Sleeping Beauty

hyunjiwon_sg4ever tarafından

22.3K 1K 262

Fairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her fa... Daha Fazla

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39

Kabanata 12

516 28 4
hyunjiwon_sg4ever tarafından

Kabanata 12

Creeping

-Iya-

It's almost twelve midnight when finished all the works in the shop. Kumalam naman ang sikmura ko dahil sa hindi pa ako naghahapunan. Nauna ng umalis 'yung ibang staff kesa sa amin kaya tatlo lang kami nila Kuya Dustin ang naiwan.

"O paano? Bukas ulit ah?" baling sa amin ni Kuya pagkatapos nilang isara ni Jerome 'yung shop. Tumango lang kami sa kanya. Hindi naman na ako pupunta bukas dahil si Jerome pa rin 'yung nagti-take ng shift ko. Ilang linggo na lang rin naman ay matatapos na siya.

"Sure, Sir!" masiglang sabi ni Jerome.

Napairap muli ako sa kawalan. Bakit ba may energy pa rin siya? Hindi ba siya pagod? Samantalang ako ay pagod na pagod na sa dami ng ginawa namin ngayon. At ako pa talaga ang nag-prisintang maghugas ng plato? Wow, I did so much work today.

"O paano? Una na ako ah?" paalam sa amin ni Kuya Dustin. "Ingat kayo sa pag-uwi."

Pumasok na si Kuya sa sasakyan niya at sandaling kumaway sa amin bago umalis. Kaya naiwan naman kaming dalawa dito ni Jerome. Nilingon ko siya, nakamasid siya sa akin na para bang inaantay niya ang gagawin ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Di ka pa uuwi?" I asked him.

He smiled at me and shrugged his shoulders. Kumunot ang noo ko. Iginala ko ang tingin ko sa buong lugar para hanapin 'yung sasakyan niya pero hindi ko ito nakita. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Hatid na kita?" anyaya niya. Halos magkasalubong naman ang kilay ko.

"Where's your car? Paano ka uuwi?" tanong ko sa kanya.

He grinned at me and again shrugged his shoulders. What the hell?

"Magta-taxi? Coding ako ngayon, Sab..." aniya.

"What!?" singhal ko sa kanya. Halos mapaatras naman siya. "Alam mo bang delikadong mag-commute ng ganitong oras? Dapat ay sumabay ka na lang kay Kuya Dustin or at least sana umuwi ka na lang ng maaga! Saan ka ba umuuwi?" inis na wika ko sa kanya.

"Sa bahay..." napalabi siya.

I rolled my eyes upward. Alam niyang seryoso ang usapan pero nagawa pang magbiro ng gago. Iwanan ko na lang kaya siya dito at hayaang mapatay siya ng holdaper o ano. Para matapos na ang problema ko sa kanya? I think that's a better idea.

"'Wag mo akong pinipilosopo, Jerome!" may pagbabantang singhal ko.

"Okay, okay!" aniya at lumamlam ang tingin niya sa akin. "Depende. Pwedeng sa unit ko o di kaya sa bahay ng mga magulang ko... pero madalas doon ako sa bahay namin."

Bumuntong hininga ako. Naramdaman ko bigla ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi pa nga pala ako naghahapunan. Siguro papauwiin ko muna itong si Jerome tapos ay bibili na lang ako ng pagkain sa convenience store or fast food chain na madadaan ko pauwi.

"Call your driver... meron naman siguro kayo nun di ba?"

"Magco-commute na lang ako, Sab. May kalayuan ang bahay namin dito... kaya baka lamukin na ako dito kapag inantay ko si Kuya. At ayoko na ring istorbohin si Mama..."

Tumaas ang kilay ko habang tinitignan siya. Driver niya ang pinapatawagan ko pero anong connect nun sa Mama niya? Driver nila 'yung Mama niya? What?

"Anong connect ng Mama mo sa pagsundo sa'yo?" tanong ko.

He smiled at me. Lalong kumunot ang noo ko.

"Kapag nalaman niya na magpapasundo ako ay tiyak na sasama 'yun. Iisipin niya na may ginawa akong kalokohan kaya ako magpapasundo. Mag-aalala iyon..." aniya.

Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon. I suddenly remember my mother. Hindi kami malapit sa isa't isa, mas malapit ako kay Papa. She's too busy doing her duties as a wife of the heir of our family. Mas mahalaga pa sa kanya ang pagandahin pa lalo ang imahe niya sa halip na unahin ang responsibilidad niya bilang nanay ko. Para bang magiging nanay ko lang siya kapag may nakatingin o pumuna na sa aming dalawa. She wants the crowd to know that she's best in everything... kahit na ang totoo ay hindi. She's one of the great followers of our tradition. Kaya siya ang paborito ni Abuela. And they are expecting me to become like her? Lul. Asa pa sila.

Mapapasunod lang nila ako sa tradisyon na 'yan kapag nasa hukay na ako.

Kaya malayo ang loob ko kay Mommy. Kung tutuusin ay parang ayoko na siyang ituring na nanay ko. Sana sa ibang pamilya na lamang ako pinanganak. Sana hindi na lang siya ang naging nanay ko...

"Sab?" I was back on my sense when Jerome called me. "Ayos ka lang?" he asked in a worried tone. Bumaling ako sa kanya at nakita kong kumunot ang noo niya.

"Umiiyak ka..." mahinang sabi niya.

"Shit."

Doon lang ako natauhan. Kaagad kong pinalis ang luhang tumulo mula sa mata ko.

Why am I crying? Dahil sa gutom?

"Doon ka na lang sa dorm matulog. Nakakaawa ka kasi..." mataray na sabi ko sa kanya at iniwas ang tingin sa kanya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Talaga? Wow, maawain pala ang Sab ko..." masayang sambit niya.

Nanlilisik naman ang mata kong bumaling sa kanya. Tumawa lang siya at nagsimula na kaming maglakad papunta ng dorm. Tahimik na sa paligid dahil wala na gaanong tao ang nasa kalsada. May iilang establishments pa ang bukas at kaunti na lang ang mga customer nila.

"Umamin ka nga, Sab." pagbasag ni Jerome sa katahimikan.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Ano na naman 'yan?" inis na tanong ko.

"Buntis ka 'no? Paiba-iba kasi 'yung mood mo eh. Basta walang nangyari sa atin ah? Hindi pa ako handang maging ama- aray naman!" hindi na niya natapos ang mga salita niya ng pagsasapakin ko siya sa braso. Plano ko sana sa mukha pero sinasangga niya ang kamao ko ng kamay niya.

"Leche ka! Pamatay ka na! Sa kalsada ka matulog!" singhal ko sa kanya.

"Aray! Heto joke lang naman!" aniya.

"Your jokes are not funny, Jerome!" bulyaw ko sa kanya. Pinaghahampas ko siya.

"Aray! Masakit!"

Tumigil naman ako at matalim siyang tinignan. Nakangiwi siya ng bumaling sa akin. Bahagya niyang hinaplos 'yung parte ng braso niyang sinapak at hinampas ko. Inirapan ko lang siya at humalukipkip. He deserves that! Tama bang magbiro ng ganyan?

"Sadista ka talaga, Sab..." aniya at bakas pa rin 'yung sakit ng ginawa ko sa mukha niya.

"Sino bang nagsimula?"

Nagpatuloy ako sa paglakad at sumunod naman siya. Umirap ako sa kawalan. This guy is a fcking liar. Hindi pa daw siya handang maging ama pero ilang babae na siguro ang naikama niya. Thinking about that idea makes me want to punch the hell out of him until he dies.

"Bakit ba kasi ganyan ang mood mo, Sab? Paiba-iba..." tanong niya.

"Bakit? Ikaw rin naman ah? Mas mabilis magbago ang mood mo." I retorted.

Naging ganito lang naman ako mula ng dumating siya sa buhay ko.

My mood is so consistent... having a straight grumpy face almost everyday. But when he appeared in my life. I was shaken. Parang gumuho ang mga pader na nagtatago sa aking mga kahinaan. I suddenly feel so weak. I became vulnerable. Nakakatakot ito.

Pero wala na akong magawa dahil nandito na ito. Gusto ko ulit bumuo ng pader ngunit tila ba kay hirap. Unti-unti ng lumalabas ang mga kahinaan ko. And it's all because of this person named Jerome Miguel Alano Montello.

"Kain tayo?" anyaya sa akin ni Jerome.

Kahit na galit ako ay napatingin ako sa kanya. Kumakalam na ang sikmura ko! At sakto ang pagyaya niya sa akin. He grinned at me. Ngiting tagumpay ang loko. Inirapan ko siya. Bahagya itong napailing at hinawakan ang kamay ko at marahang hinatak palapit sa kanya. Hindi na ako pumalag.

"Gutom ka na rin 'no? Gutom na rin ako eh... di pa tayo naghahapunan." aniya.

"Hindi ka ba kumain kasama nung mga kaibigan mo?" I asked him.

"Hindi. Oras 'yun ng trabaho..."

Hindi na ako nagsalita at dumiretso na lamang ng tingin. Napatingin ako sa Jollibee na bukas pa rin hanggang ngayon. Ang alam ko ay twenty four hours itong nakabukas. Hindi rin naman ito kalayuan sa dorm kaya ayos lang.

"Jollibee na lang tayo?" tanong ni Jerome. Tumango na lang ako.

"Libre mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo..." aniya.

Nilingon ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang hawak pa rin ang kamay ko. Napatingin ako doon. Naramdaman ko ang paghigpit lalo ng hawak niya sa kamay ko.

My heart suddenly beats rapidly. Inalis ko ang tingin ko dito. I bit my lower lip.

Iya, what's happening to you?

"Ang lamig 'no?" tanong niya. Muli akong napatingin sa kanya. Malumanay ang tingin niya sa akin. He genuinely smiled. Para na namang may kung anong humaplos sa puso ko.

Ginagamitan niya ba ako ng breezy moves niya?

Wala na halos gaanong tao na kumakain sa loob. Mabilis kaming naka-order ni Jerome at doon kami umupo sa bandang dulo malayo sa mga tao katabi ng mga salaming pader. Magkatapat kaming dalawa. Bumaling ako sa pagkain, sobrang dami talaga ng pagkaing in-order niya.

Hindi kaya bangungutin kaming dalawa nito?

"First hangout pala natin 'to ng madaling araw 'no?" he smirked.

Napataas ako ng kilay at bagot siyang pinagmasdan. Ano naman ngayon? Tsaka hangout ba 'to? Nandito lang naman kami para kumain kasi gutom nga kami. Umirap na lang ako sa kawalan. Minsan talaga hindi ko alam kung galawang breezy ba siya o ano.

But I don't want to assume. Ayoko ring lagyan ng meaning ang ginagawa niya.

"Bigyan mo naman ang hustisya ang slogan ng Jollibee, Sab..." aniya at nilabas niya ang kanyang Iphone. "Bida ang saya dito... hindi nila tatanggapin 'yung mukha mong parang laging biyermes santo." aniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ang mokong.

"Dapat pala tinake-out ko na lang 'to." muli ko siyang inirapan.

"Smile ka naman, Sab..." aniya at napatingin ako doon sa phone niya na inilagay niya sa tapat namin at naka-open na 'yung front cam. "Picture tayo... for memories." he winked.

"Anong-" hindi ko natuloy 'yung sasabihin ko ng walang pasabi siyang kumuha ng picture. Pagkatapos ay tinignan niya ito bago ipakita sa akin. He's smiling at the picture while I look... I look ugh. Mukha akong timang sa picture.

"What the fuck. Delete mo nga 'yan!" singhal ko pero bigla niya akong pinicturan.

Pilit ko namang tinatakpan 'yung camera ng phone niya kasi picture ng picture ang walanghiya! Tawa siya ng tawa sa ginagawa niya. I smirked when I thought of an idea of a great comeback to him. Akala niya siya lang ang may Iphone?

Kinuha ko ang phone ko sa bag at in-open ang camera na app. Habang tawa siya ng tawa ay handa na ang plano ko. Pinicturan ko muna siya habang tumatawa. I can keep this photo for... for souvenir if ever hindi na kami friends.

Hinanda ko na 'yung camera ko at yung paa ko. I counted one to three on my head before I kicked his leg. Kasabay ng pag-ngiwi at pagreklamo niya sa sakit ng ginawa ko ay ang mabilis na pagkuha ko ng maraming pictures sa kanya. I even took a video of him. Yung mukha siyang naiimpatso at natatae.

Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood siya. Nang makabawi siya ay sinamaan niya ako ng tingin. I mocked at him. Siya naman ang nagsimula nito. Pinakita ko pa sa kanya 'yung picture niya na mukha siyang tanga.

"Grabe ka! Sadista! Kailangan talaga saktan mo ako bago ka tumawa ng ganoon?" aniya ng makabawi siya. Bahagya na siyang nakangisi ngayon sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tumawa ng ganoon?

"I laughed because you're funny!" I smiled at him.

Ngumiti naman siya sa akin at tinuro ako. "Tanggap ka na ni Jollibee, Sab! You're already smiling... totoo ngang bida ang saya dito. You look extraordinarily beautiful when you're smiling like that." he said with a great amusement.

Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya at bumaling doon sa pagkain. I bit my lower lip to hide a traitor smile trying to surpass my lips. Bahagya akong napailing.

"Uyy... ngumingiti si Sab..." Jerome said teasingly. He's even poking my arm.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nandoon na 'yung ngiti ko. Malawak naman ang ngiti niya habang patuloy akong inaasar. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o ano. In the end, hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakaramdam ng ganitong saya. Simple joys are still happiness at all.

I thought my midnights are dramatic and lonely. Lagi kasi akong umiiyak tuwing madaling araw dahil sa pag-iisip ko sa sitwasyon ko o sa kalagayan ko. But I never thought that I can be happy at this hour with someone.

"Dali selfie tayo..." sabi ni Jerome at muling itinapat sa amin ang phone niya.

I didn't hesitate to look in front of the camera and smiled with him. We did several poses before he stopped. Inabot niya sa akin 'yung phone niya. Kinuha ko naman 'to at tinignan ang mga kuha namin. Lihim akong napangiti. I never did this thing to other people aside from my best friend, Jas. Si Jas lang naman ang meron ako dati...

In-open kong muli ang camera at itinapat sa amin. I smiled and took a picture while he's eating on the background. Nung mapagtanto niya ang ginagawa ko ay huminto siya at ngumiti sa camera.

Nagulat ako nung tumayo siya at tumabi sa akin.

"After nito kain na tayo ha?" aniya at bigla akong inakbayan.

"Okay..." bahagya akong ngumiti sa kanya.

Muli kong itinapat sa amin ang camera. We both smiled then I took a picture. Sa sunod na pindot ko ay nag-iba ang pose ni Jerome. Mataman siyang nakatingin sa akin while I'm looking at the camera smiling. Lumakas ang kabog ng puso ko.

What the hell?

Idedelete ko na sana 'yung picture na iyon ng kunin niya sa akin 'yung phone niya. Umalis siya at bumalik sa upuan niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari...

"Kain na tayo..." he flashed a smile again. "Airdrop ko na lang sayo mamaya para may pangwallpaper ka. O di kaya para may mapagnasaan ka tuwing gabi." he winked.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ano daw sinabi niya?

"At sino nagsabing pagnanasaan kita?" singhal ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Baka lang naman... alam mo na... baka maisipan mo na gwapo 'tong kaibigan mo."

Umismid na lang ako sa sinabi niya at sinimulang kainin 'yung order naming Jolly Super Meal na kanina pa inaantay ng mga alaga ko sa tiyan. Umirap na lang ako.

"I never thought that I can spend this time with someone special... bihira lang ang date na ganitong oras. Mostly ibang klaseng date ang nangyayari kapag ganitong oras. Mas hot... intense..." aniya. Napatigil ako sa pagkain at matalim na tumingin sa kanya.

"Gusto mong itusok ko 'tong tinidor sa ngala-ngala mo." banta ko sa kanya at tinutok sa kanya 'yung tinidor. "Don't you dare to tell me something about your sexual activities, Montello. Hindi ako interesado. And besides, this is not a date. Gutom lang tayo pareho. Kaya kumain ka na bago ko isaksak 'tong tinidor sa'yo." umirap ako sa kanya.

Humagalpak siya ng tawa. Binalingan ko siya ng tingin at kumunot ang noo ko.

"Grabe ka, Sab... bulgar ka naman masyado! Sexual activities talaga?" aniya. Ngumisi naman siya at tumingin sa akin. "Bakit? Apektado ka pa rin sa mga sinabi nila Luke? Kapag ba sinabi ko sa'yo ang tungkol doon, pagbabawalan mo ako?" lalong lumawak ang ngisi niya.

Talaga bang pag-uusapan namin 'to?

"Hindi. Bahala ka sa buhay mo..." I looked at him.

"Grabe ka talaga. Hindi ako ganoon, Sab..." naging seryoso ang boses niya.

"Okay..." tipid na sagot ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Marahas kong tinusok yung shanghai at kinain. Tumahimik naman sa paligid. Ilang sandali ay muli akong tumingin kay Jerome. He's looking at me intently. Para bang tila kinakabisado niya ang bawat parte ng mukha ko. Tumaas ang kilay ko.

"Bakit?" I unconsciously asked him.

He smiled and raised his hand. Inilapit niya ito sa mukha ko at may pinunasan sa gilid ng labi ko. Pagkatapos ay umayos din siya. Halos magwala na naman ang puso ko sa ginawa niya.

"I'll mark this day as a special day... spending a midnight with you is a special memory that I will treasure. And this place will become memorable to me from now on." he smiled. Lihim akong napalunok. Gosh, this is insane.

"Sometimes it's not really the place, the time that makes a it special... it's the person or people whom you are with and the emotion that you're feeling in that moment makes it more special and memorable." malumanay na sabi niya at ngumiti sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Jerome..." I uttered.

"Friendship goals..." he grinned.

Sumimangot ako. "Pagiging kaibigan lang ba talaga ang pakay mo sa akin?" kunot-noong tanong ko. Lalong lumawak ang ngisi niya at hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng table.

"Bakit gusto mo ba akong maging ka-Relationship Goals mo?" he asked.

Napaanga ako sa sinabi niya at pakiramdam ko ay naghumarentado na naman ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Huminga ako ng malalim at tumingin din sa kanya ng diretso.

Jerome is creeping the depths of my heart. He's really waking up something that's been sleeping inside me. And I know... medyo delikado na ako sa kanya.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

699K 8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
143K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
4.8M 171K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...