Olympus Academy (Published un...

By mahriyumm

20.8M 762K 258K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... More

"Semideus Saga"
Upon Reading...
I | The Summoning
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

XLI | Energy

224K 8.7K 2.3K
By mahriyumm

Art's POV

"Cesia!" bati ko sa kanya, sabay talon sa kanyang harapan. "May gagawin ka ba mamaya?" tanong ko habang pinapanood siya na inaayos yung bag niya.

"Wala naman." sagot niya pagkasara niya nung zipper. "Bakit?"

"Kasi..." Dahil advanced akong mag-isip, in-advance ko rin yung puppy eyes ko na alam kong walang tao na makakatanggi. MUAHAHA!

"Umm... gusto ko sanang magpasama sa mall ih..." Sinigurado kong kasing-cute ni Bubbles yung boses ko. "Bibili ako ng ingredients para sa dinner natin."

"Gano'n ba?"

Tumatango-tango ako.

"Pero okie lang kung ayaw mo. Busy rin kasi yung iba sa imitators na yun ih." Yumuko ako at pinipilipit yung mga daliri ko. "Hindi naman ako namimilit-"

"Hindi. Okay lang." aniya. "Sasamahan kita."

Palihim akong nag-evil smirk. "Okie dokie! Sa dorm muna tayo para makapagbihis!"

Sabay na kaming lumabas ng classroom. Tahimik lang kami habang naglalakad sa corridors hanggang sa tanungin niya ako kung nasa'n si Cal. Napansin niya kasing hindi na kami madalas magkasama.

"Si Cal kasi yung representative ng Alphas sa tuwing may mga meetings or formal gatherings." sagot ko. "Malay ko ba kung bakit panay na yung pagtawag ng faculty sa kanya."

"Akala ko responsibilidad 'yan ni Trev?"

"Istorbo lang yan para kay Trev." paglilinaw ko.

Kanina lang, nakita ko si Trev sa sala kasama sina Kara, Ria, at Dio. Sa tuwing lumalabas ako ng kwarto, sila parati yung nakikita ko, pinapalibutan yung mapa at pinag-uusapan ito. Gusto ko sanang sumali pero nung nagtangka akong lumapit sa kanila, nakita ko kung paano sila nagpalitan ng kakaibang tingin.

"Kawawa naman si Cal." puna niya. "Gusto mo gamitin ko yung ability ko para utusan si Trev na um-attend sa mga meetings?"

Napahinto ako pagkatapos marinig yung sinabi niya.

Si Trev? Gagamitan niya ng abilities?

"Pfft- HAHAHA!" Bumulalas ako ng tawa. Akala ko sasabayan niya ako at dalawa kaming tatawa sa joke niya pero tinitigan niya lang ako.

"Wait. Seryoso ka?" Kumurap-kurap ako.

"B-Bakit?" Halatang ipinagtataka niya yung reaksyon ko kaya muli akong humalakhak.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglakad.

Ilang sandali pa'y bumalik na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Cesia. As usual, maraming mga mata ang nakasalubong namin sa bawat sulok ng hallways, pero mukhang nasanay na itong kasama ko.

"Cesia, pansin mo rin ba yung atmosphere? Parang unti-unting nagbabago. Ano sa tingin mo?" Nginitian ko ang mga Beta students na nakatambay sa labas ng classroom nila.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Parang..." Daglian akong nag-isip sa karugtong ng sasabihin ko. "Parang may mali."

Ang creepy nga ih! Hoho! Kasi hindi ko na naririnig ang boses ni papa sa tuwing tinatawag ko siya. Pakiramdam ko dapat akong kabahan pero di ko pa alam kung bakit ihh kaya... kinakabahan na nga ako ng tuluyan.

"May nakikita ka ring babae?"

"Umm..." Aaminin ko, hindi ko inasahan yung tanong niya. "Babae? Anong babae?" Kumunot ang noo ko.

Natawa siya nang marahan. "Wala." Bahagya siyang napayuko. "Akala ko lang kasi..."

"So wala kang nararamdaman na mali?"

Umiling siya.

"Siguro nago-overthink na naman ako, ano? Hihihi." Yips. Siguro umaandar na naman yung pagiging overthinker ko. Pero di ko naman kasi mapigilan ih!

Sobrang wewew-weird kaya ng nakapalibot na hangin sa Academy, na parang binubulungan ako nito ng 'Awoo! May mangyayaring masama sa inyo... wooo...' tas idagdag mo pa yung sinabi ni Sir Glen.

Sino bang hindi makakasense ng weirdness n'yan? HUH?!

Namalayan ko si Cesia na nakasayad pa rin ang tingin sa kanyang paanan habang naglalakad kaya sinubukan kong kunin yung atensyon niya. "Cesia? Okie ka lang?"

Imbes na sagutin ako, bumagal lang ang kanyang paglalakad.

Napasinghap ako.

Ngayon ko lang kasi napagtanto na yung Alphas ngayon, halos lahat sa kanila'y parang mga lutang.

Omooo! May nangyayari ba sa kanila na hindi ko alam?

Sunod-sunod na pumasok sa aking isipan ang iilang equations na posibleng makapag-explain ng nangyayari sa mga kasama ko.

1 + 1 = 3 – 1...

23 = 23...

Life = 42...

Drugs = Ambrosia...

"Huwaaah!" Agad akong napatakbo papuntang dorm. Marahas kong binuksan yung pinto at nagmamadaling pumasok. "Itigil niyo 'yaaan!" sigaw ko dahilan na mapatingin silang lahat sa'kin.

Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata pero hindi! Kailangan kong maging matatag para sa kanila. "Itigil niyo na 'yan p-please... mga bata pa kayo. Pa'no na yung mga ambitions n'yo? Alam ko na kung anong ginagawa n'yo kapag wala ako. Alam ko na kaya nandito ako para sabihin sa'nyo na wag niyong ituloy kung ano man 'yan. Kung ano mang problema n'yo kaya nagkakaganyan kayo, andito lang ako. Handa akong tumulong." Pinunasan ko ang mga luha na dumaloy sa'king pisngi. "M-Makikinig naman ako ih..." Kinusot-kusot ko yung mga mata ko. "Huwag lang kayong mag-overdose sa ambrosia, kasi... k-kasi pa'no na ako?"

Dumako ako sa harap nila at akmang luluhod para magmakaawa nang marinig ko ang tawa ni Chase, dahilan na manlaki ang aking mga mata.

Oh no! Isa 'yan sa symptoms! Yung bigla-bigla nalang tumatawa na parang baliw!

Napatingin ako sa iba.

Dumaan na ang ilang segundo at wala pa ring umimik sa kanila.

Ibig sabihin... tuluyan na ngang nakapasok sa sistema nila yung ambrosia!

Umiling-iling ako.

Hindi pa huli ang lahat. Matutulungan ko pa sila!

Biglang tumayo si Chase at umaktong lumilipad sa himpapawid. "Lumilipad na kami Art. Wooohh!!" Inangat-baba niya ang kanyang braso na animo'y mga pakpak ng ibon.

Otomatiko akong napatakip sa bibig.

Hindi ko aakalain na ganito pala kalala ang epekto ng ambrosia sa mga demigods...

Akmang tatakbo na ako sa labas nang magsalita si Ria. "Chase! Itigil mo na nga 'yan!" Mahigpit niyang hinawakan ang kanang braso ni Chase at hinatak siya paupo.

"Art, we're not on drugs." mahinahong tugon ni Kara.

Humakbang ako pasulong at bahagyang sinilip ang kung ano man ang nasa mesa na pinapalibutan nila.

Natagpuan ko ang mapa sa gitna, nakabuklat.

Ahh... so hindi pala sila nagse-session?

Nilingon ko si Chase at dinuro siya. "P-Pero..."

Hinilamos ni Dio ang kanyang palad. "Art. We're not abusing ambrosia and never will be." singit niya.

Hindi pa rin tumigil sa pagtawa si Chase. "Pucha Art. Sa gwapo kong 'to? Napagkamalan mo'kong addict? Gago-hahaha!"

Binalewala ko nalang siya at muling tinignan si Dio.

"Promise?" tanong ko.

"Promise." sagot niya dahilan na manumbalik ang ngiti sa'king mukha. "Okie! Yun naman pala!"

Pagkatapos, nadatnan ko si Cesia sa tabi ko. Nakatukod ang kanyang mga kamay sa tuhod niya habang humihingal. "A-Akala ko m-may emergency..."

Tumatango-tango ako nang nakaharap sa kawalan. "Akala ko nga rin ih..." sabi ko. "Pero false alarm lang pala yun!" Pabiro kong sinapak yung likod niya. "Hihihi!"

Bumuga siya ng hangin at tumayo nang matuwid. "Hindi ka talaga nauubusan ng energy, ano?" Nakapameywang siya nang itanong sa'kin yun.

Yung totoo, may panahon talaga na nauubusan ako ng enerhiya. Kaso, sa really super rare cases lang. Katulad nung nangyari sa first mission namin. Na-trap kasi kami sa Underworld tas wala akong sunlight energy na ma-absorb kaya hinang-hina ako n'un.

• • •

"Sorry talaga Cesia! Huhuhu!" Pagkatapos kasi naming magbihis, saka ko lang naalala na isang kasalanan pala yung ginawa kong biglaang pagtakbo patungong dorm. Nakalabas na kami ng dorm at wala pa rin akong balak na tumigil sa panghingi ng tawad sa kanya dahil sa ginawa ko. "Hindi ko rin naman sinabi na habulin mo'ko ih! Na-stress pa kita!"

"Gusto kong bumawi!" anunsyo ko sa gitna ng malawak na hallway ng Academy. "Bilhan kita ng ice cream na may mukha ni Mojo Jojo!"

Yes yes... tama tama... sure akong magugustuhan niya yun.

Kinuha ko ang kamay ni Cesia at dinala siya sa shortcut papuntang mall. Lumiko kami sa isa sa mga corridors at dumaan sa dorm ng ibang classes. 

Nakahalay sa kahabaan ng magkabilang panig ng pader ang mga nakasaradong pinto.

Binitawan ko siya. "Mas mabilis pag dito tayo dumaan. Diretso na kasi ito sa exit ng Academy na pinakamalapit sa mall! Wieeee!" Lumundag-lundag ako sa red carpet.

"Buti nalang at walang tao-" Napahinto ako. "Huh?"

Umatras ako at dahan-dahang hinarap ang isa sa mga pinto. Matagal-tagal akong napatitig dito nang nagtataka.

Ano namang ginagawa ng malakas na light source sa loob ng room na'to?

Hinawakan ko ang doorknob para sana'y buksan ito nang tawagin ako ni Cesia. Tinanong niya ako kung anong meron at dahil pati ako ay wala ring ideya sa nararamdaman ko, ay madali ko itong dinismiss bilang resulta ng overthinking ko.

Psh! Baka pag binuksan ko 'to, may mag-file ng case na invasion of privacy sa faculty at makulong pa'ko!

"Wala..." Binaba ko ang aking kamay mula sa pagkakapit sa hawakan ng pinto. "Tara na nga..."

Isa sa abilities ko ang maka-detect ng energy sources dahil anak ako ni Apollo, pero bakit ganu'n?

Anak nga ako ni Apollo... ngunit ngayon lang ako nakadama ng enerhiya na mas malakas pa kesa sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 14 1
𝙏𝙖𝙜𝙨: 𝙁𝙖𝙣𝙩𝙖𝙨𝙮. 𝙍𝙤𝙢𝙖𝙣𝙘𝙚. 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣. 𝘼𝙙𝙫𝙚𝙣𝙩𝙪𝙧𝙚. Alina Nieves is an excellent student of the Academy of Magic. Due to this...
42.5K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
62K 2.5K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
1.3K 276 44
Freesia Mandeville has a habit of writing and doodling anywhere in Collins High School. May it be on the walls, chairs, and even on the comfort room'...