gusto kitang makasama, alam kong galit ka sa akin at naiintindihan ko 'yon kaya gagawin ko ang lang lahat ng makakaya ko para magbati na tayo" ngumisi ako sa kanya habang siya ay agad inilihis ang mga mata sa akin.


"Gawin mo ang gusto mo. Let's go Margaret" umalis na siya sa tabi ko. Nagkibit balikat na lang ako. Konting tiis lang Florence.

Nang matapos na akong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin, dumating si Manang sa loob ng kusina na may hawak na apat o limang paperbag.


"Pinabibigay ng supladong senyorito" natatawa na lang ako sa tawag niya kay Nero.


"Salamat po" sinilip ko ito. Mga damit at iba pang pangangailangan ng isang babae sa araw araw.


"Alam po itong lahat ni Nero?" Weird


"Ako ang namili niyan hija. Wag kang mag aalala hija, sanay na akong mamili ng ganyan. Hindi ikaw ang unang babaeng tumigil dito.." halos mabitawan ko ang lahat ng hawak kong paperbag na nasa mga kamay ko. Hindi ako? Sino pa ang dinala dito ni Nero?


"Nako hija..hindi. Hindi, mali ang iniisip mo. Ano ba itong nasabi ko at tumatanda na ako. Ibang senyorito, hindi ang supladong 'yan" para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ng matanda. Muli kong pinulot ang mga paperbag na nabitawan ko.


"Talaga po? Sino?" Talaga naman. Sino na naman kaya sa mga Shokoy na 'yon?


"Ang pinakamalambing na senyorito, kasama niya 'yong babaeng morena na parang modelo" napanganga na lang ako. Isinama na ni Aldus si Sapphire dito?


"Sap.. ano nga ang pangalan ng batang 'yon?" nahihirapang sabi ng matanda.


"Sapphire po" tamad na sagot ko.


"Oo nga 'yon! Isang taon din nagsama ang mga batang 'yon dito. Natatakot nga akong baka mabuntis ang magandang dalagang 'yon.." napapanganga na talaga ako sa mga naririnig ko. Damn. ISANG TAON? What the fvck?


"Kilala mo pala ang batang 'yon" natutuwang sabi ng matanda.


"Kapatid ko po. Sige po salamat" bakit ang dami kong nalalaman? Nag live in si Sapphire at Aldus? Isang taon? Damn. Mapapagkamalan ngang buntis si Sapphire kung nagsama sila ng isang taon sa lugar na ito.

Knowing my liberated sister na may kasamang Ferell? Buti sana kung nagmovie marathon lang sila sa buong taon. Baka ang kapatid ko pa ang minamarathon ni Aldus Ferell.

Damn that Ferell! Bakit hindi pa pinapakasalan ng Aldus na 'yon ang kapatid ko?!


Lalabas na sana ako nang muli kong nilingon ang matanda.


"Papaano niyo po tawagin ang natitirang tatlo? Kung si Nero suplado, si Aldus malambing..." ngumiti sa akin ang matanda.


"Maloko, Pilyo at tahimik" simpleng sagot sa akin ng matanda. Hindi ko na kailangan pang itanong kung sino sila doon, maloko si Owen, pilyo si Troy at tahimik si Tristan. Haist.


"Huwag kang mag alala hija, mahal ka ng supladong senyorito. Hindi ka niya dadalhin sa mahalagang lugar na ito kung hindi ka niya kayang dalhin sa dambana" mahalagang lugar?

Nakakunot ang noo ko sa sinabi ng matanda.


"Sige na hija, sa kanya mo na lang itanong" may itatanong pa sana ako nang lumabas na sa kabilang pintuan si Manang. What's with this place? Nahihiwagaan tuloy ako.

Pumunta na lang ako sa sala kung saan naroon si Nero kasama ang pusa niya.


"Nero, where are we?" tanong ko sa kanya.


"Island" maiksing sagot niya sa akin.


"Sa inyo ito?" ang yaman talaga ng mga Ferell.


"Kanino pa? Makakatigil ba tayo dito kung hindi ito sa mga Ferell?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya.


"Saan ang guestroom Nero? Mag aayos lang ako ng gamit" pag iiba ko ng usapan.


"Sa taas, pangalawang pinto" tamad na sagot niya sa akin.


"Thanks" agad akong tumaas ng kwarto. Kung masyado kong dadamdamin ang paraan ng pakikipag usap sa akin ni Nero ay lalong bibigat ang dibdib ko. Mas mabuting isipin ko na lang ang mga sinabi ni Manang.

Hindi ako dadalhin ni Nero dito kung hindi niya ako kayang dalhin sa dambana, pero hindi naman si Nero ang nagdala sa akin dito. Ipinilig ko ang ulo ko at sinalubong ang agos ng tubig mula sa shower. Binilisan ko ang aking panliligo at pagbibihis para agad akong makababa. Nagsuot ako ng cotton panjama at manipis na sando.

At nang pababa na ako ay hindi man lang ako tingnan ni Nero. Napapabuntong hininga na lang ako. Umupo ako sa mahabang couch katabi niya pero sobrang lawak ng distansya namin. Baka mamaya palipatin niya pa ako.


Nakatapos kaming manuod ng movie na hindi nag iimikan, sumusulyap sulyap ako sa kanya pero hindi man lang siya nalingon sa akin. Ngayon ay nasa pangalawang movie na kami at wala pa ring may balak magsalita sa amin.

Kaya nilakasan ko na ang loob ko para magsalita.


"Nero, hanggang kailan tayo ganito? I'm sorry, alam kong mali ako. Babawi ako" seryosong sabi ko sa kanya.

Tamad niyang iginalaw ang mga paa niyang nakapatong sa center table. At lumingon sa akin sa parang walang kainteres interes sumagaot sa tanong ko.


"Kung hindi ka manunuod, matulog ka na. Wag kang mang abala ng tao Almero kung wala ka rin magandang sasabihin" muli siyang tumitig sa tv habang ako naman ay napapatulala na lang sa kanya.

Akala ko matitiis ko pa ang mga salita niya sa akin, mukhang hanggang dito na lang ang kaya ko ngayong araw. Awat na, masakit na Nero.

Tumayo na ako at pilit akong ngumiti sa kanya kahit hindi siya tumitingin sa akin.


"Sige tutulog na ako. Wag kang masyadong magpapakapuyat ha? Mahal na mahal kita Nero Sebastian Ferell" agad na akong tumalikod sa kanya para hindi niya makita ang pagpatak ng aking mga luha.

Halos takbuhin ko na ang taas para makarating na ako sa kwarto ko. Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito kaya siya nagkakaganyan sa akin. 

Tinalon ko na ang aking kama at ibinaon ang aking sarili sa mga unan. Dito ko na hinayaang magpatakan ang aking mga luha.


Nasanay akong laging sinusuyo ni Nero Ferell, nasanay ako sa mga lambing niya, nasanay ako sa mga kapilyuhan niya. Ang sakit pala talagang ipagtabuyan, ilang beses ko na ba itong ginawa sa kanya? Ang sakit.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog.


--


Nakakarinig ako ng malakas na hangin at mas napamulat ako nang makaramdam ako ng malamig sa aking pisngi.

Shit! Umulan ng napakalakas. Agad akong bumangon para isarado ang bintana ng kwarto, kahit madilim ay kitang kita ko ang lakas ng hangin dahil sa mga puno ng niyog na halos nagsasayaw na. Hindi naman siguro magkakatsunami dito? Hindi pa ako kinakausap ng maayos ni Nero.

Sinilip ko ang oras at mag aalas dos pa lang ng madaling araw. Bubuhayin ko pa sana ang lamp shade ko nang mapansin kong napipihit ang doorknob. Dalidali akong bumalik sa aking kama at ipinikit ko ang aking mga mata.

Ramdam ko ang mga hakbang niya papalapit sa aking kama, kahit nakapikit ang aking mga mata ay kilalang kilala ko ang taong ito. Napakapamilyar na amoy niya sa akin. At kahit kailan ay hindi ko ito makakalimutan.

Why are you here Nero?


Naramdaman ko siyang umupo sa kama ko at alam kong pinagmamasdan niya ako. Hindi ko na alam kung imumulat ko ba ang aking mga mata o magkukunwari na lang akong matutulog.

Pero mas pinili kong magkunwaring natutulog dahil kung gusto niya akong kausapin ng gising ay kanina pa siyang tumaas dito para kausapin ako.

Una kong naramdaman ang marahang paghawi niya sa buhok kong tumatabing sa mukha ko. Damn, nahihirapan akong huminga ng natural.


"I'm sorry Florence.." mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko hanggang bumaba ang halik niya sa ilong ko.

I felt his thumb softly caressing my lips. Oh Nero, akala ko magigising ako ngayong umaga na punong puno ng sama ng loob.

Nagpapasalamat ako sa malakas na ulang gumising sa akin. Dahil kung hindi ako nagising hindi ko mararamdaman ang mga haplos na ginagawa niya sa akin ngayon.


"I love you more.." muling sabi niya sa akin. Naramdaman kong marahan niyang hinalikan ang mga labi ko. Damn.

Gusto kong imulat ang aking mga mata pero natatakot akong bigla na lang siyang tumigil at lumayo sa akin.

Ngayon naman ay naramdaman kong hawak niya ang braso ko. Alam ko kung anong hinahanap niya. Agad kong naramdaman ang malalambot niyang labi sa maliit na kalmot na ginawa ng pusa niya sa akin.


"You don't know how much I love you Florence and I'm sorry. I'm just scared that you might leave me again..." tumataas ang mga labi niya galing sa kalmot papunta sa mga balikat ko.

Anong gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba siyang paliguan ako ng mga halik hanggang sa maupos na ako dito habang nagkukunwaring tulog? O imumulat ko na ang aking mga mata?

Damn, I'm enjoying this. How I miss this, I miss his lips and his touch. I miss his everything.


Lalong nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.


"I love you Florence Almero, let's start all over again. Please wake up, open your eyes for me"



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

35.5M 725K 39
Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang atensyon ng mga 'to. After all, she's bo...
5.6K 354 13
A 𝗴𝗲𝗻𝘂𝗶𝗻𝗲 yet 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲. - 𝑹𝒆𝒂𝒈𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒛𝒆𝒍 𝑨𝒍𝒃𝒂𝒏𝒐 & 𝑨𝒍𝒍𝒐𝒓𝒂 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒓𝒐𝒆 ❣
1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.