Chapter 31

569K 13.7K 1.6K
                                    

Chapter 31


Nang makababa na kami sa coffee house ng hotel ay agad na kaming umorder ni Sapphire.


"Kapag araw araw ganoon ang makikita mo sa umaga. Taon taon ako manganganak" halos mapabuga ako ng kape sa sinabi ng kapatid ko. Hindi uso condom?


"Nagbibiro ka lang naman hindi ba?" natatawang tanong ko sa kanya.


"Sus! Pavirgin, if I know.." malisyosa niyang sabi sa akin.


"Uminom ka na lang diyan ng kape Sapphire, padating na sila" pasimple kaming magkapatid na uminom ng kape na parang hindi namin napapansin na may mga Ferell lang naman na padating. Playing safe.


"Hi girls" bati sa amin ni Aldus. Hindi bumati si Nero, mabilis lang naman siyang nakayuko sa akin at nakahalik sa labi ko. Damn.


"Lasang kape" ngising sabi niya sa akin saka siya tumabi sa akin. Nasa harapan naman namin si Aldus at Sapphire na may kanila din na kalandian. 


"Natural, kape ang iniinom ko. Magtataka talaga ako kung rambutan, lansones, singkamas at ubas ang nalasahan mo" mabilis umikot ang mga mata ko sa kanya. Hinding hindi ko makakalimutan ang unang halik ko sa Nero Ferell na ito. Lasa daw akong rambutan. Damn.

Halos sabay sabay silang tumawa sa sinabi ko. Akala siguro ni Aldus at Sapphire ay nagbibiro ako, kung alam lang nila. Lahat na ng prutas ay nalasahan na ng hari ng mga Shokoy sa labi ko.


"So what are your plans?" tanong sa amin ni Aldus.


"Sa totoo lang magbobonding kaming magkapatid, bakit nakisali pa kayong dalawa dito?" mabilis na tumango si Sapphire sa sinabi ko.


"Pwede naman kayong magbonding..basta walang maghuhubad" gusto kong buhusan ng tubig itong si Aldus.

Bakit kailangan niya pang ipaalala ang mga nangyari? Kami na nga ang talo hindi ba? Bakit gustong gusto nilang pinapahiya kaming magkapatid? Hindi tuloy kami makapagsalita ng kapatid ko.

Narinig kong sumipol si Nero at marahan siyang umakbay sa akin.


"Just give us distance..dapat ay sa malayo kayo. Paano kami magkakaroon ng bonding ni Sapphire kung lagi kayong nakaaligid dalawa?" katwiran ko sa kanila.


"Okay, just in one condition" agad na sabi ni Nero. Masama na naman ang kutob ko dito.


"What's that?" tanong ko sa kanya.


"Hindi na kami magkasama ni Aldus sa suite, bumalik ka na sa kwarto natin..." kailan pa naging 'natin' ang kwarto ko? Nakita kong ngumisi din si Aldus sa sinabi ng magaling niyang pinsan.


"NO!" sabay naming sagot ni Sapphire.


"Okay, madali kaming kausap" kibit balikat na sabi ni Aldus. Maghapong mamemeste ang magpinsang Shokoy na ito.


Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon