Seatmate C.2

2.1K 60 2
                                    

*****
Mark's POV

Maaga akong pumasok sa bago kong school para naman makapag ikot ikot din at malaman kung saan ang classroom ko. Hayy di naman dapat ako lilipat dito ee. Graduating na ko at masaklap pa nito ee last grading na ng mapagdesisyonan pa ni Papa na palipatin ako. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sila ng may-ari ng school ko. Hay si Papa kasi ang taas ng pride! Ewan ba. Hindi kasi nakasundo ni Mama ung nag-alok ng partnership sa school namin at si Papa naman to the rescue agad kay Mama. Feeling naman ni Papa napag-api na si Mama. Nawalan na ng gana si Papa na tumulong sa dati kung school. Kaya ayon. Ito ako kasama sa naapektuhan ng away bata nilang alitan. Isa pang dahilan bumili sina Papa ng property malapit dito. Kaya ang lakas ng loob palipatin kami.

Naglalakad na ko papasok ng compound ng biglang..

"Miss ang I.D nyo po?" sabi ni Manong Guard sa isang babaeng papasok palang.

"Aish---Ahm Guard sige po babalikan ko na lang." agad tumalikod at umalis ang babae.

Napangite na lang ako kasi sa mukha palang niya parang ang sama sama na agad ng araw nya hehe. I wonder why. :)

Nang maka-alis ung babae nagdiretso ako sa information para itanong kung saan ang section ko. Si Mama kasi ang nag-asikaso ng paglipat ko. Kaya kahit anong information wala akong alam.

"Good morning Miss. Pwedeng magtanong? Ahmm. Gusto ko lang malaman kong saan ang section ko?" tanong ko sa babaeng nakaupo na parang kasing edad ko lamang sa loob ng information. Working student to sigurado.

"Ah pangalan po?" tanong naman sakin.

"Ah. Ahm Santos, Mark Jhon." sagot ko naman habang nakasilip sa butas ng salamin.

"Ah. kayo po pla ung bagong transfer from Larry Heins Academy. IV -A po. Sa second floor po ang class room nyo. Kaliwa po ng Lab."

"Ah sige Miss thank you"

At gaya nga ng sinabi ng information agad na akong nagpunta sa bago kong classroom.

Nang makarating, agad naman akong pinagtinginan. Ito ung ayaw ko. Pag bagong mukha. Kikilatisin muna ng tingin. Kanya kanyang conclusion kung anong klasing tao ako. Tss!

"Ah. Hi." matipid na bati ko.

"Ah. Ikaw siguro ung bagong transfer. Hi A-jay nga pala." bati naman agad sa akin ng lalaking tumayo para makipagkamay.

"Hi" bati naman ng ilang mga mga estudyante sakin.

Nang matapos akong makipagkilala sa aking mga bagong kaklase ay may biglang pumasok na babae na may dalang libro ng history. I knew it kasi sa kulay at cover palang nito ee alam ko ng history book un at agad umupo sa tabi ko. Siya ung babae kanina sa school gate. Pagkaupo nya e dali-dali nyang binuksan ang libro at nagbasa. Napangite na lang ako. This girl, she's making me amazed haha. I think may makakasundo na ako. Tingin ko sa kanya ee bookish siya. The way she moves. She's like a geek but it's awesome. Ilang minuto pa ng mapagdesisyonan kong batiin na siya ng biglang..

"Wala akong alam na isasagot sa Historing yan!" malakas na sigaw nya at napatayo pa na nagresulta ng pagtinginan siya ng buong klase.

Hahaha! Natutuwa ako sa kanya. She's funny. Attentive na attentive pa naman siyang magbasa akala ko naman my naiintindihan siya hehe. I think she hates History. Hitsura palang nya. Hehe. Nakatingin lang ako sa kanya habang natatawa. Natatawa ako not b'coz wala siyang alam sa history. It's because she's cool. Super cool. As in pagkapasok na pagkapasok nya, she didnlt even recognize that im sitting beside her.

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now