Chapter 59

542K 13.4K 2.2K
                                    

Thanks @twinsissy14


Chapter 59


Nakarating na rin sa mga matatanda ang totoong nangyari. Umabot ito hindi lamang kay lolo maging sa buong angkan ng Villacorta. Hiyang hiya na ako sa pamilya ko dahil sa sunod sunod na problema na nadadamay sila, simula sa naudlot naming kasal ni Ashong hanggang sa eskandalong ito na alam kong hindi nila palalampasin.

Kasalukuyang nasa loob ng mansion ang mga kamag anak ko sa partido ng mga Villacorta, nandito rin si lolo para suportahan ako sa anumang ibatong tanong ng mga kamag anak ko.

Nandito si Tito Gil na ama ni Gio at si Tito Pio siyang ama naman ni Kuya Nik, nandito rin ang mga tiyahin ko at ilang hindi nalalayong mga kamag anak na may kanya kanyang sinasabi sa lipunan. Masasabi kong maliit na pamilya lamang kaming mga Villacorta, pero alam kong hindi biro ang impluwensya ng aming pamilya sa loob at labas ng bansa.

Kahit malalayo ang distansya ng mga bawat miyembro ng aming pamilya kapag may mga ganitong pangyayari, gagawa at gagawa sila ng paraaan para magkatipon tipon at ito talaga ang hinahangaan ko sa pamilya ni mommy.



Akala ko ay tatanungin pa nila ako tungkol sa hindi natuloy na kasalan pero laking pagtataka nang wala ni isa sa kanila ang nagsalita tungkol dito. Mukhang alam na nilang lahat ang totoong nangyari.



"Tulad ng sinasabi ko, hindi maaaring magpadalosdalos tayo" agad na sabi ng isa sa mga tiyahin ko.



"Malaking pamilya ang mga Ferell at Falcon" segunda ng isa ko pang tiyahin.

Kung maari ay ayoko nang lumaki pa ang gulo sa pagitan ng mga pamilya namin, kilala ko ang pamilya ko hindi sila patitinag kahit ilang malalaking pamilya pa ang banggain namin. Kilala ko din ang mga Ferell, iba ang samahan ng pamilya nila at natatakot ako sa maaari nilang maging hakbang. Ina ni Nero ang pinag uusapan namin dito, malaki ang posibilidad na kampihan niya ang kanyang ina kahit anuman ang gawin nito. At alam kong susuportahan siya ng mga pinsan niya. Natatakot akong harapin ang mga Ferell sa ganitong sitwasyon.



"Kahit gaano pa kalaki ng pamilya ng mga Ferell at Falcon, hahayaan nyo ba na paulit ulitin nilang gawin ito sa pamangkin ko? Magkasampahan na ng kaso" galit na sabi ni Tito Gil. Alam kong walang pasensiya si Tito gaya ng anak niya at mahaba habang paliwanag ang kailangan kong gawin para maipaintindi sa kanya ang gusto kong mangyari.



"But Tito, malaki ang utang na loob ko sa mga Ferell. We can settle this na walang sinasampahan ng kaso" giit ko kay Tito. Baka sakaling magbago ang isip nila kapag pilit kong ipinaalala sa kanila ang mga bagay na ginawa sa akin ng mga Ferell sa nakalipas na anim na taon.



"Hindi dahil tinulungan ka nila ng isang beses ay hahayaan mo na silang gawin ang bagay na gusto nila. Have seen that video Florence? Papatayin ka na!" halos mapapikit ako sa malakas na boses ni Tito Pio.

Walang nakapagsalita sa mga taong nasa loob ng mansion dahil sa sinabi ni Tito Pio. Kahit ako ay hindi ko itatanggi ang sinabi niya, ramdam ko ang galit at poot ni Cassidy sa akin nang araw na 'yon.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon