Chapter 6

645K 16.7K 4.4K
                                    

Chapter 6

Inihatid muna ako ni Ashong sa bahay ni Kuya Nik. Buong biyahe namin ay natahimik na lamang ako. Who's that unknown number? Tama ba na paghinalaan kong siya ang nagpadala sa akin ng message? Siya kaya ang driver ng kulay pulang Montero?

But he has Cassidy. Ipinilig ko ang aking ulo. That's too impossible. Siguro ay na wrong send lang ang message na ito sa akin.

"Dito ka na magdinner Ashong, I'll cook for you" bumaba na ako ng sasakyan.

"Hindi ka ba magpapahinga na lang? Kahit magpadeliver na lang muna tayo" bumaba na rin siya ng sasakyan niya.

"It's only 6 o'clock Ashong. Hindi naman ako napagod" pilit akong tumawa sa kanya. Pumasok na kami ni Ashong sa bahay ni Kuya Nik. At hindi pa ako nakakailang hakbang ay sinalubong na ako ng kambal.

"Tita Florence.. andito kanina 'yong ra---cer" tumigil sa pagsasalita si Tyrone nang mapansing kasama ko ang sinasabi niyang racer. Ikinawit ko ang aking braso ko kay Ashong saka ngumiti sa mga pamangkin ko.

"Trevor, Tyrone. Meet Kuya Ashong he's my fiancé" ngumiti ako sa mga pamangkin ko na may magkaibang ekspresyon.

"Hi Trevor, Tyrone" akma si Ashong makikipag apir sa dalawa pero si Tyrone lang ang sumagot sa kanya.

Oh well, parehas nga pala ng hilig ang dalawang ito. Horse stuff, I guess. Bored lang na tumango si Trevor saka kami tinalikuran.

"He don't like me" natatawang sabi ni Ashong.

"Yes.." ngising sagot ko sa kanya. May pagkasuplado pa naman 'yong si Trevor, para na siyang si Gio.

"Hey, can we talk privately later?" seryosong tanong ni Tyrone kay Ashong na ikinagulat ko. Like seriously?

Kahit si Ashong ay nagulat sa tanong sa kanya ni Tyrone pero mabilis siyang nakabawi.

"Sure" tumango lang si Tyrone saka bumalik sa kinaroroonan niya kanina.

"What's with your nephews Florence?" bulong sa akin ni Ashong.

"Don't worry, sadyang ganyan ang mga 'yan. Villacorta blood, I guess" nagkibit ako ng balikat sa kanya. Magdidiretso na sana kami ni Ashong sa kusina nang may maalala akong itanong sa kambal na abala na ngayon sa panunuod ng tv.

"Hey, nasaan si Kuya Nik at Gio?"

"Dad's on date" maiksing sagot ni Trevor na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"May date din ata si Gio" sagot naman sa akin ni Tyrone. Ang lakas makadate ng dalawang 'yon. Pinabayaan na ang kambal dito.

"Pinakain naman kayo bago sila nakipagdate?" sabay silang tumangong dalawa sa akin na hindi man lang inaalis ang kanilang mga mata sa tv.

Napanguso na lang ako. Why too busy? Sinulyapan ko si Ashong na bahagyang nakangisi sa akin. I can't help but to roll my eyes. Why he looked amuse?

"Let's go.. you must be hungry" hinila ko na siya sa kusina. Mabuting maipagluto ko na siya ng pagkain at nang makapagpahinga na siya. Nakapasaway talaga ng lalaking ito. 

Nang makarating kami sa kusina ay agad ko muna siyang pinaupo.

"Wait for 25 minutes.." ni check ko ang laman ng refrigerator. Mabuti at madami pa itong laman na maaari kong iluto.

"Ikaw lang pala talaga ang babae dito" rinig kong sabi niya.

"Yes.. Lumaki akong puros lalaki ang kasama ko. I'm always with Kuya Nik and Gio, siguro ay nasanay na talaga ako na sila ang madalas kong makakasama.... Afterall they're the only family I have. Oh well, si Lolo rin pala, the twins and my sister na ayaw magpahanap..."

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon