Chapter 28

606K 15.4K 3K
                                    

Chapter 28


What's wrong with me? Why everything is moving slowly?


Napapalunok na lang ako sa nakikita ng aking mga mata. Bakit parang biglang bumagal? Bahagya kong sinuyod ang mga taong nakatubog sa pool. Halos lahat ng babae na tahimik lamang naglalangoy kanina ay nagambala sa dalawang Ferell na papalapit.

All eyes are on them. Sabay na napapayid ng banayad na hangin ang mga buhok nila na aakalain mong nilaro ng kamay ng mga babae. Damn, Ferells in their messy hairs.


They're sexy enough with their hair. Papaano pa kaya kung sa mukha na tumingin? Kapwa mga salubong ang kanilang mga kilay na talagang ikapapanlambot ng tuhod ng kahit sinong babae, inosente man o hindi.

Dahan dahan nilang tinatanggal ang pang itaas nilang damit. Damn. Napapakagat labi na lang ako.


Si Aldus na mukhang sinadyang pabagalin ang pagtatanggal ng kanyang butones. At si Nero na mabilis naghubad at basta na lang itinapon sa isang tabi ang damit.

I even saw how his well-built body flexed. Fuck, mas maganda pa ang katawan niyang ibinabalandra ngayon kaysa sa panaginip ko. His real abs in front of my eyes. Nero's real body.


Inuuhaw ako. Shit!

Gustong gusto kong murahin ang sarili ko. I'm drooling like the other girls on this pool. Alam kong hindi lang ako ang babaeng nagpapantansya kay Nero Ferell sa mga oras na ito.

Mas naalarma ako nang makita kong sabay na silang nagdive sa pool. Mapapasubo talaga kaming magkapatid dito. Kung pwede lang akong sumigaw ng 'May Shokoy sa pool!'

Parang nanigas na ako sa posisyon ko ngayon, saan ako pupunta? This huge pool is their territory. Tang ina.


Muli kong sinuyod ang kabuuan ng pool para makita kung nasaan na sila. Damn, where are they?


"Sapphire umahon na tayo. I can't see them.." kinakabahang sabi ko kay Sapphire na parang hindi man lang naaalarma sa mga nangyayari.


"Just swim, bilisan mo na lang" natatawang sabi ni Sapphire. What the hell? Hindi kami mananalo sa languyan. Shokoy lang naman ang dalawang 'yon!

Nagsimula nang lumangoy si Sapphire palayo at agad ko naman siyang sinundan. We can't split.. we need to stay together.


"Sapphire, I'm nervous. They're good at swimming"


"I know, alam kong hindi lang pool ang kayang sisidin ng mga Ferell na 'yan" natatawang sabi ng kapatid ko.

Napapapahanga na talaga ako sa kapatid ko, bakit may lakas pa siyang magbiro? Anumang oras ay alam kong may bigla na lang hihila ng paa ko. Kinakabahan na talaga ako, lalo na sa paraan ng pagtitig sa akin ni Nero kanina.


"Come on Sapphire, hindi ko sila makita" mas lumapit pa ako kay Sapphire. Bakit hindi man lang siya kinakabahan? Parang nag eenjoy pa siya sa mga nangyayari.


"You're so cute Florence natatawa ako sayo. They won't molest us, we're in public place" sana nga, sana nga.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon