Pasaway Ka! (JulNiel FanFic)...

By Marikit07

443K 7.2K 2.2K

Ang kinaiinisang PA ni DJ na si Julia turned out to be the hidden Princess of Germany & so the battle of fame... More

Pasaway Ka!
Chapter 1 The Gig
Chapter 3 Tigre at Agila
Chapter 4 Brand New Job
Chapter 5 Kontrata
Chapter 6 Early Call
Chapter 7 Trip ni Vice Ganda
Chapter 8 Pasaway Ka
Chapter 9 Truce
Chapter 10 Gift
Chapter 11 Warner Brothers
Chapter 12 DJ's Big Break
Chapter 13 Twin Hearts
Chapter 14 Karibal?!
Chapter 15 First Date
Chapter 16 Problematic Mara
Chapter 17 Surprise
Chapter 18 Ang Epic Break Up
Chapter 19 VIP
Chapter 20 Royal Agenda
Chapter 21 Meet the Princess
Chapter 22 Evil Plans
Chapter 23 A concert?
Chapter 24 Banat ni Princess Mara
Chapter 25 Trabaho lang...na may Personalan...
Chapter 26 Tired
Chapter 27 Reconciliation
Chapter 28 Tv Series Project
Chapter 29 Behind The Scenes
Chapter 30 Breaking News
Chapter 31 Trip Ni Vice Ganda Part 2
Chapter 32 Inuman at.....Aminan?
Chapter 33 Oh snap!
Chapter 34 Julia's Plan
Chapter 35 Ikaw ang ama, TANGA!
Chapter 36 Bahala na si Batman
Chapter 37 Buntis Ba o Feeler Lang Talaga?
Chapter 38 In The Name of Love
Chapter 39 Change The World
Chapter 40 Pasaway Pa Rin [Finale Chapter]

Chapter 2 Chismis

13.3K 200 37
By Marikit07

Chapter 2 Chismis

Sinalubong ako ng nakakasilaw na techni-colored lights at nagsisigawang fans pag-akyat ko ng stage….. Joke! Hindi naman talaga ako yung hinihintay nila. Yung Parking 5 band, particularly si DJ Padilla… Ang prinsipe….nag kahambugan….na muntik na kong sagasaan kanina.

Hindi ko alam na ganito kasikat ang mokong na toh. Ano ba naman kasi ang alam ko,  mag-iisang linggo pa pa lang ako sa Pilipinas at inatupag  ko kagad ang paghahanap ng trabaho para makapag-aral ako at makatulong ako sa lola ko. Kaya nga eto ko ngayon, rumaket sa gig at sa di inaasahan, kundi ba naman ako nuknukan ng kamalasan, magpperform pa ko ngayon para sa lalo pang ikasisikat ng taong muntik nang maging mitsa ng buhay ko kanina. Ibang level na toh!

“Hoy! Wag kang tulala jan start ng concert. Galingan mo ha. Bawal magkamali dito.” Binulungan ako ni Yabang, este ni Daniel Padilla na kasunod kong umakyat sa stage. Pumwesto na ang mga kasama nya para magsimulang tumugtog.

Waaaa! Ang daming tao! Kung hindi lang malaki ang bayad dito aatrasan ko na talaga tska kaibigan ko naman kasi nagrequest. No turning back Julia, here I go. “Good afternoon!”

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Daniel!!! Daniel!!! Parking 5!!!” Naghalo-halo na sa tenga ko ang mga tilian, sipol, mga pangalan ng members ng Parking 5 at pinakamatunog si Daniel. Lakas talaga ng hatak ni mokong.

“This song is dedicated to our beloved Parking 5!” Duh! Nakakatawa naman ako. Beloved daw! Eh ngayon ko lang nakilala yung banda na toh. Anyways, ride on na lang trabaho toh.

Nagsimulang tumugtog ang drums kasabay ng palakpakan ng mga tao. Wish ko lang madinig ko pa yung sounds nila eh mukhang mas malakas pa mga tilian ng mga toh. Ang hirap pa naman ng gagawin ko, para kong haharanahin yung mga sikat na kumag na toh.

Teka, hindi lang pala ako at Parking 5 ang magpeperform. Sunud-sunod nang naglabasan ang iba pang artista. Nakita ko na sila.. yung isa… nakita ko sila sa tv pag nanonood ng teleserye yung lola ko. Nako naman lalo akong kinakabahan nyan! Sasayaw sila habang kakanta ako at tutugtog ang Parking 5!

Siguro kung kayo nasa katayuan ko masasabi nyong mswerte ako. Makakalapit ako sa idol nyo. Pero infairness mahirap kaya tong trabaho ko! Magpapanggan na din akong fan kahit ngayon ko  lang nakilala toh? Hay naku ewan ko na lang.. sige, eto na simula na ng kanta!

“Oh yea…. C’mon!...” Inumpisahan ko sa pagpunta sa gitna at pag-aaya sa crowd. Sure naman ako alam nila tong song, Miley Cyrus? Sikat naman yun kahit samen diba?

“You get the limo out front, hottest styles, every shoe, every color..” Nakita kong sa projector screen nagfflash ang mga pictures ng parking 5 sa mga pictorials at pagshshopping nila. Ayus ha. Bawat galaw yata kita sa camera tong mga toh.

“Yeah when you're famous it can be kinda fun, it’s really you but no one ever discovers..” Sumunod na ipinakita yung pictures nila sa school na parang normal boys lang.

“In some ways you’re just like all your friends..But on stage you’re a star…” At ito na ang pictures ni Daniel angas. At syempre tilian na naman ang mga fans! Pero ang sarap sa pakiramdam ha, feeling ko tuloy ako ang bida dito kasi ako kumakanta..sila mga back-up ko lang hehehe!

“You get the best of both worlds! Chill it out, take it slow, then you rock out the show..” Accidentally napatingin ako kay Daniel sa part na toh, nahuli ko syang nakatingin saken at nakangiti. Oh teka, hindi ako feelingera ha. Nakangiti sya dahil ng-eenjoy sya sa crowd hindi dahil sa napatingin din ako sa kanya nang nakangiti… Erhm,… sa tingin ko gnun yun.

“You get the best of both worlds! Mix it all together and you know you get the best of both worlds!”

~~~
Gusto ko sanang tapusin yung concert nila pero kailangan ko umuwi nang maaga dahil may school pa bukas. Kinuha ko na lang yung bayad saken sabay sibat na. Pero sa totoo lang nag-enjoy ako. Kahit hindi ako yung pinapalakpakan masarap pala sa pakiramdam. Pano pa kaya sila Daniel..hindi kaya nakakalunod ang kasikatan? Hindi kaya sila natatakot?

Gusto nyo bang itanong kung nagpaalam ako sa Parking 5? HINDI! Syempre. Baka sakalin pa ko nung Daniel angas na yun noh. Mahal ko buhay ko! Sigurado galit sakin yun. Ako naman kasi eh.. Batuk-batukan ko ba naman eh boss pala yun! Kamusta naman ang katapangan ko! One night sikat lang ako pero tapos na yon.

Kaya eto na ko ulit aantok antok sa klase. Kakapagod naman kase after nang gig na un traffic pa pag-uwi ko. 8pm na ko nakarating sa bahay. Ginawa ko pa assignments ko. 10 pm naglaba pa ko ng uniform. 12 nagplantsa. 4am gising na ko baka malate sa sobrang traffic. At tinulungan ko pa si lola sa ititinda nya.

“RINGGGGGGG!” Uyyy yan! Yan ang fave signal ko sa school. Ang break time. Hay..sa halip na kumain itutulog ko na lang, gagastos pa ko eh. Busog naman ako tska antok na antok na talaga ko. Para pa kong binabasahan ng pasyon ng teacher ko kanina.

“Pssst! Julia! Matutulog ka nanaman hano!” Ayan na po ang pinakabest na pinakafriend ko! Si Michael! Ang kontra bide sa siesta moments ko. Pero ok lang I’m sure may dala nanamang lunch yan.

“Oh kumain ka muna, eto pinagdala ulit kita ng lunch.” Oh see? Alam na! Napakathoughtful talaga nitong si Michael. Alam nyo kung feelingera lang ako, iisipin ko type ako nito hehe. Pero hindi friends lang talaga kami. Sa isang linggo na inilalagi ko dito nakagaanan ko na kagad sya ng loob.

“Inaantok pa kasi ako. Gabi na ko nakauwi pagkatapos ng raket ko. Ang dami kong kwento kaya lang antok pa ko mamaya na lang ha. Salamat sa lunch. Ubusin ko na mabilisang antas na ang level ko.” Sinabi ko sa kanya at ayun na PG mode ako kung kumain. PG as in patay gutom mode. Sarap kasi magluto ng mommy nya.

“Uy Julia hinay hinay lang naman haba ng oras oh.” Paalala niya.

“Time is gold! Sige na kumain ka na din.” Sabi ko na lang.

“Kung hindi ko lang alam kung san ka galing talaga, iisipin kong mahirap-” Bago pa sya makapgsalita pinigilan ko na.

“Shhhhh! Di ba sabi ko wag kang maingay!” Tinakpan ko kagad ang bibig nya. Baka mamaya may makarinig lagot ako.

“Sorry. Sige po hindi na!” Inalis nya ang kamay ko at nagsimula na ding kumain.

“Uy, Mic, tulog muna ko ha. Gisingin mo ko pag mgttime na ha!” Pakiusap ko sa kanya. Yuyuko na sana ko nang may marinig akong mga boses na parang pinag-uusapan ang pangalan ko.

“Di ba si Julia toh! Yung transferee.” Hmmm ano kayang chismis? Mukhang nahalata na din ni Michael dahil napatigil sya.

“Helow ladies…anong pinag-uusapan nyo?” Nagulat pa ko na wala na pala sa tabi ko si Mic at sinusubukan nang makichismis.

“Ayan basahin nyo na lang. Kalat na kalat kaya yan. Infairness swerte ni Julia ha!” Binigay nila kay Mic yung newspaper na hawak nila at umalis na.

Hindi ko alam kung anong meron at ganun ang itsura ni Mic. Prang nagulat na nadismaya sa nakita nya. As far as I know wala naman akong sex scandal or something? Malamang pa kumanta ako kagabi sa isang sikat na concert. Pero dapat Masaya si Mic diba?

“Lagot ka….tsk..tsk..tsk..” Sabi ni Mic na hindi pa din natatanggal ang tingin sa newspaper habang papalapit sakin.

Kinuha ko kaagad yung dyaryo pag-upo nya sa tabi ko at binasa nya ng malakas habang nakatingin ako at tahimik na nagbabasa din.

“Daniel Padilla’s Non Showbiz Girlfriend revealed?! Isang successful na concert para sa Parking 5 ang naganap kagabi at kahit na libo-libo ang taong nagpunta, hindi pa rin makakalampas sa aming mga mata ang mga maliliit na kaganapan na maaring magbigay ng clue tungkol sa lovelife ng pinakasikat sa kanilang grupo na si Daniel Padilla. Marami pa din ang nagtatanong kung taken na ba ang napakagwapong artist ngunit nananatili itong palaisipan sa atin. Kahit si Daniel ay hind nagbibigay ng malinaw na sagot ngunit kahapon, sa unang pagkakataon mukhang hindi naging maingat si Daniel sa naisip nilang ideya.” Nagkatinginan kami ni Michael. Pero bago kami magcomment tinapos muna naming ang balita..or should I say, chismis?

“Sa mga pangyayari kagabi, hindi lang sweet goodluck kiss ni Kathryn Bernardo, loveteam ni Daniel, ang deserve na mailagay sa front page ng mga pahayagan ngayon kundi ang sandaling paglitaw ng isang non-showbiz personality kagabi. Parang sinadya talaga na sandali lang ang exposure nya upang hindi mahalata pero hindi pa din ito makakatakas sa ating mga mata. Bago magsimula ang concert namataan ang misteryosong dalaga na kausap si Daniel. Gaya ng nsa stolen shots namin, kitang kita sa mukha ng binatang actor at band member ang pagkagulat marahil na rin sa nasurpresa ito dahil akala ng lahat si Jessie Mendiola ang magoopen ng concert ngunit biglang ngkaroon ang pagpapalit at ang misteryosong dalaga ang kasama nila sa stage sa opening.” Waaaaaaaaa! Hindi naman ganun ang nangyari! Kaya sya nagulat kasi binatukan ko sya! Tska nalaman nya na ako pala yung kakanta eh kaaway ko pa lang sya before mgpunta sa venue! Grabeh naman ndyaryo tuloy ako!

“Hindi rin nakalampas sa camera namin ang pagbulong ni Daniel sa dalaga habang paakyat sila ng stage to perform. At lalong lalo na, halos hindi maalis ni Daniel ang tingin nito sa dalaga habang kumakanta sa stage. Nakuhanan din namin ng pictures ang saglit na pagtitinginan ng dalawa habang sweet na nakangiti sa isat isa. Ito na nga ba ang girlfriend ni Daniel Padilla? Sya na nga kaya ang magbibigay linaw sa mga malalabong sagot ng binata tungkol sa lovelife nya?” Pagtatapos ni Michael.

“Pambihira naman ndyaryo pa ko, pahamak talaga yung mokong na yun!” nakasimangot na ko dahil sa balita na yan na siguradong sisira sa maghapon ko.

“Naging girlfriend ka pa ngayon ng artista! Bilib na ko sayo Julia ang astig mo!” Nagbiro pa tong si Michael hindi naman nakakatuwa. Grabeh naman sobrang sikat naman pala ng Daniel na yon nasangkot pa ko sa intriga. Baka mamaya hanapin pa ko ng mga reporters na yun magugulo buhay ko lalo. Hay nko naman, pag minamalas ka nga naman talaga! Grrrrr!

~~~~~
ayan n po ^_^ ang chismis nga naman..ano naman kaya ang msasabi ni Daniel tungkol sa balitang yon ^_^

Stay tuned… slmat sa comments..keep ‘em coming. ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

125K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
85.9K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
10.4K 1.6K 43
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
98.5K 5.2K 124
jisoo wakes up everyday only to wait for the moon to show up again just so she could stare at it. and meeting kim taehyung, the man who calls himself...