He's my "SEATMATE" and also m...

By lemycastillo

39.6K 816 106

Im Myla Jasmine Reyes, im a Personal Assistant of our CEO in Santos Company. And my Boss... was my seatmate a... More

Prologe
Seatmate C.1
Seatmate C.2
Seatmate C.3
Seatmate C.4
Seatmate C.5
Seatmate C.6
Seatmate C.7
Seatmate C.8
Seatmate C.9
Seatmate C.10
Seatmate C.11
Seatmate C.12
Seatmate C.13
Seatmate C.14
Seatmate C.15
Seatmate C.16
Seatmate C.17
Seatmate C.18
Seatmate C.19
Seatmate C.20
Seatmate C.21
Seatmate C.22
Seatmate C.23
Seatmate C.24
Seatmate C.25
Seatmate C.27
Seatmate C.28

Seatmate C.26

422 13 1
By lemycastillo

**********
Mark's POV

{"Ou nga Mark. Let me do the job. Gaya nga sinabi ko, ako ng bahala. Don' worry, siguro naman ung rehearsal magagawan ko ng paraan. Natapos nga namin lahat ng kailangan ng wala ka. Yun pa kaya. I can hadle this. 'We' can handle this. Just use the remaining break-time to entertain my Beasty. With you or without you. Makakakuha ako ng passing score. Makukuha ko din ang class card ko. Makukuha namin ang passing grade."}

{"Kung iniisip mo ung cooperation and participation Mark. Wag kang mag-alala. May konsiderasyon din naman ako at alam kong pera mo ung itinapong para sa ilang materyals. Kaya wag kang mag-isip sa grade mo. Magperform ka man o hindi. Kung ano ung grade na lalabas sa class card ko sa subject na to, wag kang mag-alala ganun din ang sayo."}

Parang nakarecord ang mga sinabi ni Jasmine samin kanina dahil paulit-ulit na itong umiikot sa utak ko . Hindi ko maimagine na ako ang vice ng group naming un pero kahit magsulat ng isang letra sa  sasabihin ko wala manlang akong nagawa. Hayys nakakainis lang kasi I tried--- I mean I really wanted to help. But everytime I'm trying, Samantha always block the way. Ou napapansin ko naman ang pagiging ewan niya tuwing magkasama kami nina Jasmine. Parang siyang Great wall of China kong makapangbakod samin ni Jasmine at ang nakakainis pa nito, ito namang si Jasminang Mananakit na to umaandar na naman ang pagiging patay malisya. Katulad na lang nito, sa halip na ipaglaban niya ung project namin kay Samantha. Nagpakabayani na naman at hinayaan na niyang kunin ni Samantha oras ko. Alam ko namang na  sakin naman un kung gusto kung sumama pero hindi man lang niya ipinaglalaban sa kaibgan niya na kailangang kailangan ako dun. Kahit na mababait ung mga kagrupo ko alam kong naghihinakit na din ung mga un dahil kahit isa ako sa Dj dun wala parin akong naitulong.

"Mark okey ka lang ba?" Parang nagising ako sa katinuan ko ng magsalita si Samantha na kasalukuyang katabi ko parin sa upuan.

"A-ah. Ou. Iniisip ko lang kasi si Jasmine. Natapos na pala nila ung presentation ng hindi ko nalalaman." may lumbay na sabi ko at tumingin na lang sa malayo. Ou tama kayo, wala akong  kaalam alam sa nangyayari na sa project naming un. Kung ano ng nagawa at di pa nagagawa namin at ngayon ko lang nalaman na airing na pala ang prinapractice nila. At ako? Ito nauubos lang ang oras pakikipagusap kay Samantha. Nakakaguilty tuloy.

"Mark ano ka ba. Wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Kasalanan ni Jasmine un kasi alam niyang busy ka. Hindi na lang siya nag-isip na bigyan ka ng gagawin mo. Ung bang itatake home mo. At isa pa alam naman niyang di ka nakakasama sa meetings ee bakit na lang di niya irecord ung pinagmeetingan o sabihin sayo by e-mail. Alam mo Mark---" hindi ko alam pero medyo nainis ako sa mga sinabi niya. Hindi nakakatulong ang mga payo na sinasatsat niya, un lang masasabi ko.

"Samantha hindi basta ang radio presentation na nagagawin na namin. Hindi pwedeng magkanya-kanyang gawa dun lalo na ako, isa ako sa taga pagpadaloy ng programa at ang gagawin ko dun ee magsasalita. At kung iniisip mo bakit ako namromroblema, kasi kahit isang letra man lang nasasabihin ko sa script ko wala akong naiambag. Tsaka bakit ba kailangan ko pang pahirapan si Jasmine na magrecord at mag-email sakin kung pwede naman akong umatend sa mga meetings na yun  at sino ding nagsabi na busy ako. Siguro nga dapat busy ako. Ngayon! Sa paggagawa ng radio presentation namin na yun dahil grade ko un. Para sakin un para sa kinabukasan ko un." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin lahat ng iyon sa  kanya. Ngayon ko na lang ulit siya napagsalitaan ng ganito simula nung una naming pagkikita. Alam ko madalas niyang ginagawa ito, ung pagsalitaan si Jasmine ng kung ano ano pag kaming dalawa lang. Pero sa sitwasyon na to sumusobra na siya, ibang usapan na. Hindi deserve ni Jasmine un dahil alam kong nagpakahirap siyang gawin lahat ng iyon kahit wala ako sa tabi niya. Nakakakonsensya.

"A-Ah s-sor-ry. Akala ko lang naman---" at magsasalita pa sana siya ng bigla ko ng pinutol.

"Wala tayong alam sa mga ginawa at pinaghirapan ni Jasmine. Kaya pwede ba? Stop making negative things about her. Alam kong alam mo kung gaano kaaggresibo ang kaibigan mo pagdating sa isang bagay. Kaya sigurado akong talagang pinaghirapan niya un." Nasabi ko na lang at agad siyang iniwasan ng tingin.

"O-okey." Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Halika na. Ihahatid na kita sa room niyo."  walang emosyon kong sabi na di man lang siya tinatapunan ng tingin at agad tumayo.

"Pero Mark you know wala akong makakausap dun! Besides sabi nama---" Pagmaktol nito sa tunong may inis pero di pa siya natatapos.

"Samantha. Kung wala ka talagang maka-usap. Mas mabuti un dahil ung idadaldal mo sa iba. Ireview mo na lang gaya nga ng sabi mo. This Friday na ung laban niyo. Matagal din kayong mawawala kaya kung ako sayo mag-aaral na ako. Mahirap ang labanan ngaung batch niyo. Ung champion ng school ko dati ang pambato nila at alam kong ikaw naman dito. Kaya kung ako sayo ung sasayangin kong oras pakikipag-usap. Ipagresearch mo na lang. Isipin mo ung expectation ng school natin sayo. Name ng school ang dadalahin mo kaya don't make something na ikakasama ng tingin ng ibang tao at kailangan kong tulungan si Jasmine dahil hindi lang ung grade niya  ang pinaguusapan dito. Nakasalalay din dun ang grade ko." Sabi ko sakanya na hindi parin nawawala ung guhit sa noo ko. Agad na akong naglakad hudyat ng pagsasabi na tara na. Rinig ko ang inis nito na pagkuha ng bag niya at agad naglakad. Alam kong ayaw niya na nagsasama kami ni Jasmine, pero wala siyang karapatan na bakudan ako sa mga tao. Tapos na ang pagpapasensya ko sa kanya. Di ko na  hahayaang gumawa pa siya ng bakod samin ni Jasmine. Kaibigan ko lang siya at ganun din naman si Jasmine. Ewan ko ba bakit naiinis ako pero sa ngayon mas kailangan ako ni Jasmine. Naging malapit din naman sakin si Samantha, pero hindi ibig sabihin nun pag mali siya di ko na itatama un. Kung mali siya sa paningin ko. Mali siya.

Hindi ako gaanong nag-iimik habang papunta kami sa room niya. Wala ako sa mood. Gusto ko naman si Samantha. Ewan ko lang pero pag dating kay Jasmine ibang usapan. Ayoko ng pinagsasabihan niya ng kung ano-ano ung kaibigan niya lalo na pag-alam kong wala naman sa lugar at wala namang dahilan. Naiinsulto ako, pero hindi naman ibig sabihin noon ee kakalimutan ko na ung pinagsamahan namin. Besides aaminin ko naging masaya din naman ako kasama si Samantha. Pero ngayn mas kailangan ako ni Jasmine at gusto kong makatulong. Alam kong dapat lang akong tumulong dahil groupmates kami pero siya na un. Minsan ko lang maramdamang kailangan niya ako kaya gusto ko nasa tabi niya ako. I need to be there.

Malapit na kami sa room ng pinagrereviewhan nina Samantha ng biglang may sumalubong saming babae.

"Sasa I was looking for you. Kailangan na nating pumasok. May announcement daw si Sir." May accent katulad ni Samantha ang babaeng to kaya I'm sure magkaibigan sila besides she call her 'Sasa'. Last time I heard.Samantha told me that 'Sasa' thing is only made and only knows by her childhood friends. Kaya imposibleng hindi niya ito kaclose.

"Ah ganun ba. Sige. Ahmmm Mark I go---" may sasabihin pa sana si Samantha pero pinutol ko na ato

"Yeah sure, besides I need to see Jasmine. I need to make it up on my groupmates for my absences." Sabi ko na lang at agad kumaway. Rinig kong magsasalita pa siya pero di ko na pinansin at tuluyan ng umalis.

Kailangan kong magpakafocus ngayon. Alam kong may sama ng loob or something bad sakin si Jasmine dahil sa pinabayaan ko siyang manguna sa progject na yun. Well siya naman talaga mangunguna dun dahil siya pinili naming leader. But! Vice parin ako. And I need to be at her side as her Vp. And nasan nga ba ako? Wala nakikipag-ubusan ng oras kay Samantha na unlitime naman sakin. Tss!

Habang sinisisi ang sarili di ko na namalayan na nakarating na pala ako sa room namin. Agad ko namang iniikot ang paningin ko sa apat na sulok ng room namin para hanapin si Jasmine. Pero wala na siya. Tiningnan ko din kung may kagroupmates ako sa loob ng room pero wala din.

"Bro sina Jasmine?" Tanong ko kay Aj na kasalukuyang nakikipag kwentuhan sa mga kaklase ko sa unahan.

"Oh bro? Ah sina Jasmine ba? Nasa music room sila. Magrerehearsal daw para sa time limit. Diba kagrupo ka ng mga un? Bakit nandito ka? Pusta hindi ka na naman umatend ano!?" sabi nito na nakakainsultong tuno. Alam kong totoo pero nakakainis lang pakinggan.

(I know Mark. Truth hurts babe.)

Tumahimik ka nga missA.

(Blah blah blah)

"Dami mong nasabi. Isa lang tanong ko. Salamat." sabi ko na lang at agad siyang sinuntok sa balikat ng mahina sabay alis.

"Sinagot ko lang tanong mo! Your welcome!" Dinig kong sabi niya habang tumatakbo ako paalis ng room.

Dali-dali naman akong bumaba sa 1st floor para puntahan ang music room. Hayy grabeh, naiwan na talaga ako ng sistema ng project naming un. Dami kong di alam.

Nang makarating ako sa tapat ng music room napahinga muna ako ng malalim upang maibalik ang lakas dahil sa mabilis na pagtakbo.

["Napakafamiliar na ng mga ganyang problema diba partner? Pero kahit ganun kafamiliar still we can't make or made the perfect solution..."]

Sa pintuan pa lang ay dinig ko na ang boses ni Jasmine na mukhang nagprapraktis na. Napangite naman ako at sinimulan ng pihitin ang doorknob. Siguradong matutuwa sila pagnakita nila ako.

["Pero ikaw partner for you. Anong maiipayo mo sa ating caller for today..."]

Masigla at masayang dinig ko kay Jasmine sa paraang katulad ng mga Dj sa radio. Habang binubuksan ko ang pinto mabilis na pumasok sa utak ko kung gaano kagaling ni Jasmine at nakagawa nga siya ng malaradio prog na script. Naeexcite naman ako ng maisip pag nagcombine na ung part ko at ung kanya. Nang mabuksan ko ang pinto na sapat para makita at makapasok ay napatigil na lang ako nang makitang..

["Ou nga partner tama ka jan. Napakahirap talagang mafriendzone sa mga panahong ito. Ung feeling na akala mo okey kayo. Ung kulang na lang lunudin ka sa kilig. Tapos un pala, company mo lang ang gusto niya and no string attach. That is ouch! Pero okey lang yan ate girl. Ito na lang ang maiipayo ko sayo. 'If he pushes you away. Find someone who will pulls you close'. I'm sure naman may deserving pang tao at hindi un ung kaibigan mo. At tandaan mo if you guiz are meant to be. Destiny will always find the way. So kay ate girl na caller namin. Wag ka ng malungkot. Move on na lang. And wait for the deserving and perfect person for you. Kaya naman, this song is for you."]

At napatigil na lang ako ng makita ang isang lalaki na hindi ko kilala kasama ni Jasmine sa loob ng recording room habang may suot na headphone. Ang lalaking nagsasabi ng mga salitang dapat ako ang nagsasabi.

["That's right partner! Hugot for today! #letgo #waitftoryourdestiny. This is Hindi na bale by m Drillon. At magbabalik ang inyong doktora. This is Dj Jasmine."]

["And your doctor Dj Kent."] Sabi ng isang lalaki.

["Na laging nagpapaalala. Kung lahat ng sugat my gamot. Kami ang mang gagamot. This is Heart Healer 101.3 Radio Station. May sugat ka ba? Tawag na!."]

Sabay na sabi ng dalawa. Tila gusto kong humanga sa narinig ko, parang totoong-totoo silang nakaon-air. Kahanga-hanga. Hindi ko inasahan na gaganda ng ganun ang project namin un. Nakakainis naman dahil wala man lang akong naitulong. Pero mabilis iyon nagbago ng umaypir na si Jasmine dun sa lalaking nang-aagaw ng posisyon ko!

Kita ko ang pag thumbs-up ni Jasmine kina Denis at Sari na nagooperate sa labas ng recording room. Agad namang tumugtug ang kanta na nasabi.

♪♪Bakit ba kay hirap tanggapin♬♬
♬♬Na ikaw ay di na magiging akin.♪♪

Blag!

Bigla na lang silang napalingon ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto kahit sina Jasmi.e napatingin din dahil pa dilim muli ng room. Hindi ko na napansin na nabitawan ko na pala ang pagkapigil ko sa pintuan kaya nagsara.

( Weh? Ung totoo? Lakas na un? Dahil lang sa nabitawan mo ang pagkahawak? Charing! Aminin na inihambalos mo ung pinto para manotice ka nila na nanjan ka na sa loob.)

Can you just shut up! I'm in the middle of the hot temperature!

(Weh? Hot temperature? O ung ulo mo ung hot?)

Shut up! Okey? shut up!

(Fine. Highblood ka na eh. Asar talo. Bleh!)

Tila hindi maipinta ang mukha nila at nanatiling nakatingin habang tumutogtog ang nakasalang na kanta. Oh yes I'm here.

----------
Hello fellow readers. Sorry po ah kung ngaun nalang ulit ako nakapagupdate alam niyo naman ung reason diba? Hindi po ako active dito at inayos ko pa ung ibang chaps kasi may nagreklamong critic na reader. Hiyang hiya naman kasi ako.

Anyways. Sorry po bawi nalang ako ng dalawang chaps. :))

Thank you for reading guiz! Vote and leave your comment/s!
Sana nagustuhan niyo ang chapter na to. Subay bayan po natin ang mangyayari sa #MaIne♥♥♥

For more info: (char! Pero guis tunay to)

Please do follow me here:

In wattpad: @lemycastillo

In twitter: @castillomyel

In snapchat: @lemycastillo

In instagram: @lemycastillo2206

Also like my Facebook Page ☞ Lemy Castillo- MissA

Wait for the next update...

Love. missA

Continue Reading

You'll Also Like

59.5K 2.7K 97
for everyone to know this story is just fiction and no truth
342K 7.5K 92
Sebastian is a daddy that has been looking for his perfect little boy. He eventually meets Oliver who is two years old and most importantly, the perf...
6.1M 47.5K 56
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
43.3K 3.1K 19
𝐼𝑑'𝑠 π‘Ž π‘ π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘¦ π‘œπ‘“ π‘—π‘’π‘›π‘”π‘˜π‘œπ‘œπ‘˜ , π‘Šβ„Žπ‘œ 𝑖𝑠 π‘Žπ‘π‘’π‘ π‘’ 𝑠𝑖𝑛𝑐𝑒 π‘β„Žπ‘–π‘™π‘‘β„Žπ‘œπ‘œπ‘‘ 𝑏𝑦 β„Žπ‘–π‘  π‘œπ‘€π‘› π‘π‘Ÿπ‘œπ‘‘β„Žπ‘’π‘Ÿπ‘  . "π½π‘’π‘›π‘”π‘˜π‘œπ‘œπ‘˜...