Back In His Arms Again (Publi...

By VentreCanard

49.4M 1.2M 318K

I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who c... More

Prologue
--
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
--
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
NOTE

Chapter 44

514K 12.8K 2.3K
By VentreCanard

Chapter 44


Habang kausap ni Owen ang mga pulis dahil sa mga pangyayari nanatili si Troy sa tabi ko. Hindi niya pinababayaang manahimik ako at mag isip nang malalim, hangga't maaari gumagawa siya ng paraan para may mapag usapan kami.


"Gusto mo ba na ihatid na kita sa inyo?" tanong niya sa akin.


"Hindi na, hihintayin ko na lang ang mga pinsan ko. Hindi ba at padating na rin sila?" sagot ko sa kanya. Tumango muna bago siya sa akin bago muling nagsalita.


"What do you want? I can buy something for you. Nauuhaw ka ba? Do you need something?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

Umiling lang ako sa tanong niya. Hindi ko na alam ang iisipin ko sa pagkakataong ito, muntik na akong mawala sa mundong ito. At sobrang gulo pa nang iiwanan ko.

Muling nagsalita si Troy at pinili ko na lang munang makinig sa mga sinasabi niya.


"Hindi ko alam kung anong problema ng mga taong ito sayo Doll, kahit noong nasa mansyon ka pa hindi ko lubos maisip na may mga taong may gustong gumawa ng masama sayo. They're all crazy. Fuck them all" galit na sabi niya.


"Kakambal ko na siguro ito Troy, kung hindi ko siguro kayo nakilala malamang matagal na akong patay.." mahinang sabi ko sa kanya.

Marahan akong napatingala sa kalangitan na nagsisimula nang kumulimlim. Mukhang uulan pa yata.


"Kaya nga nakilala mo kami hindi ba? To keep you safe and alive..may purpose din ang pagiging Shokoy namin Doll. To protect this certain goddess.." kita ko ang bahagya niyang pagngisi sa sinabi niya. Nanatili akong hindi nagsasalita. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Nang nanahimik si Troy ng ilang minuto ay nagpasya na akong magsalita dahil alam kong nahihirapan na siyang mag isip ng kung ano pang sasabihin para maabala lang ang malalim kong iniisip.

He's doing his very best to brush my mind with all of this mess..kung pwede lang sana Troy. Kung pwede lang sana.


"Bakit nyo nga pala ako sinundan Troy? May kutob na ba kayong may mangyayaring ganito?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya sa akin.


"Sa totoo lang, nagulat kami ni Owen nang makita namin ang sasakyan mo. Hindi namin alam na may mangyayaring ganito. Sinundan ka namin dahil 'yon ang gustong gawin ni Nero. Hindi namin siya pinsan kung hindi namin alam kung ano ang takbo ng isip niya kahit hindi niya sabihin sa amin ang gusto niyang gawin, malalaman at malalaman namin. Tulalang tulala ang gago sa bintana at hindi namin makausap nang umalis ka. Kaya sa halip na hayaan namin si Nero na mabaliw sa kaiisip sayo kung nakauwi ka ng maayos o hindi nagvolunteer na kami ni Owen na sundan ka and Voila! Some son of the bitch fuckers threatened our precious Almero again. Damn. If we did just arrive earlier this won't happen..." pansin ko ang pag iigting ng bagang ni Troy.

It's very unusual for him to have this kind expression. Ang kilala kong Troy ay laging palabiro, nakangisi at laging punong puno ng kalokohan.

I made him like this. Damn.


Tumingin ako sa malayo at muli akong nagsalita.


"Masaya ba kayo sa ginagawa nyo Troy? Doing this for me? Protecting me out of nothing? Minsan ba naisip nyo na sana hindi nyo na lang ako nakilala? I made your lives complicated, no matter how many sugar coats you tell me. Alam kong ako ang rason kung bakit nagiging kumplikado ang buhay nyo.." pinili kong manatiling nakatingin sa malayo. Natatakot ako sa anumang maging ekspresyon niya..sa magiging sagot niya.


"Ito na naman ba tayo Doll? Alam mo na ang sagot ko dyan. Si Nero, ako, si Aldus, si Owen at pati na rin si Tristan. We love you Doll, hindi pa ba rason 'yon? Sa tingin mo ba aabot kami ng ganito kung hindi ka mahalaga sa aming lima? We love you, 'yon ang dahilan. Pity on us, si Nero ang pinili mo" dito na ako napalingon sa kanya.

Oh Troy, please don't talk like this. Nahihiya ako, hindi lang sa kanya kundi sa babaeng nagmamahal sa kanya. Ayokong umabot na pati sa buhay pag ibig nila ay magulo ko na rin.


"Troy I told you, hindi---" hindi niya na ako pinatapos magsalita dahil iniharang niya ang forefinger niya sa mga labi ko.


"Don't tell it, kung 'yon ang pinaniniwalaan mo. Then okay. Basta, you're my first love Florence Almero, ang babaeng nahalikan lang sa kamay na agad nanutok ng baril. Pfftttt, damn. Why I can't forget that? Akala ko talaga babarilin mo ako ng mga oras na 'yon. You're too silly and cute that day..I won't ever forget the day that I first laid my eyes on you. Pity on me, Nero got you first..."


"Troy, ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo na—" muli na naman niya akong pinatigil sa pagsasalita.


"Yes, yes. It's just a sort of protective instinct oh whatever kung ano man ang akala mo sa sinasabi kong first love, minsan na nga ako umamin Doll kung ano ano pa ang sinasabi mong mga instinct instinct na 'yan. Just don't forget beautiful Florence Almero. Ako ang first kiss mo, remember?" nagulat na lang ako nang bahagya siyang yumuko at hagipin niya ang kanang kamay ko katulad nang araw na una kaming nagkita.

He kissed it and he winked at me.


Hindi ko na napigilang hindi mapatawa sa ginawa ni Troy. Yes, he's my first kiss. Siya ang kauna unahang Ferell na lumapat ang labi sa akin.

The first time he kissed the back of my hand.


"At last napatawa na kita. Come on Doll, trust me. Magiging maayos din ang lahat" bahagya niyang isinumping ang mga takas na buhok sa mukha ko.


"Count 1 to 3 Doll..I have something for you.." nagtataka akong nakatitig sa kanang kamay niyang bahagyang nakasarado sa harapan ko.

Don't tell me this is one of his magic tricks? Oh well, hindi na ako nasanay. Frustrated magician nga pala itong paboritong apo ni LG.


"Come on, just count Doll, slowly.." tamad na sabi niya sa akin. Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.


"One.." nagsisimula na siyang ngumisi. Ano na naman kaya ito?


"Two..." bilang ko.


"Three.."

Nagulat na lang ako sa nakikita ko. I don't expect this.


Kasabay ng pagbubukas ng kanyang kanang kamay ay may kulay dilaw na paruparong lumipad mula dito. Wala akong nagawa kundi panuorin ang mabagal na paglipad nito. It's so beautiful and I can't take my eyes on it.

May inilagay ba dito si Troy para sundan ito ng aking mga mata?


"You're like that beautiful butterfly Doll, time will come and you'll be free from all of this complication. Look at her colour, it means happiness and hope. If you can't give your own colour, we can give you not just yellow but every other colour that we can offer in this world.."

Seryosong sabi niya sa akin habang prete siyang nakapamulsa na nakasunod ang mga mata sa kulay dilaw na paruparo.


At sa pagkakataong ito, alam ko sa sarili kong totoo ang mga ngiting nasa mga labi ko.


--


Hindi ako iniwan ni Owen at Troy hanggang sa makarating ang mga pinsan at kaibigan ko. Halos takbuhin ako ng dalawa kong kaibigan at sabay nila akong niyakap ng napakahigpit. Ganun ang ginawa ko sa kanila.


"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Florence?! Look what happened to you? My God!" frustrated na sabi ni Camilla na hindi maintindihan kung sasabunutan niya ako o ang kanyang sarili.


"Kung isinama mo kami, malamang hindi ito mangyayari" dismayadong sabi ni Aira. Samantalang ang dalawa kong pinsan ay hindi man lang nagsasalita sa akin. Alam kong nag aalala rin sila at alam kong hindi lang pag aalala ang nararamdaman nila. They're mad.


"Florence, mag uusap tayo mamaya" seryosong sabi ni Kuya Nik

Nakita ko siyang parang sumenyas gamit ang kanyang mga mata kay Troy na tahimik lamang na nasa tabi ko. Si Owen ay abala pa rin sa pakikipag usap sa mga pulis at kung sino sino pang mga taong alam kong kasama sa pag iimbestiga sa pangyayari.


"Doll.." 'yon lang ang sinabi ni Troy. Bahagya akong tumango bilang sagot sa kanya. Alam kong mag uusap sila ni Kuya Nik ngayon. Bakit hindi na lang nila pag usapan sa harapan ko?

Damn. How I hate their secrets.


"Florence, saan ka nanggaling? Damn. Kaya masama na ang kutob ko kagabi, may masama ka na namang gagawin. Alam mo ba ang sitwasyon mo?" seryosong sabi sa akin ni Gio na salubong na salubong ang kilay sa akin.


"I'm sorry.." mahinang sagot ko sa kanya.


"Sorry? Sa tingin mo may mangyayari pa 'yang sorry mo Ate Florence? Nakalapit na sila sayo..konting konti na lang Ate..abot kamay ka na nila. Ano na lang ang mangyayari sa amin ni Nicholas? ng lolo mo, kapatid mo. Kami ng mga kambal..kaming pamilya mo? ng mga kaibigan mong 'yan? kapag nagtagumpay sila? Please, isipin mo muna kung ano ang mga gagawin mo, madami kaming maiiwanan Ate..madami kaming mawawalan..you're too reckless..hindi ka na natuto"

Hindi na hinintay ni Gio ang anumang sasabihin ko dahil tumalikod na siya at dumiretso kay Kuya Nik at Troy na nag uusap.


Sinundan ko na lang siya ng tanaw. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nang gabing 'yon. I planned to escape from the reality, gusto ko muling tumakas sa lahat ng pangyayaring ito. Pero hindi ko alam na sa mansyon ng mga Ferell ako dadalhin ng aking mga paa.

Hindi ko pinalanong pumunta sa mansyon nang gabing 'yon, gusto ko lang magpakalayo layo. Pero hindi ko maintindihan, parang may kung anong tumulak sa akin para magpunta sa mansyon ng mga Ferell.


"Florence, alam mo ba na hindi ko nagustuhan ang ginawa mo sa amin?" hindi ako makatingin ng diretso sa mga kaibigan ko. Aminado akong mali ang ginawa ko sa kanila pero mas ayokong isama sila nang gabing 'yon.

Tatanggapin ko na sigurong muli akong mapahamak, huwag lang ang mga inosente kong kaibigan.


"I'm sorry.." ito na lang siguro ang kaya kong sabihin sa pagkakataong ito.


"Oh well, sanay na kami. Ganyan ka naman lagi.." kibit balikat na sabi ni Camilla sa akin. Sa halip na sumagot ay nanatili na lang akong tahimik.

Maraming nagkalat na pulis na sinusuri ang pinangyarihan, si Owen ang kasalukuyang sumasagot sa mga tanong ng mga pulis. Malaki ang itinutol nilang dalawa nang tangkain akong tanungin ng mga pulis tungkol sa mga nangyari pero alam kong walang mangyayari kung mananatali akong tahimik kaya may ilan akong sinagot na maaaring makatulong para malaman kung sino ang mga taong ito na may napakalaking galit sa akin.


Napansin kong may pamilyar na sasakyang pumarada sa hindi kalayuan. Hindi lang ako ang mabilis nakapansin dito, maging si Gio ay naging alerto at agad kinuha ang pansin ni Kuya Nik sa sasakyang kadarating lang.

Maging ang dalawang Ferell ay napasulyap sa kulay itim na kotseng nakatigil sa hindi kalayuan. Iba ang pakiramdam ko sa sasakyang ito.

Nakita kong bahagyang tinapik ni Troy ang balikat ni Kuya Nik. At muli silang bumalik sa pag uusap, maging si Owen ay bumalik sa pakikipag usap sa mga pulis, si Gio naman ay kunot noong nanahimik na lamang. Kung ganun tama nga ang hinala ko.

Kahit napakalayo namin sa isa't isa, kahit hindi ko makita ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang presensiya niya mula sa napakalayong distansya namin.

He's here afterall. He's there, he's inside that car. Sinundan niya pa rin ako kahit galit na galit siya sa akin, kahit pinagtabuyan niya na ako at kahit ilang beses ko na siyang sinaktan.

He's still there, looking for my safety. Nero.


Gusto kong humingi ng sorry sa kanya, gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko sa kanya. I want him right now, I want his embraces, his loving whispers, his kisses. Everything about him. Pero natatakot na ako, tuluyan na niya akong pinapalayo. He's tired of me, he's tired of everything. Sobra sobra na itong ginagawa ko sa kanya, masyado na siyang nahihirapan sa akin. Damn.


"Where are you going Florence?" tanong sa akin ni Aira. Hindi ko na napansin na humahakbang na ang mga paa ko.


"I want to reach him, siya lang ang makakapagpakalma sa akin. I want to feel him. I want his arms around me bahala na. Siya naman ngayon. Ayoko na, si Nero naman ngayon.." hindi ko na masyadong narinig ang sinabi ng mga kaibigan ko dahil sa tumatakbo sa isipan ko.

Nagsimula na akong maglakad sa sasakyang nananatiling hindi gumagalaw sa posisyon nito.


Pakiramdam ko ang pagsunod ng mga mata ng mga pinsan ko maging ang dalawang Ferell. Hindi ko na ito pinansin at pinagpatuloy ko ang paglalakad papalapit sa kanya. Habang lumiliit ang distansya namin mas lalong humahataw ang tibok ng puso ko. Paano kung hindi na niya ako tanggapin? Paano kung ayaw na niya talaga? Paano kung hindi na niya ako mapatawad? Paano kung tuluyan na siyang sumuko sa akin?

Ilang hakbang na lang ako sa sasakyan kung saan laman ang lalaking pinakamamahal ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako muling humakbang papalapit sa kanya.


At nang akma na akong magsasalita sa harapan ng sasakyan niya ay napalingon na lang ako sa maingay na gulong ng panibagong sasakyan dahil sa walang habas na pagpreno nito.

Malakas na pagbagsak ng pinto ng sasakyan ang sunod na nangyari. At sa bilis nang pangyayari natagpuan ko na lang ang sarili kong nakakulong sa mga bisig ni Ashong na panay ang halik sa ibabaw ng ulo ko.


"Oh god Florence, what happened to you? I'm goddamn worried" mabilis niyang hinawakan ang mga pisngi ko at sinalubong ang mga mata ko. Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa noo ko.

Napatulala na lang ako sa nag aalalang mukha ni Ashong na masuyong nakatitig sa akin. Ashong, why now? Bakit sa harapan niya pa?

Dahan dahan kong hinawakan ang mga kamay niyang nakahawak sa akin at ibinaba ito. Nag aalangan kong sinulyapan ang sasakyang laman ang lalaking pinakamamahal ko.

Buhay na ang makina nito. At walang sabi sabing humarurot na ito nang takbo papalayo.


Papalayo sa akin. Hanggang sa hindi na ito maabot ng aking mga mata..

Napahawak na lang ako sa pisngi kong bahagyang nabasa mula sa maliit na patak ng tubig. Dito na ako muling napatingala mula sa kalangitan.


Great, the sky wants to cry with me.



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 22.8K 3
X10 Series: Kent Xavier Ignazio and Brent Xander Ignazio From rugs to riches. From ugly ducklings turned into beautiful swans. This is a story of how...
49.1M 1.3M 54
Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. Isa lang din pala siya sa mga babae na pi...
49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
14.3K 1K 66
Mature content for +17 only she hates everything about her life. her very existence who she is and where she came from. she tried to live a life oppo...