Chapter 17

630K 15.8K 2.9K
                                    

Chapter 17


Ipinaparada na ni Ashong ang sasakyan. Wala pa rin nagsasalita sa amin, wala rin naman akong ganang magsalita dahil sa nagbasa ko. Damn that Ferell.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Ashong ng pinto dahil ako na mismo ang nagbukas na nito at mabilis na akong lumabas.


"Sorry for what happened Florence. Hindi ko akalaing magkikita si Mama at Mrs. Ferell.."

Gusto ko pa sanang magtanong kay Ashong tungkol sa mga bagay na ito, na kakilala na pala ng pamilya niya ang mga Ferell, na hindi lang pala sila basta magkakilala ni Nero. They're even bestfriends! Wala man lang siyang sinabi.

My nephew's birthday was full of surprises.


Pero mas gusto ko nang matapos ang usapan namin. Alam kong anumang oras ay dadating si Nero Ferell. Ang malanding Shokoy.


"It's okay, wala namang masamang nangyari" simpleng sagot ko.

Wala ngang masamang nangyari sa pagitan namin ng mommy ni Nero at ni Cassidy. How about the incident with my legs? Masamang pangyayari ba 'yon? Hindi ba naisip ni Nero na maaari kaming mahuli sa ginawa niya? Damn! Patay ka talagang Shokoy ka sa akin.


"Good for you then" sagot niya sa akin.

Hindi ko alam kung yayain ko pa siya sa loob. Shit! Kinakabahan na talaga ako. Papaano ko itataboy si Ashong? Paano kung bigla na lang dumating si Nero? Damn. Pag sinabi pa naman ng Shokoy na 'yon ay gagawin niya.

I know he might be on his way right now. Damn. Damn Ferell.


"Pumasok ka muna Ashong.." pag aanyaya ko sa kanya. I don't have choice, I can't be rude.

Pilit na ngumisi sa akin si Ashong sa anyaya ko sa kanya. What's wrong with him? He's been acting strange these past few days. What's with his forced smile?


"I know you're sleepy just rest Florence...I'll go now" mabilis niya akong hinalikan sa noo. I know there's something wrong with him. Does he know? Shit!

Sasakay na sana siya ng sasakyan niya nang pigilan ko siya. I know, there's something wrong with him.


"Ashong, do you have problem?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Katulad ng ginawa niya kanina, bahagya lang siyang ngumisi sa akin.


"No nothing, probably I'm tired too. Anyway, I'll be gone for 1-2 weeks. I need to fly back to US" US?


"Why?" kunot noong tanong ko sa kanya.


"Just some stuff, don't worry. You won't miss me, I'll call you everyday" kinindatan niya muna ako bago niya inistart ang sasakyan niya.


"Keep safe then.." bahagya akong kumaway sa kanya na may halong pagtataka. Sa pagkakaalam ko ay tapos na ang mga dapat niyang gawin sa US.

Why suddenly flying back?

Nang mawala na sa aking mga mata ang sasakyan ni Ashong ay halos takbuhin ko na ang papasok ng bahay. Damn. Dadating ang Shokoy.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon