Chapter 7

618K 16.8K 2.9K
                                    

Chapter 7


Wala na siguro kaming ibang ginawa ng mga kaibigan ko kundi magtapon ng pera. Kaya ito kami ngayon at mga nakahilera sa isang parlor habang nag papahair treatment.

Sabagay ito na lang kasi ang bonding namin tatlo. Minsan napapaisip na ako nagtatrabaho kaya ang dalawang ito?


"Ano na ang nangyari sa inyo ni Ashong mo? Akala ko ba ay itetext mo kami?" ibinaba ni Camilla ang binabasa niyang magazine at sinulyapan ako sa harap ng salamin.


"Wala" maiksing sagot ko sa kanya. Ni tawag or text ay wala akong narereceive kay Ashong. Is he really that mad?


"Pwede ba 'yon? You even declined my dinner invitation, ganoon mo siya kamiss? Gusto agad masolo?" sabat sa amin ni Aira na nakataas ang kilay.


"Excuse, pagod po 'yong tao. He needs rest, diba nga may next time? Wait..bakit ako na naman ang sentro ng usapan natin dito? Ikaw ba Aira? Nasaan ang boyfriend mo? Himala at hindi ka niya hinatid dito" sagot ko sa kanila.

Muli ko na lang binuklat ang magazine na hawak ko.


"Mag aalaga daw ng mga pamangkin. Wedding anniversary kasi ngayon ni Aristotle at Gabriella kaya magcecelebrate ang dalawa" simpleng sagot sa akin ni Aira.

Matagal na nga rin pa lang kasal si Aristotle at Gabriella. I'm so happy for them, I heard dalawa na daw ang anak nila, which are both girls.


"Buti pa si Aristotle may dalawa ng anak na..'yong isa dyan..Haist" bakit pakinig ko ang sabay nilang pagbuntong hininga?

At ako ba ang pinariringgan nilang dalawa?


"I'm too young, hindi ko pinagmamadali ang mga bagay bagay" katwiran ko sa kanilang dalawa.


"Sabihin mo undecided ka" segunda sa akin ni Camilla.


"What do you mean?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya.


"Oh well....." hindi na niya itinuloy ang dapat niyang sasabihin at nagkibit balikat na lang siya sa akin. Arghh..


"By the way, alam nyo ba na napagtripan kami ng lasing ni Ashong sa parking lot kahapon. Pagkatapos nyong umalis" muli ko ulit ibinaba ang magazine na hawak ko at tumingin sa salamin para makita ang reaksyon nila.


"Really?" tanong ni Aira na nakataas ang kilay.


"Yes, may napansin ba kayong pulang Montero sa parking lot kahapon?" sabay silang umiling sa akin.



"Bakit? Ano ba ang nangyari?" nagtatakang tanong ni Camilla.



"Muntik lang naman kaming sadyang bagain ng pulang Montero na 'yon" sabay silang napanganga sa sinabi ko.



"Ha? Why?" tanong ni Aira.


Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon