Totally in love with a Dota p...

By blue_maiden

12.2M 288K 45.6K

[Book 2 of I'm in Love with a Dota Player] Tama kaya yung desisyon ko na mag mahal ng isang Dota Player? o ma... More

Intro
Season 1 -- Prologue
Chapter 1 : Memories
Chapter 2 : Move-on
Chapter 3 : Tulad ng dati
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Papalag naman eh
Chapter 6 : Ligaw
Chapter 7 : Set you free
Chapter 8 : I got your back
Chapter 9 : It's now official
Chapter 10 : Adjustments
Chapter 11 : Ikaw pa rin
Chapter 12 : First Month
Chapter 13 : Im back!
Chapter 14 : New me
Chapter 15: She's mine
Chapter 16: Aso't Pusa
Chapter 17 : Only reminds me
Chapter 18 : Death
Chapter 19 : Dance with my Father
Chapter 20: Promise
Chapter 21: Muling ibalik
Chapter 22: Litong Puso
Chapter 23: Torn
Chapter 24: Break up
Chapter 25: New Girl
Chapter 26: One more chance
Chapter 27: Wait for me
Chapter 28: Tin-Miggy forever
Chapter 29: Her Threat
Chapter 30: Unexpected
Chapter 31: Don't leave me
Chapter 33: Is this the end?
Chapter 34: Wedding
Epilogue
Author's Note
Season 2 -- Chapter 3
Authors note 2

Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]

305K 7.4K 1.2K
By blue_maiden

Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]

TIN POV

3 years later..

"Andito na tayo.."

Minulat ko yung mata ko, tinignan ko agad yung bintana ng eroplano. Nandito na nga ulit ako sa pinas. It's really good to be back.

"Ready ka na bang makita ulit sila?"

Ngumiti ako kay papa at mama, tumango lang ako. Hindi lang ako ready, excited na din ako. After three years, makikita ko ulit sila.

Bumaba na kami nila papa. Sa waiting area, kitang kita ko na agad si Kuya Ace at Miguel. Ang saya saya nila, hindi ko din tuloy maitago yung kasiyahan ko.

Tatlong taon akong hindi umuwi sa pinas. Never akong dumalaw dito kaya lahat bago sakin. Ang laki laki na agad ni Miguel. Ang laki ng tinangkad niya. Si Kuya Ace naman mas lalong naging macho tska nag matured na din yung mukha niya. Aba, lahat ata sila nag bago for good. Hindi ko na tuloy mahintay makita yung iba.

Habang pa uwi kami, nadaanan namin yung USTe pati na din yung school ko nung high school. Lakas naman maka throwback neto. May pinag bago man pero konti lang. Nakakamiss talaga ang pinas. Kahit maganda sa Amerika mas gusto ko pa din dito.

Pagkababa namin sa tapat ng bahay, napa ngiti na lang ako. I'm home, finally.

Madami din nabago sa bahay namin pero yung hindi nabago yung mga pictures namin.

"Ate, kamusta ka pala dun? Hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan. Hindi mo ba kami na miss dun sa US?"

"Nako Miguel! pwede bang hindi tayo na miss ng ate mo?" sigaw sakanya ni mama.

"Sorry Miguel, ayoko muna kasi bumalik dito sa pinas hanggat hindi pa ko graduate. Baka kasi mamaya hindi na ko makabalik sa US."

"Baka naman kasi may boyfriend ka na dun?" nagulat si mama sa tanong ni Miguel.

"Anak may boyfriend ka na dun?"

"Mama wala po! wala nga akong panahon dun eh!" wala din akong intetes mag boyfriend dun.

"Baka naman kasi mahal mo pa si --" bigla naman tinakpan ni mama yung bibig ni Miguel. Hindi naman kaylangan gawin yun ni mama eh, alam ko naman na si Miggy yung tinutukoy ni Miguel eh.

"Sino ba pinaka namiss mo samin anak?" pag iiba ng topic ni mama.

"Syempre ako na yun!" ginulo gulo ko yung buhok ni Miguel.

"Sira ka talaga Miguel! Syempre lahat kayo miss ko." si kuya Ace nakakaloko yung tingin. Ano kayang iniisip niya? "Kuya bakit ganyan ka maka tingin? miss mo ko noh?"

"Haha! may naisip lang ako nung sinabi mo na miss mo kaming LAHAT." naka diin pa talaga yung salitang lahat. Ano naman meron, ay teka about kaya yun kay.. "Welcome back princess. Masaya ako nakabalik na ko ulit dito." I'm back for good.

"Masaya din ako na nakabalik na ko."

"Mag pahinga ka na muna anak, alam kong napagod ka sa byahe natin."

"Papa pwede bang maglakad lakad muna ako sa labas?" napatingin silang lahat sakin. "Mag papahangin lang muna ako."

"Sige anak, bumalik ka na lang agad ah."

Ngumiti ako sa kanilang lahat. Yung mga mukha nila halatang nag aalala sila sakin. Wala na naman dapat ipag-alala sakin eh. Okey na ko, okey na okey. Lakas maka throwback ng araw na 'to eh. Susulitin ko na din.

Pagkalabas ko pa lang ng bahay madami ng mga memory na agad bumalik sakin.

Naglakad lakad lang ako, hindi ko din alam kung saan ako papunta. Habang naglalakad ako madami akong nakikita na nakakapag balik sakin ng mga alala na meron ako dati. Mga alaala na pilit kong kinakalimutan pero hindi ko magawa. Kahit may masakit na alaala meron yung memory na yun mas nangingibabaw naman yung saya.

Nadaanan ko yung compuer shop kung saan ako dinala ni Miggy dati, dito ko din nga pala unang nakilala si Kevin. Madami pa din palang naglalaro dito. Sobrang daming alaala yung naiisip ko sa computer shop na 'to.

"Cristin?" nilingon ko yung dalawa kong best friend. Kilalang kilala ko na yung boses nila.

Halos hindi ko na nakilala si Apple at Sarah. Abs mas lalong gumanda yung dalawang 'to. Sobrang na miss ko din silang dalawa.

"Bakla!" lumapit silang dalawa sakin tska ako niyakap. "Na miss ka namin ng sobra!"

"Miss ko din kayo! Anong bago?"

"Eto si Apple at Kevin muntik na mag break." mag break?! eh ang sweet sweet nilang dalawa eh. "Nalaman kasi niya na nag kikita pa sila Maureen at Kevin." tumango na lang samin si Apple. "Nag explain naman si Kevin kaya ayun, hindi rin natiis ni bakla."

"Eto naman si Sarah, palaging nag hihinala sa kuya Ace mo. Selosa din 'tong babae na 'to eh." Napa ngiti na lang ako. Hindi ako maka relate sa kanilang dalawa. Simula kasi nang pumunta akong US, wala pa kong naging boyfriend. Bakit naman kasi puro livelife na kwento nila? wala ba about sa work?

"Ikaw Tin? ay oo nga pala--"

"San kayo pupuntang dalawa?" iniba ko na lang yung usapan. Wala din naman akong maisasagot sa tanong ni Sarah.

"Papunta na nga kami sa inyo eh. Tara na bakla! San ka ba pupunta?" may naisip ako bigla.

"Tara! maglalaro tayo!"

"Mag lalaro?!" gulat na gulat pa silang dalawa.

Hinila ko sila papasok sa computer shop. Na miss ko kayang mag dota. Wala naman kasing naglalaro sa US ng dota eh. Wala din naman akong kalaro dun.

"Seriously? Dota? ang tagal na namin hindi naglalaro neto eh." sabi ni Apple. Sus ang lakas lakas kaya niya mag dota.

"Okey yan! miss ko na mag dota! lakas maka throwback bakla! Haha!"

"Wish ko lang marunong pa din ako." baka nakalimutan ko na 'to.

Nag rent na kami ng tig isang oras na computer. May kalaro naman kami kaya enjoy din. Kahit pala tatlong taon akong nabakante sa dota, marunong pa din akong maglaro.

Nung malapit na kaming mag time, may nag PM sakin.

Mr. Pudge: Pre dota tayo.

"Sino yan Tin?"

"Hindi ko alam, nag PM na lang bigla sakin eh. Dota daw kami." sino kaya siya?

"Eh di labanan mo!"

"Oo nga bakla, papanuorin ka namin ni Apple. Go!" pumayag na lang din ako dun sa lalaking nag PM sakin.

May naalala ako sa name niya. Lakas talaga maka throwback ng araw na 'to. 

Nung naglaro na kami, aba inaasar niya ko! Lakas niya mang trashtalk. Badtrip naman, hindi tuloy ako nakapag concentrate sa game kaya ayun talo ako.

Mr. Pudge : Ang weak mo naman! Wag ka na mag dota!

Ang yabang niya ah! Porket malakas siya, pasalamat nga siya nakalimutan ko na mag dota eh. Pagbibigyan ko na, talo naman ako eh.

Lumapit sa monitor ko si Apple. "Hoy Tin! papayag ka na ginaganyan ka lang?! aba hindi pwede yan!"

"Oo nga! dapat mag laban ulit kayo! pero dapat harap harapan na para makita natin yung pag mumuka niyan!" ang warfreak neto ni Sarah oh, lalaki kaya yan mamaya suntukin pa kami niyan eh.

Biglang nag type si Apple.

Ms. Bambi : Rematch, dito sa ledion! hihintayin kita. Kung weak ako, panget ka naman!

Hala ka! Ano ba yang iniisip nila?!

Mr. Pudge : Ok sige.

"Ano ba kayo mamaya masamang tao pala yan! Baka rapist pa yan! nako naman oh!"

"Wag kang mag alala tatlo naman tayo eh."

"Oo nga Tin, tara hintayin natin yung mokong na yun sa labas! sigurado ako panget yun." napakamot ulo na lang ako sa pinag gagawa nilang dalawa.

Pumunta kaming tatlo sa labas ng shop para hintayin yung Mr. Pudge na yun. Sino nga kaya yun? Ang yabang niya ah. Akala mo naman kung sino. Humanda lang talaga siya sakin kapag nakita ko siya. Kaso paano pala kapag masamang tao yun? tatakbo na lang ako! Haha. Kakabalik ko pa nga lang sa pinas puro na ko kalokohan.

"Tin..."

"Bakit Sarah? Anong--" tumingin ako sa likod ko.

Si Miggy? Anong ginagawa niya dito? teka siya ba yung nakalaban ko? siya ba si Mr. Pudge?

"Cristin? Bumalik ka na?"

After all this years, iba pa rin talaga yung impact sakin ni Miggy. Pinapabilis pa din niya yung pagtibok ng puso ko. Kaso ngayon medyo kakaiba na kasi parang hindi ako mapakali.

"Oo kanina lang." medyo awkward lang kasi pareho naming hindi alam yung sasabihin sa isa't isa pagkatapos ng tatlong taon.

Bigla naman nagsalita si Apple. Siguro napapansin na din niya na na iilang kaming pareho ni Miggy. "Miggy, ikaw ba si Mr. Pudge?" nagulat si Miggy, so ibig sabihin siya nga yun. "Si Cristin kasi si Ms. Bambi."

"Ikaw pala yung nakalaban ko? Hindi ko alam na ikaw yun Tin."

"Kaya naman pala mayabang eh! Ikaw naman pala yun! Pasalamat ka talaga kaibigan kita kasi kung hindi inupaka na kita kanina pa. Ano mag rematch na ulit kayo ni Tin!" hanggang ngayon parang inis pa din si Apple kay Miggy. Haha! nakakatuwa talaga 'to si Apple.

"Apple di ba may pupuntahan pa tayo?" sabat naman ni Sarah.

"Ha? Saan yun? parang wala akong maalala?"

"Sa ano.. basta dun!" hinila niya yung braso ni Apple. "Sige na Tin at Miggy, maiwan na muna namin kayo ah? Bye!"

"Teka bakit natin sila iiwan? San ba--" tinakpan na lang ni Sarah yung bibig ni Apple. Mga baliw pa din sila hanggang ngayon.

Ngayon dalawa na lang kami ni Miggy na naiwan dito. Umupo siya sa tabi ko pero hindi siya nagsalita. Pareho kaming tahimik, hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh. Ilang minuto din na wala ni isa samin ni Miggy yung nagsasalita. Para na ngang hindi ako maka hinga, hindi ko na kaya. Dapat mag salita na ko.

"Kamusta kayo ni Mina?"

"Kamusta sa US?"

Natawa tuloy kaming dalawa. Siguro pareho kami ng nararamdaman.

"Kamusta buhay mo sa US?"

"Okey naman, masaya pero mas masaya pa din dito sa pinas."

"Hindi ka ba nagkaroon ng boyfriend dun?"

Nag isip ako ng isasagot kay Miggy. Wala naman talaga akong naging boyfriend dun eh pero umiiral yung pride ko. Ayoko sabihin na wala akong boyfriend ngayon, ayoko mag mukhang kawawa.

"May boyfriend ako. Mas masaya lang dito kasi nandito pa din yung pamilya ko." natigilan siya bigla sa sinabi ko. Ang awkward na naman bigla. "Kamusta pala kayo ni Mina?" 

"Kami? okey naman kami." bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya? Ano ba 'tong nararmdaman ko? mali 'to eh. Maling mali dahil may asawa at anak na siya.

"Kamusta yung anak niyo? girl ba o boy?" ang tagal niya bago mag salita ulit.

"Pwede ba akong mag tanong sayo?"

Kinabahan naman ako bigla. "A-ano yun?"

"Kapag ba sinabi kong mahal pa din kita, pwedeng maging tayo ulit?"

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Ano ba yang mga pinag sasabi niya? May asawa at anak na siya! ano bang trip niya. Nainis tuloy ako bigla. Mabuti pa maka alis na nga lang. Eto naman kasi sila Apple at Sarah iniwan pa kaming dalawa dito ni Miggy.

"Ano bang kalokohan yan? May pupuntahan pa pala ako, sige alis na ko." bago ako maka alis pinigilan ako ni Miggy.

"Sagutin mo ko."

Nagpapatawa ba siya? Kapag ba sinabi kong oo mahal ko pa siya may mangyayari ba? Wala naman di ba? sasaktan niya na naman ako. Okey na nga ako eh, okey na okey na eh.

"Hindi na kita mahal, Miggy three years na eh! Tama na okey?"

Tumakbo na ako palayo sakanya. Hindi ko maligilan na maiyak habang naglalakad ako.

Nung nasa US ako unti unti ng nawala sa sistema ko si Miggy. May mga oras na naiisip ko siya pero sa tagal ng panahon parang nakalimutan ko na din siya. Nakalimutan ko na nga din yung sakit eh. Kaso ngayon na bumalik na ko ulit sa pinas, parang bigla namang bumalik lahat. Lalo pa ngayon na nakita at nakausap ko ulit si Miggy. Na realize ko na mahal ko pa din siya. Nakakainis naman eh.

May asawa na siya at anak kaya kahit anong mangyari hindi na kami pwede. Hindi na kahit kelan.

"Uy Cristin!" pinahid ko agad yung luha ko. "Umiiyak ka ba?"

"Alyssa? ikaw na ba yan?"

"Ano ka ba three years ka lang nawala! Oo ako 'to. Teka nga umiiyak ka ba?" iniwas ko yung mukha ko sakanya. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"Napuwing lang ako. Kamusta na pala?"

"Okey lang, ikaw? Kelan ka pa ba nakabalik ha?"

"Kanina lang. San ka papunta?" bigla siyang napa ngiti tapos napa tingin siya dun sa convenient store na katapat namin.

"Kasama ko si Dante, may binili lang kami." kasama niya si Dante? hindi kaya..

"Kayo na ulit ni Dante?" bigla siyang nag blush. Haha! ang cute naman nila. "Ayieee! sabi na eh, kayo din talaga sa huli." mas lalo siyang namula sa pang aasar ko. Wahaha! nakakatawa naman.

"Oo kami na ulit. Akalain mo yun? Kami din pala talaga ulit. Sana nga forever na kami eh."

"Tiwala lang! Kapag nag break dinaya!"

"Oh teka andyan na pala si Dante eh! Babe!" pagkalingon ko nakita ko si Dante, parang wala siyang masyadong pinag bago. "Andito na pala si Cristin eh."

"Welcome back!" inakbayan niya agad si Alyssa. Sila na sweet na dalawa, huhu. "Kelan ka pa bumalik?"

"Kanina lang. Balita ko kayo na ulit ni Ally ah! Taray! Sa haba haba ng pinag daanan niyong dalawa, kayo din pala." Pareho silang namula sa sinabi ko.

"Ganon nga talaga kapag kayo, kayo talaga." pagkasabi nun ni Dante tinignan niya mata sa mata si Alyssa, bah yan! bakit ba kasi ang sweet nila?!

"Nakaka inggit kayo! para kayong destined to each other. Kainis lang! haha." 

"Malay mo destined din pala kayo ni Miggy, na after all this years kayo din pala. Yun eh kung may asawa ka na?" pati din ba sila.

"Wala pa kong asawa pero si Miggy meron na kaua never nang magiging kami."

Mukhang nabigla silang dalawa sa sinabi ko. Nag tinginan sila na parang hindi sila makapaniwala. "Anong problema?"

"Hindo mo pa siguro alam?" ano bang sinasabi ni Alyssa?

"Alam ang ano?"

"Cristin wala sila Miggy at Mina. Hindi totoong buntis noon si Mina."

Tama ba lahat ng naririnig ko ngayon? Hindi totoong buntis si Mina? Parang nanghihina ako sa mga maririnig ko.

"Yung babaeng yun! Ang kapal kapal niya! gawa gawa lang pala niya yung pag bubuntis niya para pakasalan siya ni Miggy! Buti na lang fake lang yung wedding nila. Naka halata na din kasi si Ate Michelle kaya pinalabas lang niya na totoo yung kasal."

Sobrang dami ng nalaman ko parang hindi pa pumapasok lahat sa utak ko. Hindi totoong may anal sila at hindi pa din kasal si Miggy. Totoo ba talaga lahat ng 'to?

"Sinubukan kang sundan ni Miggy sa US pero naisip niya na baka makagulo lang siya sayo. Akala din kasi niya huli na yung lahat."

Pakiramdam ko maiiyak ako. Hindi ko alam yung eksaktong dahilan kung bakit pero unti unti na lang tumulo yung mga luha sa mata ko.

Hinawakan ni Alyssa yung kamay ko. "Ang sabi samin ni Miggy hihintayin ka na lang daw niya na makabalik dito. Kung mahal mo pa daw siya ibig sabihin lang kayo talaga para sa isa't isa."

"Cristin tatlong taon kang hinintay ni Miggy. Hindi siya tumingin kahit minsan sa iba. Mahal na mahal ka pa din niya. Pakiramdam ko namam mahal mo pa din siya kaya wag mo ng sayangin yung chance na 'to."

Pinahid ko yung luha sa mata ko. Tama si Dante eh, ilang chance na ba meron kami ni Miggy? Madami na kaming chance na sinayang at baka yung chance na 'to yung huli. Tumakbo ako sa lugar na kung saan pwedeng nandun si Miggy. Sana nandun siya.

Nakarating ako sa puno na pinag ukitan namin ni Miggy ng pangako namin. Ang Tin-Miggy forever, kapag nag break dinaya. Eto yung lugar namin ni Miggy. Hindi naman ako nagkamali kasi andito siya.

Nakatalikod siya sakin, unti unti akong lumapit sakanya tska ko siya niyakap.

"Si-sino ka?"

"Kapag ba sinabi ko din sayong mahal pa din kita, magiging tayo na ulit?" hinarap niya ko. Gulat na gulat siya na makita ako.

"Cristin.."

"Alam ko na yung lahat ng nangyar nung wala ako. Wala ka bang napapansin?"

"Napapansin?"

Tatlong taon kong niloko yung sarili ko. Pinaniwala ko yung sarili ko na hindi ko na mahal si Miggy. Tatlong taon akong indenial sa totoong nararamdaman ko. Nag bulagbulagan ako sa pagmamahal ko kay Miggy. Kahit pala lumipas na yung matagal na panahon, mahal ko pa din siya.

"Ang dami na nating napag daanan pero sa huli pinagbubuklod pa din tayo ng tadhana." Lumapit siya sakin, hinawakan niya yung mukha ko.

"Sabi ko sa sarili ko kung tayo, tayo pa din sa huli. Kaya hinayaan kita sa US pero nag hintay ako kahit matagal at kahit na walang kasiguraduhan yung pag aantay ko. Tama pala ako, Tin-Miggy forever talaga tayo."

"Miggy I love you, after all this years mahal na mahal pa din kita pudge." napangiti siya ng malapad.

"Mahal na mahal din kita pudge ko.."

Unti unti niyang nilapit yung mukha niya sakin. Pinikit ko yung mata ko tska ko naramdaman yung mga labi niya sa labi ko.

Sa lahat ng namiss ko, siya yun.

"Kapag nag break dinaya."

--

May Epilogue pa :)

Continue Reading

You'll Also Like

205K 2K 1
Mataas ang ambisyon sa buhay ni Guinevere pero malaking hadlang sa kanya ang kahirapan kaya nang makita niya ang trabahong akala niya ay madali lang...
4.6M 158K 48
Paano kapag pinagbigyan ni tadhana na mapalapit ka sa tao na sobra mong iniidolo?