Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 22 : She Cares For YOU

12.4K 369 93
By _AyEnNe_

A/N

Why do we care for someone? 

...is it because they make us feel good ?..

...is it because they're touches our lives?... 

... or maybe because of one simple reason... 

.. we love them and it make us feels good  that they're touches our lives... 

********

Louise (POV)

I was staring at my computer the whole afternoon. Ang kaninang plano na pag-eencode ng mga working permits ay nanatiling plano na lang dahil up until now wala pa rin ako sa huwisyong magtrabaho. Ilang araw na akong ganito, walang gana at parating wala sa mood. I guess ganito talaga kapag may isang tao kang namimiss ng sobra. Nagiging iritable ka over the small things.

"Ma'am Louise, ipinabibigay po ni Ma'am Cess. Pakitabi na lang daw po muna" pukaw ni Mike sa akin habang inaabot ang Level Bar ni Cess.

"Nasaan siya, Mike?" tanong ko pagkatapos kuhanin iyon.

"nag-witness ng testing sa 10th floor Ma'am, ipinakisuyo lang sa akin yan ng nakasalubong ko sya sa may hagdanan" sagot nito at kapagdaka'y umalis na papunta sa Pantry Room.

Agad naman akong tumungo at inilagay ang level bar sa ilalim ng lamesa ni Cess. Tatayo na sana ako buhat sa pagkakayuko ng may mahagip ang paningin. It was a small card with a familiar penmanship on it. Agad ko iyong dinampot, tumayo at matamang binasa ang nakasulat.

Louise,

Thank you for taking care of me.. :)

Gabby

Halos magkandabuhol-buhol ang hininga ko when i read my name in it and recognized that it was Gabby's penmanship. The message was obviously for me. Naguguluhan akong napaupo sa sariling lamesa habang hawak-hawak ang napulot at pilit iniiisip kung papaanong nagkaroon ng ganitong greeting cards ng hindi naman ako aware. Wala sa sariling ininspection ko yun and noticed the familiar logo at the right corner of it. Pero mantakin ko mang isipin hindi ko maalala kung saan ko iyon nakita.

"Louise!! oh god anjan ka lang pala!" humahangos na tawag sa akin ni Jamie. Sandaling napukaw ang atensyon ko sa hawak-hawak at kunot noo akong bumaling dito.

"problema mo, Amay?" tanong ko. Pero imbes na sagutin. She agressively grab my left-arm at hinatak patayo. "sumama ka sa akin, i don't know if this is a good news or bad news sayo.. pero i think may kailangan kang malaman " sabi nya habang tangan-tangan akong naglakad.

"teka! saan ba tayo pupunta?" nagugulumihan kong tanong. Pero hindi na nya iyon kinailangan sagutin pa dahil makalipas ang ilang hakbang ay huminto kami sa tapat ng Safety Office.

Kumatok muna sya ng tatlong beses bago pinihit ang door knob para kami ay makapasok.

Nadatnan namin si Jet - ang isa sa Safety Officer dito na nakaupo sa tapat ng PC nito. Bahagya pa itong nagulat at nanlaki ang mga mata ng mabungaran kami ni Jamie.

"Jet, patingin naman ng ipinakita mo kanina" bungad ni Jamie sabay lapit sa kausap leaving me standing beside the door. Naguguluhan man sa inaakto ng kaibigan ay hinayaan ko na lang sya habang nakatunghay sa kanila at pinipilit ang kausap sa isang bagay na hindi ko maintindihan.

"a-ay hindi na pwede M-ma-am. mapapagalitan po ako ni Sir Ralph" naiilang na sabi nito referring to his Immediate Safety Supervisor habang pinaglilipat ang tingin sa aming dalawa ni Jamie. Bahagya pa itong namutla ng mapagawi ang tingin sa akin.

Ilang beses pa munang kinulit ni Jamie si Jet bago ito napipilitang binuksan at humarap sa sariling PC. Kinambatan ako ni Louise na lumapit sa tabi nila. Naguguluhan man sa nangyayari ay nagawa ko na ring tumabi sa kaibigan at kagaya nya ay tumanghod sa PC ni Jet.

Ilang Files din ang binuksan nito hanggang sa tumambad sa amin ang isang folder with label "incident report photos no. 5". When Jet open the folder bumulaga sa amin ang ilang mga litrato.

"oh hayan na Ma'am, dalian nyo lang po at confidential yan. Tiyak na malilintikan ako kay Sir Ralph lalong lalo na kay MGS kapag nalaman nilang ipinakita ko sa inyo yan" nag-aalalang sabi nito kasunod ng pag-usod sa tabi giving us enough space para makita ang mga litratong binuksan nya.

Hindi napigilang sumikdo ng dibdib ko when i heard Gabby's name pero kasabay nuon ay ang pagtataka kung anong kinalaman nito sa mga litratong nandirito.

"lalabas muna ako Ma'am, bantayan ko lang po si Sir Ralph at baka biglang sumulpot yun" paalam ni Jet.

"okay Jet, salamat. saglit lang kami"sagot ni Jamie.

Pamaya-maya lamang sabay na naming ini-is scroll ang mga litrato. at dahil clueless pa rin sa mga nangyayari, hindi ko na napigilan ang magtanong sa katabi. "anong meron jan?" tanong ko, habang pilit iniisa isang tingnan ang mga photos.

"hindi mo ba nakikita? " sagot/tanong nito ng hindi lumulingon sa gawi ko.

"nakikita, puro malalaswang drawing. Oh, eh ano nam---" napatigil ako sa akmang pagrereklamo ng makita ang sumunod na litrato. Picture yun ng partition wall sa loob ng isang unit sa my upper floor. It has this disturbing porn drawings na ang ginamit pang-sulat ay chalk, but what shocked me most ay ang buong pangalan kong nasa ilalim nuon na may kasamang bastos na caption. Naguguluhan akong tumingin sa katabi " J-Jamie? " nalilito kong tanong dito.

"Naalala mo yung emergency meeting natin several weeks ago? regarding sa safety issues? " she asked.

"o-oo " i said 

" they said Ms.Gabby find out some disturbing drawings ng minsang nag-ikot sya at naging dahilan ng pagwawala nya sa Toolbox Meeting nuong araw na yun, right? "

"y-yes" i answered with a shaking voice habang mataman na nakatingin sa litratong nakatambad sa aking harapan. For a moment kinabahan ako over it. Nakakatakot isipin na may taong makakagawa nito, dito mismo sa Site. Kung iisipin tila obsessed sa akin ang taong yun kung kaya't nakagawa ng mga ganito kabastos na drawings. Base on Jamie na lamang ng ilang taon ang experience sa akin sa pagsa-site, normal na daw iyon. Hindi raw maiiwasan na may mga bastos talagang mga workers. Pero magkagayunman, nakaka-shock pa rin ang ganito para sa isang baguhang kagaya ko.

Kaya naman pala ganuon na lang ang warning ni Sir Fermin at kabilin bilinan na huwag mag-iikot ng mag-isa. My mind is roaming around for something else ng pukawin ako ng katabi ng ito ay magsalita.

"naka-chismisan ko yang si Jet kanina sa taas while inspecting the upper floors. Kung ano-anong napag-usapan namin hanggang sa nadulas sya ng pagku-kwento tungkol dito. Siya ang unang tinawagan ni Ms.Gabby ng umagang makita nya ang mga malalaswang drawings na yan. Galit na galit daw ito sa natuklasan. She even instructed to erase all the drawings immediately at binilinan si Jet na huwag na huwag ipapaalam kahit kanino kung sino ang taong involved. Kasunod nun, ang pagwawala na ginawa nito during the Toolbox meeting"

"Actually, hindi pa nila m- trace kung sino ang may gawa nyan. at yun ang pilit nilang inaalam. Mahigpit ang instruction ni Ms. Gabby na imbestigahan kung sino iyon, kaya nga nape-pressure na sila kasi usually hindi naman daw ito nakikialam sa mga Safety Issues. This  is the first time na naging concern sya over this matter" mahabang paliwanag ni Jamie.

Hindi ako kumibo trying to confine all the details na sinabi ng kaharap. Ang kaninang magulo ko ng isip pakiramdam ko ay lalong naguluhan. Kasalukuyan pa nga akong napa-puzzle sa greeting cards na napulot ko kani-kanina lang pero heto at dumagdag pa ang isyu ng mga malalaswang drawings na patungkol sa akin.

Tila nabasa naman ng kaharap ang iniisip kung kaya't nagkomento ulit ito.

"remember what i told you a while ago, na hindi ko alam kung good news or bad news ito sayo? Bad news, kasi may isang tao jan sa paligid na obsessed sayo. Good News kasi, mukhang tama ang hinala mo sa biglaang pag-alis ni Ms. Gabby"

"huh?! i don't get it, Amay" naguguluhan kong baling sa kanya.

"i mean yung flowers" sambot nito. which cause me to look at her blankly.

"don't you get it, baby girl?" dugtong nito ng mapansing hindi ko pa rin ma-gets ang sinasabi nya.

"She care's for you.... " malumanay nyang sabi " and look, we all knew kung ano ang ugali ng isang Gabby Sandoval, she wouldn't waste any of her precious time over this small issue. In fact, she knew na kaya namang solusyunan yan ng Safety Officer's natin, pero bakit pa sya nag-aabala at nagpupumilit na hanapin agad-agad ang taong may gawa nito?" tanong nya sa akin na sinagot ko lang ng pagkibit ng balikat..

".. alam mo ba kung bakit? dahil ikaw ang involve. ikaw ang binastos kaya sya naapektuhan ng husto... and that's it. ikaw ang dahilan nya" dugtong nito sa mahabang paliwang nya which make sense to me.

I was just quiet habang pinagninilay nilay ang mga sinabi nya until my mind went backwards. Naalala ko during the time na nag-overnight ako sa unit nya. Galit na galit ito habang may kinakausap sa Cellphone nya. I even remember asking her if she's okay ng maibaba nito ang telepono dahil nakita ko kung gaano ka-intense ang reaction nya. but then she said she's not okay and mentioned something about safety issues. Naiinis daw ito dahil hindi maibigay ng mga safety officer ang simpleng report na hinihingi nya.

Napatigil ako sandali when i realized something.

Ito bang incident report na tungkol sa akin ang tinutukoy nya that time?

"you need to talk to her" pukaw ng katabi ko.

"but how? ni hindi ko alam kung nasaan sya?" ang nag-aalala kong sagot.

"here" Jamie said habang iniaabot ang isang papel na dinukot nya sa kanyang bulsa. Kinuha ko iyon at masusing tiningnan. "Rowan gave that to me last night, though she's not sure kung nanjan nga si Ms. Gabby, kinuha ko na rin ang address"

Nalilito akong nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko when i heard what she said.

"Nakipagkita kay Rowan? as in Arch. Rowan of A/A?" naka-kunot kong tanong sa kanya. She didn't say a word but she confirmed it by gently nodding at me.

If i'm not mistaken ito yung kaibigan ni Gabby na walang habas na nangungulit kay Jamie over the phone. Maraming beses na itong nagyayayang makipag-date sa kaibigan ko pero Jamie always decline her invitation dahil hindi nya gusto ang pagiging super kulit at pagka-presko nito. Nuong una, i thought that it was the sexual preference kung kaya't ayaw nyang patulan ang imbitasyon, later did i know na hindi naman pala. In fact, hindi naman daw sya iwas sa mga 3rd sex. Sa katunayan, she confessed na nagkaroon sya ng relationship before with the same sex. I was shocked ng malaman ko iyon, kaya naman pala naiintindihan nya ang sitwasyon ko dahil sya mismo ay na-experience na nya. Pero ngayon, hindi ko mainitindihan kung bakit sya pumayag na makipagkita sa taong ilang beses nya ring tinanggihang lumabas.

"i t-thought nakukulitan at naiinis ka sa kanya? " ang nagtatakang tanong ko sa kaharap.

"uhm ...oo.. pero hindi ko naman matiis ang isa jan na ilang linggo ng nagmumukmok sa isang tabi..... kaya.. pumayag na rin ako makipag-date para makakuha ng idea kung saan nagtatago si MGS mo " natatawang paliwanag nito.

"oh!! your so nice, Amay! you did that for me?" ang hindi makapaniwalang komento ko na sinagot naman nya ng marahang pagtango. Mahigpit ko syang niyakap para pasalamatan sa ginawa. 

"Thank you.." i said pagkabitiw ko at kapagdaka'y mukhang timang na tinititigan ang ibinigay nito. Hindi ko mapigilan ang ma-excite sa idea na makikita ko na si Gabby.

Sa wakas makakausap ko na sya at makakapag-paliwanag sa mga bagay-bagay. Buti na lamang at may kaibigan akong kagaya ni Amay. Hindi lang nya ko dinadamayan pero ngayon ay tinulungan pang makahanap ng paraan para makausap ang taong ilang linggo ko na ring pina-nanabikang makita.

"go find her, and settle this drama's once and for all okay?" pukaw ni Jamie sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya na agad namang napawi ng makapa sa sariling bulsa ang greeting cards na napulot ko kanina. Daglian ko yung kinuha at ipinakita kay Jamie. I briefly told her na napulot ko yun sa area ni Cess. Sinabi ko rin na napa-puzzle ako dahil hindi naman ako aware na may ganuon para sa akin.

Napaisip kami pareho until we decided na puntahan si Cess at tanungin kung may alam sya tungkol duon. We were expecting na madadatnan namin ang pakay sa cubicle pero wala ito. Nang ipagtanong namin sa ilang Engineer, kung nasaan ang taong hinahanap, they said na kakalabas lang daw at pina-attend ni Sir Fermin sa ibang Project para sa isang Seminar.

I was eagerly waiting for her para sana makausap pero hindi na ito bumalik pa hanggang sa mag-uwian na.

********

Gabby's (POV)

"Good Evening po Ma'am, pasensya napo sa paghihintay" pukaw ni Kuya Edwin sa akin na nakapagpa-angat ng tingin ko mula sa binabasang magazine.

"it's okay Kuya Edwin" i replied casually kasunod ng pagtayo at pagsimsim ng ilang personal na kagamitan. Magkapanabay kaming naglakad palabas patungo sa parking area.

Hinintay ko sya dito sa isang coffee shop para maibigay sa akin ang spare key ng isang condo unit. Susi iyon ng quarters na pina-rentahan ko under the expense of our Company. The unit is for all the Female Engineers and Architects of Aspen Height Project na kadalasang nag-oovertime sa trabaho. Apparently, the location is near to the Project Site which composed of 3 bedrooms and 2 bathrooms with common areas.

"lahat ba ng ibinilin kong gamit ay naipadala na duon?" baling ko sa katabi habang naglalakad.

"ah yes M-Maam. Inayos na rin po nila Sir Jof yung kwarto nyo"

"pati ho pala ang ibang Engineer nakalipat na din" dugtong nito na ikinatigil ko. If he said na nanduon na ang ilang Engineers, does it mean na andun na rin si Louise sa mga oras na ito?

Parang bigla akong nag-alangang pumunta ng marinig ang pangalan ng babaeng ilang linggong nagpagulo ng utak ko. Kung tutuusin, hindi ko naman kailangang mag-stay in duon pero kasi, kapag naiisip ko ang traffic pauwe sa sariling penthouse at ang mga overtime na walang katiyakan ang oras ng paguwi ay napapagod na ako.

Sus .. iyan ba talaga ang dahilan mo? o gusto mo lang makasama sa iisang bubong si Louise? kantiyaw ng utak ko.

".. pero baka ho, nagsiuwian na rin sa kani-kanilang bahay ang mga yun. Weekend po kasi ngayon kaya malamang wala po kayong madatnan duon " pukaw ng katabi ko, kapansin-pansin ang pagkabig nya sa naunang sinabi ng mahalatang nanahimik ako.

Tatango-tango akong napatingin sa kanya ng ma-realized ang sinabi nito. Posible na wala nga akong datnan, dahil araw ng uwian ngayon gawa ng weekends.

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang makarating sa kanya-kanyang sasakyan.

"heto nga po pala ang spare key nyo Ma'am, ito pong isa para sa Main Door at ito naman para po sa kwarto nyo" paliwanag nito. 

Matapos iabot sa akin ang mga susi sumakay na ako sa sariling sasakyan at kapag-dakay tinahak ang daan papunta sa Condo unit na inupahan.

********

True to what Kuya Edwin said, animo walang tao sa loob ng Unit ng mabungaran ko itong madilim. Malamang nag-siuwe na nga ang ilan dahil wala akong makitang senyales na may tao sa loob nuon.

At dahil pagod sa ilang oras na biyahe mula sa Batangas, pagkapasok pa lang ng unit ay agad kong hinanap ang sariling kwarto ng ayon sa description na ibinigay ni Kuya Edwin. hindi naman kalakihan ang lugar kung kaya natagpuan ko iyon sa may gawing kaliwa katabi ng living area.

Agaran ko yung binuksan at pabalagbag na ibinaba ang hawak na duffle bag sa gilid ng sariling kama. i didn't bother to open the light and quickly jump off to bed para mailatag ang nangangalay na katawan.

Habang nagpapahinga, hindi ko napigilan balikan ang mga nangyari ng nagdaang araw at isa na nga duon ang biglaang confrontation sa akin ni Ate Amanda. I admit nanibago ako ng bahagya sa kanya when i saw how concern she was sa kinasadlakan kong sitwasyon. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit hindi ako ngdalawang isip na mag-open up sa kanya. 

Kapansin-pansin na mataman syang nakinig sa mga detalyeng ibinahagi ko. That was the first time i talked to her ng walang hesitation at hindi nahihiya. I told her everything tungkol sa amin ni wild girl except of course sa detalye ng mga make-out sessions namin.

At ngayon nga, heto ako at nakabalik na sa mundong nakasanayang galawan ng dahil din sa mga payo nya.

Kung tutuusin ang simple lang ng sinabi nya sa akin. She only advise me to follow what my hearts says. Napakasimple and yet it gave great impact on me.

********

Halos, magiisang oras na rin ng matapos akong mag-muni-muni over the few things. Magaalas- onse y media na ng mapag-pasyahan kong bumangon at lumabas ng kwarto. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kung kaya nilibang na lang ang sarili sa pag-iikot sa paligid, isa-isa kong tiningnan ang common areas hanggang sa nag-iisang balcony nito. Kagaya ng sa penthouse, makikita rin dito ang City Skyline ng Makati. Hindi nga lang ganun kaganda ang view dahil medyo natatakpan iyon ng dalawang naglalakihang building. Pansamantala muna kong nanatili duon at pinagsawa ang tingin sa mga nagdadaang sasakyan. Pero ng makaramdaman ng inip at dagliang panunuyo ng lalamunan ay napagpasyahan kong tumungo sa kitchen area. 

When i reached the kitchen area hindi na ako nag-abalang magbuksan ng ilaw at dire-diretsong kumuha ng baso. Matapos itong masalinan ng malamig na tubig ay pumuwesto ako ng upo sa dulo island counter at hinayaan ang sariling maglaro ang diwa sa iisang particular na tao.

********

Next .... Chapter 23 : Yearning HEARTS 

Continue Reading

You'll Also Like

138K 4.2K 37
Magmamahal ka parin ba? Kung paulit ulit karin Masasaktan?! Wala naman talagang "forever!" Oh edi kayo na ang may love life!. Ako na ang bitter.. ~~~...
26.3K 1.5K 47
It's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
43K 1.7K 26
(COMPLETED) Paano kung sa hindi sinasadyang pagkakataon ay makilala mo yung taong nagparamdam sayo ng kakaibang excitement? Yung hindi mo maipaliwan...